Tuesday, June 19, 2012

Universal Princess : Chapter 28

[Zuther's PoV]

Napapikit ako at hinayaan ko na nililipad ang mahaba kong buhok. Nasa mabatong lugar ako.. Malapit lang ang Dagat.. Gusto kong lumangoy at kasama ang iba pang species rito..

Asul na dagat...... at parang tinatawag ako para maglunoy doon...

"mmmmm.." Kahit paano ay nakapagrelax ako... "This is--"

"Zuthe-chan!!!!!!" Biglang may yumakap saakin..


Doki

My heart skip a bit.

"Ano ba! Kanina ka pa ha! chumachansing ka na sa akin!" I push him away pero malakas siya kaya nakayakap pa rin.

Nasa isang sikat na resort kami sa palawan... iyon daw ang tawag ng islang yon pero hindi yon isla na sinasabi ng Kambal ha? Field trip kasi namin at two days na yon nakalipas yong pangyayari sa planetang jupiter.

"I am not harrassing you, babe."

O.o tama ba ang narinig ko?? He said babe? Dapat ay maiirita ako non pero bakit parang ang bilis ng tibok tibok ng puso ko??

"Stop and i am not your babe--ano ako baboy??"

umiling siya saka binitiwan ako. PHEW!

"Mas cute ka kesa baboy lang."

I glare him. if im cuter that a pig then what am i??? Inirapan ko siya saka iniwan... istorbo sa pag-rerelax ko... Bakit ba kasi sumama siya sa amin?? at hindi lang siya kundi pati yong ibang guys.

"Uyyy.. May LQ." matalim na tiningnan ko si Runia. PArang ang sayang-saya niya dahil sa akin na nakadikit ang kapatid niya.

"Shut up!"

"Oi, Where are you going???" Si Alvaro yon.

"Somewhere na wala ka." Saka tumakbo ako sa dagat at nag-dive... at dahil nabasa ako ay bumalik ang kulay ng buhok ko ay naging buntot ang paa ko.. Mas mabuti pang dito muna ako sa ilalim ng dagat para walang Alvaro na yumayakap sa akin

While swimming i decided to go deeper and see more corals. Maraming school fish..  iba talaga basta Earth fish...

May lumapit sa akin na tatlong dolphin...

I can also understand them.. tanging laman dagat lang naman..  gusto nilang makipaglaro pero sasagot na sana ako ng lumangoy silang bigla palayo sa akin..

PERO BAKIT???

Marami din isda na dumaan... bakit ba ano ba nag nangyayari???!?!?! Nang lumingon ako sa direksiyon ay nakita ko ay malaking net... marami na kawawang isda ang nakakulong..

Hindi pwede yon! Akmang gagamitin ko ang magic ko ng may isang tao... wait his not a human... gumawa siya ng malaking butas kaya nakalabas ang lahat... Ang buong katawang niya ay tao pero yung tenga ay parang parang isda.. nakasuot siya ng balute...

Earthling na Merman??? No! Hindi siya merman no! since ang merman sa amin ay may Buntot di gaya sakanya... hmm.. SHOKOY??? Meron kasi akong classmate at sinabi niya noong nagbakasiyon siya ay nakita siyang isang shokoy para daw yong tao pero ang kaibihan lang ay ang tenga.. COOL!

Mga Earthling sa mga dagat!

Naramdaman siguro niya na may nakatitig kaya lumingon siya sa direksiyon ko... tumango pa saka ngumiti.. gwapo ito despite of his Ear. saka Lumangoy palayo...

............later.............

"AT LAST AT UMAHON KA NA! NAG-ALALA AKO SAYO!" Bungad sa akin ni Alvaro sa pintuan.. anong ginagawa niya sa kwarto ko...

"Paano ka nakapasok dito???"

"Uhm." Hindi siya makapagsalita... may nakita akong hawak niya.. umiilaw yon ay it's form like a key..

Grrrrrrrrr.... Makakatikim na siya sa akin!

 "Wag ka ng magalit... saka hindi naman alam ni Wendy na nakapasok ako sa room niyo."

Siya yong ka roommate ko. tatlo kami doon sa kwarto pero hindi ko yong kilala ang isa siya yong babae na sinasabi ko sainyo na nagkwento sa isang shokoy. Lumabas ata siya para kumain since gabi na.

"I'll forgive you this time--pero lumabas ka na! At baka ano pa ang iniisip ng iba pang guest kapag may nakakita sa atin!"

"wala naman akong ginagawang masama ah!"

"CHE!" Itinulak ko sya palabas."

Kumatok siya ng katok!

"BUksan mo naman to! Yayain sana kitang kumain may alam akong restaurant dito! I know na gutom ka na!"

"Hindi pa ako gutom." Sagot ko pero letse pinagtaksilan ako ng tiyan ko.. tumunog kasi eh

"I heard it."

naiimagine ko na ngumi-ngisi siya dahil tama siya.

"Shut up!"
"May alam akong masarap na pagkain halika na!!!!!!!!!"

Knock!

KNock!

"Sabay na tayong kumain.. hindi pa kasi ako na nanghalian."

O.o
What?! Hindi pa! tiningnan ko yong wristwatch ko--5:25 na ng hapon!

I open the door and look at him intently.

Ngumiti siya.. GOSH! bakit ang gwapo niya...

