Friday, June 8, 2012

BFF = BoyFriend Forever : Chapter 1

 Let Me Be Your BFF

Sana maintindihan 'nyo.
Magulo siya.
I admit.
^  3 ^)




"Ice cream?" alok ng isang batang lalaki sa isang gusgusin na batang babae.


"Sino ka?" tanong ng gusgusing batang babae sa batang lalaki. Napakamot na lamang ang batang lalaki sa inis. "Siya na nga binibigyan ng ice cream, ayaw pa?" rant ng batang lalaki.


"Ayaw mo ba? Ako na nga nagmamagandang loob?!" bawi ng batang lalaki sa kamay niyang nang-aalok ng ice cream sa batang babae. "Nangangalay lang ako..."


"Pero sabi kasi ng Mommy ko, kapag 'd ko kilala, 'wag ako tatanggap ng kahit na anong bigay sa'kin." sagot naman ng batang babae.


"Ano?!" inis at hindi makapaniwalang tanong ng batang lalaki.


"Lalo na kapag kahina-hinala..." dugtong pa ng batang babae.


'kung anime lang ang reyalidad na ito, umuusok na siguro ang tenga ng batang lalaki na pulang-pula na ang mukha sa sobrang inis.


"Ako ba 'yung tinutukoy mo na kahina-hinala?!" yamot na tonong tanong ng batang lalaki, "Tignan mo nga suot mo sa suot ko?!"


Napatingin naman ang batang babae sa suot niyang madumi at napahawi ng pawis sa noo.


"Sabi ng tutor ko 'don't judge a book by its cover' kaya 'wag mo ako hinuhusgahan." kalma at inosenteng sagot lang ng batang babae habang naglalaro sa sandbox.


Ibinaba ng batang lalaki ang mga balikat patunay ng pagsuko niya sa wirdo'ng kausap.


Inilahad ng batang lalaki ang kanang kamay sa nakayuko at seryosong bata'ng babae na naglalaro sa sandbox, "Kim nga pala." pakilala niya na naging dahilan ng batang babae na mag-angat ng ulo at makita ang nakahayag na kamay ng batang lalaki. "Sabi ng Mama ko, dapat nagshe-shake hands para magkakilala kayo ng taong gusto mo makalaro."


Tumigil at tumayo ang batang babae mula sa pagkaka-upo sa sandbox, nagpagpag ng mga dumi sa damit at kamay, "Neth." abot niya sa kamay ng batang lalaki.


"Tatanggapin mo na?" patukoy ng batang Kim sa ice cream na hawak niya.


Ngumiti ang batang Neth at inabot ang ice cream na inaalok ni Kim.


"Salamat! Favorite ko, chocolate flavor!"


Umupo ng walang pasabi ang batang si Kim at naglaro sa sandbox.


"Igagawa kita ng castle." simula niya habang kumukuha ng malaking parte ng buhangin, "Dahil friend na kita, ikaw na ang prinsesa ng castle ko."


Nakangiti na tumabi ang batang si Neth sa tabi ng batang Kim. "Ako ang prinsesa ng castle mo?" tanong nito.


Tumango lang ng paulit-ulit ang batang Kim at nagpatuloy sa pag-ipon ng mga buhangin.





Malipas ng ilang sandali-- kasabay ng pag-ubos ng ice cream na kinakain ni Neth-- masayang sumigaw si Kim at nag-anunsyo na tapos na niya ang castle na tinutukoy sa bagong kaybigan.


"Ayan na 'yung castle na sinasabi mo?" disappointed na tanong ng batang Neth.


"E-eh? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong ng batang Kim.


"H-hindi..." kamot sa ulong sagot ng batang Neth.


"Ano'ng hindi? Hindi mo nagustuhan, o ayos lang, hindi ko kaylangan mag-alala?"


Ngiti lang ang naisagot  ng batang Neth sa batang si Kim.


*DEEP SIGH*


"wag ka mag-alala... pangako, pagtanda natin igagawa kita ng magandang castle!"


Nagningning naman ang mata ng batang si Neth, "Talaga?!..." 'd makapaniwalang tanong niya sa batang Kim.


Padabog at galit naman na hinampas ng batang Kim ang buhangin sa harap niya, "Ibig sabihin pangit nga talaga 'yung gawa ko?!"


Disappointed na yumuko ang batang Kim.


"Nasaktan ba kita? Sorry..." paghingi ng tawad ng batang Neth.


Nakangiti naman na nag-angat ng ulo ang batang Kim, "Ok lang! Lalaki ako kaya wala na sa'kin 'yon."




Lumipas ang mga araw at araw-araw ng nagkikita ang dalawang magkaybigan sa naturingang sandbox sa isang playground sa loob ng iisang subdivision na parehas nilang pinagtitirhan. Pero dumating ang isang araw nang magka-pangako-an sila na pupunta sa isang lugar na alam ng batang si Kim ngunit sa kasamaang palad, hindi nakarating ang batang si Neth sa usapan.


Mula sa isang umaandar na sasakyan, umiiyak na pinagmasdan na lang ng batang Neth ang kalarong si Kim sa masaya at naghihintay na nakaupo sa isang swing sa playground ng dumaan ang kanilang sasakyan doon.


'Sorry, Kim. Bestfriend pa 'rin kita kahit na anong mangyari. Promise, babalik ako at pupunta tayo sa ipinangako mo'ng lugar na pagdadalhan sa'kin.' Naisip na lang ni Neth habang pinagmamasdan ang papaliit na vision ng kaybigan.


~


"Dapat hindi na lang kita pinatawad eh!" - Kim


"Abuh! Nagsisisi ka?!" - Neth


"Oo bakit?!" nagulat ako sa pagtaas ng boses niya sa'kin.


"Imature." huli ko na lang na nasabi sa kanya at tinalikuran ko siya.


Padabog na dinampot ko ang susi sa lamesa at padabog din na isinara ang pinto sa likod ko.


"Keep calm, Janneth, sayang ang beauty..." paypay ko pa sa mga pawis ko gamit ang kamay ko.


Isinuksok ko ang susi sa keyhole at pinihit pa-kanan.


"S-su...si... ko?" patanong ko na tinignan ang keychain na nakasabit sa susi na hawak ko.


Napapadyak ako at tila 1000 tons ang bigat ng mga papa ko'ng sumugod ulit sa loob ng shop.


Walang sabi-sabing galit ko'ng inilapag ang maling susi na nadampot ko at kinuha ang tamang susi. Pero hindi pa ako nakakatalikod mula sa pagdampot ko ng susi, may isang damuhong lalaki na agad ang yumakap sa'kin mula sa likod.


"Sorry na... talo naman ako lagi eh." bulong niya mula sa kanyang ulo’ng nakasubsob sa balikat ko't hinarapan ako ng paborito 'kong bulaklak.


"Leshe. Hindi 'man lang pinaabot ng limang minuto ang galit ko." kunwari'y galit ko'ng inabot ang mga carnation na nasa mukha ko.


"Bati na tayo, uh?" higpit niya sa pagkakayakap sa'kin.


"Hindi kita patatawarin lalo..." sabi ko, "B-bakit?!" maiyak-iyak na tono niyang tanong.


Pilit ko na inaalis ang kamay niya sa pagkakayakap sa'kin.


"Eh 'd mo ako pinahihinga eh!"


Mabilis pa sa alas-kwarto niyang tinanggal ang pagkakayakap sa'kin at hinarap ako sa kanya. Nakita ko na lang na nakaluhod siya at magka-daop ang dalawang kamay na humihingi ng tawad sa'kin.


'Kaya kita mahal eh.' Pero sa isip ko lang sinabi dahil alam ko na hindi pwede.


"OA ka talaga kahit kailan." sabi ko sa kanya habang hinihila ang damit niya patayo.


"Bati na tayo, uh? I love you..." yakap niya ulit sa'kin, "...bestfriend..."


Nangiti na lang ako at napayakap 'rin sa kanya habang tumatango.


~


Malipas ng ilang taon, tumuntong na ng middle school si Kim at patuloy pa 'rin na naghihintay at nagbabaka-sakali na magkikita silang muli ng kaybigan.


"Good morning, class!" bati ng homeroom teacher ni Kim sa buong klase.


Nanatiling malalim ang iniisip ni Kim na nakatanaw sa labas ng bintana.


"May bago kayong kaklase! Hija, magpakilala ka..."


Naningkit ang mga mata ni Kim sa narinig kaya umubob siya sa desk niya at nagtakip ng bag sa ulo.


"Good morning, classmates! My name is Janneth Lim. Please take a good care of me."


Dahil sa nakatakip ng bag si Kim, hindi niya narinig ang pagpapakilala ng bagong kaklase.


"Let's see... a vacant chair-- there! Pwede ka umupo 'dun sa harapan ni Mr. Yap."


Naramdaman naman ni Kim na umurong ang upuan sa harapan niya kaya alam na niya na sa harapan niya napa-upo ang bagong kaklase na tinutukoy ng homeroom teacher nila.


