Monday, July 23, 2012

It's War: Finale [FTV]


JOON, THE GIRL, THUNDER [P.O.V]
FINALE


JOON:



     HINDI ko inaasahan ang naabutan ko pumasok ako sa loob ng bahay. Naabutan kong nahiga ang ulo nya sa balikat ni Thunder. Natigilan ako at hindi agad naka-pagsalita. Nag-papalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.




     "Anong ginagawa nyo?"tanong ko. Sa loob loob ko ay kinakabahan na ako dahil ayaw kong tumama ang hinala kong may namamagitan na sa kanilang dalawa. Ngayon ko lang sya nakitang ganya kasaya. Ngumingiti sya sa akin pero hindi ganyan na halos ilabas na nya ang baga nya sa tuwa. At bakit kailangan pa nyang ihilig ang ulo nya sa balikat ni Thunder. Anong meron? Hinintay kong mag-salita sila pero malayo sa inaasahan ko ang sagot ni Thunder.


     "Joon. Patawad."saad ni Thunder.


     Natawa ako ng pagak. Patawad? Para saan? Gusto kong isiping joke lang ang lahat. Pero mukhang umaayon ang lahat sa hinala ko. Nararamdaman kong unti unti nang umaakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko. Nangi-nginig na ang buo kong katawan.


     "Bakit? Kayo na?"unti unti na rin akong nawawala sa sarili.


     "Sorry."narinig kong sabi nya.


THUNDER:

     TINATANYA ko ang bawat pang-yayari dahil alam ko kung paano magalit si Joon. Ayaw ko syang biglain dahil alam kong hindi sya makikinig sa explanations ko.


     Hindi ko alam kung paano ko masasabi sa kaniya na hindi sya mawawala sa sarili nya. Pero mukhang huli na ang lahat. nag-uumpisa na syang mag-horomintado.


     "Magaling! Magandang biro yan! Ngayon, aalis na kami! Salamat sa pag-aalaga sa kaniya."madiin pa ang pag-kakasabi nya sa 'pag-aalaga'.


     Hinila sya ni Joon pero pinigilan nya ito at pinilit na bitawan sya ni Joon. Lalong sumama ang mukha ni Joon sa ginawa nya.




     "Tumayo ka na dyan!"nang-gagalaiti na nitong wika. Pero hindi sya tumatayo.


     "Joon, makinig ka muna."sinubukan ko syang pakalmahin pero mas lalo syang nang-galaiti.


     "Wala akong dapat pakinggan sayo! Kukunin ko na sya at aalis na kamI!"sigaw nya. "Kaya tumayo ka na dyan!"sigaw din nya dito. Pero hindi ito gumagalaw. Naiinis na rin ako dahil ayaw nyang makinig. "Sinabing tumayo ka na dyan!"todong sigaw ni Joon na ikinagulat nya. Ngayon ay tumutulo na ang luha nya.


     "Joon! Wag mo syang sigawan!"pati ako ay napasigaw na rin dahil kay Joon. Tiningnan ako ni Joon na parang halos hindi ito makapaniwala na nang-yayari ang ganung bagay.



JOON:

    PAKIRAMDAM ko sinumpa ako pag-dating sa pag-ibig. Bakit kailangang mang-yari nanaman sa akin ang ganito? Ito ba ang karma matapos kong patayin ang naunang babaeng minahal ko? O baka naman sumapi sya sa katawan ng babaeng ito at ito ang paraan nya ng pag-hihiganti sa akin. Ang ulitin ang nakaraan kung paano ako nasaktan ng husto ng malaman kong niloko nya rin ako.


     Bakit lagi na lang ganito ang nang-yayari sa tuwing mag-mamahal ako? Ang pinaka-masakit pa sa lahat ang taong gumalaw sa babaeng mahal ko ay ang kaibigang pinag-katiwalaan ko ng buong buhay ko.


     Habang tinitingnan ko silang dalawa nang-didilim angb paningin ko! Gusto ko nang tapusin ang buhay nila pero hindi ko magawa! Wala akong masabi, hindi ako makapag-salita.


THE GIRL:

    SAPILITAN akong hinatak ni Joon kahit na ayaw kong sumama sa kaniya. Takot na takot na talaga ako. Unang beses kong makitang galit na galit si Joon.




     Ramdam kong nangi-nginig na ang katawan nya dahil sa galit. Naiiyak na ko sa takot. "Thunder."tawag ko kay Thunder. Tumayo sya para pigilan si Joon.




      "Mahal ko sya!"pag-amin ni Thunder. Pero hindi sya pinakinggan ni Joon. Tuloy tuloy parin nya akong hinila palabas ng bahay.


