Monday, July 23, 2012

It's War: Chapter 5 [FTV]


THUNDER AND THE GIRL [P.O.V]
CHAPTER FIVE



THUNDER:

   

     GAYA ng laging ginagawa ni Joon. Umaalis sya na walang paalam. Magigising na lang ako na wala na sya at may note nang nakadikit sa picture namin na nag-sasabing 'sa susunod nating pag-kikita'.



     Hindi nga ako nag-kamali. May note nga syang iniwan, pero ngayon ay nadagdagan ang nakalagay. At nag iwan pa sya ng 'Recharge', paborito nya ninumin yun. 




"Babalik din ako. Sa susunod nating pagkikita. Pakiingatan lang ang babaing 'to"




     Hay~ ano pa nga bang magagawa ko? Kailangan kong alagaan ang babaeng 'to dahil malalagot ako sa kaniya kapag pinabayaan ko 'to.


     Napabuntong hininga ulit ako ng lingunin ko ang babae. Nang-hihina parin ito. Hinawakan ko ang nuo nya, hanggang ngayon ay may lagnat parin ito. Kinuha ko ang bimpo saka ipinunas sa kaniya.




     "Kailangan mong mag-pagaling. Nahihirapan si Joon dahil nakikita ka nyang ganyan."saad ko sa kaniya. Ewan ko kung naririnig ba nya o hindi. "Umalis lang sya saglit, pero babalik din sya. Kaya wag ka mag-alala."dugtong ko pa. 


     Marahan syang dumilat sa huling sinabi ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. "Wag ka mag-alala, babalikan ka nya. Hindi si Joon ang tipo ng taong nang-iiwan sa bigla."paninigurado ko sa kanya. Pero pumikit sya at tumalikod sa akin. Muli akong napabuntong hininga.


     Ilang araw din naging malungkot ang babae. Wala syang ginawa kundi ang humiga sa kama. Hindi ko alam kung paano sya libangin. Gusto kong hanapin si joon at pabalikin na lang dito pero saan ko naman sya hahanapin? Naawa na ako sa sitwasyon ng babae.


     Naupo ako sa tabi nya ng makaaisip ako ng idea kung paano sya pasisiyahin. "Alam mo ba? Napakagaling na Assassin ni Joon?"bungad ko. Nakatalikod lang sya sa akin. "Kaya nyang barilin ang target kahit pa may nakatakip sa harapan nito. Hindi ko alam kung pano nya nagagawa yun. At alam mo ba kaya nyang paikutin ang bala pabalik sa kaniya kahit na paharap ang putok nun. Parang imposible pero totoo yun! Magaling talaga sya."pag-bibida ko sa kaniya tungkol kay Joon, baka sakaling mabuhayan sya ng loob.


     Sa tingin ko ay tama naman ang naging plano ko. Dahil naging makwento sya.


♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

THE GIRL:

    LUMAPIT sa akin si Thunder na may dalang medicine kit. Oras nanaman para linisin ang sugat ko. Hindi ko kasi kayang mag-isang gawin yun. kailangan ko talaga ng tulong.


     "Lilinisan ko lang ang sugat mo. At papalitan ko ng benda. Medyo masakit 'to. Pero tiisin mo lang."paalam nya sakin. Napaka-gentleman ni Thunder. Maingat sya sa mga actions na ginagawa nya. 


     "Sige. Salamat."nahihiyang sabi ko sa kaniya. Ilang araw na kasi nya akong inaasikaso. Pakiramdam ko pabigat na ako sa kaniya. Minsan naiisip ko saan na ba si Joon? Babalik pa ba sya? Bakit kailangan pa nyang umalis?


    Naupo sya sa likuran ko at marahan nyang inalis ang bendang nakalagay sa balikat ko.




     Hindi ko maiwasang mapa-aray dahil sa sakit nang-lagyan nya ito ng betadine. Mahapti na kumikirot kirot ito. Napapaiwas ako sa sakit.


