Let Me Be Your BFF
Sana
maintindihan 'nyo.
Magulo
siya.
I admit.
^ 3
^)
"Ice
cream?" alok ng isang batang lalaki
sa isang gusgusin na batang babae.
"Sino
ka?" tanong ng gusgusing batang babae sa
batang lalaki. Napakamot na lamang ang batang lalaki sa inis. "Siya
na nga binibigyan ng ice cream, ayaw pa?" rant ng batang lalaki.
"Ayaw mo ba?
Ako na nga nagmamagandang loob?!" bawi ng
batang lalaki sa kamay niyang nang-aalok ng ice cream sa batang babae. "Nangangalay
lang ako..."
"Pero sabi
kasi ng Mommy ko, kapag 'd ko kilala, 'wag ako tatanggap ng kahit na anong
bigay sa'kin." sagot naman ng batang babae.
"Ano?!" inis at hindi makapaniwalang tanong ng batang lalaki.
"Lalo na
kapag kahina-hinala..." dugtong pa
ng batang babae.
'kung anime lang
ang reyalidad na ito, umuusok na siguro ang tenga ng batang lalaki na
pulang-pula na ang mukha sa sobrang inis.
"Ako ba
'yung tinutukoy mo na kahina-hinala?!" yamot
na tonong tanong ng batang lalaki, "Tignan mo nga suot mo sa suot
ko?!"
Napatingin naman
ang batang babae sa suot niyang madumi at napahawi ng pawis sa noo.
"Sabi ng
tutor ko 'don't judge a book by its cover' kaya 'wag mo ako hinuhusgahan." kalma at inosenteng sagot lang ng batang babae habang
naglalaro sa sandbox.
Ibinaba ng batang
lalaki ang mga balikat patunay ng pagsuko niya sa wirdo'ng kausap.
Inilahad ng
batang lalaki ang kanang kamay sa nakayuko at seryosong bata'ng babae na
naglalaro sa sandbox, "Kim nga pala." pakilala niya
na naging dahilan ng batang babae na mag-angat ng ulo at makita ang nakahayag
na kamay ng batang lalaki. "Sabi ng Mama ko, dapat nagshe-shake
hands para magkakilala kayo ng taong gusto mo makalaro."
Tumigil at tumayo
ang batang babae mula sa pagkaka-upo sa sandbox, nagpagpag ng mga dumi sa damit
at kamay, "Neth." abot niya sa kamay ng batang
lalaki.
"Tatanggapin
mo na?" patukoy ng batang Kim sa ice
cream na hawak niya.
Ngumiti ang
batang Neth at inabot ang ice cream na inaalok ni Kim.
"Salamat!
Favorite ko, chocolate flavor!"
Umupo ng walang
pasabi ang batang si Kim at naglaro sa sandbox.
"Igagawa
kita ng castle." simula niya habang kumukuha
ng malaking parte ng buhangin, "Dahil friend na kita, ikaw na ang
prinsesa ng castle ko."
Nakangiti na
tumabi ang batang si Neth sa tabi ng batang Kim. "Ako ang prinsesa
ng castle mo?" tanong nito.
Tumango lang ng
paulit-ulit ang batang Kim at nagpatuloy sa pag-ipon ng mga buhangin.
Malipas ng ilang
sandali-- kasabay ng pag-ubos ng ice cream na kinakain ni Neth-- masayang
sumigaw si Kim at nag-anunsyo na tapos na niya ang castle na tinutukoy sa
bagong kaybigan.
"Ayan na
'yung castle na sinasabi mo?" disappointed
na tanong ng batang Neth.
"E-eh? Hindi
mo ba nagustuhan?" tanong ng batang Kim.
"H-hindi..." kamot sa ulong sagot ng batang Neth.
"Ano'ng
hindi? Hindi mo nagustuhan, o ayos lang, hindi ko kaylangan mag-alala?"
Ngiti lang ang
naisagot ng batang Neth sa batang si Kim.
*DEEP SIGH*
"wag ka
mag-alala... pangako, pagtanda natin igagawa kita ng magandang castle!"
Nagningning naman
ang mata ng batang si Neth, "Talaga?!..." 'd
makapaniwalang tanong niya sa batang Kim.
Padabog at galit
naman na hinampas ng batang Kim ang buhangin sa harap niya, "Ibig
sabihin pangit nga talaga 'yung gawa ko?!"
Disappointed na
yumuko ang batang Kim.
"Nasaktan ba
kita? Sorry..." paghingi ng tawad ng batang
Neth.
Nakangiti naman
na nag-angat ng ulo ang batang Kim, "Ok lang! Lalaki ako kaya wala
na sa'kin 'yon."
Lumipas ang mga
araw at araw-araw ng nagkikita ang dalawang magkaybigan sa naturingang sandbox
sa isang playground sa loob ng iisang subdivision na parehas nilang
pinagtitirhan. Pero dumating ang isang araw nang magka-pangako-an sila na
pupunta sa isang lugar na alam ng batang si Kim ngunit sa kasamaang palad,
hindi nakarating ang batang si Neth sa usapan.
Mula sa isang
umaandar na sasakyan, umiiyak na pinagmasdan na lang ng batang Neth ang
kalarong si Kim sa masaya at naghihintay na nakaupo sa isang swing sa
playground ng dumaan ang kanilang sasakyan doon.
'Sorry, Kim.
Bestfriend pa 'rin kita kahit na anong mangyari. Promise, babalik ako at
pupunta tayo sa ipinangako mo'ng lugar na pagdadalhan sa'kin.' Naisip na lang ni Neth habang pinagmamasdan ang papaliit
na vision ng kaybigan.
~
"Dapat hindi
na lang kita pinatawad eh!" - Kim
"Abuh!
Nagsisisi ka?!" - Neth
"Oo
bakit?!" nagulat ako sa pagtaas ng
boses niya sa'kin.
"Imature." huli ko na lang na nasabi sa kanya at tinalikuran ko siya.
Padabog na
dinampot ko ang susi sa lamesa at padabog din na isinara ang pinto sa likod ko.
"Keep calm,
Janneth, sayang ang beauty..." paypay ko
pa sa mga pawis ko gamit ang kamay ko.
Isinuksok ko ang
susi sa keyhole at pinihit pa-kanan.
"S-su...si...
ko?" patanong ko na tinignan ang keychain na
nakasabit sa susi na hawak ko.
Napapadyak ako at
tila 1000 tons ang bigat ng mga papa ko'ng sumugod ulit sa loob ng shop.
Walang
sabi-sabing galit ko'ng inilapag ang maling susi na nadampot ko at kinuha ang
tamang susi. Pero hindi pa ako nakakatalikod mula sa pagdampot ko ng susi, may
isang damuhong lalaki na agad ang yumakap sa'kin mula sa likod.
"Sorry na...
talo naman ako lagi eh." bulong niya
mula sa kanyang ulo’ng nakasubsob sa balikat ko't hinarapan ako ng paborito
'kong bulaklak.
"Leshe.
Hindi 'man lang pinaabot ng limang minuto ang galit ko." kunwari'y galit ko'ng inabot ang mga carnation na nasa
mukha ko.
"Bati na
tayo, uh?" higpit niya sa pagkakayakap
sa'kin.
"Hindi kita
patatawarin lalo..." sabi ko, "B-bakit?!" maiyak-iyak
na tono niyang tanong.
Pilit ko na
inaalis ang kamay niya sa pagkakayakap sa'kin.
"Eh 'd mo
ako pinahihinga eh!"
Mabilis pa sa
alas-kwarto niyang tinanggal ang pagkakayakap sa'kin at hinarap ako sa kanya.
Nakita ko na lang na nakaluhod siya at magka-daop ang dalawang kamay na
humihingi ng tawad sa'kin.
'Kaya kita mahal
eh.' Pero sa isip ko lang sinabi dahil alam ko na hindi pwede.
"OA ka
talaga kahit kailan." sabi ko sa kanya habang
hinihila ang damit niya patayo.
"Bati na
tayo, uh? I love you..." yakap niya
ulit sa'kin, "...bestfriend..."
Nangiti na lang
ako at napayakap 'rin sa kanya habang tumatango.
~
Malipas ng ilang
taon, tumuntong na ng middle school si Kim at patuloy pa 'rin na naghihintay at
nagbabaka-sakali na magkikita silang muli ng kaybigan.
"Good
morning, class!" bati ng homeroom teacher ni
Kim sa buong klase.
Nanatiling
malalim ang iniisip ni Kim na nakatanaw sa labas ng bintana.