"Sorry for intruding, please wait for your next professor. Behave, class. Treat her nice." matapos sabihin ng kanilang homeroom teacher ay lumabas na ito at isinara ang pinto.


Pagkalabas na pagkalabas naman ng teacher, tatlong kaklaseng babae ang mabilis na tumayo at nilapitan si Janneth.


*PAK*


"Hello new classmate!" -  Lin


Iritableng sumilip si Kim sa pagitan kanyang bag at braso. Nakita niya ang pinaka-pilya niyang mga kaklaseng babae na nakatayo at pinalilibutan ang bagong kaklase na naka-upo sa unahan niya. Nag-angat ng ulo si Kim sa pag-iisip na may exciting na mangyayari sa pagitan ng mga pilyang mga kaklase at ng bagong saltang kaklase.


"Pwede ka ba namin makasabay ng lunch?" - Pauline


"Yeah. Can we be friends?" - Estella


Muntik ng malalaglag sa upuan ang buong klase sa ironic acts ng mga pilya nilang kaklase.


'May masamang binabalak ang mga 'to.' sabay na naisip nila Kim at Janneth


Ngumiti lang si Janneth at sumagot, "Sure."


Biglang may nagbukas ng pinto at pumasok ang next professor nila. Nagbalikan na sa kani-kanilang upuan ang mga mean girls at nanatiling nakangiti si Janneth. Sa kabilang banda naman, nagtatakang napa-isip si Kim sa pwedeng mangyari sa bagong saltang kakalase. Napangiti siya at muling tumanaw sa labas ng bintana.


'Magiging exciting na ang araw-araw na pagpasok ko sa school.' namuo ang isang 'd kaaya-ayang ngiti sa labi niya.


~


"Hala sige, bantayan mo na 'tong shop at papasok na ako sa office ko."


"Eh? May office din ako. sino magbabantay dito?" tanong niya sa'kin, "Hindi ka pa kasi maghanap ng boyfriend, bestfriend?" hubad niya sa apron na nakasuot sa kanya, "Para may magbabantay na dito. Tatanda ka ng dalaga 'nyan, sige ka."


"Shadap! Hahaha. Bahala ka na 'dyan, bye!"


*SLAMMED DOOR*


Mabilis akong tumakbo sa kotse ko at binuksan. Pinatakbo ko na 'yun at nagmaneho papunta ng opisina.


"May promise ka pang hindi natutupad, Kim."


Napa-smirk na lang ako'ng nag-drive hanggang sa makarating ako sa building ng office ko. Naglagay muna ako ng shades at scarf sa ulo bago bumaba.


"Ms. Lim!!"


'Dapat hindi ako lumingon.'


"Ms. Lim!!"


Ibang boses nanaman ang tumawag sa'kin. Masama na 'ton, kaylangan ko na magmadali.


"Ms. Lim!" hatak sa braso ko ng-- "...Sir?..."


Inalis ko ang shades ko at binaba ang putong sa ulo ko.


"Sorry Sir. Kayo po pala 'yung tumatawag."


"Ha? Isang beses lang kita tinawag. At tsaka, cut the pormalities. Call me what you used to call me." - Sir James


"Uwah~ 'd pwede po 'yun, Sir." ni-tap niya 'yung ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Just like the old times, Janneth."


'd na ako naka-usap, hinatak niya na ang kamay ko at ni-guide sa elevator.


"Good day, Ms. Lim! May dadaanan pa ako sa front desk eh, see you around."


*ELEVATOR DOOR CLOSED*


~


Lunchtime ng umakyat si Kim sa rooftop at nagpahangin.


'Favorite subject.' isip niya.


Naupo siya sa bingit ng may marinig siyang yapak ng mga sapatos na paakyat sa kinaroroonan niya.


"Sino ka?" tanong niya sa kararating lang na tao, "Hindi mo ba alam na off limits ang lugar na 'to?"


Tumayo siya at cool na nag-about face, pero nanlaki ang mata niya ng makita niya ang president ng student council ng middle school.


"Sabi ko na nandito ka eh. Ako pa sinabihan mo ng off limit ang lugar na 'to?" lumapit siya ng kaunti kay Kim at ng magkaharap na sila, pabirong itutulak niya si Kim kaya napahawak ito sa kamay ng president.


"Mabiro ka uh?" agad niyang binitawan ang president at lumayo, "Ano nanaman ba kaylangan mo sa'kin?"


Lumakad ang president ng student council at lumampas sa kanya, magdating niya sa may hagdanan, muli siyang nagsalita.


"Be responsible, nabalitaan ko na may bagong salta sa room niyo. Alagaan mo naman... nandun pa naman sila Lin, Pauline at Estella." muli siyang humarap at ngumiti kay Kim. "I'm counting on you, little brother." at tuluyan ng bumaba ng rooftop.


Tila pagod na napa-upo si Kim sa sahig at nagpakawala ng napakalalim na buntong hininga.


"Muntik na ako malaglag 'dun uh!" humawak siya sa dibdib niya malapit sa puso at muling bumuntong hininga.


Tumayo si Kim at mabilis na bumaba ng rooftop. Dumiretsyo siya sa canteen at 'dun niya nakita ang target.


"Eh?! Bakit ayan lang binili mo?!" - Estella


"Bakit? Hindi naman kasi ako masyado gutom, ok lang ako." inosenteng sagot ni Janneth sa tanong ni Estella.


"wag ka na nga makialam, Estella, hayaan mo siya kumain ng gusto niya."


May nabasang maling ngiti si Kim sa mga labi ni Pauline kaya napagdisisyunan niya'ng umupo sa malapit na bakanteng table sa kinaroroonan nila Janneth.


'kung mas malapit lang sana, kita ko bawat galaw nila.' sabi ni Kim sa sarili.


May nakita siyang panibagong upuan na nabakante na katapat lang ng table nila nang tumayo ay isang grupo ng mga lalaki. Pagkatayo niya, muli siyang napa-upo ng may magkasalubong na kilay ng may mauna sa kanya na mag-occupy ng table; mga higher levels.


'Sorry, ate, pero 'd ko ata masisimulan ngayon ang inuutos mo.'


"Trying hard to gain my trust, kapatid?"


Nagulat si Kim ng mula siyang tabihan ng kapatid niyang babae at bumulong sa tenga niya.


"Sorry, ang layo ng pag-asa. Next time na lang."


Tumayo si Kim pero hinatak ulit siya ng kapatid niya pa-upo.


"Saan ka pupunta? Ilibre mo na lang ako ng pagkain."


Tinignan ng masama ni Kria si Kim.


"Half sister, 'mas mayaman ka sa'kin kaya kumain ka mag-isa mo."


Tumayo muli si Kim-- kasabay ng pagtayo si Janneth-- at ipinagpag ang braso 'kung saan nakahawak si Kria kaya nalaglag 'yon-- at pagkakapatid ni Janneth kaya halos masubsob na ito sa sahig.


"--- Neth!" napalingon si Kim sa pinanggalingan ng sigaw at nakita niya si Janneth na salo-salo ng isang lalaki mula sa higher level at napigilan ang pagbagsak nito sa sahig.


Nanlaki ang mata ni Kim sa narinig.


"N-neth?" bulong niya sa sarili.


Tumayo naman ang kapatid niya'ng si Kria at nagsalita, "Nice job, mean girls. Pero sorry kayo dahil hindi 'nyo siya magagalaw hangga't may mata ako sa paligid." sabi nito sa tatlong kaklase ni Kim, "Thank you, James. Great job." baling naman niya sa lalaking nakasalo kay Janneth mula sa pagkakatalisod sa kanya ng isa sa mean girls.


"Are you okay, Ms. Lim?" tanong niya kay Janneth habang inaalalayan ito'ng tumayo.


~


"Hay~!"


Binagsak ko ang sarili ko sa upuan ko at tumingala.


"Kahit kaylan talaga knight in shining armor si Sir." bumangon ako sa pagkaka-slouch ko hinarap ang computer ko, "kung hindi dudumugin nanaman ako ng flowers, chocolates at gifts ngayon."


Pagkabukas ko ng computer ko, may message na nag-pop out sa screen ko.


/ Trabaho ng mabuti, Hime. /


Na-minimize ko ng wala sa oras 'yung message.


*DEEP SIGH*


"Hindi pa 'rin nagbabago, talaga naman!"


Pero napatakip ako sa bibig ko ng mahagip ng mata ko 'yung checker. Nginitian ko siya gamit ang mga mata ko at inalis ang kamay na nakatakip sa bibig ko at pinakita sa kanya ang naka-smile 'kong mga labi.


"Good morning po, Ms. Torre."


Tumango lang siya sa'kin at naglakad na paalis.





Natapos ang trabaho at ang sakit ng balikat ko. Kamusta kaya si Kim?


/ Pare! Kamusta trabaho? Keri ba? /


Mag-reply kaya agad?


