Sunday, June 24, 2012

My Nephew-in-Law : One-shot 2


Interview with the Cast
(Part 2)


RUIJIN: Kamusta mga kaibigan, narito na po ang 2nd part ng interview ko sa paborito nating cast ng “My Nephew-in-Law.”



ELI: Akala ko aabutan ng isang taon ang update mo nito ha.



RUJIN: Pasensya ka na Eli, marami lang kasi akong ina-update pang stories. Kailangan kong mag-focus dun kasi malapit nang matapos yung iba kong on-going.



SAM: Akala ko ba kami po ang most beloved story niyo? Bakit hindi kayo mag-focus ulit saamin?



RUIJIN: Teka bakit ba ako na ang hina-hotseat niyo ngayon? Diba ako ang author? Ako ang nagi-interview so ako dapat ang nagtatanong.



ELI: Relax po Ate! Hot ka masyado!



RUIJN: Nakow pasalamat kayo mahal ko kayo. So ituloy na natin ang naputol nating usapan nung nakaraan. May mga bagay at katanungan ang lahat tungkol sa pagbabalik eksena ng grupo niyo sa blog ko. Anong masasabi niyo dito.



WAINE: Abangan po nila yung mga untold stories po ng bawat isa.



RUIJIN: Like what? Magbigay kayo ng tag-iisang example.



ELI: Ito po. Magkakaroon po ng flashback yung buhay ni Rinoa as my most loyal security camera. At kung bakit ganun na lang ang paghihinagpis namin nina Waine at Argel nung sinira mo po siya.



RUIJIN: Oy! Hindi ko talaga siya sinira! Nasama lang talaga sa script yun! Kinailangan lang talagang mag-end ang character niya sa kwento. Pero para po sa kaalaman niyong lahat, buhay na buhay pa po si Rinoa.  Actually, siya nga po ang camera na gamit namin ngayon. Magsalita ka nga Rinoa!



RINOA: Yes Miss Ruijin. Do you have the home password? (Pasensya na, iilan lang kasi talaga ang alam na salita ng camera na yan! Ahahahaha!)



RUIJIN: Oh kitams! Thank you Rinoa sa iyong special appearance.



SQUALL: Please don’t forget about me. (At dahil mas hi-tech naman itong si Squall, kaya may mga ganyang salita siyang nalalaman!)



RUIJIN: Ah oo naman Squall! Hindi natin pwedeng kalimutan ang partner ni Rinoa at pumalit sa kanya as the new security camera. Yan oh, may appearance ka na rin. Anyway, let’s move on, ikaw naman Sam? Anong teaser ang maibibigay mo para sa audience natin?



SAM: Meron pong one-shot dun entitled ‘WHAT IF’. Isang maikling kwento na sasagot sa tanong na ‘What if magkapalit kami ng ugali ni Eli’. What if AKO ang masungit at leader ng isang gang, samantalang si Eli naman ang slow at lagi kong inaalipin.



KIAN: Excited ako jan! Gusto kong makita si Eli na hindi magsungit kahit minsan lang.



ELI: SHADDAP!



RUIJIN: How about you? Waine and Argel?



WAINE: Meron pong story na pagbibidahan ko kung saan makiki-clear ko na yung dating issue ko na may shinota akong bakla. Itong lintek na Argel kasi na ‘to, kinailangan pang sabihin yun sa lahat!



KIAN: Ay OP ako jan. Wala pa ako nung mangyari yang eksenang yan.



ARGEL: Eh sabi sa script yun eh! Ako naman, yung issue na marami nga akong naging girlfriend pero wala pang first kiss. Malalaman niyo po ang kwento behind my real first kiss.



RUIJIN: Aba!!! So naka-first kiss ka na pala ha! Abangan nating lahat yan!



ARGEL: Opo! Syempre, kasama ko po sa eksenang yan si Sam.



ELI & RAFFY: ANONG SABI MO!!!



SAM: AKO???



ARGEL: Joke lang! Hwahahaha!!! (At sabay na pinektusan nina Eli at Raffy si Argel) Aray ko naman!!! Hindi naman kayo mabiro! Syempre, ang pinakamamahal kong si Raffy ang first kiss ko! Siya lang ang one and only ko noh!



*ayiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeh!*



RAFFY: Siraulo ka talaga Argel!!! Kahit kelan ka!!! Pero opo, abangan niyo yung one-shot na yun. Nakailang takes po kami nun bago natutong humalik itong si Argel.



ARGEL: Hwaaaaah! Huwag mo namang ipagsigawan sa lahat yan ngayon!



BYRON: Wushu! If I know sinadya mo yun para mamanyak ng mas matagal ang kakambal ko eh.



KIAN: Naks Byron! Hindi ko alam, protective brother ka pala.



RUIJIN: Hwahaha! Oo nga! Anyway, eh yung tungkol naman sainyo Byron?



BYRON: Ah yung saamin naman ni Shee, yung untold story after ng deal namin na magiging kami until the end of class semester. Alam ng lahat na nagkatuluyan nga kami pero hindi nila alam kung ano ang mga nangyari nun.



SHEENA: Opo! Abangan nila ang makasaysayang pakikipagbakbakan ni Byron sa tatlong lalaki. Pwede na nga siyang pumalit kay Idol nun eh.



ELI: Woah talaga Byron? I’m so proud of you, nakikipagsuntukan ka na rin pala! Pero hindi mo ako pwedeng palitan!



KIAN: Actually, ako ang unang nasuntok niyang si Byron eh.



ELI: Excuse me ha, bakit kanina ko napapansin ang palaging pagsingit mo ngayon?



KIAN: Exposure ang tawag jan. Nung nakaraang interview kasi, kinawawa ako ni Author.



ELI: Boy Singit ka pa rin. Ano ba yan Ate Ruijin?



RUIJIN: Pagbigyan mo na Eli! Nag-iinggit ka ba sa exposure niya?



ELI: Hindi noh! Asaness!



RUIJIN: Tumungo naman tayo kay Sunmi na magi-straight Tagalog ngayon!



SUNMI: WAE??? I mean WHAT??? I mean… ANO???



SHEENA: Wow! This is exciting! Straight Tagalog pala ha! Go Sunmi!!!



SUNMI: Um… magkakaroon po ng kwento na pagbibidahan ko rin kung saan matutunghayan niyo po ang pakikipagsapalaran namin ng nobyo kong si Waine sa dayuhang bansa na Estados Unidos.



*nosebleed na si Sunmi sa pagta-tagalog niya!*



WAINE: Hala!!! Sunmi? Kaya mo pa ba? Konting habag naman Ate Ruijin!!!



RUIJIN: Ahahaha! Joke lang Sunmi. Sige pwede ka nang mag-TagLish.



SUNMI: OMG! Kamsahamnida! I mean… thank you!



RUIJIN: At ito po. Alam kong maraming nag-aabang dito. Ang One-shot ni Kian!



KIAN: Oppps ate! One shots po yun! With S!!!



RUIJIN: Ay oo nga pala!!! Maraming One-shot yun!



KIAN: Oh yeah! Buti na lang maraming nagmamahal saaking ibang readers! Abangan niyo po ang mga pagbibidahan kong fanfics na ginawa ng iba't ibang magagaling na writers! At least dun, iba-iba ang naging ka-partner ko!



ELI: Ay puro fanfic ka lang pala eh! Hwahahahaha!



KIAN: Sige itawa mo lang yan Eli. Hintayin mo, may ia-announce pang pasabog yang si author.



*lahat tumingin saakin…*



RUIJIN: Bakit ako Kian?



SAM: Ate anong pasabog yan?



KIAN: Okay ako nang magsasabi, akala niyo kayo lang ang may talagang official loveteam? AKO RIN NOH!!! Hwahahahaha!!! Isang story yun na gawa mismo ni Ate Ruijin!



ELI: Ano??? May official loveteam si Boy Singit?



WAINE: Sino naman kayang babae yun???



ARGEL: May isa pa bang official girl character sa kwento? Bakit hindi ko natawag na babyloves yun?



BYRON: Kilala ba namin?



SAM: Grabe? Sino kaya yun???



KIAN: As of now, sekretong malupet na muna yun. Let’s leave it to the Author.



RUIJIN: Naks! Wag kayong mag-alala. Sigurado ko namang maalala niyo ang babaeng yun. Lumabas na siya sa kwento pero minor lang ang ginampanan niya nun. Yun lang muna dahil tama si Kian, SEKRETONG MALUPET YUN!