     "Pasensya ka na hu?"pag-kuway sabi ko sa kaniya. Tungkol iyon sa pagiging pabigat ko sa kaniya.


     "Pasensya saan?"tanong nya sakin.


     "Pabigat na kasi ako sayo."diretsong sabi ko. Narinig ko syang tuwa, kaya nilingon ko sya. Ngayon ay nakangiti na sya. Hindi katulad ni Joon, madalas kong makita ang mga ngiti ni Thunder.


     "Mahalaga ka kay Joon kaya dapat kitang alagaan. Malalagot ako dun pag pinabayaan kita."at isa pa, halata kung gaano din kahalaga sa kaniya si Joon. Hindi sya nahihiyang ipakita ito kay Joon at sa akin.


     "Salamat ulit."muli kong saad. Ngiti lang ang sinagot nya saka nag-patuloy sa ginagawa nya.



♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

THUNDER:

     NAABUTAN ko syang nag-kaupo sa sofa hawak ang isang tasa ng kape. Nilapitan ko sya para ibigay ang tinapay na binili ko sa labas. Naisipan ko lang kasi syang bilhan ng mapadaan ako sa bakery.




    "Heto, kainin mo. Binili ko yan sa bakery malapit dito. Masarap ang mga tinapay nila dun."wika ko sa kaniya.


     "Talaga? Salamat hu?"masayang saad nya sa akin. Nakakatuwang pakinggan ang sinabi nyang iyon. Kinagatan nya ang tinapay at nakangiting tumingin sa akin. "Wow! Masarap nga talaga!"kitang kita ko ang excitement sa mukha nya.


     "Sabi ko sayo e. Hayaan mo dadalasan ko bumili ng tinapay sa kanila. Kainin mo yun para gumaling ka na."inikot ikot nya ang balikat nya para ipakita sa akin na magaling na ang sugat nya.




     "Tingnan mo. Magaling na ang sugat ko. Naigagalaw ko na nga ang balikat ko e. Tingnan mo."inulit ulit pa nya ang ginagawa. Mukhang magaling na nga talaga ito. Sabagay ilang linggo na rin naman ang lumipas.




     Nakakatuwa syang panoorin. Para syang isang inosenteng bata. Habang tinititigan ko sya doon ko lang napapansin na napakaganda nya. Hindi na ko mag-tataka kung bakit nahulog ang loob sa kaniya ni Joon. Napaka-amo ng mukha nya. Parang ang sarap nyang titigan buong mag-hapon.


     Napansin ko na lang na bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing makikita ko syang nakangiti. Hindi na ako makakilos ng maayos dahil nakakaramdam ako ng ilang. Alam kong hindi maganda ang nararamdaman kong yun. Kailangan kong pigilan yun bago pa mahuli ang lahat.


♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

THE GIRL:


     SA LABAS ng bahay natulog si Thunder. Hindi ko alam kung bakit. Dati naman natutulog sya sa sofa. Pero ngayon sa labas sya natulog. Nag-aalala na ako dahil masyadong malamig sa labas. Okay lang kaya sya dun? Mas mabuti sigurong puntahan ko sya at papasukin na lang dito sa loob.



     Naabutan ko syang natutulog sa isang sirang bus. Napaka-peaceful nyang matulog. Parang isang baby. Ang sarap nyang panoorin. Nakakatuwa.


     Gusto ko pa sana syang panoorin kaso kailangan ko na syang gisingin para palipatin sa loob. Dahil kung hindi pareho kaming mag-kakasakit na dalawa.




     Pareho kaming natawa ng gisingin ko sya dahil nagulat sya. "Ano bang ginagawa mo dito? Pumasok ka kaya sa loob. Malamig dito e."wika ko sa kaniya.


     "Hindi. Okay na ako dito."sagot niya.


     "Ayaw mo? Sige, hindi na rin ako papasok. Para pareho tayong mag-kasakit."sinubukan kong mag-matigas baka sakaling umubra at mapapayag ko syang pumasok sa loob. Bumaba sya sa bus at napailing sa akin.


