Wednesday, July 11, 2012

When Mr. North Pole meets Ms. South Pole - Chapter Six

Chapter Six

Seryoso ka Gio???

(Gio POV)

           
            “Gio sabi ni At---… sorry, babalik na lang ulit ako mamaya.”


            Oh boy, baka mamaya kung anong isipin ni Gina na ginagawa naming dalawa ni Sofie. Kasi naman, hindi man lang muna kumatok eh!


            “May problema ba, si Gina ba yung nagsalita at bigla na lang umalis?”


            “Yeah, that’s Gina and I think she thought na may ginagawa tayong hindi maganda kaya sya biglang umalis.” Eh ikaw ba naman kasi ang makita na nasa ibabaw ng isang babae eh. “Anyway, ok ka na ba talaga?”


            Sa mga napanghusga jan na parang si Gina, eh wala po kaming ginagawang hindi maganda ni Sofie ng makita kami ni Regina. Bigla na lang kasing kinapos ng hininga si Sofie dahil sa sakit nya na asthma, that’s why I did some CPR to her.


            “Yeah, I’m ok now. Oo nga pala, I have to go. Kailangan ko pa kasing magpa-check up eh. Balik na lang ako some other time.”


            Inayos na nya yung bag na dala nya at saka humakbang palabas ng kwarto ko, samantalang ako ay naka-sunod lang sa kanya. Hindi ko alam kung ihahatid ko ba sya sa pupuntahan nya o hindi eh. Tingin ko kasi mas mahalaga na ma-explain ko kay Gina yung nakita nya kanina eh.


            “Nasaan na yung asawa ni Kuya Nathan, para makapag-paalam na rin ako sa kanya since wala naman sila Tita, ang also to Gina. Nasaan ba sila?”


            Lumingon ako sa paligid pero hindi ko sila lahat nakita kaya naman… “Ate Billyyyyyyyy!!! Ginaaaaaaa!!!” sumigaw na ako dahil ayoko naman na isa-isa pa silang hanapin.


            “So kailangang sumigaw pa Gio, may sunog ba?” tanong ni Ate Billy nung lumabas sya galing sa kwarto nila ni Kuya kasunod si Ran. Samantalang si Regina eh deadma lang, ni hindi man lang nga nagawang sumilip eh.


            “Uuwi na daw si Sofie, pero babalik daw sya ulit kapag wala syang ginagawa.”


            At nag-paalam na nga si Sofie kay Ate Billy, gusto nya sanang puntahan si Gina sa kwarto nito pero pinigilan na lang sya ni Ate Billy.


            “Minsan Ate Billy kwentuhan tayo ha, kapag tulog si Ran.” Huling sabi ni Sofie kay Ate bago sya humakbang palabas ng bahay.


            “Oh Gio, saan ka naman pupunta at nagmamadali ka?” eh kasi pag-labas na pag-labas ni Sofie sa bahay eh naglakad-takbo na agad ako papasok ng bahay eh. “May ginawa ka na namang kabalastugan no?!”


            Si Ate Billy talaga ang lakas makaramdam, may psychic power kaya sya? “Wala Ate Billy, hindi ko naman siguro kasalanan kung madumi ang utak nya noh!” at dahil sa sinabi ko eh bigla na lang akong tinitigan ni Ate ng nakakatunaw.


            “Anong ginawa nyo ni Sofie na nakita ni Gina, huh?”


            Ay maryosep naman oh, ayoko na ngang kausap ang isa na to, mabubuwang lang ako lalo eh.


            “Ewan ko sayo Ate Billy!!!”


            At humakbang na ako palayo sa kanilang dalawa ni Ran. Pero dahil sa pagmamadali ko na makalayo sa kanya eh nabunggo ko naman si Gina na may dala-dalang baso at nabagsak. Anak ng tipaklong naman talaga oh! Malas! Malas! Malas!!!


            “S-so-sorry!!!”


            Ay tangengot, tama bang pulutin yung mga bubog, ayan tuloy nasugatan sya. “Mag-iingat ka naman!” pasigaw na sabi ko sa kanya, at ikinagulat ko yung sumunod na mga nangyari!


“Uwaaaaaaaahhhhhhh!!!! Uwwaaaaaaaaahhhh!!!” ang sakit naman sa tenga umiyak ng isang toh, tinalo pa si Ran at si Monina kung maka-iyak eh!!!


