Monday, July 23, 2012

It's War: Chapter 2 [FTV]



THE GIRL [P.O.V]
CHAPTER TWO




     
     HINDI KO alam kung sino sya at kung bakit nya ako niligtas. Ang masasabi ko lang, maswerte ako dahil may taong tumulong sakin.


     Sa totoo lang takot na takot ako nung mga oras na nasa kamay pa ako ng mga tauhan ni congressman. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Iniisip ko kung pano ako makakatakas sa kanila.


    Hinihiling ko na sana may dumating para iligtas ako. At sya na nga yun. Utang ko ang buhay ko sa kaniya.


     "Okay ka lang ba?"tanong nya sakin. Tumango lang ako. Nakita ko ang relief sa mukha nya ng masiguro nyang ayos lang ako. Malayo na kami sa kapahamakan nun kaya panatag na rin ang loob ko.


     "Salamat."ilang saglit lang ay sabi ko sa kaniya. Napatingin sya sakin at tumango. Nag-taka ako ng lumakad sya palayo. "Sandali!"hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya. Napatingin sya sa kamay ko.


     "Umuwi ka na. Para maka-pag-pahinga ka na."utos nya sakin. Natuwa ako dahil concern sya sakin. Lalo tuloy ako naging curious kung sino ba talaga sya.


     "Sino ka?"tanong ng bumutaw sya at lumakad. Muli syang lumingon.


     "Isang assassin na gusto sanang pumatay sayo."biro nya na ikinatawa ko. Pero hindi nag-babago ang expression ng mukha nya. Tuluyan na syang umalis ngunit sinundan ko sya. Hindi na ko pwedeng bumalik sa tinitirahan ko dahil siguradong babalikan ako dun. Wala naman akong ibang malapitan kundi sya lang. Gustong sumama sa kaniya dahil alam kong kaya nya akong protektahan.


     Masaya ako dahil pumayag syang sumama ako sa kaniya. Sa pag-sama ko na yun, maraming bagay akong na-realized tungkol sa kaniya. Ang inaakala ko noong joke lang ay totoo pala.




     Isa pala talaga syang Assassin na inutusang patayin ako. Pero hindi nya ginawa dahil nakaramdam sya ng guilty. 


     Sa totoo lang hindi na mahalaga sakin yun. Ang importante ay naging honest sya sa akin. Wala syang itinago.


     Akala ko nung una hindi sya marunong ngumiti, pero . . .




     Nang makita ko syang ngumiti for the first time. Nakita ko ang soft side ng pag-katao nya. Hindi nakakasawang panoorin. Nakakadala ang mga ngiti nya.


     "Gwapo ka naman pala pag naka-ngiti ka. Bakit ba lagi kang naka-simangot?"puri ko sa kaniya. Ngumiti sya ulit.


     "Para lang sa mga taong mahalaga sakin ang mga ngiti ko."sabi nya.


     Napaisip ako sa narinig. "Para sa mahahalagang tao lang. . ."umulit sa isip ko ang salitang yun. Kung ngumiti sya sa akin ibig sabihin lang nun mahalaga ako sa kaniya? Masaya akong malaman kung totoo nga yun. Dahil sa mga oras na yun ay mahalaga na rin sa puso ko si Joon.




 
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

      NAGING masaya ang mga araw na mag-kasama kami. Lalo na ng aminin nya sakin na mahal nya ako. Pero akala ko habang buhay na ang sayang yun. Natuntun kami ng tauhan ng congressman.




     Wala kaming nagawa kundi ang tumakbo, tumakas palayo sa mga humahabol sa amin. Para kaming hinahabol ng kamatayan. Wala kaming tigil sa pag-takbo, habang sila ay wala naman tigil sa pag-habol.


     Nag-paputok ang isang lalaking humahabol sa amin at tinamaan ako sa kanang bahagi ng balikat.





     Nakita kong binalikan ni Joon ang lalaking bumaril sa akin. Nang lingunin ko sila ay nag-susuntukan na silang dalawa.





     Naagaw ni Joon ang baril na hawak ng lalaki tapos ay sinipa nya ito kaya natumba ito pahiga. Tapos ay tinutukan nya ang lalaking nakahiga. Nag-mamakaawa ang lalaki pero pinutok parin ni Joon ang baril.




    Patakbo syang bumalik sakin para tulungan akong tumayo. Nang-hihina na ako, marami ng dugong nawala sa akin. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Nakita ko ang takot sa mukha ni Joon habang inaalalayan nya akong lumakad palayo.





Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!
  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.

3 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^