Monday, July 2, 2012

My Nephew-in-Law : One-Shot 3

The Ring
(SAMIRA ALMIREZ POV)
#EliSam


“Waaaaaaaaaaaah!!!”


Oh akala niyo ano na? “The Ring” lang yung title horror na agad? Pero this is a no laughing matter! Anytime soon kapag hindi ko nahanap yung singsing na ibinigay saakin ni Eli, baka matuluyang maging horror na ang kwento ko.


“Sam…”


“Eli~!!!” Ohmaygawd! Nanlalamig na pawis ko!


“Anong ginagawa mo jan?”


“Ah, wala naman naglilinis lang.”


“Okay.” Tapos tinalikuran niya na ako so tuloy na ako sa paghahanap.


“Ah… Sam.” Ano ba naman!!! Lumingon pa ulit!!! “Lutuan mo ako ng merienda pagkatapos mong maglinis ha.”


“Ow sure. Mahal na mahal kita Junanax so I would do it for you.”


“Ha?”


“Ah wala. Sige balik ka na dun sa sala.” Baka mahalata pa niya na may kasalanan ako. “Dali, pinapalabas na yung favorite Korean variety show mo!”


At pumunta na nga siya sa sala pero hindi pa tapos ang kalbaryo ko.


“Nasaan na ba yung singsing!!!” Ang bulong ko pero isinisigaw naman ng utak ko. “Kapag nalaman ni Eli na nawala ko yung engagement ring namin, mapapatay ako nun!”


Lalong lalo pa at hindi ito ang unang beses na nangyari ito.



=The day after the Proposal=


“Waaaaaaaaahhh!!! Nasaan na yung singsing ko!!!”


“Oh bakit? Nawala mo? Anak ng!!! Sam naman!!! Kahapon ko lang ibinigay yun tapos nawala mo na!!!”


“Eh kanina nandito lang yun sa daliri ko…”


“Tapos ano? Naglayas yung singsing? Lumipad? Nakipagdate sa bracelet na binigay ko sayo noon pero nawala mo lang rin?” Hala, kitang-kita ko yung usok sa ilong ni Eli! Gwapo pa rin naman siya pero nakakatakot nga lang!!! “SAAN MO BA NAWALA!!!”


“Dito nga lang yun!!!”


At pareho kaming nagkadarapa na halughugin ang buong bahay. Kulang na nga lang, halikan namin pareho ang sahig para lang hanapin yung galang singsing ko!


Pero inabot na kami ng dalawang oras, walang senyales ng shining shimmering diamond ring ko. “Hindi kaya sinanggla mo lang yun?”


“Bakit ko naman gagawin yun! Mahalaga saakin yun!”


“Eh bakit mo winala?” Eh hindi ko naman sinasadya yun. “Bahala ka!!! Hindi na ulit kita ibibili ng singsing mo!!!” At padabog siyang umalis paakyat ng kwarto niya. Rinig ko pa yung malakas na pagkakasara ng pinto.


“Uwaaah… hindi ko naman talaga sinasadya eh… ayoko namang iwala yun…” At syempre, sinisipon-sipon na ako sa paghagulgol dahil nawala ko ang isang bagay na sobrang mahalaga para saamin.


Pero maya-maya lang din… “SAM!”


“Ay anak ng pecking duck!!!” Bigla na lang siyang sumulpot ng walang pasabi!


Lumapit saakin si Eli at nagulat na lang ako dahil hawak na niya yung singsing ko! “Waaaaaaaah!!! Tinago mo???”


“TANGE!!!” At pinitik niya ang noo ko! “Dun ako naghanap sa kwarto mo! Nasa ilalim lang ng higaan mo.”


“Bakit nandoon?”


“Aba malay ko sayo!”


Nagflash sa memory ko na kagabi pala bago ako natulog, tinanggal ko pala muna yung singsing sa daliri ko dahil hindi pa ako makapaniwala sa naganap na proposal kahapon. At syempre, sinabi ko sa kanya ang tungkol dun.


“Ikaw! Pagdating sa mga gamit mo, ang burara mo!”


“Sorry…” At kukunin ko na sana pabalik yung singsing pero iniiwas niya. So anong ibig sabihin nun? Hindi na saakin yung singsing? Binabawi na niya?