*everyone excited!!!*



SAM: Eh Ate, kayo naman po ang dapat na hingian ng teasers ng mga audience at readers natin. Ano pa po ba ang dapat abangan ng lahat sa special edition ng kwentong ito? At tsaka anong kaibahan nun sa Special Chapters?



RUIJIN: Wow! So ako na ba ang ini-interview ngayon? Pero sige sasagutin ko yan. Ang one-shot series na mababasa ng mga readers ay syempre pagbibidahan niyong lahat. Tulad nga ng mga nasabi niyo, mga untold before-and-after stories yun.

Hindi lang yun, dapat ding abangan ang mga mabubuong couple names sa bawat story! Ang couple po na tinutukoy ko dito are not necessarily the romantic couples na alam natin!

Ganito po yan, kung ang story ay pagbibidahan nina:

  • Eli, Waine and Argel - ‘EWaGel’
  • Waine at Sam - ‘SWaine’
  • Argel and Sam - ‘ArSam’
  • Sam and Byron -‘SamRon’
  • Sam and Kian – ‘SamIan’
  • Sam and Sunmi – ‘SunMIra’
  • Sunmi, Sheena, Raffy – ‘SunSheeRaf’
  • At marami pang iba!



ELI: Astig!!! Imba ka talaga kung mag-isip Ate Author! I’m so proud ikaw ang gumawa saakin!



RUIJIN: Naks! Kinilig naman daw ako dun!



SAM: So ito na po ba ang katapusan ng 2nd interview?



RUIJIN: That’s a very good question, Sam. (Wow, nasa pageant tayo teh?) Bago natin tapusin ang interview ko na ito, at bago tayo magtuloy sa One-shots, nais ko ring paabangan sa lahat ang isa pang nalalapit na kwento na may kinalaman rin sa inyo.



ALL: Ha? Tungkol naman saan yun?



RUIJIN: May I present you our special guests… Tita Pia and Tito Rico with their son, baby Ezekiel Pascual!



ELI: Mommy!



SAM: Kuya!



ALL: Uwaaaaaaaaaaaaah!!!!!!! Zeke!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! (At lahat hindi rin magkanda-ugaga para mabuhat ang sanggol na si Zeke)



PIA: Hello sa lahat!



RICO: Kamusta kayo!



BYRON: May special appearance din pala kayo dito kuya Rico.



RICO: Oo naman! Kung sina Rinoa at Squall nga, may appearance, kami pa kaya!



PIA: At tsaka may special announcement pa nga si Author.



SHEENA: Pero bago po yan, pabuhat ako kay Zeke!!!



RAFFY: Ako rin, ako rin!!!



KIAN: Pabuhat din ako! Ninong ako niyan!



WAINE: Ninong din naman kami! Pero paunahin niyo na lang si Idol, siya ang kuya noh!



ARGEL: Pwede rin naman si Sam ha. Siya ang auntie!



SUNMI: Oh di para walang gulo, I’ll carry Zeke first.



ZEKE: UWAAAAAAAAAAAAAAAH!!!



SAM: Uy ang ingay niyo!!! Nagising  na tuloy si Zeke!



ELI: Kung makapag-agawan naman ang mga ito akala mo hindi pa nakakakita ng baby! Ate, bakit ba dinala mo pa si Zeke dito? Kawawa naman kapatid ko, nagising tuloy.



RUIJIN: Okay, ganito po yan, sinisimulan ko na rin kasi ang pagbuo sa kwento na pagbibidahan nitong si Zeke.



ALL: Talaga???



RUIJIN: Oh yes! Hindi na kayo mga teenagers sa kwentong yun dahil ang spotlight ay mapupunta na kay Zeke.



SAM: Kelan yan ate?



RUIJIN: Secret muna. Pero siguro pagnatapos ko na ang complete compilation ng one-shot series ng kwentong ito. By that time, magbibinata na si Zeke.



SHEENA: Clue naman sa magiging title nung kwento!!!



RUIJIN: JTMR.



RAFFY: Eh yung pangalan ng kapartner niya?



RUIJIN: FP.



SUNMI: Any love triangles with that story?



RUIJIN: GL.



WAINE & ARGEL: Woah!!! Ano kayang ibig sabihin ng mga yun?