"May bago
kayong kaklase! Hija, magpakilala ka..."
Naningkit ang mga
mata ni Kim sa narinig kaya umubob siya sa desk niya at nagtakip ng bag sa ulo.
"Good
morning, classmates! My name is Janneth Lim. Please take a good care of
me."
Dahil sa
nakatakip ng bag si Kim, hindi niya narinig ang pagpapakilala ng bagong
kaklase.
"Let's
see... a vacant chair-- there! Pwede ka umupo 'dun sa harapan ni Mr. Yap."
Naramdaman naman
ni Kim na umurong ang upuan sa harapan niya kaya alam na niya na sa harapan
niya napa-upo ang bagong kaklase na tinutukoy ng homeroom teacher nila.
"Sorry for
intruding, please wait for your next professor. Behave, class. Treat her
nice." matapos sabihin ng kanilang
homeroom teacher ay lumabas na ito at isinara ang pinto.
Pagkalabas na
pagkalabas naman ng teacher, tatlong kaklaseng babae ang mabilis na tumayo at
nilapitan si Janneth.
*PAK*
"Hello new
classmate!" - Lin
Iritableng
sumilip si Kim sa pagitan kanyang bag at braso. Nakita niya ang pinaka-pilya
niyang mga kaklaseng babae na nakatayo at pinalilibutan ang bagong kaklase na
naka-upo sa unahan niya. Nag-angat ng ulo si Kim sa pag-iisip na may exciting
na mangyayari sa pagitan ng mga pilyang mga kaklase at ng bagong saltang
kaklase.
"Pwede ka ba
namin makasabay ng lunch?" -
Pauline
"Yeah. Can
we be friends?" - Estella
Muntik ng
malalaglag sa upuan ang buong klase sa ironic acts ng mga pilya nilang kaklase.
'May masamang
binabalak ang mga 'to.' sabay na naisip nila
Kim at Janneth
Ngumiti lang si
Janneth at sumagot, "Sure."
Biglang may
nagbukas ng pinto at pumasok ang next professor nila. Nagbalikan na sa
kani-kanilang upuan ang mga mean girls at nanatiling nakangiti si Janneth. Sa
kabilang banda naman, nagtatakang napa-isip si Kim sa pwedeng mangyari sa
bagong saltang kakalase. Napangiti siya at muling tumanaw sa labas ng bintana.
'Magiging
exciting na ang araw-araw na pagpasok ko sa school.' namuo ang isang 'd kaaya-ayang ngiti sa labi niya.
~
"Hala sige,
bantayan mo na 'tong shop at papasok na ako sa office ko."
"Eh? May
office din ako. sino magbabantay dito?" tanong
niya sa'kin, "Hindi ka pa kasi maghanap ng boyfriend,
bestfriend?" hubad niya sa apron na nakasuot sa kanya, "Para
may magbabantay na dito. Tatanda ka ng dalaga 'nyan, sige ka."
"Shadap!
Hahaha. Bahala ka na 'dyan, bye!"
*SLAMMED DOOR*
Mabilis akong
tumakbo sa kotse ko at binuksan. Pinatakbo ko na 'yun at nagmaneho papunta ng
opisina.
"May promise
ka pang hindi natutupad, Kim."
Napa-smirk na
lang ako'ng nag-drive hanggang sa makarating ako sa building ng office ko.
Naglagay muna ako ng shades at scarf sa ulo bago bumaba.
"Ms.
Lim!!"
'Dapat hindi ako
lumingon.'
"Ms.
Lim!!"
Ibang boses
nanaman ang tumawag sa'kin. Masama na 'ton, kaylangan ko na magmadali.
"Ms.
Lim!" hatak sa braso ko ng-- "...Sir?..."
Inalis ko ang
shades ko at binaba ang putong sa ulo ko.
"Sorry Sir.
Kayo po pala 'yung tumatawag."
"Ha? Isang
beses lang kita tinawag. At tsaka, cut the pormalities. Call me what you used
to call me." - Sir James
"Uwah~ 'd
pwede po 'yun, Sir." ni-tap niya 'yung ulo
ko at ginulo ang buhok ko. "Just like the old times,
Janneth."
'd na ako
naka-usap, hinatak niya na ang kamay ko at ni-guide sa elevator.
"Good day,
Ms. Lim! May dadaanan pa ako sa front desk eh, see you around."
*ELEVATOR DOOR
CLOSED*
~
Lunchtime ng
umakyat si Kim sa rooftop at nagpahangin.
'Favorite
subject.' isip niya.
Naupo siya sa
bingit ng may marinig siyang yapak ng mga sapatos na paakyat sa kinaroroonan
niya.
"Sino
ka?" tanong niya sa kararating lang na tao, "Hindi
mo ba alam na off limits ang lugar na 'to?"
Tumayo siya at cool
na nag-about face, pero nanlaki ang mata niya ng makita niya ang president ng
student council ng middle school.
"Sabi ko na
nandito ka eh. Ako pa sinabihan mo ng off limit ang lugar na 'to?" lumapit siya ng kaunti kay Kim at ng magkaharap na sila,
pabirong itutulak niya si Kim kaya napahawak ito sa kamay ng president.
"Mabiro ka
uh?" agad niyang binitawan ang president at
lumayo, "Ano nanaman ba kaylangan mo sa'kin?"
Lumakad ang
president ng student council at lumampas sa kanya, magdating niya sa may
hagdanan, muli siyang nagsalita.
"Be
responsible, nabalitaan ko na may bagong salta sa room niyo. Alagaan mo
naman... nandun pa naman sila Lin, Pauline at Estella." muli siyang humarap at ngumiti kay Kim. "I'm
counting on you, little brother." at tuluyan ng bumaba ng
rooftop.
Tila pagod na
napa-upo si Kim sa sahig at nagpakawala ng napakalalim na buntong hininga.
"Muntik na
ako malaglag 'dun uh!" humawak siya sa dibdib
niya malapit sa puso at muling bumuntong hininga.
Tumayo si Kim at
mabilis na bumaba ng rooftop. Dumiretsyo siya sa canteen at 'dun niya nakita
ang target.
"Eh?! Bakit
ayan lang binili mo?!" - Estella
"Bakit?
Hindi naman kasi ako masyado gutom, ok lang ako." inosenteng sagot ni Janneth sa tanong ni Estella.
"wag ka na
nga makialam, Estella, hayaan mo siya kumain ng gusto niya."
May nabasang
maling ngiti si Kim sa mga labi ni Pauline kaya napagdisisyunan niya'ng umupo
sa malapit na bakanteng table sa kinaroroonan nila Janneth.
'kung mas malapit
lang sana, kita ko bawat galaw nila.' sabi ni Kim
sa sarili.
May nakita siyang
panibagong upuan na nabakante na katapat lang ng table nila nang tumayo ay
isang grupo ng mga lalaki. Pagkatayo niya, muli siyang napa-upo ng may
magkasalubong na kilay ng may mauna sa kanya na mag-occupy ng table; mga higher
levels.
'Sorry, ate, pero
'd ko ata masisimulan ngayon ang inuutos mo.'
"Trying hard
to gain my trust, kapatid?"
Nagulat si Kim ng
mula siyang tabihan ng kapatid niyang babae at bumulong sa tenga niya.
"Sorry, ang
layo ng pag-asa. Next time na lang."
Tumayo si Kim
pero hinatak ulit siya ng kapatid niya pa-upo.
"Saan ka
pupunta? Ilibre mo na lang ako ng pagkain."
Tinignan ng
masama ni Kria si Kim.
"Half
sister, 'mas mayaman ka sa'kin kaya kumain ka mag-isa mo."
Tumayo muli si
Kim-- kasabay ng pagtayo si Janneth-- at ipinagpag ang braso 'kung saan
nakahawak si Kria kaya nalaglag 'yon-- at pagkakapatid ni Janneth kaya halos
masubsob na ito sa sahig.
"---
Neth!" napalingon si Kim sa
pinanggalingan ng sigaw at nakita niya si Janneth na salo-salo ng isang lalaki
mula sa higher level at napigilan ang pagbagsak nito sa sahig.
Nanlaki ang mata
ni Kim sa narinig.
"N-neth?" bulong niya sa sarili.
Tumayo naman ang
kapatid niya'ng si Kria at nagsalita, "Nice job, mean girls. Pero
sorry kayo dahil hindi 'nyo siya magagalaw hangga't may mata ako sa
paligid." sabi nito sa tatlong kaklase ni Kim, "Thank
you, James. Great job." baling naman niya sa lalaking nakasalo
kay Janneth mula sa pagkakatalisod sa kanya ng isa sa mean girls.