*KIBIT BALIKAT*


Binulsa ko na ulit ang phone ko at inayos na ang desk ko. Ang kalat ko lagi talaga mag-trabaho, pero prefer ko naman 'to.


Tumayo na ako at  in-off 'yung computer ko. Pagkapasok ko ng elevator, nag-vibrate ang phone ko.


Calling Pareng Kim...


[ Neeeeth!!! Ayaw ko ng ganitong trabahoooo!!! ]


Nailayo ko kaagad 'yung phone ko sa tenga ko at tila lulubog na ako sa mga kasabay ko sa elevator. Ang tahimik pa naman ng pagbaba ng elevator at walang nagsasalita sa mga nakasabay ko kaya rinig na rinig 'yung sigaw ni Kim sa kabilang linya.


"Ang sakit sa tenga ha?! At tsaka 'wag ka nga sumigaw, rinig na rinig ka ng mga kasabay ko sa elevator!!" pabulong ko'ng sinesermunan si Kim sa kabilang linya.


Nag-angat ako ng ulo at nginitian ang mga kasabay ko sa elevator.


[ Ganun ba? Sorry naman. Akala ko nagmamaneho ka na eh. ]


Lalo nag-init ang tenga ko sa narinig ko. Saktong bukas naman ng elevator, kahit hindi pa dito ang floor ko, bumaba na ako at nagderetsyo sa pinakamalapit na comfort room.


"EH 'MAS BALIW KA PALA EH~! PAANO 'KUNG NAGULANTANG AKO NG KATULAD NITO NANG NAGMAMANEHO AKO? PAPATAYIN MO ATA AKO EH~!"


Mabuti na lang at walang tao sa napuntahan 'kong CR. Masasapak ko talaga 'to si Kim pag nagkita kami eh.


[ Aray naman~! Ikaw naman ngayon naninigaw... masakit kaya. ]


Napa-face palm na lang ako sa narinig ko.


"Hay nako. Okay! Quits na tayo! Nanigaw ka 'rin naman eh."


[ Uhm~! ]


Nai-imagine ko na tumatango-tango 'yung kumag sa kabilang linya.


[ Anyway, labas tayo! Dinner tayo sa labas. Libre ko! ]


Nagtaka naman ako sa pagyayaya niya, "Akala ko ba ayaw mo ng trabaho mo?"


[ Oo nga, kaya nga sayo na lang ako magtatrabaho eh. Ayaw ko talaga ng trabaho na 'yun, ]


Exotic talaga 'tong tao na 'to.


"Ehh bakit tayo kakain sa labas?"


[ Tanong mo kay Simsimi~! ]


*TOOT. TOOT. TOOT.*


Napa-gasp at napatitig na lang ako sa screen ng phone ko.


"Lokong tao 'to~! Hampas-hampas ka sa'kin, makikita mo."


Binulsa ko na 'yung phone ko tutal nasa CR na naman ako, nag-ayos na ako ng itsura ko.


Nagli-lipstick na ako ng biglang may pumasok na tao.


O____O


"A-ano... anong ginagawa 'nyo dito Sir?"


Napatingin siya sa'kin ng may gulat na itsura. Parehas kaming 'd makapaniwala.


Maya-maya, ng matauhan siya, lumabas siya at bumalik din agad. Pagkabalik niya, may napakalaking ngiti sa labi niya.


"S-sir?"


Nags-statter ako sa kaba dahil sa ngiti niya.


"Hime, lalaki ka na?"


Para ako'ng binagsakan ng ref sa ulo.


"E-eh?!"


Napatingin ako sa paligid at nakita 'kong puro pang-boys 'yung toilet.


(Z/N: 'yung mga nakadikit sa pader? Hahahaha.)


Napatalikod at mabilis na tinakpan 'yung lipstick ko. Nilampasan ko si Sir James at lumabas na agad ng CR.


"Bwisit ka talaga, Kim. Dahil sa'yo pahiya tuloy ako!"


Mabilis ako'ng naglakad at pinindot 'yung elevator pero nasa 8th floor pa lang. nasa 4 floor ako. Aish. Nagpapa-padyak na ako sa inip ng pagbukas ng elevator pero ang tagal talaga.


"Bakit ba kasi ang taas-taas ng building na 'to? Leshee."


Pero nagulantang ako ng biglang may sumagot sa'kin.


"Wala tayo magagawa, malaking kumpanya ang pinagtatrabahuhan mo eh."


Napatingin ako sa katabi ko at napa-urong ako ng kaunti. Pero nilapitan niya ako at kagaya ng lagi niyang ginagawa, ita-tap niya ang ulo ko at guguluhin ang buhok ko.


Napayuko na lang ako sa hiya.


"Ok lang 'yun, Hime. On the rush ka ata eh?"


Naiinis ako sa ngiti niya... parang sinasabi ng mga ngiti niya na ang tanga-tanga ko.


Uwah~! Uwah~!


Bwisit ka talaga kasi, Kim!


*TING*


Inalis ni Sir James 'yung kamay niya sa ulo ko at nag-step in na sa elevator.


"Hindi ka pa ba sasakay?" tanong niya.


Nag-snap out naman ako at napatingin sa loob ng elevator.


'Geez. Bakit walang laman?'


Pero no choice ako. Pumasok na ako ng elevator at sabay na kami, yumuko ako ulit.


*SIGH*


"Hahaha. Hime, bakit?"


Hindi pa 'rin ako natitinag sa pagkaka-yuko ko.


"Nakakahiya po kasi." sabi ko na lang.


'Geez. Nakakahiya talaga ako~!'


"Ayos lang 'yun. Mabuti nga ako lang nakakita eh, tama ba?"


Napaangat ako ng tingin at napahawak sa sleeve ng polo niya.


"Please... 'wag niyo po ipagsasabi sa iba. Nakakahiya."


"Sure, in one condition?"


Hinawakan ko 'yung kamay niya at nagmakaawa, "Kahit ano Sir, 'wag lang malaman ng iba."


Saktong bukas ng elevator. Napalingon ako sa lalaking nakatambay at naghihintay ng elevator.


"P-pare?!/Neth!!" Ako/Kim


May meaning na ngumiti sa'kin si Kim. Leshee! Ayan nanaman siya...


Inaasar at itinutulak ako sa iba.


~


"Ms. Lim, can you answer no. 4 on the board please?"


Math time ng mga oras na 'yon ng matawag si Janneth na sumagot ng problem sa board.


"Yes Sir!" sagot niya at tumayo na patunga ng board.


Nakahinga ng maluwag si Kim ng nakarating si Janneth sa unahan at nakabalik ng upuan nito ng walang nangyayari. Pero...


"Ok ka lang? Namumutla ka."


Napatingin si Janneth kay Kim ng may ngiti sa labi.


"Sa wakas nagsalita ka 'rin."


Nanlaki ang mata ni Kim ng mawalan ng malay si Janneth kaya napatayo siya at binuhat niya ito.


"What happen? Mr. Yap?" tanong ng professor nila pero imbis na sumagot, itinakbo ni Kim si Janneth sa Nurse's Office.





"Ano nangyare?" tanong ng nurse.


"Nahimatay siya matapos sumagot ng problem sa board."


Inihiga niya sa isang hospital bed si Janneth at palabas na dapat ng Nurse's Office ng pigilan siya ng nurse.


"Sandali. Kaylangan ko ng information 'kung sino siya."


Napatigil 'man sandali si Kim pero wala siya magagawa-- hindi niya naman kilala ng lubusan si Janneth, at isa pa, apilido lang ang alam niya dito.


"Ms. Lim, 3-2." tanging sabi niya at lumabas na ng Nurse's Office.


Okyupado ang isip niya'ng umakyat ng rooftop.


'Sa wakas nagsalita ka 'rin.'


'Ano ang ibig niyang sabihin?'


Humiga siya sa lapag at pinanood ang bawat ulap na nagdadaan.


'Sa wakas nagsalita ka 'rin.' ang huling bagay na nasa isip ni Kim ng makatulog siya sa rooftop.





*POKE. POKE. POKE*


Hindi pinapansin ni Kim ang bawat sundot sa tagiliran niya.


*POKE. POKE. POKE*


Pero habang tumatagal na binabaliwala niya ang mga sundot sa kanyang tagiliran, lumalakas ito ng lumalakas.


Galit na minulat niya ang mata niya at nakita ang half sister niya na magkasalubong ang kilay.


"Ano nanaman kaylangan mo?"


Tinalikuran ni Kim ang kapatid at muling pumikit.


"Janneth Lim. Transfer galing sa Maynila. Umuwi dito sa bayan para makita ang childhood friend niya na si Kim. Bakit ba hindi mo 'man lang binigyan ng chance na makilala mo siya?"


Napabangon si Kim mula sa pagkakahiga at hinarap ang kapatid.


"Bakit ikaw nagsasabi 'nyan? Dapat siya! Dapat siya ang magsabi sa'kin 'nyan at mag-sorry siya sa'kin!"