RUIJIN: Kian pakisagot nga ang tanong nila.



KIAN: Sekretong malupet!



BYRON: Naeexcite na ako para kay Zeke ha!



RUIJIN: Ahahahaha!!! Okay so yun lang muna! Palakpakan na nating ang bawat isa.



*clap clap*



GUEST: Question lang, hindi niyo po ba igi-guest si Cyler at ang kapatid niya?



RUIJIN: Bakit gusto niyo ba?



ALL: WAG NA!!! HAHABA PA LALO EH!



ELI: Baka banatan ko lang yung kumag na Cyler na yun eh! Nasa kulungan siya ngayon.



SAM: At si Kyle naman, nasa DSWD.



RUIJIN: Oh wala pa bang ibang guest jan? Any more questions? Oh wala!!! Good!!! Wag na nating pahabain pa ito!

Maraming salamat sa pagbabasa at ito po inyong adik na author na nagsasabing abangan nating lahat ang talagang pagsisimula ng My Nephew-in-Law : One-shots.



ALL: SALAMAT PO!!!



GUEST: Kelan nga pala magsisimula?



RUIJIN: Ano ba yan may pahabol pa palang tanong!!! Basta iaupdate ko kapag may natapos na akong one-shot! TAPOS!





12 comments:

  1. yeeeessss...... I LOVE YOU talaga ate...excited na ako sa on-shot na yan....aabangan ko talaga yan...

    ReplyDelete
  2. ~>angel is luv<~

    waah! excited na ako sa teasers nila for the next one-shots! pati dun sa story ni zeke, mukhang exciting! mamana niya kaya ang kasungitan ni idol o yung pagka-slow ni sam? hahaha!

    ReplyDelete
  3. oh my gosh!.. i'm so excited!!.. adik talaga ako sa kwentong 'to.. update na po ate..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete
  4. grabe! ang tgal qng hintay 2!
    llo lng aq naexcted dhil s mga pingbibigy nlang teasers! gus2 q mlmn ung WHAT IF nina eli at sam! hahhhahahahaha! exctd n aq! sna mcmulan n tlga!

    ReplyDelete
  5. ang ganda! kakaexcite po lalo! hope you update all one-shots! naexcite ako sa teasers na sinabi nila! lahat gusto ko na mabasa! i miss MNIL so much po kasi!

    ReplyDelete
  6. waaaaaaaaaaah! nhuli n pla aq! me part 2 n pla! naks nmn c kian d2 ang dmi ng exposure! hahhhaha! naeexcite aq s mga sekretong malupet ha! sna mcmulan n tlga!

    at naeexcite din aq ke zeke! pnigurado mgkasame sex appeal cla ni eli! hahhhaha!

    ReplyDelete
  7. for sure a lot of people can't get over with this story! hands up if you are too!

    ReplyDelete
  8. ^_^ excited na ko!! parang yung girl na tinutukoy ni kian :) parang naaalala ko sya, minor character nga lang , sana may kian-sam lovestory.. aheheheh patay ako kay idol eli nito :)

    ReplyDelete
  9. kelan yang oneshots na yan!!! we're so excited!

    ReplyDelete
  10. WAAAAH! Nagba-browse ako ng stories dito sa ADD, then nakita ko 'to. Muntikan akong magfreak out sa kinauupuan ko. UWAAAAAA~!
    Ang kulit-kulit talaga nila! Nakaka-miss!
    In fairness, mas marami ang screen time ni Kian labs. Wahaha.

    Yung kay Zeke! May teaser na! Kaya lang initials lang. But still, excited na rin ako diyan! Aabangan ko yan!
    LALO NA YUNG ONE-SHOTS! Oh my gawd. Woooh. Super excited na ako.
    //Sosyal. Pati si Rinoa, may exposure. Hahaha.
    AABANGAN KO LAHAT! BASTA RELATED SA MY NEPHEW-IN-LAW. XDDDD

    ReplyDelete
  11. uwaaaaaaaaa!!!! i'm so excited sa mga untold stories!!! hahahaha super love ko tlaga ang knilang barkada!!! da best!!!
    i love you argel waine byron!!! (di ksama c kian? hahaha cla an main ee)
    thank yu po sa pg0update :))

    <3 etenio

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^