Monday, July 23, 2012

It's War: Chapter 4 [FTV]


LEEJOON, EUNSEUNGRI, THUNDER [P.O.V]
CHAPTER FOUR



JOON:

     TAHIMIK lang akong nakaupo sa tabi nya habang pinupunasan ko ng towel ang maamo nyang mukha. Hanggang ngayon kasi ay mataas parin ang lagnat nya.



     Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang pinanunood ko sya sa ganung kalagayan. Bigla akong nakaramdam ng takot ng maisip ko kung pano kung hindi ko sya nailigtas? Siguro ngayon ay wala sya sa tabi ko. Siguro hindi ko nahahawakan ang mga kamay nya. Wala akong ibang nagawa kundi ang bumuntong hininga. Kasabay nun ay ang pag-mulat nya.


THE GIRL:

     ANG magising sa tabi ng taong mahalaga sayo ang pinaka-masayang pang-yayari. Ang mga ngiting iyon ay isa sa nag-papawala ng sakit na nararamdamn ko ngayon. Nasa tabi ko parin si LeeJoon. Alam kong hindi nya ako iniwan at hindi nya ako iiwan kahit kailan. 




     Ilang beses na nyang sinagip ang buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko ibabalik yun lahat. Alam kong ang pag-sasabi ng 'salamat' ay kulang pa dahil sa lahat ng sakripisyong ginawa nya para sa akin.


JOON:

    HINDI ko kayang makita na nasasaktan dahil pakiramdam ko ay mas nasasaktan ako. Anong gagawin ko para mawala ang mga iyon? Anong gagawin ko para maging ayos na ulit ang lahat?



     Parang hinihiwa ang puso ko sa tuwing dadaing sya na masakit. Para na akong mababaliw.


THUNDER:

     NAG-AALALA ako para kay Joon. Sana naman okay lang sya. Okay lang sila ng babaeng dinala nya. Wala akong idea sa mga nang-yayari. Hanggang ngayon wala paring nababanggit si Joon tungkol dito.




     Ganun pa man, sana wala namang mang-yaring masama. Ilang beses ko na kasing pinakiusapan si Joon na ihinto na nya ang ganitong trabaho. Pero matigas talaga sya. Lagi nyang inuulit ulit ang pangako nya sakin. Hindi na mahalaga pa yun. Ang importante ay buhay sya. Humihinga.



JOON:

     AYAW ko man umalis pero kailangan. Marami pa akong naiwanang trabaho na dapat tapusin. 





     Mahirap man para sa akin na iwanan syang bigla sa ganung kundisyon pero wala akong magagawa. Tiwala naman akong aalalagaan sya ni Thunder kaya wala akong dapat na ipag-alala. Sa pag-balik ko pangako kong mamumuhay tayo kasama si Thunder na parang isang normal na pamilya. At ikaw, pangako kong hinding hindi na kita pakakawalan.




      THUNDER ikaw na munang bahala sa kaniya. Hindi ko na kailangang mag-paalam pa sayo dahil alam mo na kung saan ako pupunta. Babalik din ako. At sa pag-balik ko pangako kong tutuparin ko lahat ng binitawan kong salita sayo. Pati na ang matagal mo nang hiling. Ang ihinto ko na ang trabahon kong 'to.


     Sa pag-balik ko sabay nating tatlong sisimulan ang panibagong buhay. Salamat, Thunder. Salamat sa lahat. Kailangan ko nang umalis. Paalam.




✘✘✘✘✘✘✘





Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!
  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.


3 comments:

  1. oh!eunseungri! so that's you author! hahaha!! galing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha!! sarap po kasi pag-agawan ni thunder saka joon .. hahaha!!

      Delete
  2. ~angel is luv~

    naiingit naman ako sa girl! si ate eun pa pala! hahahaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^