            Ano bang nakaka-iyak sa sinabi ko, sabi ko lang naman mag-iingat sya ah. Mga babae talaga, ang aarte eh!!!


            “Ang sama-sama mo Gio! Nasugatan na nga ako tapos sinisigawan mo pa ako! Magsama kayo nung babae mo!!!”


            At bigla na lang syang tumakbo papunta sa kwarto nya, pero papayag ba ako na ganon na lang yon? Pagkatapos nya akong sabihan na ang sama-sama ko sa harap ng kapatid ko, at gusto nya na magsama na kami ni Sofie? Hindi ako makapapayag na ganon na lang yon!!!


+++++++++++++++++++++++++

(Regina POV)


            Ang sama-sama nya, sya na nga ang may kasalanan kung bakit ako nasugatan, tapos sya pa tong may ganang sigawan ako. Eh kung ipakain ko kaya sa kanya yung basag-basag na baso na yon?!


            Tumakbo na lang ako pabalik ng kwarto ko after nung mga sinabi ko, ayoko na talaga syang makita, ayoko na talaga!


            “Nasaan ang first aid kit mo?”


            Ano na naman ba ang kailangan nya, bakit sinundan pa nya ako dito sa kwarto ko? “Wala, wala akong first aid kita dito sa kwarto!” pagkasabi ko nun bigla na lang syang lumabas ulit ng kwarto ko, pero wala pang ten seconds nandito na ulit sya. “Ano bang ginagawa mo dito? Lumabas ka na nga!”


            Pero deadma lang sya sa pantataboy ko sa kanya, ni hindi man lang nga sya nag-effort na tingnan ako ng masama eh, kasalukuyan pa rin nyang binubulatlat yung kit.


            “Akin na yang kamay na nahiwa sayo!” pero hindi pa rin ako kumilos, bahala sya sa buhay nya! “Akin na nga sabi eh!” at sya pa rin talaga ang galit ha!


            “Sino ba kasi ang may sabi sayo na gamutin mo ang kamay ko, hindi ko naman inutos sayo yun ah.” Oh sige Gina, mag-inarte ka pa ng maupakan ka nyang si Gio, tingnan lang natin kung maka-palag ka pa kapag pinatulog ka nyan sa suntok nya. “Anu ba, dahan-dahan naman, masakit kaya!”


            Wala na rin naman akong nagawa dahil sapilitan nyang hinila yung kamay ko para lagyan ng alcohol. “Uwaaaaaahhhh!!! Aray ko Gio, mahapdi naman ee!!!” naluluha-luha ko pang reklamo sa sakit-sa-puso na lalake na to.


            “Wag ka kasing malikot, hihipan ko naman eh, masyado ka lang atat!”


            Alam mo yung pakiramdam na sobrang sakit kasi binuhusan ng alcohol yung sugat mo, tapos bigla ka na lang walang maramdaman dahil parang nanlamig yung buo mong katawan dahil lang sa isang ihip nung lalake na gusto mo dun sa sugat mo? Yun, para akong na-estatwa nung hipan ni Gio yung sugat ko na bunuhusan nya ng alcohol na akala mo wala ng bukas.


            “Bitiwan mo nga ako, baka mamaya…”


            “Baka mamaya ano? Magalit si Sofie na akala mo girlfriend ko? Gina naman, wala naman kaming ginagawang masama kanina sa kwarto ko. At FYI lang, she’s not my girlfriend, ex-girlfriend ko sya.”


            Wala daw ginagawang masama eh nasa ibabaw sya nung babae na yon, sana man lang nag-lock sila ng kwarto kung may balak pala silang gumawa ng milagro.


            “W-wala akong pakelam kung may ginagawa ba kayong masama o wala. A-ano bang pakelam ko sa iyong dalawa eh, buhay nyo naman yon. At saka wala naman na akong gusto sayo, diba sabi ko kakalimu---…”


            Oh my goodness!!! Ba-ba-bakit nya ako hinahalikan????? Kasi naman ee, sabi ko diba kakalimutan ko na sya, diba sabi ko hindi ko na sya gusto kasi lagi na lang nya akong sinasaktan, diba sinabi ko yun?! Pero bakit parang gusto na yatang magbago ng isip ko, pwede bang mahalin ko na lang sya ulit?