"Are you
okay, Ms. Lim?" tanong niya kay Janneth
habang inaalalayan ito'ng tumayo.
~
"Hay~!"
Binagsak ko ang
sarili ko sa upuan ko at tumingala.
"Kahit
kaylan talaga knight in shining armor si Sir." bumangon ako sa pagkaka-slouch ko hinarap ang computer ko, "kung
hindi dudumugin nanaman ako ng flowers, chocolates at gifts ngayon."
Pagkabukas ko ng
computer ko, may message na nag-pop out sa screen ko.
/ Trabaho
ng mabuti, Hime. /
Na-minimize ko ng
wala sa oras 'yung message.
*DEEP SIGH*
"Hindi pa
'rin nagbabago, talaga naman!"
Pero napatakip
ako sa bibig ko ng mahagip ng mata ko 'yung checker. Nginitian ko siya gamit
ang mga mata ko at inalis ang kamay na nakatakip sa bibig ko at pinakita sa
kanya ang naka-smile 'kong mga labi.
"Good
morning po, Ms. Torre."
Tumango lang siya
sa'kin at naglakad na paalis.
Natapos ang
trabaho at ang sakit ng balikat ko. Kamusta kaya si Kim?
/ Pare!
Kamusta trabaho? Keri ba? /
Mag-reply kaya
agad?
*KIBIT BALIKAT*
Binulsa ko na
ulit ang phone ko at inayos na ang desk ko. Ang kalat ko lagi talaga
mag-trabaho, pero prefer ko naman 'to.
Tumayo na ako
at in-off 'yung computer ko. Pagkapasok ko ng elevator, nag-vibrate ang
phone ko.
Calling
Pareng Kim...
[
Neeeeth!!! Ayaw ko ng ganitong trabahoooo!!! ]
Nailayo ko kaagad
'yung phone ko sa tenga ko at tila lulubog na ako sa mga kasabay ko sa
elevator. Ang tahimik pa naman ng pagbaba ng elevator at walang nagsasalita sa
mga nakasabay ko kaya rinig na rinig 'yung sigaw ni Kim sa kabilang linya.
"Ang sakit
sa tenga ha?! At tsaka 'wag ka nga sumigaw, rinig na rinig ka ng mga kasabay ko
sa elevator!!" pabulong ko'ng sinesermunan
si Kim sa kabilang linya.
Nag-angat ako ng
ulo at nginitian ang mga kasabay ko sa elevator.
[ Ganun
ba? Sorry naman. Akala ko nagmamaneho ka na eh. ]
Lalo nag-init ang
tenga ko sa narinig ko. Saktong bukas naman ng elevator, kahit hindi pa dito
ang floor ko, bumaba na ako at nagderetsyo sa pinakamalapit na comfort room.
"EH 'MAS
BALIW KA PALA EH~! PAANO 'KUNG NAGULANTANG AKO NG KATULAD NITO NANG NAGMAMANEHO
AKO? PAPATAYIN MO ATA AKO EH~!"
Mabuti na lang at
walang tao sa napuntahan 'kong CR. Masasapak ko talaga 'to si Kim pag nagkita
kami eh.
[ Aray
naman~! Ikaw naman ngayon naninigaw... masakit kaya. ]
Napa-face palm na
lang ako sa narinig ko.
"Hay nako.
Okay! Quits na tayo! Nanigaw ka 'rin naman eh."
[ Uhm~! ]
Nai-imagine ko na
tumatango-tango 'yung kumag sa kabilang linya.
[ Anyway, labas
tayo! Dinner tayo sa labas. Libre ko! ]
Nagtaka naman ako
sa pagyayaya niya, "Akala ko ba ayaw mo ng trabaho mo?"
[ Oo nga,
kaya nga sayo na lang ako magtatrabaho eh. Ayaw ko talaga ng trabaho na 'yun, ]
Exotic talaga
'tong tao na 'to.
"Ehh bakit
tayo kakain sa labas?"
[ Tanong
mo kay Simsimi~! ]
*TOOT. TOOT.
TOOT.*
Napa-gasp at
napatitig na lang ako sa screen ng phone ko.
"Lokong tao
'to~! Hampas-hampas ka sa'kin, makikita mo."
Binulsa ko na
'yung phone ko tutal nasa CR na naman ako, nag-ayos na ako ng itsura ko.
Nagli-lipstick na
ako ng biglang may pumasok na tao.
O____O
"A-ano...
anong ginagawa 'nyo dito Sir?"
Napatingin siya
sa'kin ng may gulat na itsura. Parehas kaming 'd makapaniwala.
Maya-maya, ng
matauhan siya, lumabas siya at bumalik din agad. Pagkabalik niya, may
napakalaking ngiti sa labi niya.
"S-sir?"
Nags-statter ako
sa kaba dahil sa ngiti niya.
"Hime,
lalaki ka na?"
Para ako'ng
binagsakan ng ref sa ulo.
"E-eh?!"
Napatingin ako sa
paligid at nakita 'kong puro pang-boys 'yung toilet.
(Z/N: 'yung mga
nakadikit sa pader? Hahahaha.)
Napatalikod at
mabilis na tinakpan 'yung lipstick ko. Nilampasan ko si Sir James at lumabas na
agad ng CR.
"Bwisit ka
talaga, Kim. Dahil sa'yo pahiya tuloy ako!"
Mabilis ako'ng
naglakad at pinindot 'yung elevator pero nasa 8th floor pa lang. nasa 4 floor
ako. Aish. Nagpapa-padyak na ako sa inip ng pagbukas ng elevator pero ang tagal
talaga.
"Bakit ba
kasi ang taas-taas ng building na 'to? Leshee."
Pero nagulantang
ako ng biglang may sumagot sa'kin.
"Wala tayo
magagawa, malaking kumpanya ang pinagtatrabahuhan mo eh."
Napatingin ako sa
katabi ko at napa-urong ako ng kaunti. Pero nilapitan niya ako at kagaya ng
lagi niyang ginagawa, ita-tap niya ang ulo ko at guguluhin ang buhok ko.
Napayuko na lang
ako sa hiya.
"Ok lang
'yun, Hime. On the rush ka ata eh?"
Naiinis ako sa
ngiti niya... parang sinasabi ng mga ngiti niya na ang tanga-tanga ko.
Uwah~! Uwah~!
Bwisit ka talaga
kasi, Kim!
*TING*
Inalis ni Sir
James 'yung kamay niya sa ulo ko at nag-step in na sa elevator.
"Hindi ka pa
ba sasakay?" tanong niya.
Nag-snap out
naman ako at napatingin sa loob ng elevator.
'Geez. Bakit
walang laman?'
Pero no choice
ako. Pumasok na ako ng elevator at sabay na kami, yumuko ako ulit.
*SIGH*
"Hahaha.
Hime, bakit?"
Hindi pa 'rin ako
natitinag sa pagkaka-yuko ko.
"Nakakahiya
po kasi." sabi ko na lang.
'Geez. Nakakahiya
talaga ako~!'
"Ayos lang
'yun. Mabuti nga ako lang nakakita eh, tama ba?"
Napaangat ako ng
tingin at napahawak sa sleeve ng polo niya.
"Please...
'wag niyo po ipagsasabi sa iba. Nakakahiya."
"Sure, in
one condition?"
Hinawakan ko
'yung kamay niya at nagmakaawa, "Kahit ano Sir, 'wag lang malaman
ng iba."
Saktong bukas ng
elevator. Napalingon ako sa lalaking nakatambay at naghihintay ng elevator.
"P-pare?!/Neth!!" Ako/Kim
May meaning na
ngumiti sa'kin si Kim. Leshee! Ayan nanaman siya...
Inaasar at
itinutulak ako sa iba.
~
"Ms. Lim,
can you answer no. 4 on the board please?"
Math time ng mga
oras na 'yon ng matawag si Janneth na sumagot ng problem sa board.
"Yes
Sir!" sagot niya at tumayo na patunga ng
board.
Nakahinga ng
maluwag si Kim ng nakarating si Janneth sa unahan at nakabalik ng upuan nito ng
walang nangyayari. Pero...
"Ok ka lang?
Namumutla ka."
Napatingin si
Janneth kay Kim ng may ngiti sa labi.
"Sa wakas
nagsalita ka 'rin."
Nanlaki ang mata
ni Kim ng mawalan ng malay si Janneth kaya napatayo siya at binuhat niya ito.