Nagngangalit ang ngipin niyang sinigawan ang kapatid.


"Hi! I'm Janneth Lim, sorry sa hindi ko pagsipot sa'yo 'nung araw na dapat dadalhin mo ako sa secret place mo pero hindi ko din alam na 'yun pala 'yung araw na aalis kami at lilipat sa malayong lugar. 'd nasa nasabi ko sa'yo, 'd ba? Kase kaybigan kita..."


Nanglalaking mata na nakatingin lang si Kim sa namumutla'ng nakatayo na si Janneth. Nang maalala niya ang nangyari bago siya makatulog, mabilis siyang tumayo at kinapitan si Janneth sa mga braso na noon ay babagsak na.


"Bakit ka nandito? May sakit ka pa uh?" matapos niya sabihin 'yon ay matalim niyang tinignan ang kapatid pero isang nakangiting labi lang ang isinukli nito.


Nagdikit ang mga kilay ni Kim at inalalayan na makababa si Janneth patungo ng Nurse's Office.


Sa kabilang banda, naiwan na nakangiti si Kria sa rooftop.


"Thank God, babalik na sa dati ang kapatid ko."


~


"Sir... sorry po, may dinner kasi kami eh? Pero Sir..."


Ngumiti lang siya sa'kin at nagsalita, "Next time kapag wala ka ng date."


Nagkatinginan 'yung dalawa at naglakad na paalis si Sir. Sinundan ko na lang siya ng tingin.


"May problema ba?"


Napabawi ako ng tingin ng magsalita si Kim. Naalala ko tuloy lahat ng inis ko.


*POK*


"Aray~! Masakit 'yun uh." angal niya


"Wala pa 'yan sa kahihiyan na inabot ko dahil sa tawag mo. Hmp~!"


Tumingin ako sa malayo at nakita ko ang kotse ni Sir na papalayo.


"Sasakyan mo gagamitin ha? Alam mo naman ako, poor..."


Bumalik 'yung inis ko at hinila siya sa kwelyo.


"Hai, hai~! Lika na... gutom na ako!"


"Ok, ok! 'd naman kaylangan hilahin sa kwelyo."





"Ikaw mag-drive." abot ko sa kanya ng susi.


"Ehh?" gulat niyang tanong.


"Ikaw mag-drive."


Hinawakan niya 'yung dalawang balikat ko at niyugyog ako, "Totoo ba 'to, Neth?"


Pinadausdos niya 'yung palad niya mula sa balikat ko papunta ng mga palad ko. Napapikit na lang ako ng madiin.


"Oo na! Para mawala na 'yung takot mo na mag-drive ulit."


"Thank you~!" niyakap niya ako ng mahigpit. "Thank you, Besstfriend."


Humiwalay siya sa'kin ng hayap, napatingin na lang ako sa balat niya na tanda ng nakaraan.


Napatingin naman siya sa direksyon ng tinitignan ko, hinawakan niya ang braso ko at hinatak ako para yakapin ulit.


"Kasalanan ko naman 'yun eh, kasi mahal kita. Sorry sa nasabi ko kaninang umaga. Hindi naman totoo 'yun eh. Hindi ako nagsisisi na tumakas ako 'nun para makita ka."


As always, naluha nanaman ako habang nakangiti.


"Hush. Lika na, gutom ka na 'di ba?"


Pinagbukas niya ako ng pinto at tsaka siya umikot sa kabila.


"Oops. Seat belt!" paalala niya tsaka pinindot ang seatbelt at ikinabit sa'kin. "I'll be gentle this time. And as promise. I'll conquer this fear."


*CLICK*


Pagka-click ng seatbelt, niyakap ko siya ng mahigpit at bumulong sa hangin, "I love you Kim..."


Pinakawalan ko siya at nakangiti siyang nag-drive.


~


Matapos magpakilala ng personal at humingi ng tawad si Janneth, bumalik ang dating masayahin at maingay na si Kim. Walang oras na hindi sila magkasama at wala na 'ring nagbalak pa na gumawa ng masama kay Janneth.


Natapos sila ng middle school at pumasok sa parehas na unibersidad. Magkaiba 'man ng kursong tinatapos, nagkakaron pa 'rin sila ng oras at panahon makita ang isa't isa.


"Neth~! Sa dating tambayan?"


[ Sige. See you there! ]


Kahit na alam ni Kim na wala siyang mapapala sa kursong kinuha niya, sinikap pa 'rin niya na mag-aral ng mabuti at makatapos ng may medalya.


Lingid 'man sa kagustuhan ng Ina't Ama kasama na ang half sister na si Kria, hindi naging hadlang sa kanya ang mga salitang ibinabato sa kanya, bagkus ay nagsikap ito at natapos.





"Kamusta trabaho?" nakangiting tanong ni Neth kay Kim.


"d ko talaga gusto 'dun eh. Pero gusto kasi ng Papa ko, magtrabaho ako sa kumpanya nila Mama."


"Bakit kasi ayaw mo sa Mama mo? 'dun magkakapera ka." tanong ni Neth habang dinuduyan ang sarili.


"Ano magagawa ng pera, 'd naman ako masaya?"


Humagalpak ng tawa si Neth sa narinig, tumigil siya sa pag-duyan at tinitigan, ng may maluha-luhang mga mata, si Kim.


"Ang drama, ana?"


'Psh. Hindi mo kasi alam mangyayari kapag sumama ako sa Mama ko na 'yun~' gusto sana sabihin ni Kim pero hindi na niya binalak pa.


Natahimik silang dalawa at sabay lang pinagmamasdan ang mga bitwin sa langit.


"Ano kaya mo gawin para 'd ako mawala?"


Mahinang napa-chuckle si Neth sa narinig.


"Tatawa na ba ulit ako?"


Inilipat ni Neth ang mga tingin niya kay Kim at sa nakitang niyang seryosong mukha ni Kim, natigilan siya sa pag-chuckle, tumayo at itinuro ang mga bitwin sa langit.


"Pipilitin ko bilangin lahat ng mga bitwin na 'yan kahit abutin 'man ng ilang taon..." ngumiti siya sa sarili, habang nakaturo pa 'rin sa mga bitwin, lumingon siya kay Kim. "...kahit ilang taon, katulad ng nangyari dati." nag-thumbs up siya sa harap ng mukha ni Kim, "Ok na ba 'yun? Pare?" at nag-wink pa.


Unti-unting nangit si Kim sa narinig. Hinawakan niya ang naka-thumbs up na daliri ni Neth at kinulong ng napakahigpit.


"A-aray, aray~! Masakit." binitawan ni Kim ang hinlalaki ni Neth at tumayo, "Kahit magka-peklat 'man ako sa puso, 'wag lang bumalik sa dating Kim, gagawin ko." niyakap niya si Neth ng maghigpit at sinabing, "Kahit mamatay ka 'man sa higpit ng yakap ko, dapat ako lang ang BFF mo. Okay?!"


Hindi makahingang sumagot si Neth sa tanong ni Kim, "O-o-ok-okay..."


Na-realize ni Kim na sobrang higpit na pala ng yakap niya na hindi na talaga makahinga si Neth kaya kumawala siya sa pagkakayakap.


"Woah~! Akala ko katapusan ko na."


"Haha... hindi ka pa pwede mamatay! 'd mo pa napupuntahan 'yung secret place ko~!"


Nag-pout naman si Neth sa narinig, "yun lang? So kapag nakapunta at nakita ko na 'yun, pwede na ako mamatay?" tanong niya.


"Dipende sa'yo ang sagot." inakbayan ni Kim si Neth at nag-aya ng umalis. "Tara na? Next time, laro tayo 'dun uh?" turo ni Kim sa isang palaruan sa bahagi ng playground.


"Sureeee~!"





Kinabukasan, pagkagising ni Kim, nadatnan niya na lasing nanaman ang abandunadong Ama niya nanghihingi dito ng pera pambili ng alak.


Kagaya ng sa kasabihan-- lokohin mo ng lasing, 'wag lang ang bagong gising-- nag-init at nasabayan ng galit ni Kim ang pagkalasing ng Ama at nauwi sa awayat batuhan ng mga bagay. Sa pagod at depresyon na naramdaman, umalis si Kim sa kanilang bahay at nagpunta sa mansyon ng kanyang Ina; ang kanyang Ina'ng una pa palang nagkaroon ng pamilya bago sa kanila.


Dahil sa galit, pinasok ng rebelyon ang utak ni Kim at nakapagsalita ng masasamang bagay, na ultimo ang nakaraan ay kanyang nahalungkay, nakagalitan siya ng Ina at naging grounded sa lahat ng bagay ngunit naalala niya ang isang taong mahalaga at alam niyang makakatulong sa kanya.


"Neth..." nasabi niya sa sarili na narinig naman ng Ina.


"Hindi mo na siya makikita."