            Sobrang nakakadala yung paraan ng paghalik ni Gio sa akin, kaya naman para akong na-hypnotize at tumugon na rin ako sa halik nya, pero…


            “Kuya Gi---! Waaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!”


            Hulaan nyo kung sino yung umepal at sumira ng maganda at magical moment na yon? Walang iba kundi si…


            “Monina, diba sabi ko sayo kakatok ka muna ng pinto bago ka pumasok?” parang naiinis na tanong at sabi ni Gio sa kapatid nya na parang ang sarap yatang pilipitin ng leeg ng mga sandali na to. “Ano bang kailangan mo?”


            “W-wala!!! Mamaya na lang Kuya, ituloy nyo na lang yung kissing scene nyo. Pasensya na sa abala.” Jusko naman talaga ang magka-kapatid na to, lahat sakit sa ulo. Kanina si Ran, ngayon naman si Monina, baka mamaya si Kuya Nathan naman. “Oo nga pala Kuya Gio at Ate Gina, ang cute nyo lang kapag nagba-blush! Hihihi!!!”


            At tuluyan ng sumara ang mahiwang pinto ng aking kwarto. Awkward!!! So ano na, what for is that kiss, what does it mean? “Lumabas ka na dito, baka may kailangan sayo si Monina kaya ka nya hinahanap.” Yun na lang ang sinabi ko para lang lumayas na sya sa kwarto ko.


            “Hindi mo ba narinig yung sinabi nya, ‘ituloy nyo na lang yung kissing scene nyo’ yun ang sabi nya diba?” bwiset lang, ang napaka-awkward na nga ng feeling ko tapos babanat pa sya ng ganon, banatan ko kaya ang isang to?


            “Lumabas ka na, kaya ko ng gamutin tong sugat ko.”


Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya at saka tumayo para pumunta sa CR ng kwarto ko para doon naman tumambay bilang ayaw namang umalis nung bano na to.


(Author POV)


            Isisingit ko na yung POV ko bilang hindi ko na kayang manahimik dahil sa mga nangyayari.


            Ng tumayo si Gina para iwasan ang nakakalusaw na tingin ni Gio ay agad namang tumayo si lalake at hinawakan sa kamay si babae. Alam na, alam na kung anong susunod na kabanata.


            “Gina nagseselos ka ba kay Sofie?” biglang tanong ni Gio kay Gina. Saang planeta naman nya napulot ang tanong na yon, bano talaga. “Huy, hindi ka na nagsalita jan.”


            Eh panong magsasalita eh nagpipigil kasi ng iyak ang lukang babae na si Gina. Pero dahil hindi na nya kaya pa ang sari-sari store na nararamdaman nya eh ayun, nagsimula na syang magtalumpati.


            “May karapatan ba akong magselos Gio, wala naman diba, ni hindi mo nga ako gusto eh tapos tatanungin mo ako kung nagseselos ako.” Gina, oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ni Gio, dramatic actress ka talaga. “At saka alam mo naman na may gusto ako sayo tapos lagi mo pa akong sinusungitan, lagi mo akong inaaway. At hindi ka pa nakuntento sa ganong panankit sa damdamin ko, nagdala ka pa ng babae dito sa bahay at dito pa kayo naglampungan na parang mga pusa.” Grabe ka Gina, tinalo mo na si Juday sa pagiging dramtic actress mo. “Oh ngayon Gregory, sabihin mo sa akin kung nagseselos ba ako sa Sofie na yon o hindi!”


            Hindi naman agad nakapagsalita si Gio dahil sa mga sinabi ni Gina at dahil na rin na-amaze sya sa pagiging prangka at totoo ni Gina sa nararamdaman nito para sa kanya. Natutuwa din kasi syang pagmasdan ang dalaga na umiiyak na parang bata na nagsusumbong sa parents nya. Basta, natutuwa si Gio kay Gina, yun na yon!!!


            Oh my goodness!!! Hindi ko rin inaasahan ang sunod na ginawa ni Gio kay Gina! Bigla nyang hinila si Gina palapit sa kanya, at sakto naman na lumanding ang lips ni Gina sa lips ni Gio. And this time hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Gina at agad na rin syang tumuka dahil baka bigla na namang may gumambala sa kanila.


