JOON [P.O.V]
CHAPTER ONE
PUMATAY ng tao. . . yan ang trabaho ko. Para sa trabaho kong 'to hindi isang kasalanan ang pumatay kundi isang lang trabaho na kailangan kong gawin para bayaran ako ng pera. Tama, pera. Pera lang naman ang nag-papaikot sa mundo diba? Gagawin ko kahit ano, papatayin ko kahit sino. Kahit ang presidente pa ng Pilipinas. Wala na akong pakialam, ang importante bayaran ako ng tama. Dahil kung hindi baka ang nag-utos pa sa akin ang una kong patayin.
SINO BA AKO? Sikat ako, sikat ako sa mga taong halang ang kaluluwa. Sikat ako sa mga taong ganid. Ako ang tinatawag nila kapag masyado nang masakit sa mga mata nila ang taong kinaiinisan at kinaiinggitan nila at hinihiling na nilang mag-laho sa mundo. Isa akong Assassin.
Nakakatawa, ang ganda pakinggan ng pangalang Assassin, yan ang tawag sa mga professional killer gaya ko.
May mga dahilan kung bakit kailangan kong mabuhay sa ganitong mundo. Isa sa mga dahilan ay ang tinuturing ko ng parang kapatid na si Thunder.
Nung mga panahong gusto ko nang sumuko sa buhay. Nung mga panahong pakiramdam ko wala akong kakampi. Walang gustong tumanggap sa pag-katao ko kundi ang mga pulis na inaalay ang buhay nila sa pag-hahanap sa akin.
Pero iba ang taong 'to. Pinag-katiwalaan nya ko kahit alam nyang isa akong mamamatay tao. Pinatuloy nya ako sa bahay nya kahit alam nyang gugulo wala syang katahimikan kapag namuhay sya kasama ko. Mahalaga sa akin ang taong 'to, ito lang ang isa sa dahilan kaya ako nabubuhay ngayon. At handa akong pumatay kahit sino, handa kong iaalay kahit pa ang sarili ko para lang sa kaligayahan nya.
☠☠☠☠☠☠☠☠☠
KAILANGANG ko nanamang mag-handa para sa panibagong project na dapat kong gawin. Malaking pera ang makukuha ko dito pag nagawa ko ng maayos. Wala namang kaso sakin yun. Kayang kaya kong mag-trabaho ng walang bahid. Basta sakto lang ang bayad ayon sa napag-usapan.
"Sino ba?"tanong ko sa taong nag-hired sakin. Isa syang kongresista na baliw sa isang babaeng hindi naman sya kayang mahalin.
"Gusto kong patayin mo ang babaeng 'to."ipinakita nya sakin ang picture ng babae.
Nang makita ko ang susunod kong project, yun ang unang beses na nag-alangan ako. "Bakit gusto mong patayin ko ang babaeng 'to?"tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam, sinasabi ng isip ko na ayaw kong gawin ang project na 'to. Pero pag naiisip ko si Thunder at ang mga naipangako ko sa kaniya noon. Wala akong ibang choice kundi ang gawin ito. Kaya lang sa tuwing nakikita ko ang babaeng 'to hindi ko maiwasang mag-alinlangan.
"Hindi ako kayang mahalin ng babaeng yan. Kung mapupunta lang sya sa iba. Mas mabuti pang mamatay na lang sya."uminon sya ng red whine. Para syang halimaw na umiinom ng dugo ng taong biktima nya. Makasarili sya, wala syang ibang iniisip kundi ang sarili nya. Ilang beses ko na syang naging kliyente. Ilang beses na nya akong inutusang pumatay ng tao. Umabot pa sa puntong pati sarili nyang kapatid ay ipinapatay nya.
Ganun pa man, wala na akong pakialam. Pera lang naman ang importante sakin. Pera para kay Thunder. "Sampung milyon para sa babaeng 'to."presyo ko sa utos nya. Natawa sya. Pero pumayag din sya sa huli.
☠☠☠☠☠☠☠☠☠
PLANADO na ang lahat. Naka-pwesto na ako sa itaas ng building. Sa tapat kung saan palagi syang dumadaan galing sa trabaho. Lahat ng kailangan ko ay kompleto na. Sya na lang ang kulang.
Sa wakas dumating din sya. Handa na ko.
NAKATAYO sya sa tamang posisyon na inaasahan ko. Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko sya gamit ang sniper. Malinaw na malinaw ang mukha nya. Masaya, tama lang para sa isang taong minuto na lang ang itatagal ng buhay.
Pero habang tinitingnan ko sya hindi maiwasang bumalik sa akin ang ala-ala ng isang napakasakit na nakaraan.
ISANG NAKARAAN na hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan. Kung paano sya bigla na lang nawala ng dahil sa akin. Pakiramdam ko umulit lang ang nakalipas na panahon. Pinatay ko sa sarili kong mga kamay ang kaisa isang babaeng minahal ko noon. Minahal ko sya pero binigyan nya ako ng rason para tapusin ang buhay nya na sana ay matagal ko nang tinapos.