THUNDER:

    HINABOL ko sina Joon palabas. Kailangang kong pakalmahin si Joon dahil baka kung ano pa ang magawa nya. Masyado na syang nag-papadala sa emosyon nya. Kailangan kong ipaintindi sa kaniya ang lahat. Hindi ko balak agawin sa kaniya ang babaeng mahal nya. Handa akong mag-paraya. Kaya sana pakinggan nya muna ako.


     "Joon! Sandali!"tawag ko sa kaniya. Pero parang wala syang narinig. Nang maabot ko ang kamay nya ay agad ko syang hinatak.




     "Makinig ka muna sakin!"giit ko sa kaniya. Huli na ang lahat, pinangungunahan na sya ng galit. Wala na syang gustong pakinggan pa.


THE GIRL:

     HINDI ko na alam kung paano ko pipigilan si Joon. Nag-wawala na sya dahil sa galit. Lalo akong natakot ng suntukin nya bigla si Thunder.




     "Joon! Ano ba!"tawag ko sa kaniya. Pero hindi sya tumigil. Maging si Thunder ay gumatin na rin ng suntok. Sinipa sya ni Joon kaya naman pareho silang tumilapon sa lapag.





     Tinulungan kong makatayo si Thunder. Wala syang kasalanan sa lahat. Ako ang lumapit sa kaniya. Kaya dapat ako ang saktan ni Joon hindi sya.




     "Tama na! Wala syang kasalanan! Itigil mo na 'to Joon!"pakiusap ko sa kaniya. Tumayo sya mula sa pag-kakahiga sa lapag.


JOON:

     MASAKIT makitang mas pinili nya si Thunder kaysa sa akin. Mas pinag-tanggol nya si Thunder kaysa sa akin. Parang dinudurog ang puso ko. Ganitong ganito din ang naramdaman ko noon. Punong puno rin ako ng puot, galit!



     Bakit ba sinasaktan ako ng mga taong minamahal ko. Bakit si Thunder pa? Bakit sya pa? Mahal ba talaga ako ng Diyos? Kung mahal nya ako bakit hinahayaan nyang mag-kaganito ang buhay ko? Bakit hinahayaan nyang saktan ako ng mga taong alam nyang nag-iisang rason na nga lang para mabuhay ako! Bakit! Bakit!


     Ganito ba ang kabayaran sa lahat ng nagawa kong kasalanan? Ganito ba kasakit kapag bumaon ang bala sa katawan ng mga taong pinatay ko? Hindi, mas masakit 'tong nararamdaman ko ngayon. Nagdurusa ako habang ang dalawang 'to ay mabubuhay ng masaya! Hindi talaga patas ang mundo! Mas mabuti pang patayin ko na lang sila!


THUNDER:

     BUMALIK ang dating Joon na nakilala ko noon. Punong puno ng galit ang mga mata nya. Parang isinusumpa nya ang mundo. Talagang wala na sya sa sarili.


     Naalarama ako ng bigla nyang inilabas ang baril nya at tinutok sa aming dalawa.




     "Joon. Ibaba mo yang baril mo. Huminahon ka muna."pakiusap ko. Ayaw ko na humantong pa na may masaktan isa man sa amin.


     "Joon, tama na."naiiyak na pakiusap nya kay Joon. Pero hindi nakinig si Joon.


     "Ikaw! Bakit ikaw pa? Bakit ang babaeng pinakamamahal ko pa? Pinag-katiwalaan kita! Tapos ano? Ito lang ang igaganti mo?! Tandaan mo! Hindi kita mapapatawad!"sigaw nya sa akin habang nakatutuk ang baril sa amin.


     "Alam kong hindi mo ko kayang mapatawad. Pero sana man lang makinig ka sakin."sinusubukan ko parin syang kausapin at pakalmahin.




     "Makinig? Ano pang papaginggan ko sayo? Na mahal mo sya? Na makikiusap kang iwan ko na sya? Na ako na ang mag-paraya dahil hindi naman magiging masaya ang buhay nya sakin? Ganun ba!? Hu!?"mali si Joon sa pag-kakaintindi nya. Hindi iyon ang gusto kong sabihin sa kaniya.


THE GIRL:

     "Joon. Please, tama na."pakiusap ko kay Joon habang hinaharangan ko si Thunder.




     "Please, tama na."ulit ko pero nanatili syang walang kibo. Nakatutok parin ang baril sa amin. Ano mang oras ay pwedeng pwedeng kalabitin ni Joon ang baril.




      "Lahat ginawa ko ma-protektahan lang kayong dalawa. Lahat!"naiiyak ng sabi ni Joon sa amin ni Thunder.

      "Pinag-katiwalaan kita! Binigay ko sayo ang buong tiwala ko! Sa huli ganito lang ang mang-yayari!"ngayon ay kay Thunder naman nya iyon sinasabi.