            They’re sharing that passionate kiss ng parang merong mahinang katok na narinig si Gina. “Gio, may kumakatok yata!” she said to Gio in between those kisses. Pero dedma lang ang lolo mo.


            Samantala, sa labas naman ng kwarto ni Gina eh nagkukulitan sina Monina, Billy at Ran. Eto kasing magaling na si Monsi eh sinabi sa Ate Billy nya ang nakita nya kanina, kaya ang chismosang si Bily ay agad namang lumabas para silipin ang dalawa.


            “Ate Billy, sabi ni Kuya kakatok ka muna raw bago ka pumasok.” Ang dali talagang matuto ni Monsi, samantala tong matanda na si Billy eh hindi yun ginagawa. Pipihitin na sana ni Billy yung pinto eh. “Kumatok ka muna kasi Ate Billy, kahit mahina lang.”


            Lokong bata, pero tama pa rin naman sya, at least kumatok naman sila diba? After nung mahinang katok na ginawa nila eh pinihit na ng tuluyan ni Billy yung door knob para mabuksan yung pinto ng kwarto ni Gina.


            Kasalukuyan namang nakatayo na naghahalikan yung dalawa na parang wala ng next time. Nanlaki ang mata ni Billy dahil sa gulat sa mga nakikita nya, at dahil sa ganong eksena ay agad na tinakpan nito ang mata ng dalawang bata na kasama nyang naki-usi sa nangyayari sa dalawa.


            “Oi, bawal panoorin yan, laro na lang ulit tayo ng Fruit Ninja sa kwarto namin ng Kuya Nathan nyo.”


            At isinara na ulit ni Billy ang pinto ng mahiwagang kwarto ni Gina. Oh goodness, ako naman ay kinikilig sa kanilang dalawa. Teka, balikan natin yung dalawa at baka kung ano na ang ginagawa nila.


            Kasalukuyan pa ring nagki-kiss yung dalawa, ay nako! Bigla naman lumayo si Gina kay Gio ng parang may narinig itong nagsalita behind the door of her room.


            “Why?” tanong ni Gio dito at saka biglang hinila si Gina pahiga sa kama nito na kulay pink at saka nito niyakap. “So, nagseselos ka nga kay Sofie? Don’t worry, matagal naman ng tapos yung sa amin, pero yung sa atin nagsimula na noon pa. anu daaaaaaaaaaaaaawwwwww??? Magsisimula??? Seryoso ka Gio??? Hindi ako maka-papayag!!! Chos!!!





5 comments:

  1. ampupu!!! nagbasa ako ng manga dahil ako ay kinikilig! nung i-check ko ulit ang blog may update agad!!! maygally!!! anong oras na!!! kailangan ko nang mahimlay!!!

    may round two pa itong comment, maghintay ka lang!

    ReplyDelete
  2. eto na! sa wakas nabasa ko na rin ng buo! kaloka! hwaaaaaaaah! nag... nag... nag kiss??? nag-kiss na kami!!! uwaaaaaaaaaaaah!!! ikaw gio ka!!! nag-iinarte ka pa ng chapter 5 tapos makikipagtukuan ka rin pala!!! at gina naman, alam kong kinikilig ka... pero sana may konting pakipot man lang!!.......... teka ako ba talaga yung nag-comment niyan ha? ERASE NATIN!!!

    hwaaaaaaaaaaaah!!! nagkiss na kami! eh di oo na nagselos na!!! pero umamin ka na rin kasi gio at nang hindi kita makalbo! kasunod pa please!!!

    ReplyDelete
  3. un nmn pla! cpr lng pla! peo tsk kiss p rin un eh....
    peo kei lng dhil bumwi ng kiss si gio! sbi q n nga ba! mei kuha p rin xah n ugali mula s kuya niang c nathan! hhahahhahahahahahha! nkktwa p cna monsi d2! ang kulit! ung batang un b wlng kluvteam ate???

    ReplyDelete
  4. GRABE! NAKAKATAWA NA SOBRANG NAKAKAKILIG!

    ReplyDelete
  5. nag-kiss n cla! grbe kinikilig aq! peo nttwa aq s mga pinaggggwa nina billy at monsi! hahhaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^