HABANG TINITINGNAN ko ang babaeng 'to lalong tumitindi ang guilt sa loob ko. Pakiramdam ko kasi papatayin ulit ang mahal ko sa katayuan ng babaeng 'to.
MATAGAL bago ko napag-isipang sumuko na lang sa guilt na nararamdaman ko. Hindi ko kayang gawin 'to. Ito na sana ang ikalawang pag-kakataon na failed ako sa project na 'to kung hindi lang ako tinarandato ng babaeng handa kong isuko ang lahat para lang sa kaniya.
Hindi ko na inisip kung ano ang magiging kapalit nito sakaling hindi ko man magawa ito. Bukod kasi sa hindi ko matatanggap ang pera ay nakasulat din sa kotratang pinirmahan ko ang kundisyong papatayin nila ako.
Wala na akong pakialam. Basta ang nasa isip ko ngayon, hindi ko sya kayang patayin. Baka pag pinilit ko ang sarili ko lalo lang akong pumalpak.
☠☠☠☠☠☠☠☠☠
ISANG ARAW nakita ko na lang ang sarili ko na binabantayan ang bawat kilos ng babaeng dapat sana ay patay na ngayon. Natakot ako sa sarili ko dahil alam kong nanga-nganib ang buhay nya.
Wala akong ginawa kundi ang sundan sya. Kahit saan man sya puntalagi akong naan dun ng hindi nya namamalayan. Ilang mga araw ang dumaan na nasa ayos ang lahat. Pero yun ang akala ko.
Nasa di kalayuan ako habang pinag-mamasdan ko ang babae na masayang nakikipag-usap sa telepono. Napatayo ako bigla ng makita ko ang paparating na kotse na may armadong lalaki.
Sapilitan nyang kinuha ang babae. Namumukhaan ko sya, sya ang kanang kamay ng congressman. Otomatikong lumatay sa utak kong kailangan ko syang iligtas.
Sinubukan kong habulin ang sasakyan pero hindi ko na naabutan. Naisip kong puntahan ang hide out na pinuntahan ko noon ng unang makipag-kita sa akin ang congressman. Kailangan kong iligtas ang babae sa kamay nila. Hindi ko alam ang rason pero yun ang nararamdaman ko ngayon.
☠☠☠☠☠☠☠☠☠
TAMA NGA ang hinala ko. Doon nga nila dinala ang babae. Nilibot ko ang paningin sa mga tauhang nasa paligid. Kayang kaya ko sila dahil lilima lang sila. Sumakto na wala pa ang congressman.
Hinugot ko ang handgun na nakaipit sa likuran ng pantalon ko saka humanda sa pag-sugod. Hinanap ko kung saan naka-pwesto ang babae para alam ko kung saan ako pupunta. Nakita kong nakatali sya sa isang upuan na nasa tabi ng isa pang armadong lalaki.
Una kong pinaputukan ang lalaking nasa tabi ng babae. Lahat sila nagulat. Pati ang babae na umiiyak na sa takot. Sa isip isip ko lang, 'unting tiis lang. Ililigtas kita sa kanila.'
Sa taranta ng mga tao ay madalian nilang hinanap kung saan galing ang putok. Nag-iwan sila ng isang tao para mag-batay. Ang hindi nila alam binigyan lang nila ako nang pag-kakataong makuha ang pakay ko. Habang nakatalikod ang lalaki, ay marahan akong lumapit. Nilabas ko ang maliit na kutsilyong dala ko.
Kitang kita ng babae ang pag-lapit ko pero sinenyasan ko syang tumahimik. Nang makalapit ako sa lalaki ay agad ko syang niyaka at walang takot na ginilitan ang leeg. Napapikit na lang ang babae habang nangi-nginig ito sa takot.
Nilapitan ko sya para tanggalin ang tali sa kamay at ang tape na nasa bunga-nga nya. Sa unang pag-kakataon ay narinig ko ang boses nya. Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo bago ko kinuha ang kamay nya para tumakbo palabas ng hideout.
Mag-kahawak ang kamay namin habang tumatakbo kami palabas. Pero kailangan naming mag-tago saglit dahil sa mga taong umaaligid sa labas. Kung ako lang kayang kaya ko sila. Pero dahil kasama ko ang babaeng ito, kailangan ko syang protektahan sa abot ng makakaya ko.
◕ ‿ ◕ ◕ ‿ ◕ ◕ ‿ ◕ ◕ ‿ ◕ ◕ ‿ ◕
never seen this mv but now i'm curious because of this ftv.
ReplyDelete~angel is luv~
ReplyDeletenakita ko na ang mv ng song na 'to. grabe! paiiyakin din ako ng story na 'to for sure!
new ftv! may ima-marathon na naman ako!
ReplyDelete