Nag-apoy sa galit ang mga mata ni Kim at nagawang saktan ang kanyang Ina. Hinablot niya ang susi na nakasabit sa dingding ng opisina ng kanya Ina at nagmadaling tumakbo papunta ng garahe.

Pinigilan 'man siya ng Ina ay wala ng nagawa pa.


At kinagabihan, nabalitaan na lang nila na ang kotseng minaneho ni Kim ay naaksidente. Nagtamo ng balat sa braso si Kim at ilang linggong pagdaan sa coma, pero himalang naka-recover siya at hindi naka-amnesia.


~


"Sir, table for two?" tanong ng isang waiter kay Kim.


"Pare, bakit dito tayo? Mahal dito uh? May pera ka?"


Kinapitan niya lang ako sa kamay at sumunod sa waiter. "Ako bahala."


'Nakakalasap ako ng hindi magandang aura...' napatigil ako ng may mahagip ang mga mata ko, hinatak ko papunta sa'kin si Kim.


"Pare, 'd ba siya 'yung--"


Bastos na bata, takpan ba 'yung bibig ko?


"Hayaan mo sila. Wala ako pakialam sa kanya."


Napakibit balikat naman ako at sumunod na lang sa kanya.


Nang makaupo na kami, walang pasabi niyang hinatak 'yung menu sa kamay 'nung waiter.


"O-oy~! Ano ka ba?!" tumingin ako 'dun sa waiter at humingi ng pasensya. "Pasensyahan niyo na, ngayon lang nakatungtong ng fancy restaurant ang taong 'yan eh."


"Psh. Tahimik... um-order ka na~! Kahit anong gusto mo, order lang. Ako bahala~!"


Nagtaas baba pa 'yung kilay niya 'nung sinabi niya sa'kin 'yun. May masamang aura talaga ako'ng nararamdaman eh.


Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Oy~! Nagbenta ka ba ng parte ng katawan kaya marami ka'ng pera ngayon?"


Nag-squint naman siya sa'kin at tinulak pabalik sa upuan ko, "Sabi ng tahimik eh. Um-order ka na. Ako bahala~!"


Itinaas ko sa ere ang dalawang kamay ko patunay ng pagsuko.


"Yare... yare... suko na-- kahit ano uh, sabi mo?" huli ko'ng tingin sa kanya at kinalabit 'yung waiter.


"May mata ka ba?" halatang na-wirduhan naman 'yung waiter sa tanong ko, wierd naman talaga eh. ^_^v


"O-opo naman." sagot sa'kin 'nung waiter na halatang takang-taka, napakamot pa ng ballpen sa likuran ng tenga.


"kung may mata ka, tignan mo lahat ng ituturo ko, ayun ang order ko, okay?"


Mukhang nagulantang naman na napalayo sa'kin 'yung waiter. "E-eh? S-sure po kayo?" tanong niya.


Tumango lang ako ng tatlong beses at lumapit ulit siya sa'kin, tinignan ko ulit si Kim na ang laki ng ngiti.


"Chk." inirapan ko siya at tumingin ulit sa waiter.


"Hindi po ba isusulat ko na lang?" tanong ulit ng waiter.


Sinamaan ko nga ng tingin.


"Costumers are always right--" tumingin ako sa nameplate sa dibdib niya, "Eiron~!"


Tumayo naman ng tuwid 'yung waiter at hinanda na 'yung mata niya sa mga ituturo ko.


"Ready ka na? Pag nagmintis ka, ipatawag mo na 'yung manager, ok?" sabi ko sa kanya, punung-puno ng awtoridad.


"Y-yes Ma'am." sabi niya sa'kin.


Sinumulan ko na magturo at tila naiinis na 'yung waiter.


"M-ma'am, s-sana sinabi 'nyo na lang, lahat." sabi niya sa'kin at kinuha 'yung menu sa kamay ko.


Humarap ako kay Kim at nagtanong, "Ikaw, ano order mo?"


Ngumiti siya ng napakaLAKI at lumingon sa waiter. "Pitcher of water, please."


"O-oy~! W-water?" tanong ko, "Yup~! Ano pa o-orderin ko, na-order mo na lahat?"


"That makes sense." pagsuko ko.


"Ma'am, lahat ng nasa menu. Sir, pitcher of water." ulit 'nung waiter sa order namin, "Please wait for your orders, have a wonderful dinner, Ma'am, Sir."


Pagka-bow 'nung waiter, umalis na siya.


"Sure ka mauubos mo lahat ng in-order mo?" tanong sa'kin ni Kim, "Hinde." sagot ko.


Natawa siya ng mahina at yumuko.


"Excited na ako sa mangyayari." bulong niya pero narinig ko.


"Ano'ng excited sinasabi mo?" tanong ko.


"Eat well... mahal 'kong Janneth Lim." sabi niya lang at nagsidatingan na 'yung mga pagkain.





"Busog na ako." sabi ko sa kanya, ngumiti lang siya sa'kin habang may nginunguyang 'd ko alam 'kung ano.


"Gusto mo na umalis?" tanong niya sa'kin.


Dahil sa kabusugan, tumango na lang ako, hindi na ako makapagsalita.


"All right, let's go~!" sabi niya at may sinulat sa tissue. "Tara?"


Wala na ako sa wisyo kaya tumayo na lang ako at inalalayan niya naman ako. Nakarating kami sa kotse at nag-drive na siya paalis.


"Inaantok ako sa pagka-busog." sabi ko at hindi ko na namalayan, natulog na pala ako.


~


"Kim? Kim, ok ka na?"


Pagkamulat ng mata ni Kim ay isang hindi kilalang mukha ang bumungad sa kanya, katabi nito ay ang bestfriend niya na si Janneth.


"Ha? Sinu ka?" tanong niya sa babaeng unang-una niyang nakita pagmulat ng mata.


Nag-stretch siya ng kamay at balak sanang kunin ang mga braso ng katabi nitong bestfriend ngunit hinablot ng baba kamay nito na pumigil sa pag-abot sa mga braso ni Janneth.


"Teka, dahan-dahan naman... 'd pa siya lubusang magaling." pagalit ni Janneth sa babae.


Hindi pinansin ng babae ang sinabi ni Janneth ng biglang bumukas ang pinto ng private suit ni Kim.


"Tita, you're here." bungad ng babae sa Mommy ni Kim.


Parehas na gulat at gulung-gulo ang isip nila Janneth at Kim sa mga nangyayari.


"I'm glad you're here, Layla." bati ng Mommy ni Kim sa babae na Layla ang pangalan. "And I'm more than greatful that you're awake, son." sabi nito at tumabi sa kama ng anak.


Napalayo naman si Janneth sa pagkakaramdam ng 'd siya kabilang sa mga tao na nakapaligid sa kanya.


"Sino siya?" sa wakas ay naitanong ni Kim. Eager na ‘din ako malaman eh.


Yumakap si Layla sa nakahiga'ng si Kim at nagpakilala.


"I'm your fiancée, Kim. You and I will soon be husband and wife."


Lihim na natawa si Janneth sa narinig.


'Fiancee?' natatawang isip ni Janneth.


'Fiancee?!' inis naman na isip ni Kim.


"I will marry no one, Mama," I want to be with my bestfriend forever. gusto sana idugtong ni Kim pero sa lagay niya, alam niya na hindi siya makakalaban ng sagutan sa Mama niya.


Nasaktan 'man sa narinig, 'd nagpahalata ang kaninang dalawang  magkatabi na dalaga.


"We'll see 'bout that, Kimmy Love."


Masuka-suka si Janneth at Kim sa isip ng marinig ang tawag ni Layla kay Kim.


"So gay..." pabulong na sabi ni Janneth ngunit malakas na bigkas ni Kim at ipinamukha kay Layla at sa Ina.


~


Nagising ako sa kwarto ni Kim at may papel na nakadikit sa kisame.


"Ang pangit talaga ng sulat mo kahit kaylan, Pare."


Tumayo ako at pumasok sa banyo, may spare na toothbrush ako dito eh, kaya kahit ano mangyari't makatulog 'man ako dito, hindi ako bad breath.


Matapos ko mag-toothbrush at maghilamos, bumalik ako sa kama at nahiga.


/ Bumili lang ako ng almusal mo, Prinsesa. I'll be back soon~! /


"Ang taga--"


Naputol ang pagrereklamo ko ng marinig ko ang pinto na nagbukas at nagsarado. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at sinalubong siya, pero mali ako.


"A-ano'ng?!"


Hindi ko alam 'kung matatawa ako sa itsura ni Layla o maiinis ako kasi nandito siya. Hihihi~ both na lang nga!


"At ano'ng soot mo?" tanong niya ulit.


Napatingin ako sa suot ko at napa-smirk.


Napa-gasp siya at saktong bukas naman ng pinto mula sa likod niya.


"I'm ho--" naputol ang sasabihin ni Kim ng makita niya si Layla sa harap niya.


"Isara mo bibig mo, babae. Baka pasukan ng ipis." sabi ko at hinatak si Kim na nakatayo sa likod niya.


