Wednesday, July 11, 2012

1:43 PM (Book 2) - Teaser


1:43 PM {Book2?}

Mula sa mga nakakakiliti na balahibo ng isang koneho, nagising ako sa isang lugar na punung-puno ng puro puti lang ang nakikita ko.

"Salamat sa pag gising." bati ko'ng nakangiti sa kuneho at hinimas-himas pa ‘to.

"Walang anuman. Maligayang pagdating sa mahiwagang lugar na ‘to."

Napa-atras ako mula sa pagkaka-upo sa mga naggagandahan at malulusog na damuhang kinauupuan ko.

"N-n-na... nagsasalita ka?!"

Nadoble ang gulat ko't pagkakamangha ng mapahaplos ako sa balat ko.

"Ha?! Ilang taon na ba ‘ko?! Pagkakatanda ko'y matanda na ako at... ugh~!" napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit at pilit na may mga alala na Malabo pa’t hindi ko maintindihan.

"wag mo na pilitin pang tandaan, Guizelle, dahil ‘kung dapat nga na maala-ala mo, magagawan mo ‘yan ng paraan at matatandaan mo ‘yan ng hindi mo namamalayan."

Nakaramdam ako ng parang may tatlong malalaking question marks na dumagan sa ulo ko.

"Hindi mo maiintindihan." muli niyang sabi at sinundan ako ng tingin patayo.

"Um... ano'ng lugar ba 'to?" palingun-lingon ako'ng nagtanong sa kanya ng may makita ako'ng isang puno na may makukulay na bunga.

"Ang ganda ng mga kulay! Ano'ng tawag sa--" naputol ang pagtatanong ko ng wala na ako’ng nalingon na kuneho sa paanan ko.

Inikot ko ang aking paningin pero wala na ito.

"Nasaan na siya?" tanong ko sa sarili ko.

"Ginoong KUneho?!" tawag ko sa kuneho pero walang tumugon sa tawag ko.

Nakaramdam ako ng hindi maIpaliwanag na pakiramdam nang walang tumugong kuneho sa mga tawag ko. Napalis ang pag-iisip ko ng may biglang isang daan ang sumulpot sa may gawing kanan ko. May 'tila boses sa isipan ko na nagsasabing lakarin ko ang daan na iyon kaya iyon ang ginawa ko. Nang marating ko ang dulo ng daan, may nakita ako'ng batis na kumikinang sa linis at linaw ng tubig. Kumuha ako ng tubig sa kamay ko at ihinilamos sa mukha ko, sa sarap sa pakiramdam ng malamig na pagdampi nito sa balat ko, napapikit ako't sa pagmulat ko, isang magandang tanawin ang nakita ko't hindi na puro puti.

Sa pagkakamangha ko sa nakikitang kagandahan, may mga ngiti sa labi 'kong nilakad ang lugar nang marating ko ang isang lugar ng sementadong bagay sa gitna. (built in gazebo tinutukoy niya dito)

Nilapitan ko’t pinasok ang lugar. Napaka-ganda ng tanawin sa likod na matatanaw mo, sariwang hangin at may dagat. Napaka-daming puno na masasabi mo’ng para ka ng nasa isang paraiso.

“Nagustuhan mo ba ang lugar natin?”

Gulat ‘kong hinarap ang kuneho na kaninang nawala at ngayong kasama ko ng muli.

“Ikaw lang pala.” Hinarap ‘kong muli ang dagat at pumikit, “Gustong-gusto. Napakatahimik at napakapayapa ng lugar na ito. Ang sariwang hangin na yumayakap sa’kin, ang mga ibon na umaawit sa bawat hakbang ng mga paa ko, ang dagat, nagtatangkarang mga puno.” Hinarap ko siya at ngumiti, “Para akong nasa paraiso.”

Nakita ko ang dalawang malalaking ngipin ng kuneho at nagsabing, “Isa ka na sa paraiso na ‘to, Guizelle!” tumalon siya sa bintana, “Hindi ka ba nagtataka na alam ko ang pangalan mo?”

Napa-isip ako sa narinig.

“O-oo nga…”

Nginitian niya akong muli at tumalon pababa malapit sa tabi ko, at bago pa ako makapag-salita, isang magandang lalaki na ang humihila sa’kin paalis ng lugar na iyon.

Hindi na ako nakapagsalita sa dami ng mga katanungang nakapaloob sa isip ko.

“Sino—Sino ka?” ang tanging mahingang tanong ko sa likod niyang humahatak sa’kin pa-alis at papunta sa lugar na hindi ko naman alam.

6 comments:

  1. parang alice in wonderland..wahehehe.. ganda nito ha..babasahin ko..sa friday night lang..para tapos na exam ko..hehehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga 'no? 'yung kuneho? hahahaha.
      pero hindi... malayo. siguro po sa unahan lang. ^^,)

      Delete
  2. Replies
    1. haha. sanda-wait. exam ko eh. hahahaha.
      sobrang busy ng sobrang-sobra talaga ngayon yeaar. leshe. XD

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^