Friday, August 24, 2012

Alyessa and the Wizard: Chapter 2

~CHAPTER TWO : Dinner With the Ogre? ~
Note: As you can see, pinalitan ko yung Chapter 2 at binura ko yung Chapter 3-5. Ayokong isipin ng ibang tao na wala kaming Originality. Or better yet. Wala AKONG Originality.

(Alyessa Howell's POV)

*Tok Tok Tok!*


Napabalikwas ako ng bangon. Sino yung kumakatok na yun? Ay teka? Ano na nga bang oras ngayon?


"Dinner Time!" Sigaw nung nasa labas. Lalaki ata yun? 

Narinig ko na yung yabag niya paalis kaya tumayo ako at dumiretso sa pinto. Ay teka. Dalin ko pala yung Stick.

Kinuha ko yung Stick sa may lamesita saka ko dahan-dahang binuksan yung pinto.

*Dang! .... Dang! .... Dang!*

Kagulat naman yun. Kampanang tumutunog? Meron pala nun dito? Akala ko basta Eskwelahan lang ito para sa mga Madyikero. May simbahan din pala dito. Ang galing galing naman!

Nagsimula na akong maglakad pakanan. Nakakatakot yung daanan. Padilim ng Padilim. Pero nagkaroon ako ng pagasa kasi may nakita akong liwanag. Nanggagaling yung ilaw sa isang Kwarto. Tama ba? Kwarto nga ba yun?

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa harap ng isang... Oh? Banyo pala 'to?
Tss. Ano naman ang gagawin ko rito? Naglakad na lang ako ng naglakad. Medyo gutom na ako. Pero kaya pa yan. Maglilibot muna ako sa buong Gusali na ito. 

~After 30 minutes~

Teka nga. Kanina pa ko lakad ng lakad eh. Ano ba 'to. Mali ata na nilibot ko pa ito. Madilim na kasi. Nakakatakot na. Pero sige na nga! Gutom na talaga ako eh!

Nagsimula na akong maglakad muli. Hindi ko alam sa sarili ko. Bigla na lamang ako lumiko sa nakabukas na.... Malaking pinto.

Pagpasok ko... Teka?! Nananaginip ba ako? Namamalikmata? Anooo? Sabihin niyo nga sa akin!!

Okay. Ang OA ko ata pero tignan niyo naman kasi. Heaven!! Ayoko pang mamatay ah! Heaven lang. Kasi naman! Kayo kaya dito sa pwesto ko! Makakita kayo ng Malaking Buong Manok na inihaw! Diba mapapa'Heaven' din kayo?

Tumakbo agad ako papunta sa may Malaking Manok. Grabe. Gutom na gutom na talaga ako!

*Munch! Munch! Mu....nch?*

Bigla atang dumilim lalo?

"RAAAAAAAAWRRR!"

Paglingon ko sa sumigaw.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!! UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~~~ HALIMAAAAAAAAW!!!" Kulang na lang iluwa ko na Toncil ko sa sobrang lakas ng Sigaw ko. Grabe! 

Ano 'to? Bakit ang laking nilalang naman nito? Tao ba 'to? Hayop? Halimaw? Langgam?

Seryoso ka Alyessa? Langgam? Eh mas malaki pa yan sayo.

Mas natakot ako nung kinuha niya ako gamit lang ng isa niyang kamay. 

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!! UWAAAAAAAAAA! HALIMAW!! BI-BITAWAN MO KO HALIMAW KA!!!" Sigaw ko ulit.

"Asdfghjkl...?" Ano daw? Wala akong naintindihan sa sinabi niya! Syempre! Ikaw ba naman kausapin ng isang Halimaw diba?

"Waaaaaaaa~ Bitawan mo ako! Maawa ka! Gutom lang ako kaya nakikain ako sayo!!" Pagmamakaawa ko.

"Hoooooh? Huuukeeeeey." EEEEEEEEEHH?!!

Ano daw ulet?! Para siyang Maliit na bata na nilalakihan ang boses pero mahina.

Haaay. Hindi niyo naman talaga maiinitndihan 'to hangga't hindi nangyayari sa inyo 'to. 

Nagulat ako sa ginawa niya kasi umupo siya sa harap ko at kinuha ang dalawang binti ng manok. Grabe. Nalulula ako kapag pinapanood kung gaano siya kalakas kumain.

*MUNCH! MUNCH! MUNCH!*

Okay. Siya yan. Kain lang siya ng kain. Ni hindi niya na ako pinansin. Tsss.

Kumurot na lang rin ako sa Manok. Kumain at nagpaka-busog.

Grabeeee~ Busog na ako. Sakit sa tyan eh.

"WAAAAAAA~" Tili ko nung bigla niya kong buhatin.

Naglakad siya pero may tumunog na bakal. Napalingon kaming dalawa dahil Naka-kabit pala sa paa niya ang kadena.

