Monday, July 23, 2012

It's War: Chapter 3 [FTV]


THUNDER [P.O.V]
CHAPTER THREE


     HIMALA, ilang buwan na ang lumipas pero hindi parin dumadalaw sakin si Joon. Nag-aalala na ko lalo pa na alam ko kung gaano kadelikado ang trabaho nya.


     Dati kasi buwan buwan bumibisita sya dito pero dalawang buwan na pero hindi parin sya nag-papakita. Ano na kayang nang-yari sa kaniya?


     Ilang beses ko na ring sinabihan si Joon na itigil na nya ang ganung klase ng trabaho. Pero nakakatawa kasi sya ang klase ng taong matigas ang ulo.







     Naalala ko pa yung picture namin. Yun ang unang picture namin at nag-iisang picture namin nung una kaming mag-kakilala. Mahilig syang mag-yabang ng mga ginagawa nya. Lagi nyang binibida kung gano sya kagaling pag-dating sa assassination. Lagi din nyang pinag-yayabang sakin kung ilang tao na ang napatay nya.


     Masama man pakinggan sa iba ang mga bagay na yun. Para sakin isa parin iyon sa kahanga hangang kwentong narinig ko sa tana ng buhay ko. At isa pa, masaya si Joon pag mga ganung bagay ang naiku-kwento nya.


     Nung una ko kasing makilala si Joon, para syang galit sa mundo. Para syang isang demonyo na nag-katawang tao. Lahat ng makita nya gusto nyang patayin. Natanong ko nun sa isip ko kung bakit sya ganun. Imbis na matakot mas pinili kong intindihin sya.


     Hindi ko alam kung tanga lang ba ako nun dahil nasa harapan ko na ang taong matagal ng hinahanap ng mga pulis pero hindi ko pa sya sinumbong. Siguro kasi naging malapit na sya sa akin ng una pa lang kaming mag-kita. At halos mag-kapareho ang mga nang-yari sa buhay namin. Parehong pinatay ang mga magulang namin.


     Kaya sya naging ganun dahil sa kagustuhan nyang pag-higantihan ang mga pumatay sa mga magulang nya. Nakakalungkot ang nakaraan nya, hindi kaga sa akin na nanatili paring positibo sa kabila ng lahat ng nang-yari noon. Pero kung sa paningin ng mga tao isa syang mamamatay tao. Para sa akin isa syang mabait, maalalahanin, matapang at may paninindigang kaibigan, kapatid.




     SA TAMABAKAN ng sirang kotse kami mag-kasamang nanirahan ni Joon. Dito din sa dump site na 'to natutong mangarap si Joon.


     Naalala ko pa nang i-kwento ko sa kaniya noon na gusto kong tumira sa malaking bahay. Maraming mag-sisimlbe sa akin at kakain ako ng masasarap na pag-kain. 


     Tinawanan nya ako pero bigla nyang sinabi, "Hayaan mo, pag marami na tayong pera. Pangako ko sayo hindi na tayo mag-titiis pang tumira dito dahil lilipat tayo sa mansyon."inakbayan pa nya ako. "At pag-aaralin kita ng medicine."


     Nabanggit ko kasi sa kaniya na gusto kong maging Doctor. Dahil nga wala naman akong pera pang-paaral mananatili na lang syang pangarap. Alam kong may isang salita si Joon. Kapag sinabi nya tutuparin nya iyon kahit ano pang mangyari.


     Pero ngayon, hindi na mahalaga sa akin ang pangako na yun ni Joon. Ang mahalaga sa akin ay huminto na sya sa trabaho nya total naman ay nakapag-higanti na sya. Kaso, sa tipo nya? Hindi rin naman nya ako pakikinggan.


★★★★★★★★★★★★★★★★★




     HAPUNAN na, walang ibang pumasok ko na kainin kundi ramen. Paborito naming dalawa ni Joon yun. Minsan nga kapag dumadalaw sya paramihan kami ng ramen na kakainin. Siya ang laging talo. Kung hahanapan mo ng weak side ang Assassin na gaya nya, yun ay ang mabagal nyang pag-kain ng ramen.


     Pasubo na sana ako ng ramen ng may biglang dumating. Nagulat ako at hindi agad makapag-salita. Si Joon ang dumating at may kasama.





     "Joon."yun lang ang nasabi ko habang nag-papalit palit ang tingin ko sa kasama nyang nang-hihinang babae at sa kaniya na tensyonadong tensyonado.





     "Thunder."sabi nya sakin na parang aligaga ang boses. "Pwede bang dito muna sya? May tama sya kailangan syang gamutin agad. Hindi ko sya pwedeng dalhin sa hospital. Tulungan mo sya."pag-mamakaawa nito. Hindi na bago sa akin ang mag-tanggal ng bala sa katawan ng tao dahil iyon ang madalas kong gawin kay Joon sa tuwing biglaan syang dadating at sugatan.


     Hinang-hina na nga ang babae. Mukhang maraming dugo na ang nawala sa kaniya. Kailangan na ring tanggalin ang balang bumaon sa balikat nya para huminto na sa pag-dugo ang tama nya.


     Tinulungan ko syang ihiga ang babae. Kinuha ko ang forceps na kakailanganin ko para matanggal ang bala sa balikat nya. Habang ginagawa ko yun kitang kita ko ang takot at pag-aalala sa mukha ni Joon. Ngayon ko lang sya nakitang ganun. Nakita ko kung gaano kahalaga sa kaniya ang babaeng ito.


     Natapos ko agad ang ginagawa ko. Ilang saglit pa ay nasa maayos na lagay na ang babae. Ikinatuwa naman iyon ni Joon. Hindi ko alam kung anong relasyon nilang dalawa. Ngunit isa lang ang nasisigurado ko. Mahal ni Joon ang babaeng ito at hindi nya kakayaning mawala ito sa kaniya.




✗✗✗✗✗✗✗✗✗✗✗   




Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!
  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.


2 comments:

  1. ~angel is luv~

    si thunder. ung kapatid ni sandara.
    kahit na alam ko magiging ending nitong story, i still wish si joon pa rin sana.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^