     "Ikaw talaga. Sige na. papasok na ko."agad syang sumuko sa plano ko. Niyakap ko ang braso nya para hatakin na sya papasok. Pero nang gawin ko yun may kakaiba akong naramdaman. Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang tumakbo ako ng napakalayo. Ayaw ko na lang pansinin baka nag-kataong lang yun.



♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡


     AKALA ko wala lang ang kakaibang nararamdaman ko. Hanggnag sa magising na lang ako sa katotohanang nahuhulog na pala ang loob ko kay Thunder. Parati na syang nasa isip ko. Gusto ko syang laging katabi.


     Alam kong hindi ako mapapatawad ni joon sa nagwa ko pero hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko para kay Thunder.




     Ikinagulat ni Thunder ang biglaan kong pag-bangon mula sa kinahihigaan ko. Napatingin sya sa akin na may kwestyonableng mukha. Aaminin ko na ngayon kung ano ang nararamdam ko sa kaniya. Hindi ko na kayang itago pa ang lahat. Tanging hiling ko lang ay mapatawad ako ni Joon sa araw na bumalik sya.


♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡


THUNDER:

     EWAN ko kung bakit bigla na lang syang bumangon mula sa pag-kakahiga. Naupos kami sa sofa. Ramdam namin ang ilangan sa isa't isa. Ilang saglit pa ay nagulat na lang ako ng hawakan nya ang kamay ko.




     Nataranta na ako. Kinakabahan ako ng husto, hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Hawak nya ang kamay ko at alam kong mali yun. Pero bakit sa kabila ng isip ko gustong gusto ko naman ang mga nang-yayari? Mas lalong hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.




     Bigla nya akong hinalikan sa pisngi ng hindi ko namamalayan. Nagulat ako, para saan ang halik na yun? Tiningnan ko sya na may pag-tatanong sa mukha. Ngumiti sya saakin at inihiga nya ang ulo nya sa balikat ko.




     "Mahal kita."saad nya. Nagugulat ako sa mga nang-yayari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.


     "Si Joon? Paano si Joon? Mahal na mahal ka ni Joon."paalala ko sa kaniya tungkol kay Joon.


     "Hindi ko alam kung babalik pa sya. Hindi ko na alam kung nasaan na sya. Sa mga panahong kailangan ko sya ikaw ang laging nasa tabi ko. Hindi ko gustong pag-taksilan sya."saad nya sa malungkot na boses. "Wala akong ibang malapitan sa tuwing nalulungkot ako kundi ikaw. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako na mahal na pala kita."tiningnan nya ako na may mga ngiti sa labi.


     Hindi ko rin ginustong pag-taksilan ang kaibigang nag-tiwala sakin. Ayaw kong nakawin ang isang bagay na kaniya. Pero wala akong magawa. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko. Mahal ko na rin sya.


     Nag-patuloy kaming ganun. Hindi ako natatakot na malaman ni Joon ang tungkol sa amin, kundi natatakot ako na kapag dumating ang oras na bumalik sya at kunin nya sa akin ang babaeng ito.






♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡



     MASAYA kaming nag-ku-kwentuhan na para bang wala nang bukas. Para sa akin ito na ang pinakamasayang araw ko bukod sa nakilala ko si Joon.

     
     Sa kalagitnaan ng masayang pag-uusap namin ay may biglang dumating. Halatang gulat ito sa naabutan.





     Dumating na nga ang kinatatakutan ko. Ang kunin ni Joon sa akin ang babaeng 'to. Hindi ko na kayang mawala pa sya sa akin. Anong gagawin ko? Sa mga oras na ito walang ibang nasa isip ko kundi ang sarili ko at ang babaeng 'to. Alam kong hindi ikatutuwa ni Joon kapag nalaman nya ang totoo.





✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖






Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!
  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.



2 comments:

  1. ~angel is luv~

    gusto ko si thunder because he's a great guy. but i still like joon. nahu-hurt na ako ate! finale na kasunod! sana may ibang twist kang gawin. pls...

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^