Tapos bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. “Alam mong bihira akong magbigay ng mga material na bagay. So kapag nagbigay ako ng gift, I expect you to take care of it.” At siya na mismo ang nagsuot ng singsing sa kamay ko. “Promise me hindi mo iwawala yan. Dahil kung hindi, babangasan talaga kita!” Ow right! Hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang paborito niyang linya ng pagbabanta.


“Promise. Hindi ko na iwawala ‘to.”



=The following day=


“Nawala mo na naman?”


“WAAH!!! SORRY TALAGA!!! Naghuhugas ako kanina kaya tinanggal ko yun sandali tapos… tapos nakalimutan ko na kung saan ko ipinatong.”


“BURARA KA TALAGA!!!” Kaya pareho na naman naming hinalughog ang buong kusina.


Ilang sandali pa, nahanap ni Eli yung singsing sa may lagayan ng plato na natakpan lang ng iba pang mga plato. “ISA PA TALAGA SAM!!! IWALA MO PA YAN!”


“Hindi na talaga promise”



=But the following more days…=


“Andito lang yung singsing sa may banyo!”


“ANO BA NAMAN YAN!!! Ano na namang ginagawa ng singsing mo dito sa may vase?”


“Nakanampucha naman oh!!! Bakit kasi iniwan mo dito sa may bintana!!!”


“HAY BUHAY NAMAN TALAGA!!! Heto yung singsing mo!!! Aish!!!”


“Ampness naman!!! Eh kung tahiin ko na lang kaya sa daliri mo ‘tong singsing na ‘to!!!


At lahat po ng mura, pagwawala at pagbabanta ay nagawa na ni Eli. More than twenty times ko na kasing na misplace yung singsing. Buti na nga lang at laging nahahanap ni Eli.


Sabihin na nating kaya siguro nangyayari yun dahil first time lang akong nagkaroon ng singsing. At hindi ako sanay na may kung anong foreign object sa daliri ko kaya minsan eh nangangati talaga akong tanggalin yun.


“Sorry! Sorry na talaga!!!” Nakaluhod na ako sa harap niya dahil ayaw na niyang ibalik saakin yung singsing. “Promise, ito na ang huling beses na mawawala ko yun! Promise talaga!”


“Tsk!!!” At kahit halata sa mukha niya ang panggigigil, wala naman siyang nagawa kundi ibalik saakin yung singsing na binigay niya. Pero yung mukha niya, hindi galit pero ubod ng seryoso. “Ang singsing na ‘to ang simbolo ng pagmamahal ko sayo. I’m willing to give my life for you kaya nga ibinigay ko sayo ang puso ko. Kaya ito ang tandaan mo Sam na sa oras na walain mo pa ito, ibig sabihin lang nun, wala kang pagpapahalaga sa pagmamahal ko.”


“Eli naman…”


“At wag mong hintayin na may ibang makapulot nito. Dahil baka hindi na ‘to mabalik pa sayo.” Ang lalim na masyado but I get the message!


“I promise to myself na never ko nang iwawala ulit ‘to.”


And I will never take this off…


And I will never take this off…


And I will never take this off…



=But then again, balik tayo sa present time…=


But I took it off my finger for a while… tapos nawala na sa isipan ko at tuluyan ko na ngang nakalimutan kung saan ko yun nawala.


Pakisipa nga ako sa lungs! O kaya pakisabunutan ang pilikmata ko. O kaya, pakisalvage na lang ang babaeng nagngangalang Samira Almirez dahil hindi na ako natuto! “Anong gagawin ko…?” Kapag nalaman talaga ni Eli ‘to, baka palayasin na niya ako hindi lang sa bahay kundi pati sa buhay niya.


Hindi ko pwedeng sabihin ‘to at hindi niya pwedeng malaman dahil kung hindi, baka ako naman ang mamatay agad-agad! Hindi na masusundan pa ang kwentong ito!


Saan na ba yun. Suot ko pa yun kanina eh… saan ko nga ba yun naipatong?


“Sam…” Ano ba naman!!! Bigla na lang talaga siyang sumusulpot eh. “May problema ba?”


“Ah… wala…” At itinago ko ang kaliwang kamay ko sa likod ko. “Naglilinis nga lang ako.”


“Talaga?” Kakaiba na yung tingin niya. Please naman wag sana siyang maghinala. “Ano nga pala yang nasa buhok mo?”


“Sa buhok ko?” At napahawak ako sa ulo ko… gamit ang kaliwang kamay ko… at nakita ni Eli ang daliri ko… na hindi na suot ang singsing.


“Sabi ko na nga ba... ULIT??? NAWALA MO ULIT???”