"What
happen? Mr. Yap?" tanong ng professor
nila pero imbis na sumagot, itinakbo ni Kim si Janneth sa Nurse's Office.
"Ano
nangyare?" tanong ng nurse.
"Nahimatay
siya matapos sumagot ng problem sa board."
Inihiga niya sa
isang hospital bed si Janneth at palabas na dapat ng Nurse's Office ng pigilan
siya ng nurse.
"Sandali.
Kaylangan ko ng information 'kung sino siya."
Napatigil 'man
sandali si Kim pero wala siya magagawa-- hindi niya naman kilala ng lubusan si
Janneth, at isa pa, apilido lang ang alam niya dito.
"Ms. Lim,
3-2." tanging sabi niya at lumabas na ng
Nurse's Office.
Okyupado ang isip
niya'ng umakyat ng rooftop.
'Sa wakas
nagsalita ka 'rin.'
'Ano ang ibig
niyang sabihin?'
Humiga siya sa
lapag at pinanood ang bawat ulap na nagdadaan.
'Sa wakas
nagsalita ka 'rin.' ang huling bagay na
nasa isip ni Kim ng makatulog siya sa rooftop.
*POKE. POKE.
POKE*
Hindi pinapansin
ni Kim ang bawat sundot sa tagiliran niya.
*POKE. POKE.
POKE*
Pero habang
tumatagal na binabaliwala niya ang mga sundot sa kanyang tagiliran, lumalakas
ito ng lumalakas.
Galit na minulat
niya ang mata niya at nakita ang half sister niya na magkasalubong ang kilay.
"Ano nanaman
kaylangan mo?"
Tinalikuran ni
Kim ang kapatid at muling pumikit.
"Janneth
Lim. Transfer galing sa Maynila. Umuwi dito sa bayan para makita ang childhood
friend niya na si Kim. Bakit ba hindi mo 'man lang binigyan ng chance na
makilala mo siya?"
Napabangon si Kim
mula sa pagkakahiga at hinarap ang kapatid.
"Bakit ikaw
nagsasabi 'nyan? Dapat siya! Dapat siya ang magsabi sa'kin 'nyan at mag-sorry
siya sa'kin!"
Nagngangalit ang
ngipin niyang sinigawan ang kapatid.
"Hi! I'm
Janneth Lim, sorry sa hindi ko pagsipot sa'yo 'nung araw na dapat dadalhin mo
ako sa secret place mo pero hindi ko din alam na 'yun pala 'yung araw na aalis
kami at lilipat sa malayong lugar. 'd nasa nasabi ko sa'yo, 'd ba? Kase
kaybigan kita..."
Nanglalaking mata
na nakatingin lang si Kim sa namumutla'ng nakatayo na si Janneth. Nang maalala
niya ang nangyari bago siya makatulog, mabilis siyang tumayo at kinapitan si
Janneth sa mga braso na noon ay babagsak na.
"Bakit ka
nandito? May sakit ka pa uh?" matapos
niya sabihin 'yon ay matalim niyang tinignan ang kapatid pero isang nakangiting
labi lang ang isinukli nito.
Nagdikit ang mga
kilay ni Kim at inalalayan na makababa si Janneth patungo ng Nurse's Office.
Sa kabilang
banda, naiwan na nakangiti si Kria sa rooftop.
"Thank God,
babalik na sa dati ang kapatid ko."
~
"Sir...
sorry po, may dinner kasi kami eh? Pero Sir..."
Ngumiti lang siya
sa'kin at nagsalita, "Next time kapag wala ka ng date."
Nagkatinginan
'yung dalawa at naglakad na paalis si Sir. Sinundan ko na lang siya ng tingin.
"May
problema ba?"
Napabawi ako ng
tingin ng magsalita si Kim. Naalala ko tuloy lahat ng inis ko.
*POK*
"Aray~!
Masakit 'yun uh." angal niya
"Wala pa
'yan sa kahihiyan na inabot ko dahil sa tawag mo. Hmp~!"
Tumingin ako sa
malayo at nakita ko ang kotse ni Sir na papalayo.
"Sasakyan mo
gagamitin ha? Alam mo naman ako, poor..."
Bumalik 'yung
inis ko at hinila siya sa kwelyo.
"Hai, hai~!
Lika na... gutom na ako!"
"Ok, ok! 'd
naman kaylangan hilahin sa kwelyo."
"Ikaw
mag-drive." abot ko sa kanya ng susi.
"Ehh?" gulat niyang tanong.
"Ikaw
mag-drive."
Hinawakan niya
'yung dalawang balikat ko at niyugyog ako, "Totoo ba 'to,
Neth?"
Pinadausdos niya
'yung palad niya mula sa balikat ko papunta ng mga palad ko. Napapikit na lang
ako ng madiin.
"Oo na! Para
mawala na 'yung takot mo na mag-drive ulit."
"Thank
you~!" niyakap niya ako ng
mahigpit. "Thank you, Besstfriend."
Humiwalay siya
sa'kin ng hayap, napatingin na lang ako sa balat niya na tanda ng nakaraan.
Napatingin naman
siya sa direksyon ng tinitignan ko, hinawakan niya ang braso ko at hinatak ako
para yakapin ulit.
"Kasalanan
ko naman 'yun eh, kasi mahal kita. Sorry sa nasabi ko kaninang umaga. Hindi
naman totoo 'yun eh. Hindi ako nagsisisi na tumakas ako 'nun para makita
ka."
As always, naluha
nanaman ako habang nakangiti.
"Hush. Lika
na, gutom ka na 'di ba?"
Pinagbukas niya
ako ng pinto at tsaka siya umikot sa kabila.
"Oops. Seat
belt!" paalala niya tsaka pinindot
ang seatbelt at ikinabit sa'kin. "I'll be gentle this time. And as
promise. I'll conquer this fear."
*CLICK*
Pagka-click ng
seatbelt, niyakap ko siya ng mahigpit at bumulong sa hangin, "I
love you Kim..."
Pinakawalan ko
siya at nakangiti siyang nag-drive.
~
Matapos
magpakilala ng personal at humingi ng tawad si Janneth, bumalik ang dating
masayahin at maingay na si Kim. Walang oras na hindi sila magkasama at wala na
'ring nagbalak pa na gumawa ng masama kay Janneth.
Natapos sila ng
middle school at pumasok sa parehas na unibersidad. Magkaiba 'man ng kursong
tinatapos, nagkakaron pa 'rin sila ng oras at panahon makita ang isa't isa.
"Neth~! Sa
dating tambayan?"
[ Sige.
See you there! ]
Kahit na alam ni
Kim na wala siyang mapapala sa kursong kinuha niya, sinikap pa 'rin niya na
mag-aral ng mabuti at makatapos ng may medalya.
Lingid 'man sa
kagustuhan ng Ina't Ama kasama na ang half sister na si Kria, hindi naging
hadlang sa kanya ang mga salitang ibinabato sa kanya, bagkus ay nagsikap ito at
natapos.
"Kamusta
trabaho?" nakangiting tanong ni Neth
kay Kim.
"d ko talaga
gusto 'dun eh. Pero gusto kasi ng Papa ko, magtrabaho ako sa kumpanya nila
Mama."
"Bakit kasi
ayaw mo sa Mama mo? 'dun magkakapera ka." tanong ni Neth habang dinuduyan ang sarili.
"Ano
magagawa ng pera, 'd naman ako masaya?"
Humagalpak ng
tawa si Neth sa narinig, tumigil siya sa pag-duyan at tinitigan, ng may
maluha-luhang mga mata, si Kim.
"Ang drama,
ana?"
'Psh. Hindi mo
kasi alam mangyayari kapag sumama ako sa Mama ko na 'yun~' gusto sana sabihin ni Kim pero hindi na niya binalak pa.
Natahimik silang
dalawa at sabay lang pinagmamasdan ang mga bitwin sa langit.
"Ano kaya mo
gawin para 'd ako mawala?"
Mahinang
napa-chuckle si Neth sa narinig.
"Tatawa na
ba ulit ako?"
Inilipat ni Neth
ang mga tingin niya kay Kim at sa nakitang niyang seryosong mukha ni Kim,
natigilan siya sa pag-chuckle, tumayo at itinuro ang mga bitwin sa langit.
"Pipilitin
ko bilangin lahat ng mga bitwin na 'yan kahit abutin 'man ng ilang
taon..." ngumiti siya sa sarili,
habang nakaturo pa 'rin sa mga bitwin, lumingon siya kay Kim. "...kahit
ilang taon, katulad ng nangyari dati." nag-thumbs up siya sa
harap ng mukha ni Kim, "Ok na ba 'yun? Pare?" at
nag-wink pa.