    "Joon. Makinig ka muna."naiiyak na rin si Thunder sa mga nang-yayari.

    "Paalam."sad ni Joon. Sobrang bilis ng pang-yayari. Wala kaming nagawa  kundi ang pumikit na lang ng marinig kong pumtok ang baril.



JOON:

     ITO NA nga siguro ang kabayaran ng lahat ng nagawa ko. Ito na nga siguro ang katapusan ko. Hindi ko na kaya ang sakit. Gusto ko nang matapos ang lahat ng pag-hihirap ko.




     Pagod na pago na ko. Sawang sawa na. Ayaw ko nang mabuhay pa. Ayaw ko nang mabuhay pa sa mundong walang ibang alam kundi saktan ako. Pagod na ko.




     Thunder, wala akong ibang hiling kundi ang kaligayahan mo. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang ibigay ang kung ano mang mag-papasaya sayo. Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit nabubuhay pa ako.




     Ibibigay ko sayo ang lahat kahit buhay ko pa ang kapalit. Ipangako mo lang na iingatan mo lang sya at wag mo na sya paiiyakin pa ulit. Sa susunod nating pag-kikita. Paalam.


THUNDER:

    NAKITA ko kung paano bumagsak sa lapag si Joon habang umaagos ang dugo sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg. Gulat na gulat kami sa nang-yari at hindi agad naka-react.





     Ginamit nya sa sarili ang isang teknik na matyaga nyang pinag-practice-an na halos ikamatay pa nya. Tapos ngayon yun lang ang kikitil sa buhay nya. Bakit?


THE GIRL:

     TINAKBO ko si Joon nang makita kong bumagsak sya sa lapag.




     "Joon!"tawag ko sa kaniya. Nang-hihina nyang iminulat ang mata nya saka ngumiti sa akin. Ngiti na para lang sa mga importanteng tao sa buhay nya.




     "Bakit kailangan mo pang gawin 'to? Joon!"umiiyak nang tanong ni Thunder sa kaniya. Bakit nga kailangan pang humantong sa ganun ang lahat? Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nang-yari kay Joon.


     "Sa-tingin-mo-ba-"nauutal na nyang wika habang hinahabol nya ang bawat pag-hinga nya. "Pata-patatahi-mikin-ko-ang-buhay-nyo-pag-pag nabuhay-pa-ako?"nakuha pang mag-biro ni Joon sa mga oras na ito. Tapos ay tumingin sya sa akin na nakangiti. "Wag-wag-mo-sisihin-ang-sarili-mo-. Gi-ginusto-ko-to. Kaya-wag-nyo-sisihin-ang-sarili-nyo."hindi ko nanaman mapigilang umiyak. Akala ko ay hindi sya ang Joon na nakilala ko. Pero ng sabihin nya ang mga salitang iyon ay nakaramdam ako ng guilt. Guilty ako dahil hindi ko man lang sya na-protektahan. Patawad, Joon.


THUNDER:

     HINDI ko na napigilang humagulgol kasabay sya ng may nilabas si Joon na dalawang piraso ng papel.




     "Tinupad-ko-ang-pangako-kon-pag-aralin-ka-ng-doktor. Maka-kalipat-ka-na-rin-sa-mansyon-na-matagal-mo-ng-pangarap. Maka-kain ng-masasarap-na-pag-kain."isa iyong cheque na naka-pangalan sa akin. "Big-yan-mo-ng-magandang-kinabukasan-an- babaeng 'to."hanggang sa huli wala parin syang ibang inisip kundi ang pangako nya sa akin.


     "Kayanin mo! Kailangang makita mo pa akong makatapos!"giit ko sa kaniya. Nginitian nya ako. Ilang saglit pa ay tuluyan na nga syang nawala.




     Masama ka man sa paningin ng mga tao. Kriminal ka man sa mata ng batas. Pero Joon, tandaan mo. Para sa akin isa kang may puso at matapang na tao.


     Pangako ko, hinding hindi ko pababayaan ang babaeng 'to. Pangako kong aalagaan ko sya para lang sayo.


     Salamat at paalam.



"JONJAENGIYA"

"IT'S WAS"


~ tHe End ~




Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!
  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.

5 comments:

  1. dang! i didn't know joon would die. pero dahil base to sa real mv, i wouldn't bug miss author. anyway, maganda naman ang story. i enjoy myself with this ftv. really great!

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    waaaaah! ate naiyak ako sa finale! patay si joon! akala ko siya papatay kina thunder! :C

    ReplyDelete
  3. ~angel is luv~

    akala ko talaga kasi, may magagwa pang twist. sigh. pero base kasi ito sa mv so kailangang tanggapin.

    ReplyDelete
  4. naiyak ako sa katapusan. joon really love her kasi he would let her go. real friend pa siya. aww.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^