“Hindi ko sinsadya!!! Waaaaaaaaaah!!!” Inunahan ko na agad ang galit niya sa pagngawa ko. “Hinubad ko yun bago magluto! Nandito lang talaga yun sa bahay… hindi ko lang maalala kung saan ko pinatong!!!”


At nire-ready ko na talaga ang tenga ko sa matinding sigaw ni Eli pero pagtingin ko sa mukha niya, ang plain lang ng reaction niya. Galit siya na malungkot, at parang pagod na sa kagagahan ko.


Tapos tinalikuran niya ako at nahihiya na talaga ako dahil mahihirapan na naman siya sa pagtulong sa paghahanap ng nawawalang singsing. Pero laking gulat ko nang maupo lang siya sa sofa at nanood ng TV.


“Uy, junanax! Hindi ka galit? Hindi mo ako tutulungan na hanapin yung singsing?”


“Bahala ka na Sam.” At wala man lang halong care sa boses niya. “Pagod na ako sayo. Palagi mo lang rin namang winawala eh.” Tapos tumingin siya saakin. “Kung ayaw mong ma-engage saakin, then let’s call it off!”


“ELI NAMAN!!!” Napatakbo na ako papalapit sa kanya at kumapit ako sa braso niya. “Ayoko!!! Hindi ako papayag na hindi matuloy yung kasal dahil lang sa burara ako!!! Wag mo namang gawin saakin ‘to!” Pero hindi siya sumagot. Galit talaga siya! At ayaw na ba talaga niya?


Sa sobrang takot ko at hindi ko na talaga ang alam ang pinagkikikilos ko, napakapa ako sa bulsa ng apron ko at… “OH MY GOD!!! ITO LANG PALA ELI!!!” At last I found my ring! Pinakita ko sa kanya yung singsing pero wala pa rin siyang reaction.


Sa halip, kinuha yung singsing. “Hindi mo na ulit isusuot ‘to.” Saka siya tumayo  palayo saakin at dumirecho sa kwarto niya.


At kahit pa anong gawin ko, mukhang seryoso nga si Eli ngayon! Anong gagawin ko?!?


<(' .' )>


Hindi kami nagsabay ng dinner. Nag-instant noodles lang si Eli. Hindi niya ako iniimik at ang tahimik lang sa buong bahay. Hanggang sa malapit na ang oras ng pagtulog, hindi niya ako pinansin at pumasok na siya ulit sa kwarto niya.


“HINDI! Hindi ako papayag na hindi niya ako pakakasalan!” I have to get that ring back!


Hatinggabi na nang dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni Eli. Ang himbing ng pagkakatulog niya so this is a good moment para halughugin ang buong kwarto niya. HINDI NIYA PWEDENG BAWIIN YUNG SINGSING!!! DAPAT KAMING IKASAL AFTER NAMING GUMRADUATE PAREHO SA COLLEGE!!!


Buti na lang hindi ganun kadilim dahil sa liwanag ng buwan na pumapasok sa bintana. Para akong magnanakaw na hinahalughog ang buong parte ng kwarto niya. Parang ninja na tahimik lang sa pagkilos. Parang tanga sa tindi  ng imagination ko ngayon!


Hinanap ko dun sa bookshelves, sa may damitan niya at sa kung saan-saan pa pero hindi ko makita yung singsing! The last stop, yung drawer malapit sa kama niya.


Lumapit ako dun at dahan-dahang binuksan yung drawer at alas!!!


Wala pa rin dun! Saan na ba yun? – (╭╮)


Pero may napansin ako sa sketchpad na nakapatong sa sidetable na yun. I flipped it open at nakita ko yung portrait ko. Aww!!! Ang sweet ni Eli!!! I look at his sleeping face at lalo akong na-guilty!


Nawili naman akong tignan yung mga sketch niya pero nagulat ako sa isa pang drawing na nakita ko. May jewelry design siya dun at nakita ko yung singsing ko! WAIT… so siya pala mismo ang nag-design nung engagement ring na binigay niya saakin? AWW!!! LALO AKONG NA-TOUCH!!!


“Hmm… oh…? Ha? Hwaaaaaaaaaaaaaah!!!” Hala nagising ko si Eli!


“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!”


“WAAAAAAAAAH!!! SINO… SAM…?” Binukas ni Eli yung ilaw at nanlaki lang yung mata niya nang makita ako sa loob na kwarto niya. “CHUPESTE!!! Akala ko si Sadako na!!! Anong ginagawa mo dito?”