Unti-unting
nangit si Kim sa narinig. Hinawakan niya ang naka-thumbs up na daliri ni Neth
at kinulong ng napakahigpit.
"A-aray,
aray~! Masakit." binitawan ni Kim ang
hinlalaki ni Neth at tumayo, "Kahit magka-peklat 'man ako sa puso,
'wag lang bumalik sa dating Kim, gagawin ko." niyakap niya si
Neth ng maghigpit at sinabing, "Kahit mamatay ka 'man sa higpit ng
yakap ko, dapat ako lang ang BFF mo. Okay?!"
Hindi makahingang
sumagot si Neth sa tanong ni Kim, "O-o-ok-okay..."
Na-realize ni Kim
na sobrang higpit na pala ng yakap niya na hindi na talaga makahinga si Neth
kaya kumawala siya sa pagkakayakap.
"Woah~!
Akala ko katapusan ko na."
"Haha... hindi
ka pa pwede mamatay! 'd mo pa napupuntahan 'yung secret place ko~!"
Nag-pout naman si
Neth sa narinig, "yun lang? So kapag nakapunta at nakita ko na
'yun, pwede na ako mamatay?" tanong niya.
"Dipende
sa'yo ang sagot." inakbayan ni Kim si
Neth at nag-aya ng umalis. "Tara na? Next time, laro tayo 'dun
uh?" turo ni Kim sa isang palaruan sa bahagi ng playground.
"Sureeee~!"
Kinabukasan,
pagkagising ni Kim, nadatnan niya na lasing nanaman ang abandunadong Ama niya
nanghihingi dito ng pera pambili ng alak.
Kagaya ng sa
kasabihan-- lokohin mo ng lasing, 'wag lang ang bagong gising-- nag-init at
nasabayan ng galit ni Kim ang pagkalasing ng Ama at nauwi sa awayat batuhan ng
mga bagay. Sa pagod at depresyon na naramdaman, umalis si Kim sa kanilang bahay
at nagpunta sa mansyon ng kanyang Ina; ang kanyang Ina'ng una pa palang
nagkaroon ng pamilya bago sa kanila.
Dahil sa galit,
pinasok ng rebelyon ang utak ni Kim at nakapagsalita ng masasamang bagay, na
ultimo ang nakaraan ay kanyang nahalungkay, nakagalitan siya ng Ina at naging
grounded sa lahat ng bagay ngunit naalala niya ang isang taong mahalaga at alam
niyang makakatulong sa kanya.
"Neth..." nasabi niya sa sarili na narinig naman ng Ina.
"Hindi mo na
siya makikita."
Nag-apoy sa galit
ang mga mata ni Kim at nagawang saktan ang kanyang Ina. Hinablot niya ang susi
na nakasabit sa dingding ng opisina ng kanya Ina at nagmadaling tumakbo papunta
ng garahe.
Pinigilan 'man
siya ng Ina ay wala ng nagawa pa.
At kinagabihan,
nabalitaan na lang nila na ang kotseng minaneho ni Kim ay naaksidente. Nagtamo
ng balat sa braso si Kim at ilang linggong pagdaan sa coma, pero himalang
naka-recover siya at hindi naka-amnesia.
~
"Sir, table
for two?" tanong ng isang waiter kay
Kim.
"Pare, bakit
dito tayo? Mahal dito uh? May pera ka?"
Kinapitan niya
lang ako sa kamay at sumunod sa waiter. "Ako bahala."
'Nakakalasap ako
ng hindi magandang aura...' napatigil ako ng may
mahagip ang mga mata ko, hinatak ko papunta sa'kin si Kim.
"Pare, 'd ba
siya 'yung--"
Bastos na bata,
takpan ba 'yung bibig ko?
"Hayaan mo
sila. Wala ako pakialam sa kanya."
Napakibit balikat
naman ako at sumunod na lang sa kanya.
Nang makaupo na
kami, walang pasabi niyang hinatak 'yung menu sa kamay 'nung waiter.
"O-oy~! Ano
ka ba?!" tumingin ako 'dun sa waiter
at humingi ng pasensya. "Pasensyahan niyo na, ngayon lang
nakatungtong ng fancy restaurant ang taong 'yan eh."
"Psh.
Tahimik... um-order ka na~! Kahit anong gusto mo, order lang. Ako
bahala~!"
Nagtaas baba pa
'yung kilay niya 'nung sinabi niya sa'kin 'yun. May masamang aura talaga ako'ng
nararamdaman eh.
Lumapit ako sa
kanya at bumulong, "Oy~! Nagbenta ka ba ng parte ng katawan kaya
marami ka'ng pera ngayon?"
Nag-squint naman
siya sa'kin at tinulak pabalik sa upuan ko, "Sabi ng tahimik eh.
Um-order ka na. Ako bahala~!"
Itinaas ko sa ere
ang dalawang kamay ko patunay ng pagsuko.
"Yare...
yare... suko na-- kahit ano uh, sabi mo?" huli ko'ng tingin sa kanya at kinalabit 'yung waiter.
"May mata ka
ba?" halatang na-wirduhan naman 'yung waiter
sa tanong ko, wierd naman talaga eh. ^_^v
"O-opo
naman." sagot sa'kin 'nung waiter na
halatang takang-taka, napakamot pa ng ballpen sa likuran ng tenga.
"kung may
mata ka, tignan mo lahat ng ituturo ko, ayun ang order ko, okay?"
Mukhang
nagulantang naman na napalayo sa'kin 'yung waiter. "E-eh? S-sure
po kayo?" tanong niya.
Tumango lang ako
ng tatlong beses at lumapit ulit siya sa'kin, tinignan ko ulit si Kim na ang
laki ng ngiti.
"Chk." inirapan ko siya at tumingin ulit sa waiter.
"Hindi po ba
isusulat ko na lang?" tanong ulit ng waiter.
Sinamaan ko nga
ng tingin.
"Costumers
are always right--" tumingin ako sa
nameplate sa dibdib niya, "Eiron~!"
Tumayo naman ng
tuwid 'yung waiter at hinanda na 'yung mata niya sa mga ituturo ko.
"Ready ka
na? Pag nagmintis ka, ipatawag mo na 'yung manager, ok?" sabi ko sa kanya, punung-puno ng awtoridad.
"Y-yes
Ma'am." sabi niya sa'kin.
Sinumulan ko na
magturo at tila naiinis na 'yung waiter.
"M-ma'am,
s-sana sinabi 'nyo na lang, lahat." sabi niya
sa'kin at kinuha 'yung menu sa kamay ko.
Humarap ako kay
Kim at nagtanong, "Ikaw, ano order mo?"
Ngumiti siya ng
napakaLAKI at lumingon sa waiter. "Pitcher of water, please."
"O-oy~!
W-water?" tanong ko, "Yup~!
Ano pa o-orderin ko, na-order mo na lahat?"
"That makes
sense." pagsuko ko.
"Ma'am,
lahat ng nasa menu. Sir, pitcher of water." ulit 'nung waiter sa order namin, "Please
wait for your orders, have a wonderful dinner, Ma'am, Sir."
Pagka-bow 'nung
waiter, umalis na siya.
"Sure ka
mauubos mo lahat ng in-order mo?" tanong
sa'kin ni Kim, "Hinde." sagot ko.
Natawa siya ng
mahina at yumuko.
"Excited na
ako sa mangyayari." bulong niya pero
narinig ko.
"Ano'ng
excited sinasabi mo?" tanong ko.
"Eat well...
mahal 'kong Janneth Lim." sabi niya
lang at nagsidatingan na 'yung mga pagkain.
"Busog na
ako." sabi ko sa kanya, ngumiti lang siya
sa'kin habang may nginunguyang 'd ko alam 'kung ano.
"Gusto mo na
umalis?" tanong niya sa'kin.
Dahil sa
kabusugan, tumango na lang ako, hindi na ako makapagsalita.
"All right,
let's go~!" sabi niya at may sinulat sa
tissue. "Tara?"
Wala na ako sa
wisyo kaya tumayo na lang ako at inalalayan niya naman ako. Nakarating kami sa
kotse at nag-drive na siya paalis.
"Inaantok
ako sa pagka-busog." sabi ko at hindi ko na
namalayan, natulog na pala ako.
~
"Kim? Kim,
ok ka na?"