Brown eyes ang mata niya at black ang spikey hair... May gadgets kasi siya na makapg-iba ng kulay ng buhok o mata... Mas lalong gumwapo ito sa paningin ko... HINDI!

Malabo lang siguro ang mata ko...

"Sige na.."
Nag-pa cute pa ang loko.. infairness cute siya... Ipinilig ko ang ulo.

"Fine!" Bahala na basta ako nagugutom na.

.................restaurant..................

Dinala niya ako sa KALUI RESTAURANT...
I smell something fishy here... and it's telling me its not good! hindi dahil simple lang damit ko ah basta ewan!
Napapansin ko rin na ang lahat ng mga kababahian ay nakatitig kay Alvaro.. Kawawa naman ang ka-date nila napapabayaan.. Akala ko ay ay aasta na naman ito ng parang bata pero hindi…

Lumapit sa amin ang waiter at binigyan kami ng Menu.

Napaawang ang mga labi ko sa nakita at nahulog yong menu.. Ewan ko kung ano na ang hitsura ko pero shock na shock ako! Nanlaki pa ang mata ko.

Puro seafood! Ayokong kumain ng SEAFOOD! Parang ako ang kinakain nila..

“O anong nangyari sa iyo?” Nag-alalang tanong niya…

“Bakit hindi mo sinabi na nag-se-serve sila ng SEAFOOD?” PInagdiinan ko pa yong last….

SHIVER
SHIVER

“Hah?” Tiningnan yong menu. “Ano naman ang masama sa seafood? Masarap naman yon sabi nila.”

I greeted my teeth. Naiinis ako.

“Hindi ako kumakain ng seafood! Vegetable o prutas pwede pa pero hindi ko kinakain ang mga kalahi ko! Kahit earthling FISH lang sila!”

Napaawang siya. Nagulat siya. “S-sorry hindi ko alam na ayaw mo ng seafood.” He grab my right hand and kiss it. Marami pa akong narinig na napasinghap. “SORRY!” at ako naman ay parang naparilasa sa ginawa niya...........

Huminga ako ng malalim… “It’s okay. Pero sa susunod sabihan mo naman ako.”

Ngumiti din siya… parang nag-sparkle yong paligid…

Siya na lang ang pinapili ko pero siyempre ay hindi seafood yong pipiliin na pagkain...

Habang naghihintay sa pagkain ay marami siya tinatanong sa akin.. para siya ang reporter at ako ay isang artista. Pero wala sa tanong niya ang sinagot ko. Bahala siya. Pinagbigyan ko na nga siya na kumain na kasabay… Nang mae-serve na ang pagkain ay sakto naman na may narinig akong pamilyar na boses.

“Tama ba ang nakikita ko o nanlalabo lang ang mata ko, Tiara??”

“Hindi ka nagkakamali Venera sa nakikita.”

“EHHHH!!!!!!!!! They are perfect for each other!!!!!” Si Runia yon at sa boses na yona y obvious na kinikilig siya. “I better tell my mother about this… she’ll love it.”

“OHhh.. I thought she hate him pero mali pala ako.” Si Shuuna. Hindi sila lumapit sa table namin pero pinariringgan naman nila ako.

“SHUT UP!” Lumingon ako sakanila.

“Oh! Cool kalang! Wag kang high blood!” Tumatawa sila habang papunta sa malayong table.

(>___<)The heck with them????

Tinapos ko nalang iyong pagkain saka tumayo. “Thanks for the food.” Then tumakbo palabas…  pero hindi pa nga ako nakalapit sa pintuan--

“Hey!”

 Bigla na lang ako napaatras dahil may nabangga ako. Nang mag-angat ako ay nakita ko si Pheria. Anong ginagawa niya rito???? Nakasuot lang siya ng summer dress…

“You’re leaving him???” Itinuro niya si Alvaro. Ngumiti siya habang nakatingin kay Alvaro.

“uhmm… HINDI! Pupunta lang ako sa rest room.” Sagot ko. Nilingon ko si Alvaro na naglalakad patungo sa amin.

“Wag mo akong sundan pupunta lang ako sa rest room. Bumalik ka na sa mesa.”

“But I thought na…”

“Nagugutom pa ako eh.. babalikan na lang kita.”

Bumalik nga siya. Saka bumaling ako kay Pheria.

Parang hindi siya ang pheria na nakilala niya noong party.. hindi na kasi maamo ang mukha niya…. Parang suplada…

“Did you think that I’ll steal your man???” She whispers. “you don’t have to worry dahil hinid siya ang lalaking nakatakda sa amin..” She said saka umalis. “wag ka ng magselos okay? Hindi ko siya aagawin hahaha.” BAkit niya sinabi amin??? Dalawa ba siya??? Ah baka nagkamali lang sa sinabi.

O.o jealous ? ME?!?!?

“ther—“

“Oh I almost forgot…. May ibinigay sa akin ang manghuhula ko para sa yo daw. At hindi diyan ang daan sa rest room” Ipinakita niya yong card saka inilagay sa palad ko. Saka umalis uli.

Nag-iinit ang pisngi na tiningnan ko yong Card.

Wala naman nakalagay doon except sa heart na natamaan na ni Cupido…. Anong ibig sabihin non?

“LOVE CARD???” The heck?








1 comment:

  1. grabe! i think first po ako dito sa blog na nakabasa at comment! yehey! so glad i check this today! kahit mukhang aabutin ako ng madaling araw sa pagbabasa. oks na oks lang!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^