"Who really is Alyessa? What is she doing here?" Saad nung lalaki na naglalakad. Nakayuko siya haabng kumakamot-kamot pa sa batok niya.

Hala?! Teka? Yun ba yung umatake sa akin kanina? Bakit mukha pa rin siya galit?

'Huuuraaaaawwwwwwwwwwwwwwrrrrr!" Sigaw nitong Malaking nilalang na 'to.

Napalingon yung lalaki dito sa direksyon namin.

Nanlaki yung mata niya at agad-agad na tumakbo papalapit sa amin.

*Wiiiishhhiiiiww!*

"You Ogre! Let her go!" Sigaw nung lalaki.

Teka. Ano nga bang pangalan niya?

Dazel? Daniel? Uhm... Da....Dan....Daniel? Ayyy! Hindi nga yun!! Da... Danjel? Hindi rin eh! Da... Danzle? Eeeeng. Mali pa rin.

*Wishiiiiw!*

"Put her down you Ogre!" Sigaw na naman ni...

Sino nga 'to?

Umuungol yung Nilalang na may hawak sakin kaya ibinaba niya na ako. Agad akong hinatak nito ni...

"AAAAAAAAAY!! Ano ka ba naman Danzell!" Sigaw ko. Napahiga kasi ako habang hawak niya pa rin yung Wrist ko.

Nagalit ata yung Ogre kaya tatakbo sana kaso...

Hinatak ako ni Danzell paatras ng paatras bago pa tuluyang madapa yung Ogre.

Hindi kami abot nung Ogre. Nagkatinginan na lang kami saka ako biglang yumakap sa kanya.

"Thank you! Thank you sa pagligtas!" Saad ko habang tumatalon-talon at nakayakap sa kanya.

"AISH!" Angal niya saka tinanggal ang Braso ko sa pagkakayakap sa kanya.

"You're not yet paid for what you have  done to me." Seryoso niyang sabi sakin.

"Huh? Ano naman ang sinasabi mong hindi ko pa nababayaran sayo?" Tanong ko habang nakakunot pa ang noo.

"Aishhh! Alam mo?! Kundi dahil sayo edi sana hindi nakumpiska yung Wand ko!" Sigaw niya sakin.

"Haaa? Eh ikaw nga 'tong aatakihin ako kaya nakumpiska ang Wand mo. " Sagot ko sa kanya.

"Pasalamat ka Binigay rin agad ni Professor Xana yung Wand ko at nagawa pa kitang iligtas! Kaya may dapat ka na namang bayaran sa akin!" Bulyaw naman niya sa akin.

"HAAAA? Ano na naman iyon? Hindi ba bukal sa loob mo ang pagligtas sa akin?" Tanong ko.

Gulong-gulo ako. Ano bang sinasabi niya?

*Kruuuf!*

Biglang nagliwanag.

"What in the world are the two of you doing here? In the Middle of Twilight, huh Mr. Leighton? And Ms. Howell, right?" Tanong nung Professor na lalaki.

Sino nga ba 'to?

~ ~ ~ END OF CHAPTER TWO ~ ~ ~
Note: Ako na lang ang gagawa nito. :) Ayaw na ni Ate Phoebe eh. Okay lang. Kahit nabasa ko dun sa Comment sa Blog na parang mali ako sa Chapter Five. 

Sana patuloy pa rin kayo sa pagsuporta sakin. :) Salamat talaga sa inyo.

6 comments:

  1. anong nangyari sa ibang chapters? ikaw na lang mag-isa author?

    ReplyDelete
  2. hala??.. anyare??.. parang ng iba yung story.. wat n da world is happening??.. share nman jan..

    ReplyDelete
  3. ~angel is luv~

    hala, nasaan na po ang dating chapters? kasalanan ko po ba kaya nagalit si ate msdarkwanderer? hindi ko naman po mini-mean yun. sorry po. ate author, sana po ituloy niyo pa rin itong kwento ha. susuportahan ko po talaga ito promise po.

    ReplyDelete
  4. hindi ako makarelate dun sa iba? ngayon ko lang kasi 2 nabasa.
    ano pa man yun, maganda po itong story mo. sana ituloy mo pa.

    ReplyDelete
  5. Ok.. angel is luv..di mo kasalanan iyon.. talagang sumuko na ako sa story na ito.. talagang pangit lang ung idea ko..kaya pinaubaya ko nalang kay Sweetgirl ang story na ito..
    Tsaka gumawa naman ako ng bago..para matapos na ang kahibangan ko kay Harry Potter.. di ko muna i-popost dito..

    Saka Lhadyuuki..sorry ha..di ko pa mauud ang the brother gods.. baka sa december ko sulatin ulit..un.. Busy lang..Ty

    ReplyDelete
    Replies
    1. ~angel is luv~

      thank you po ate.. akala ko talaga nagalit ka saakin ee. T..T

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^