Pagkamulat ng
mata ni Kim ay isang hindi kilalang mukha ang bumungad sa kanya, katabi nito ay
ang bestfriend niya na si Janneth.
"Ha? Sinu
ka?" tanong niya sa babaeng unang-una niyang
nakita pagmulat ng mata.
Nag-stretch siya
ng kamay at balak sanang kunin ang mga braso ng katabi nitong bestfriend ngunit
hinablot ng baba kamay nito na pumigil sa pag-abot sa mga braso ni Janneth.
"Teka,
dahan-dahan naman... 'd pa siya lubusang magaling." pagalit ni Janneth sa babae.
Hindi pinansin ng
babae ang sinabi ni Janneth ng biglang bumukas ang pinto ng private suit ni
Kim.
"Tita,
you're here." bungad ng babae sa Mommy ni
Kim.
Parehas na gulat
at gulung-gulo ang isip nila Janneth at Kim sa mga nangyayari.
"I'm glad you're
here, Layla." bati ng Mommy ni Kim sa
babae na Layla ang pangalan. "And I'm more than greatful that
you're awake, son." sabi nito at tumabi sa kama ng anak.
Napalayo naman si
Janneth sa pagkakaramdam ng 'd siya kabilang sa mga tao na nakapaligid sa
kanya.
"Sino
siya?" sa wakas ay naitanong ni
Kim. Eager na ‘din ako malaman eh.
Yumakap si Layla
sa nakahiga'ng si Kim at nagpakilala.
"I'm your
fiancée, Kim. You and I will soon be husband and wife."
Lihim na natawa
si Janneth sa narinig.
'Fiancee?' natatawang isip ni Janneth.
'Fiancee?!' inis naman na isip ni Kim.
"I will
marry no one, Mama," I want to be with my
bestfriend forever. gusto sana idugtong ni Kim pero sa lagay niya, alam niya na
hindi siya makakalaban ng sagutan sa Mama niya.
Nasaktan 'man sa
narinig, 'd nagpahalata ang kaninang dalawang magkatabi na dalaga.
"We'll see
'bout that, Kimmy Love."
Masuka-suka si
Janneth at Kim sa isip ng marinig ang tawag ni Layla kay Kim.
"So
gay..." pabulong na sabi ni Janneth
ngunit malakas na bigkas ni Kim at ipinamukha kay Layla at sa Ina.
~
Nagising ako sa
kwarto ni Kim at may papel na nakadikit sa kisame.
"Ang pangit
talaga ng sulat mo kahit kaylan, Pare."
Tumayo ako at
pumasok sa banyo, may spare na toothbrush ako dito eh, kaya kahit ano
mangyari't makatulog 'man ako dito, hindi ako bad breath.
Matapos ko
mag-toothbrush at maghilamos, bumalik ako sa kama at nahiga.
/ Bumili
lang ako ng almusal mo, Prinsesa. I'll be back soon~! /
"Ang
taga--"
Naputol ang
pagrereklamo ko ng marinig ko ang pinto na nagbukas at nagsarado. Tumayo ako
mula sa pagkakahiga ko at sinalubong siya, pero mali ako.
"A-ano'ng?!"
Hindi ko alam
'kung matatawa ako sa itsura ni Layla o maiinis ako kasi nandito siya. Hihihi~
both na lang nga!
"At ano'ng
soot mo?" tanong niya ulit.
Napatingin ako sa
suot ko at napa-smirk.
Napa-gasp siya at
saktong bukas naman ng pinto mula sa likod niya.
"I'm
ho--" naputol ang sasabihin ni Kim ng makita
niya si Layla sa harap niya.
"Isara mo
bibig mo, babae. Baka pasukan ng ipis." sabi
ko at hinatak si Kim na nakatayo sa likod niya.
"Lika nga,
bilisan mo. Nagugutom na ako. Napagod ako kagabi eh~"
Papunta na kami
ng kusina ng marinig namin na napa-upo sa sahig si Layla. Kahoy lang kasi 'yung
lapag nila Kim; mahirap lang kasi sila ng Tatay niya.
Hindi ko
binitawan ang kamay ni Kim at pinigilan siya na lumingon. "Hayaan
mo na siya 'dyan, wala ka naman pakialam sa kanya, 'd ba?"
Naramdaman ko
naman na naging normal na ang lakad ni Kim at naabot namin ang kusina.
"Ang dumi
kasi ng isip, hayaan mo siya na mamatay sa illusyon niya." sabi ko kay Kim matapos hatakin ang lugaw na nasa plastik
na hawak niya.
"Ano ba
iniisip niya?" tanong naman sa'kin ng isa
pa'ng inosenteng kumag.
"Wala. Kain
na tayo~!" at pinagsalin ko na 'rin
siya ng sopas na binili niya.
"Tsaka
ano'ng napagod? Ako nga ang napagod sa'yo kagabe!"
Napalakas ang
pagalit sa'kin ni na alam ko'ng narinig ni Layla kaya hindi na imposible na may
narinig kaming kalabog mula sa may pintuan.
"Ano
'yun?" tanong sa'kin ni Kim.
Kibit balikat
ako'ng sumubo ng lugaw. "Ang sarap~! The best talaga kapag may
itlog."
Dahil sobrang
dumi ng utak ni Layla, hindi niya na siguro napigilan at narinig ko na tumayo
na siya.
"Layla,
almusal?!" sigaw ni Kim sa kanya mula
sa kusina pero pagbukas at pagsara lang ng pinto ang narinig namin.
"Umalis na
siya?" tanong nanaman ng inosenteng
Kim.
Kibit balikat na
lang ulit ako't sumubo ulit ng lugaw.
"Gusto
mo?" alok ko ng lugaw sa kanya pero itinaas
niya lang ang kamay niya mid-air, parang sinasabi na stop.
"Loyal ako
sa sopas." niyakap niya pa 'yung mangkok
ng sopas niya ng kaliwa niyang kamay.
Nangiti na lang
ako.
"Ang sarap
talaga ng ganito." sabi ko at sumubo ulit
ng lugaw. "Kaylan mo balak mag-asawa, Pare?" tanong
ko sa kanya.
Nabilaukan naman
ang kumag. Lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod niya.
"Eh? Tubig,
tubig?" abot ko sa kanya ng tubig, "Ok
ka lang?" tanong ko.
"Cough.
Cough. O-okay lang."
Bumalik na ako sa
upuan ko at sumubo ulit ng lugaw.
"Bakit mo
naman natanong, Neth?" sinagot niya naman ng
panibagong tanong ang tanong ko.
"Wala lang.
Kasi, alam mo 'yun... mayaman si Layla, mahal ka, handa ka pakasalan kahit
kaylan, kahit saan." inabot ko 'yung baso ng
tubig, "Pero ayaw mo pakasalan. Bakit? May mahal ka na ba'ng iba?" sunud-sunod
na tanong ko sa kanya.
"Sabi ko
sa'yo dati, 'd ba? Aanhin ko ang pera 'kung hindi naman ako masaya?" sagot niya sa'kin.
As always,
satisfied na ako sa sagot niya, pero may isa pang tanong na gusto ko itanong sa
kanya.
"Eh bakit ngayon?
Masaya ka ba?"
Saktong pag-inom
ko ng tubig, sinagot niya ang tanong ko.
"Basta
kasama ko BFF ko, I'm fine."
Dahil hindi ko pa
nalulunok 'yung tubig na uninom ko, nabuga ko tuloy sa malayo 'yung tubig.
"Wah~! Buti
na lang sa ibang dereksyon mo nabuga. Muntik na ang mukha ko 'dun ah?" reklamo niya.
"Ehe...
ehe..." nasasamid pa ako na tumingin
sa kanya. "Ang mais mo, Kim." sarcastic ko na sabi
sa kanya.
'Leshee 'to~!
Nakaganti agad sa pagkakasamid niya kanina.'
"Totoo naman
sinasabi ko eh. At tsaka hindi ako mag-aasawa hangga't hindi ko natutupad 'yung
promise ko sa'yo."
Natigilan ako sa
sinabi niya. Nadabog ko na nalapag 'yung baso ng tubig sa lamesa, dahil sa
gulat, buti na lang plastik lang 'yung baso at hindi babasagin.
"Akala ko
nakalimutan mo na 'yung promise mo na 'yun?!"
Pasigaw ko tuloy
na natanong sa kanya.
"Alin? Ang
igawa ka ng maganda at malaking sand castle? Hindi ah."
Nakaramdam naman
ako ng pagka-relief.
'Akala ko
nakalimutan niya na.'