Napaiyak na ako tapos niyakap ko siya. “Eli!!! Hindi ako makatulog. Hinahanap ko yung singsing. Please, wag mong bawiin yun! Mahal na mahal kita!”


Nung magkatinginan ulit kami, naniningkit na yung mata niya dahil nga ang himbing na ng tulog niya kanina. “Nandito ka para doon?” At tumango ako. Tapos nakita ko suot niya sa small finger niya yung singsing. “Hindi ko pa rin ibabalik sayo ‘to.”


“Eli naman! Wala nang ibang babae na deserving para jan!”


“At ikaw deserving ka? Winawala mo nga palagi.”


“Promise hindi na mauulit! Itaga mo man sa lapida ng mga magulang ko at kay Rinoa! Hinding-hindi na mauulit! Hindi ko na talaga huhubarin yan sa daliri ko.”


“Nope… not good enough.”


“ELI~!!!” At niyugyog ko siya dahil hindi talaga ako titigil sa pagngawa hangga’t hindi niya binabalik yung singsing at hangga’t hindi pa niya sinasabi na engage pa rin kami at ako lang ang babaeng pakakasalan niya!


“Okay ganito, let’s make a deal.”


“What deal?”


“Ibabalik ko lang ito pero hinding-hindi mo talaga dapat pa itong tatanggalin sa daliri mo.”


“PROMISE!”


“At sa oras na tanggalin mo yan sa daliri mo, kahit ano pang dahilan mo, may kapalit yun! Isang oras mo kong iso-soul kiss.” HUWAT??? ANO DAW??? Tama ba yung narinig ko? “Kapag nalaman ko naman na nawala mo yan, you’ll have sex with me kahit hindi pa tayo kinakasal.” HWAAAAAAAAH!!! BAKIT NAMAN GANUN!!! “At kapag hindi mo na nahanap pa ang singsing, pakakasalan mo ako agad! At araw-araw… ah hindi oras-oras kitang hahalayin!” RATED SPG!!!


*buugssh!!!*


Tinulak ko siya kaya nabalentong siya sa higaan niya. I can’t believe it!!! Anong klaseng parusa yun!!! “Ang manyak mo!!!” - >__<


“Oh diba ayaw mo? Kaya siguraduhin mo na hinding-hindi mo na aalisin ‘to sa daliri mo! Maliwanag ba?”


Oh may magagawa pa ba ako? Isinuot na niya pabalik sa daliri ko ang singsing at bago pa man may masabi pa siyang kung ano, kumaripas na ako agad ng takbo sa kwarto ko at nag-lock at nagharang ng table sa may pinto.



٩(̮̮̾̃ ̾̃̾)۶


Effective naman… after nun kasi never ko na ulit nawala yung singsing. Never kong hinubad yun sa daliri ko at sa totoo lang, parang nasasanay na nga ako na may suot akong mamahaling diamond ring sa ring finger ko.


“Sammy~”


“Yes?”


“Amin na pala yung singsing. Ipapalinis ko dun sa shop kung saan ko pinagawa yan.”


“Okay…” BUT WAIT A MINUTE KAPENG MAIINIT!!! Muntikan ko na talagang hubarin yung singsing sa daliri ko ha!!! “Ano ako tange? Ikaw ha!!! Kapag hinubad ko ‘to, isang oras na soul kiss yun! Al-al mo Eli!!!”


“Psh~ akala ko makakalusot na!”


Hinayupak na lalaki ‘to! After that deal naman, siya na ang tumitake-advantage! Mantakin mong siya pa ang humahanap ng paraan para matanggal o mawala ko ‘tong singsing! “Nah-uh Eli!!! Tigil-tigilan mo yang pagiging perv mo ha! I won’t fall for that!”


“Ah ganun…” At sinunggaban niya ako sa may sofa at pilit na ninanakaw yung singsing sa daliri ko!!! “Humanda ka saakin!!! Sisiguraduhin kong hindi lang soul kiss ang mangyayari ngayon!!!”


“AAAAAAAAAH!!! AYOKOOOOOOOOOOO!!!”


*bug bug bug!!!*


Walang hiyang ‘The Ring’ ‘to!!! Balak pa yatang maging porn!!!


“Aray~”


Di bale! Gagawin kong brutal na action ‘to kapag nagpumilit pa itong si Eli!