"Lika nga, bilisan mo. Nagugutom na ako. Napagod ako kagabi eh~"


Papunta na kami ng kusina ng marinig namin na napa-upo sa sahig si Layla. Kahoy lang kasi 'yung lapag nila Kim; mahirap lang kasi sila ng Tatay niya.


Hindi ko binitawan ang kamay ni Kim at pinigilan siya na lumingon. "Hayaan mo na siya 'dyan, wala ka naman pakialam sa kanya, 'd ba?"


Naramdaman ko naman na naging normal na ang lakad ni Kim at naabot namin ang kusina.


"Ang dumi kasi ng isip, hayaan mo siya na mamatay sa illusyon niya." sabi ko kay Kim matapos hatakin ang lugaw na nasa plastik na hawak niya.


"Ano ba iniisip niya?" tanong naman sa'kin ng isa pa'ng inosenteng kumag.


"Wala. Kain na tayo~!" at pinagsalin ko na 'rin siya ng sopas na binili niya.


"Tsaka ano'ng napagod? Ako nga ang napagod sa'yo kagabe!"


Napalakas ang pagalit sa'kin ni na alam ko'ng narinig ni Layla kaya hindi na imposible na may narinig kaming kalabog mula sa may pintuan.


"Ano 'yun?" tanong sa'kin ni Kim.


Kibit balikat ako'ng sumubo ng lugaw. "Ang sarap~! The best talaga kapag may itlog."


Dahil sobrang dumi ng utak ni Layla, hindi niya na siguro napigilan at narinig ko na tumayo na siya.


"Layla, almusal?!" sigaw ni Kim sa kanya mula sa kusina pero pagbukas at pagsara lang ng pinto ang narinig namin.


"Umalis na siya?" tanong nanaman ng inosenteng Kim.


Kibit balikat na lang ulit ako't sumubo ulit ng lugaw.


"Gusto mo?" alok ko ng lugaw sa kanya pero itinaas niya lang ang kamay niya mid-air, parang sinasabi na stop.


"Loyal ako sa sopas." niyakap niya pa 'yung mangkok ng sopas niya ng kaliwa niyang kamay.


Nangiti na lang ako.


"Ang sarap talaga ng ganito." sabi ko at sumubo ulit ng lugaw. "Kaylan mo balak mag-asawa, Pare?" tanong ko sa kanya.


Nabilaukan naman ang kumag. Lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod niya.


"Eh? Tubig, tubig?" abot ko sa kanya ng tubig, "Ok ka lang?" tanong ko.


"Cough. Cough. O-okay lang."


Bumalik na ako sa upuan ko at sumubo ulit ng lugaw.


"Bakit mo naman natanong, Neth?" sinagot niya naman ng panibagong tanong ang tanong ko.


"Wala lang. Kasi, alam mo 'yun... mayaman si Layla, mahal ka, handa ka pakasalan kahit kaylan, kahit saan." inabot ko 'yung baso ng tubig, "Pero ayaw mo pakasalan. Bakit? May mahal ka na ba'ng iba?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya.


"Sabi ko sa'yo dati, 'd ba? Aanhin ko ang pera 'kung hindi naman ako masaya?" sagot niya sa'kin.


As always, satisfied na ako sa sagot niya, pero may isa pang tanong na gusto ko itanong sa kanya.


"Eh bakit ngayon? Masaya ka ba?"


Saktong pag-inom ko ng tubig, sinagot niya ang tanong ko.


"Basta kasama ko BFF ko, I'm fine."


Dahil hindi ko pa nalulunok 'yung tubig na uninom ko, nabuga ko tuloy sa malayo 'yung tubig.


"Wah~! Buti na lang sa ibang dereksyon mo nabuga. Muntik na ang mukha ko 'dun ah?" reklamo niya.


"Ehe... ehe..." nasasamid pa ako na tumingin sa kanya. "Ang mais mo, Kim." sarcastic ko na sabi sa kanya.


'Leshee 'to~! Nakaganti agad sa pagkakasamid niya kanina.'


"Totoo naman sinasabi ko eh. At tsaka hindi ako mag-aasawa hangga't hindi ko natutupad 'yung promise ko sa'yo."


Natigilan ako sa sinabi niya. Nadabog ko na nalapag 'yung baso ng tubig sa lamesa, dahil sa gulat, buti na lang plastik lang 'yung baso at hindi babasagin.


"Akala ko nakalimutan mo na 'yung promise mo na 'yun?!"


Pasigaw ko tuloy na natanong sa kanya.


"Alin? Ang igawa ka ng maganda at malaking sand castle? Hindi ah."


Nakaramdam naman ako ng pagka-relief.


'Akala ko nakalimutan niya na.'


"At tsaka 'yung secret place ko, nakalimutan mo na ba? Dadalhin pa kita 'dun." cool lang na sabi niya at sumubo ng sopas.


"H-hindi, syempre." nasabi ko na lang...


"Yum~! Done! Thanks for the meal~!" sigaw niya.


Binilisan ko na lang ang kain at tinapos na 'rin ang kinakain ko.





Sumunod ako sa kanya sa kwarto niya at tumabi sa kanya sa kama.


"Nood tayo, movie~!" suggest niya sa'kin pagka-upo ko pa lang sa tabi niya.


"Movie? Ano'ng movie?" tanong ko sa kanya, napahiga na lang ako sa kama.


/ Bumili lang ako ng almusal mo, Prinsesa. I'll be back soon~! /


'Prinsesa...'


Nangiti na lang ako sa sarili ko ng mabasa ko ulit ang note na nakadikit sa kisame.


"Hoy~!" gulat niya sa'kin, nakadapa siya sa tabi ko.


"Ano nga gusto mo?" tanong niya sa'kin.


Napa-isip naman ako. "Ano'ng gusto ko?" tanong ko sa sarili ko.


"Gusto ko pumunta ng amusement park."


Napa-angat naman si Kim sa pagkakadapa niya.


"Movie tinatanong ko~!" sabi niya sa'kin.


Ngumiti na lang ako at hinatak siya. Niyakap ko siya sa ulo.


"Sige na please?" pagmamaka-awa ko sa kanya.


"Teka~ Saan ba may amusement park?" tanong niya sa'kin.


"Ewan ko." sagot ko sa kanya at pinakawalan siya sa pagkakayakap ko sa kanya.


Nagkamot siya ng ulo at tumayo, lumapit sa computer niyang pentium 1 pa ata.


"Palitan mo na kaya computer mo. Manghingi ka ng pambili sa Mommy mo!" sigaw ko sa kanya.


"kung ikaw ba sabihan ka na palitan ako, papalitan mo ba ako?"


Napakunot ang noo ko sa tanong niya.


'Ano sinasabi neto?' pagtataka ko, "Ang layo naman ng sagot mo~!" sabi ko na lang.


"Hindi mo malalaman 'yun kasi manhid ka." sabi niya sa'kin.


"Hoy, Pare~! Name-mersonal ka na!" tinakbo ko siya at sinakal sa leeg.


"Eh... namemersonal ka 'rin naman eh." mahinahon na sabi niya lang sa'kin.


Pinakawalan ko siya sa pagkakasakal ng makita ko 'kung ano 'yung tinitignan niya sa computer.


"May malapit na amusement park sa *****. Ligo ka na~!" sabi niya at nagtatalon ako na lumapit sa drawer ko. Exclusively mine.


"Batang isip talaga~!" sabi niya na habang naghahalungkat ako ng maisusoot sa drawer ko.





Natapos ako na maligo at nakita ko siya na ligo na 'rin, nakatayo sa harap ng salamin at nagsusuklay ng buhok.


"Ang haba na ng buhok mo." comment ko sa kanya.


"Papagupit na ba ako?" tanong niya sa'kin.


"Gwapo ka kahit gaano ka-ikli o ka-haba 'man ng buhok mo."


Nagsusuot ako ng pantalon ng kilitiin niya ako sa baywang.


"Lastik. Nagbibihis naman~!" reklamo ko pero hindi ako matigil sa kakatawa.


"Binobola mo kasi ako eh, palibhasa pinayagan pumunta ng amusement park." sabi niya na walang tigil pa 'rin sa pagkiliti sa'kin.


"Eh~! T-tigil na! Baka matanggal--" hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko kasi bumagsak na kami sa kama at natanggal 'yung tapis ko.


Nasa ilalim pa ako.


>///<


'Buti na lang may unedr garments na ako.' sabi ko sa sarili ko, pero seryoso 'yung itsura ni Pare.


"Neth..." parang nagmamaka-awa 'yung boses niya.


"O-oh? A-ano 'yun?"


Nags-statter ako at 'd makatingin ng diretsyo sa mga mata niya pero gamit 'yung kanang kamay niya, iniharap niya 'yung mukha ko sa mukha niya.


"wag ka pumikit." sabi niya sa'kin na may disappointed na tono.


Minulat ko ang mata ko at nag-tama 'yung mga mata namin.