"At tsaka
'yung secret place ko, nakalimutan mo na ba? Dadalhin pa kita 'dun." cool lang na sabi niya at sumubo ng sopas.
"H-hindi,
syempre." nasabi ko na lang...
"Yum~! Done!
Thanks for the meal~!" sigaw niya.
Binilisan ko na
lang ang kain at tinapos na 'rin ang kinakain ko.
Sumunod ako sa
kanya sa kwarto niya at tumabi sa kanya sa kama.
"Nood tayo,
movie~!" suggest niya sa'kin pagka-upo ko
pa lang sa tabi niya.
"Movie?
Ano'ng movie?" tanong ko sa kanya, napahiga
na lang ako sa kama.
/ Bumili
lang ako ng almusal mo, Prinsesa. I'll be back soon~! /
'Prinsesa...'
Nangiti na lang
ako sa sarili ko ng mabasa ko ulit ang note na nakadikit sa kisame.
"Hoy~!" gulat niya sa'kin, nakadapa siya sa tabi ko.
"Ano nga
gusto mo?" tanong niya sa'kin.
Napa-isip naman
ako. "Ano'ng gusto ko?" tanong ko sa sarili ko.
"Gusto ko
pumunta ng amusement park."
Napa-angat naman
si Kim sa pagkakadapa niya.
"Movie
tinatanong ko~!" sabi niya sa'kin.
Ngumiti na lang
ako at hinatak siya. Niyakap ko siya sa ulo.
"Sige na
please?" pagmamaka-awa ko sa kanya.
"Teka~ Saan
ba may amusement park?" tanong niya
sa'kin.
"Ewan
ko." sagot ko sa kanya at pinakawalan siya sa
pagkakayakap ko sa kanya.
Nagkamot siya ng
ulo at tumayo, lumapit sa computer niyang pentium 1 pa ata.
"Palitan mo
na kaya computer mo. Manghingi ka ng pambili sa Mommy mo!" sigaw ko sa kanya.
"kung ikaw
ba sabihan ka na palitan ako, papalitan mo ba ako?"
Napakunot ang noo
ko sa tanong niya.
'Ano sinasabi
neto?' pagtataka ko, "Ang layo
naman ng sagot mo~!" sabi ko na lang.
"Hindi mo
malalaman 'yun kasi manhid ka." sabi niya
sa'kin.
"Hoy, Pare~!
Name-mersonal ka na!" tinakbo ko siya at
sinakal sa leeg.
"Eh...
namemersonal ka 'rin naman eh." mahinahon
na sabi niya lang sa'kin.
Pinakawalan ko
siya sa pagkakasakal ng makita ko 'kung ano 'yung tinitignan niya sa computer.
"May malapit
na amusement park sa *****. Ligo ka na~!" sabi niya at nagtatalon ako na lumapit sa drawer ko.
Exclusively mine.
"Batang isip
talaga~!" sabi niya na habang
naghahalungkat ako ng maisusoot sa drawer ko.
Natapos ako na
maligo at nakita ko siya na ligo na 'rin, nakatayo sa harap ng salamin at
nagsusuklay ng buhok.
"Ang haba na
ng buhok mo." comment ko sa kanya.
"Papagupit
na ba ako?" tanong niya sa'kin.
"Gwapo ka
kahit gaano ka-ikli o ka-haba 'man ng buhok mo."
Nagsusuot ako ng
pantalon ng kilitiin niya ako sa baywang.
"Lastik.
Nagbibihis naman~!" reklamo ko pero hindi
ako matigil sa kakatawa.
"Binobola mo
kasi ako eh, palibhasa pinayagan pumunta ng amusement park." sabi niya na walang tigil pa 'rin sa pagkiliti sa'kin.
"Eh~!
T-tigil na! Baka matanggal--" hindi ko na
natapos 'yung sasabihin ko kasi bumagsak na kami sa kama at natanggal 'yung
tapis ko.
Nasa ilalim pa
ako.
>///<
'Buti na lang may
unedr garments na ako.' sabi ko sa sarili ko,
pero seryoso 'yung itsura ni Pare.
"Neth..." parang nagmamaka-awa 'yung boses niya.
"O-oh? A-ano
'yun?"
Nags-statter ako
at 'd makatingin ng diretsyo sa mga mata niya pero gamit 'yung kanang kamay
niya, iniharap niya 'yung mukha ko sa mukha niya.
"wag ka
pumikit." sabi niya sa'kin na may
disappointed na tono.
Minulat ko ang
mata ko at nag-tama 'yung mga mata namin.
'Sheez. Ang
init~!'
"Neth..." ayan nanaman 'yung tila nagmamakaawa'ng malambing niyang
boses.
"Oh?" binabalak ko na tumayo pero lalo pa niya ako dinadaganan.
Feeling ko
nasa’kin na lahat ng bigat niya. Leshee, Kim~!
"Neth..." ulit niya, same tone, same serious face. "Let
me be your BFF."
Sobrang nalukot
na 'yung noo sa sinabi niya.
"Geez. Akala
ko naman 'kung ano na." sabi ko,
niluwagan niya na 'rin ang pagkakadagan sa'kin at tuluyan na ako'ng nakatayo.
Pinagpatuloy ko
na ang pagpapantalon ko, 'd ko na pinansin 'kung nakikita niya na naka-under
gaments lang ako. Isipin niya na lang nasa beach kami at naka-two piece ako.
Pero nagulat ako
ng yakapin niya ako mula sa likod.
"Hindi ako
nagbibiro, Neth." sabi niya in a VERY
serious voice.
Pinipilit ko
alisin 'yung pagkakayakap niya habang sinasabi sa kanya na, "Ano
ka ba, syempre oo. Kahit may asawa't anak, apo ka na bestfriend mo pa 'rin
ako."
Pero 'mas lalong
humugpit ang yakap niya sa'kin.
"Boyfriend
Forever, Neth." bulong niya sa tenga ko. "Let
me be your Boyfriend Forever." ulit niya pa.
Feeling ko isa
ako'ng yelo na natutunaw ng marinig ko ang sinabi niya sa tenga ko. Nanlambot
ako at 'd ko na kinaya pa, bumigay na 'yung mga tuhod ko.
"N-neth!
Hindi ka pwede mamatay hangga't 'd mo ako sinasagot at 'd ko natutupad promise
ko~!"
Nabuhayan ako at
umakyat sa ulo lahat ng dugo ko sa katawan. Hinarap ko siya at hinampas sa
braso ng full force.
"Aray~!" gulat niyang sabi sa'kin.
"Mamatay?
Psh. Hindi lang ako makapaniwala sa sinasabi mo~! Mamatay agad? Ikaw nga'ng
na-coma ng ilang linggo, nabuhay. Ako pa na nakarinig lang ng confe--" hindi ko na natapos 'yung paghihimutok ko kasi sinigilan
niya na ako.
Pinigilan niya
ako gamit 'yung labi niya.
O///O
"Ano, tapos
ka na?" tanong niya sa'kin na parang
wala lang nangyari.
Wala ako sa
sariling tumango sa kanya ng hindi ko na nabilang 'kung ilan.
Dinampot niya
'yung damit ko sa kama at isinuot sa'kin.
"Baka hindi
na ako makapaghintay ng kasal, masaktan pa kita." sabi niya at tumingin sa 'd ko pa nisi-zipper na pantalon. "Baka
gusto mo ako na 'rin mag-taas ng zipper mo? Aba, abuso ka na~! Lalaki
ako~!"
Bumalik naman ako
sa reyalidad at nakurot ko siya sa tagiliran.
"Ano'ng
pinagsasabi mo 'dyan? Upakan kaya kita?" galit
'kong sabi sa kanya.
Nangiti lang siya
at niyakap ako.
"Welcome
back, Girlfriend." sabi niya.
Nangiti na lang
ako sa narinig ko. Ang sarap sa panrinig ng g-girl--
Hampas sa likod.
"Ano'ng
Girlfriend? Sinagot na ba kita?"
Nauwi kami sa
tawanan hanggang makalabas kami ng bahay nila.
"Ikaw
mag-drive." sabi ko sa kanya, "Ikaw
may alam 'nung lugar eh." dagdag ko pa.
"Sure, yes,
Girlfriend." sabi niya at nag-salute pa
pagkakuha ng susi sa kamay ko.
Nangiti na lang
ako sa kanya matapos niya ako pagbuksan ng pinto ng sasakyan. Pagpasok ko, siya
na 'rin ang naglagay ng seatbelt ko at matapos, ang kanya naman.