()

-The End-





17 comments:

  1. hahahha..nakakatuwa talaga yung dalawa..

    ReplyDelete
  2. ~>angel is luv<~

    hindi ako nagsasawa talaga sa kanila! kasing kulit pa rin katulad ng dati! at sobrang nakakakilig! ang pervy ni eli pero ayos lang kung siya naman! ahahahahaha! ayan sam, siguro naman hindi mo na iwawala yang singsing mo! ahahahahaha!!! napasaya na naman ako ng kwentong ito as always! i love you ate aegyo talaga! your the best! aja aja!

    ReplyDelete
  3. omygad kaung dlwa tlga!!! mabbliw aq s huling ginwa ni eli! grbe n tlga ang pagnnsa nia kay sam! hahhhhahhahahah! anu b yan!!!!!!!!!!!! knlig aq sobra!!!!!!!! kyaaaaaaaaaaah!
    dis is my fverite so far!! hahhha! mei favorite oneshot n agad eh!

    ReplyDelete
  4. BWAHAHAHA! Tawa ako ng tawa dito eh. xD

    ReplyDelete
  5. that's really funny! i miss them! its so nice you brought them back aegyo!

    ReplyDelete
  6. hahhahahha .. ang kyot nilaaaa ~~

    ReplyDelete
  7. HAHAHAHA! Laughtrip ang Alien Couple! Natawa talaga ako dahil araw-araw na lang niyang winawala. Pati na yung soul kiss, rape, at sex. NYAHAHAHA. Ang utak ni Eli! Balak pang gawing porn ang MNIL. XDD Buti na lang at naalis na ni Sam ang katangahan niya sa katawan upang maiwasan ang maitim na binabalak ni Eleazar The Great Manyak. Bwahahaha!

    Laughtrip na kaagad, at ang ganda pa. Mas lalo tuloy akong nae-excite sa next na one-shot! >__<
    PS. SAMIRA, HUWAG MONG HUBARIN ANG SINGSING KUNG AYAW MONG MAGKAROON AGAD NG ELEAZAR JUNIOR. XD

    ReplyDelete
  8. ghad! o my ghad! grabe na talaga ang dalawang 'to! namiss ko ang grand comeback nila! ang kulit na agad! grabe si sam, makailang beses nawala yung singsing! take note, sunud-sunod pa! hahahaha! at ikaw naman eli, kakaiba na talaga yang pagnanasa mo kay sam! hayup! lakas makakabag!

    ReplyDelete
  9. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    grabe elisam ngayon! ibang level! hindi lang humor, may something more romantic pa! as in usapang bed scene na ba ito? kyaaaaaaaaaaaah!

    ReplyDelete
  10. iba talaga ang elisam \m/
    kilig at laughtrip!!!...

    ReplyDelete
  11. elisam forever!! sila lang ang nagpapakilig sakin ng ganito, hindi mawalawala ang ngiti sa labi ko habang binabasa ko... i missed them so much!!!!

    ReplyDelete
  12. natatawa ako sa pagkapervert ni eli .. haha kakaiba ang lakas makabaliw .. ! ang galing tlga nito .. ! nd xa nkkasawa basahin .. whoaaa !!

    ang galing mo talaga Ms. Author ! the best ever !! :)

    ReplyDelete
  13. uwaaaaaaaaaaaaahhh~~~
    grabehh!!! naiiyak na natatawa ako!!! super.. tutulo na ang luha ko oh~ peo natatawa ako at da sme time. sobra namiss ko c eli!!! sa lhat ng mg leading man na nbasa ko sa wattpad at ebooks ko.. c ELI tlaga pnka lub ko huhu >0< nakak-inlub c eli! grabehh.. (puro grabe nlang!!) hahaha sna mkahanap din ako ng ELI ng buhay koo! 0/\o

    thank yu po sa npka gandang update.. more shots to come!! muahhh :* :*


    <3 e'LI'tenio

    ReplyDelete
  14. grabehhh nakaka miss to huhuhu. sana may Book 2 ang My nephew In Law :c

    ReplyDelete
  15. The best tlga si ELi at sam!!! hahaha

    ReplyDelete
  16. hahahahahahah, tawa much ako don, sa lahat ng manyak, si eli ang pinakagwapo at astig! para-paraan lang yan eli boy ^___________^

    ReplyDelete
  17. ASTIGIN! Nakakalakas lalo ng sex appeal ni Eli ang pagiging perv! HAHA :D

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^