'Sheez. Ang init~!'


"Neth..." ayan nanaman 'yung tila nagmamakaawa'ng malambing niyang boses.


"Oh?" binabalak ko na tumayo pero lalo pa niya ako dinadaganan.


Feeling ko nasa’kin na lahat ng bigat niya. Leshee, Kim~!


"Neth..." ulit niya, same tone, same serious face. "Let me be your BFF."


Sobrang nalukot na 'yung noo sa sinabi niya.


"Geez. Akala ko naman 'kung ano na." sabi ko, niluwagan niya na 'rin ang pagkakadagan sa'kin at tuluyan na ako'ng nakatayo.


Pinagpatuloy ko na ang pagpapantalon ko, 'd ko na pinansin 'kung nakikita niya na naka-under gaments lang ako. Isipin niya na lang nasa beach kami at naka-two piece ako.


Pero nagulat ako ng yakapin niya ako mula sa likod.


"Hindi ako nagbibiro, Neth." sabi niya in a VERY serious voice.


Pinipilit ko alisin 'yung pagkakayakap niya habang sinasabi sa kanya na, "Ano ka ba, syempre oo. Kahit may asawa't anak, apo ka na bestfriend mo pa 'rin ako."


Pero 'mas lalong humugpit ang yakap niya sa'kin.


"Boyfriend Forever, Neth." bulong niya sa tenga ko. "Let me be your Boyfriend Forever." ulit niya pa.


Feeling ko isa ako'ng yelo na natutunaw ng marinig ko ang sinabi niya sa tenga ko. Nanlambot ako at 'd ko na kinaya pa, bumigay na 'yung mga tuhod ko.


"N-neth! Hindi ka pwede mamatay hangga't 'd mo ako sinasagot at 'd ko natutupad promise ko~!"


Nabuhayan ako at umakyat sa ulo lahat ng dugo ko sa katawan. Hinarap ko siya at hinampas sa braso ng full force.


"Aray~!" gulat niyang sabi sa'kin.


"Mamatay? Psh. Hindi lang ako makapaniwala sa sinasabi mo~! Mamatay agad? Ikaw nga'ng na-coma ng ilang linggo, nabuhay. Ako pa na nakarinig lang ng confe--" hindi ko na natapos 'yung paghihimutok ko kasi sinigilan niya na ako.


Pinigilan niya ako gamit 'yung labi niya.


O///O


"Ano, tapos ka na?" tanong niya sa'kin na parang wala lang nangyari.


Wala ako sa sariling tumango sa kanya ng hindi ko na nabilang 'kung ilan.


Dinampot niya 'yung damit ko sa kama at isinuot sa'kin.


"Baka hindi na ako makapaghintay ng kasal, masaktan pa kita." sabi niya at tumingin sa 'd ko pa nisi-zipper na pantalon. "Baka gusto mo ako na 'rin mag-taas ng zipper mo? Aba, abuso ka na~! Lalaki ako~!"


Bumalik naman ako sa reyalidad at nakurot ko siya sa tagiliran.


"Ano'ng pinagsasabi mo 'dyan? Upakan kaya kita?" galit 'kong sabi sa kanya.


Nangiti lang siya at niyakap ako.


"Welcome back, Girlfriend." sabi niya.


Nangiti na lang ako sa narinig ko. Ang sarap sa panrinig ng g-girl--


Hampas sa likod.


"Ano'ng Girlfriend? Sinagot na ba kita?"


Nauwi kami sa tawanan hanggang makalabas kami ng bahay nila.


"Ikaw mag-drive." sabi ko sa kanya, "Ikaw may alam 'nung lugar eh." dagdag ko pa.


"Sure, yes, Girlfriend." sabi niya at nag-salute pa pagkakuha ng susi sa kamay ko.


Nangiti na lang ako sa kanya matapos niya ako pagbuksan ng pinto ng sasakyan. Pagpasok ko, siya na 'rin ang naglagay ng seatbelt ko at matapos, ang kanya naman.


"Ingat." sabi ko sa kanya, "Syempre naman, sakay ko ata ang Prinsesa ko'ng Girlfriend."


Nahampas ko na lang siya ng mahina bago niya pina-andar ang makina.


"Kinikilig ka lang eh." bulong niya, "Ano kamo?" tanong ko, pero narinig ko naman talaga. "Sabi ko, I love you."


Feeling ko namula ako ng todo.


'Tindi magpakilig.' sabi ko na lang sa sarili ko.





Nakarating kami sa isang simpleng amusement park at nakahanap ng pagpa-parking-an pero reklamo agad ang ibinato ko sa kanya.


"Sabi mo malapit lang?!" sigaw ko sa kanya habang inaalis niya ang seatbelt ko.


"Ano ba malay ko na  ganun pala kalayo 'to? Naka-drawing sa google map, malapit lang eh." sabi niya, pero alam ko na nagpapalusot lang siya.


"Google map. Syempre, drawing nga eh. Chk." cross arms ko siyang sinusundan papasok sa loob.


"Hush. Umiiyak ka nanaman, ito na nga eh, nasa amusement park na tayo. Tahan na..." para siyang nagpapatahan ng 3 years old na bata sa tono ng boses niya.


"wag mo nga ako nilolo--" natigilan ako ng ibungad niya sa mukha ko ang ticket.


"Rides all you can. Bawala magdala ng pagkain sa loob. Sabi 'nung teller, ingatan daw ang mga bata kaya kapit ka lang sa kamay ko, baka mawala ka. Asdfghjkl--" sabi niya ant hindi ko na narinig pa 'yung kasunod.


"Ano?" sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at ikinabit niya lang sa'kin 'yung bracelet at niyapos ako sa waist.


Nakapasok na kami sa loob at kagay ng sabi ko sa kanya ng bata ako, 'Don't judge a book by it's cover', kasi ang ganda-ganda pala sa loob.


"Oh, kapit ka lang sabi ko eh. Asdfghjkl--" ulit niya pero ang hina talaga ng pagkakasabi niya 'dun sa dulo.


"Ano kamo~?! At tsaka hindi ako mawawala 'no~! Hindi naman ako bata~!" sigaw ko sa kanya kasi napunta ako sa isang stall na punung-puno ng mga animal headbands.


Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa'kin at sinuotan na ako ng isang headband. Tumingin ako sa salamin at tinignan 'kung anong klaseng headband ang isinuot niya sa'kin.


"Uwah~! Ang ganda!!" manghang-mangha ako'ng napasigaw na tinititigan sa salamin ang sarili ko.


Tenga siya ng pusa at coloe pink. Nagko-compliment 'yung kulay ng damit ko'ng peach long sleeve sa kanya.


"Hindi daw bata." narinig ko na sabi ni Boy-- Kim na nakapamulsa sa tabi ko.


"Miss, magkano?" tanong ko sa babae'ng bantay.


"25 pesos lang po." sagot niya naman kaya dumampot ako ng isa at isinuot sa malayong nakatingin na Kim.


Inabutan ko ng P50 'yung babae at hinatak na paalis si Kim.


"Ano naman 'tong nilagay mo sa ulo ko?" tanong niya sa'kin.


Hindi ko sinagot 'yung tanong niya, bagkus ni-blockmail ko pa siya.


"Kapag inalis mo 'yan, kalimutan mo ng sasagutin kita."


Mula sa ako ang nanghahatak sa kanya, ako naman ang hinatak niya at niyakap. "Hindi mo ako sasagutin?" tanong niya sa'kin na may pananakot na tono.


"O-oo. Bakit?!" sagot ko sa kanya pero ngumiti siya ng nakakaloko.


Na-realize ko na lang ang sarili ko na tinutugon ang halik niya sa gitna ng daan. Nang maghiwalay kami, nagsalita siya na naging dahilan para mahampas ko nanaman siya sa braso.


"Hindi pala sasagutin, ha?"


Nag-smirk lang siya imbis na magreklamo sa hampas ko.





Halos nasakyan na na'min ang lahat ng rides maliban sa ferris wheel ng mawala siya sa paningin ko.


"Geez. Nasa bulsa niya pa naman 'yung phone ko~!"


Para ako'ng baliw na kausap ang sarili ko habang ikot ng ikot ang tingin sa paligid.


"Gosh. Saan ko sisimulan hanapin ang lalaki'ng 'yon?"


Sinubukan ko na simulan ang paghahanap sa kanya sa pinaka-unang lugar na pinuntahan namin, ang pinagbilhan namin ng headbands na suot namin.


"Tama~! Madali lang siya mahanap dahil sa headband niya~!" pagku-convince ko sa sarili ko pero mapalis din agad ang pag-asa ko.


"Timang~! Syempre maraming nakasuot ng ganung headband dito. Ano ba, Janneth?!" pagalit ko sa sarili ko.


Walang tigil ako na paikot-ikot sa amusement park ng mapagod ako at napag-isipan na bumili sa isang stall ng maiinom. Umupo ako sa pinaka-malapit na bench.


*Janjaranjan janjan~!*


Nagulat pa ako sa biglang tunog na lumabas sa speaker na nasa taas ng isang poste.


"Leshee. Ang lakas masyado, mamamatay ang may sakit sa puso dito eh." napahinga ako ng malalim bago humigop muli ng ice tea na binili ko. "Buti na lang wala ako'ng sakit sa puso."


Biglang may mic feedback ako'ng narinig mula sa speaker na nasa tuktok ng poste kaya sandali ako'ng napatakip sa tenga ko.


{ Janneth Lim~! 'kung nasaan ka 'ma, hihintayin kita sa tapat ng ferris wheel. Sabi ko sa'yo 'wag ka lalayo dahil mahirap humanap ng kapalit mo eh. See you at the ferris wheel. I love you~! }


Matapos ko marinig ang paging-kuno ni Kim, natigilan ako ng sandali at dali-daling tumayo, tumakbo agad ako papunta ng ferris wheel. Dahil 'd ko pa nakakalahati 'yung iniinom ko, tumatapon siya habang tumatakbo ako kaya 'd ko na pinanghinayangan ng pera at binitawan ko na.


Malapit na ako sa may ferris wheel ng makita 'kong crowded ang paligid ng pila.


"Damn it~! Ang haba ng pila at dami pa ng tao." sabi ko sa sarili ko at napakamot ako sa ulo. "At paano ko mahahanap si Kim 'kung lahat ng taong nandito parehas niya ng headband?"


Inis na inis akong nagpapadyak sa sahig pero naisip ko na wala 'yung magagawang maganda kaya sumugod na ako sa dumog ng mga tao na nakapila at nakaharang sa daan. Bawat tao na mababangga ko, tinitignan ko ng mabuti ang mukha at tinutulak palayo.


Ang mean ko ba? ^_^v Harang kasi sa daan eh. 'd ko makita 'yung Bo-- si Kim eh.


"Excuse me po." sabi ko 'dun sa babae na nakabangga ko.


It feels wierd pero parang ang cold ng mga tingin sa'kin ng mga babae na nakakabangga ko. Problema nila?


Hanggang sa may isang babae na bumati sa'kin at narinig 'nung iba.


"Ikaw si Janneth Lim, tama?" napatango na lang ako at inikot ang tingin ko sa mga taong pumalibot sa'kin.


Matapos nila ako palibutan, umayos sila ng linya at nahawi ang dadaanan ko. Sa dulo ng pila-pilang tao na may nakalinya at gumawa ng daan para sa'kin, nakatayo ang isang Kim Yap na may hawak na color white na bunny, kasing laki na buong katawan ko except legs and arms, gets?


Nagtataka ako't ilang na lumakad papunta sa kinatatayuan ni Kim.


"P-pare. A-ano 'to?" bungad ko'ng tanong sa kanya.


"Ito 'yung daan para mahanak mo ako at mahanap kita." nakangiti na sabi niya sa'kin.


Napatingin ako sa ulo niya ang nakasuot pa 'rin sa kanya 'yung headband na binili ko.


"Oh~ Sa'yo 'to eh. Nakakahiya maglakad ng may hawak na ganyan uh?" sabi niya sa'kin at pinayakap sa'kin 'yung bunny.


"Akin 'to?" tanong ko sa kanya pero 'yung mga tao sa paligid ang sumagot.


"Oo~!" in chorus pa talaga.


Nagitla naman ako sa pagsagot nila.


"Magpaliwanag ka nga, tila galit pa sa'kin tuloy 'yung ibang mga babae 'dun."


"Ah, eto?" pa-suspense niya, "Pina-page kita, 'd ba?" tanong niya.


Hinampas ko nga ng bunny na bigay niya, "Pa-suspense pa eh. Explain mo na."


Nakarinig naman ako ng parang mga tigre sa paligid. 'yung mga babae, ansama ng tingin sa'kin.


"Eh?" binalik ko 'yung tingin ko kay Pare. "Nagagalit ba sila kasi hinampas kita?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya.


"Na-curious silang lahat 'kung sino 'yung Janneth Lim kaya nagpunta sila lahat dito. Tapos ayun~!" turo niya sa isang tarpaulin.


O   o   O


"O-oy~! A-ano 'yan?!" taranta 'kong tanong sa kanya.


"Tanong mo kay Simsimi." sarcastic na sagot niya sa'kin. "Syempre tarpaulin." dugtong niya pa.


Hahampasin ko na ulit sana siya kaso natakot ako sa mga matang kanina pa ready'ng patayin ako sa titig.


"Ibig sabihin ko--" 'd niya na ako pinatapos.


"Hinahanap kita kaya nagpagawa ako kay Kuya ng Tarpaulin. Kinuha ko sa phone mo 'yung picture," tapos inabot niya sa'kin 'yung phone ko galing sa bulsa niya, "Nilagyan ko ng pangalan mo tsaka ako tumayo sa gilid ng tarpaulin kaya nalaman siguro nila na ako 'yung nag-page." tapos lumapit siya sa'kin at bumulong. "Crush na nila ako, ang sweet ko daw kasi." tapos lumayo na siya sa'kin at nagsalita na nga malakas, "Akala nila bata 'yung hinahanap ko na Janneth kaya na-curious sila. Kaya nagkumpol sila lahat dito. Inutusan ko na 'rin sila magsuot nito," turo niya sa headband niya, "Para mahirapan ka 'rin maghanap, naghirap ako hanapin ka tsaka mapanalunan 'yan eh." patukoy niya sa bunny. "Tama ba guys?" tanong niya sa mga tao.


"Tamaaaaa~!"


'yung iba parang hihimatayin na sa pag sagot, 'yung iba naman tila galaiti dahil naiinis sa'kin.


"Magagawa ko, mahal niya ko..." nakayuko 'kong bulong sa sarili ko.


Kaso narinig pala ni Kumag. "Kaya sagutin mo na ako, para 'd sila magalit." batak niya sa ulo ko'ng nakayuko.


Nakunot ang noo ko at tumingin sa mga taong unlimited na patango-tango sa harap namin.


No choice. Oo kinikilig ako kaso, may balak sana ako'ng pagsagot sa kanya eh, pero paarang 'd ata ako makakalabas ng buhay dito kapag 'd ko siya sinagot ngayon.


Ngumiti ako ng napaka-luwang at niyakap si Kim.


"Oo na, Boyfriend." sabi ko sa kanya at naramdaman ko na nakangiti 'rin siyang niyakap ako.


"Panira ng moment naman 'tong bunny na 'to, 'd ko ma-hug ng maayos ang Girlfriend ko." rinig ko na pagre-reklamo niya tapos hinatak niya ako papunta sa entrance ng ferris wheel.”Manonood tayo ng fireworks.” Sabi niya na pinagtaka ko.


“Fireworks? Aga pa uh?” sabi ko sa kanya, may tumigil na capsule sa harap naming, “Kaya hindi tayo aalis dito hangga’t walang fireworks.” Sabi niya sa’kin at saktong pagsara na gate ng capsule, umandar agad.


“Ka-imposiblehan mo talaga, Kim.”


Matapos ng ilang minute, walang nagsasalita samin, spell B-O-R-I-N-G nga naman.


“Kim~! Pare~!” tawag ko sa kanya pero ‘d niya ako nililingon.


‘Problema neto?’


Tumigil ako ng kakatawag sa kanya at tumingin sa labas. Ang laki pala ng amusement park na ‘to, ‘d ko talaga dapat ina-undersestimate ang isang bagay sa panlabas na itsura.


Napatingin ako sa bracelet na nakalagay sa wrist ko.


Enchanting Paradise


‘Ang first date naming as official couple. I’ll remember this.’


“Girlfriend~!” tawag sa’kin ni Kim.


“Maduga ka~! Samantalang ako, ‘d ko matiis na ‘d ka kausapin~!” naguluhan naman ako sa ibig niya’ng sabihin.


“Ha?! Ano ibig mo sabihin? Patagal ng patagal, nawiwrduhan na ‘ko sa’yo, Pare.”


“Wah~!” ungol niya na parang maiiyak na.


Napakunot ng 1,000 times ‘yung noo ko.


“Pare pa ‘rin tawag mo sa’kin.”


Bulls eye~! Lumabas ‘din ang tunay na dahilan ng kaartihan niya. Nangiti na lang ako ‘ng maingat na lumipat sa tabi niya.


“Ayon~ Kaya pala ‘d ako pinapansin ng Boyfriend ko kasi Pare o Kim ang tawag ko sa kanya.” Sabi ko sa kanya at niyakap ko siya from the side.


“Maarte ako eh.” Sabi niya sa’kin at niyakap din ako.


“Sabay natin hintayin ‘yung fireworks uh, Boyfriend?”


Imbis na sumagot, niyakap niya lang ako ng mahigpit at itinaas ang paa niya sa kabilang upuan. “Para balance. Ang taba mo pa naman…” hampasin ko nga.

4 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^