"Ingat." sabi ko sa kanya, "Syempre naman, sakay ko
ata ang Prinsesa ko'ng Girlfriend."
Nahampas ko na
lang siya ng mahina bago niya pina-andar ang makina.
"Kinikilig
ka lang eh." bulong niya, "Ano
kamo?" tanong ko, pero narinig ko naman talaga. "Sabi
ko, I love you."
Feeling ko namula
ako ng todo.
'Tindi
magpakilig.' sabi ko na lang sa sarili
ko.
Nakarating kami
sa isang simpleng amusement park at nakahanap ng pagpa-parking-an pero reklamo
agad ang ibinato ko sa kanya.
"Sabi mo
malapit lang?!" sigaw ko sa kanya habang
inaalis niya ang seatbelt ko.
"Ano ba
malay ko na ganun pala kalayo 'to? Naka-drawing sa google map, malapit
lang eh." sabi niya, pero alam ko na
nagpapalusot lang siya.
"Google map.
Syempre, drawing nga eh. Chk." cross arms
ko siyang sinusundan papasok sa loob.
"Hush.
Umiiyak ka nanaman, ito na nga eh, nasa amusement park na tayo. Tahan
na..." para siyang nagpapatahan ng
3 years old na bata sa tono ng boses niya.
"wag mo nga
ako nilolo--" natigilan ako ng ibungad niya
sa mukha ko ang ticket.
"Rides all
you can. Bawala magdala ng pagkain sa loob. Sabi 'nung teller, ingatan daw ang
mga bata kaya kapit ka lang sa kamay ko, baka mawala ka. Asdfghjkl--" sabi niya ant hindi ko na narinig pa 'yung kasunod.
"Ano?" sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at ikinabit
niya lang sa'kin 'yung bracelet at niyapos ako sa waist.
Nakapasok na kami
sa loob at kagay ng sabi ko sa kanya ng bata ako, 'Don't judge a book
by it's cover', kasi ang ganda-ganda pala sa loob.
"Oh, kapit
ka lang sabi ko eh. Asdfghjkl--" ulit niya
pero ang hina talaga ng pagkakasabi niya 'dun sa dulo.
"Ano kamo~?!
At tsaka hindi ako mawawala 'no~! Hindi naman ako bata~!" sigaw ko sa kanya kasi napunta ako sa isang stall na punung-puno
ng mga animal headbands.
Hindi ko
namalayan na nakalapit na pala siya sa'kin at sinuotan na ako ng isang
headband. Tumingin ako sa salamin at tinignan 'kung anong klaseng headband ang
isinuot niya sa'kin.
"Uwah~! Ang
ganda!!" manghang-mangha ako'ng
napasigaw na tinititigan sa salamin ang sarili ko.
Tenga siya ng
pusa at coloe pink. Nagko-compliment 'yung kulay ng damit ko'ng peach long
sleeve sa kanya.
"Hindi daw
bata." narinig ko na sabi ni Boy--
Kim na nakapamulsa sa tabi ko.
"Miss,
magkano?" tanong ko sa babae'ng
bantay.
"25 pesos
lang po." sagot niya naman kaya
dumampot ako ng isa at isinuot sa malayong nakatingin na Kim.
Inabutan ko ng
P50 'yung babae at hinatak na paalis si Kim.
"Ano naman
'tong nilagay mo sa ulo ko?" tanong niya
sa'kin.
Hindi ko sinagot
'yung tanong niya, bagkus ni-blockmail ko pa siya.
"Kapag
inalis mo 'yan, kalimutan mo ng sasagutin kita."
Mula sa ako ang
nanghahatak sa kanya, ako naman ang hinatak niya at niyakap. "Hindi
mo ako sasagutin?" tanong niya sa'kin na may pananakot na tono.
"O-oo.
Bakit?!" sagot ko sa kanya pero
ngumiti siya ng nakakaloko.
Na-realize ko na
lang ang sarili ko na tinutugon ang halik niya sa gitna ng daan. Nang
maghiwalay kami, nagsalita siya na naging dahilan para mahampas ko nanaman siya
sa braso.
"Hindi pala
sasagutin, ha?"
Nag-smirk lang
siya imbis na magreklamo sa hampas ko.
Halos nasakyan na
na'min ang lahat ng rides maliban sa ferris wheel ng mawala siya sa paningin
ko.
"Geez. Nasa
bulsa niya pa naman 'yung phone ko~!"
Para ako'ng baliw
na kausap ang sarili ko habang ikot ng ikot ang tingin sa paligid.
"Gosh. Saan
ko sisimulan hanapin ang lalaki'ng 'yon?"
Sinubukan ko na
simulan ang paghahanap sa kanya sa pinaka-unang lugar na pinuntahan namin, ang
pinagbilhan namin ng headbands na suot namin.
"Tama~!
Madali lang siya mahanap dahil sa headband niya~!" pagku-convince ko sa sarili ko pero mapalis din agad ang
pag-asa ko.
"Timang~!
Syempre maraming nakasuot ng ganung headband dito. Ano ba, Janneth?!" pagalit ko sa sarili ko.
Walang tigil ako
na paikot-ikot sa amusement park ng mapagod ako at napag-isipan na bumili sa
isang stall ng maiinom. Umupo ako sa pinaka-malapit na bench.
*Janjaranjan
janjan~!*
Nagulat pa ako sa
biglang tunog na lumabas sa speaker na nasa taas ng isang poste.
"Leshee. Ang
lakas masyado, mamamatay ang may sakit sa puso dito eh." napahinga ako ng malalim bago humigop muli ng ice tea na
binili ko. "Buti na lang wala ako'ng sakit sa puso."
Biglang may mic
feedback ako'ng narinig mula sa speaker na nasa tuktok ng poste kaya sandali
ako'ng napatakip sa tenga ko.
{ Janneth
Lim~! 'kung nasaan ka 'ma, hihintayin kita sa tapat ng ferris wheel. Sabi ko
sa'yo 'wag ka lalayo dahil mahirap humanap ng kapalit mo eh. See you at the
ferris wheel. I love you~! }
Matapos ko
marinig ang paging-kuno ni Kim, natigilan ako ng sandali at dali-daling tumayo,
tumakbo agad ako papunta ng ferris wheel. Dahil 'd ko pa nakakalahati 'yung
iniinom ko, tumatapon siya habang tumatakbo ako kaya 'd ko na pinanghinayangan
ng pera at binitawan ko na.
Malapit na ako sa
may ferris wheel ng makita 'kong crowded ang paligid ng pila.
"Damn it~!
Ang haba ng pila at dami pa ng tao." sabi
ko sa sarili ko at napakamot ako sa ulo. "At paano ko mahahanap si Kim
'kung lahat ng taong nandito parehas niya ng headband?"
Inis na inis
akong nagpapadyak sa sahig pero naisip ko na wala 'yung magagawang maganda kaya
sumugod na ako sa dumog ng mga tao na nakapila at nakaharang sa daan. Bawat tao
na mababangga ko, tinitignan ko ng mabuti ang mukha at tinutulak palayo.
Ang mean ko ba? ^_^v Harang
kasi sa daan eh. 'd ko makita 'yung Bo-- si Kim eh.
"Excuse me
po." sabi ko 'dun sa babae na nakabangga ko.
It feels wierd
pero parang ang cold ng mga tingin sa'kin ng mga babae na nakakabangga ko.
Problema nila?
Hanggang sa may
isang babae na bumati sa'kin at narinig 'nung iba.
"Ikaw si
Janneth Lim, tama?" napatango na lang ako
at inikot ang tingin ko sa mga taong pumalibot sa'kin.
Matapos nila ako
palibutan, umayos sila ng linya at nahawi ang dadaanan ko. Sa dulo ng
pila-pilang tao na may nakalinya at gumawa ng daan para sa'kin, nakatayo ang
isang Kim Yap na may hawak na color white na bunny, kasing laki na buong
katawan ko except legs and arms, gets?
Nagtataka ako't
ilang na lumakad papunta sa kinatatayuan ni Kim.
"P-pare.
A-ano 'to?" bungad ko'ng tanong sa
kanya.
"Ito 'yung
daan para mahanak mo ako at mahanap kita." nakangiti na sabi niya sa'kin.
Napatingin ako sa
ulo niya ang nakasuot pa 'rin sa kanya 'yung headband na binili ko.
"Oh~ Sa'yo
'to eh. Nakakahiya maglakad ng may hawak na ganyan uh?" sabi niya sa'kin at pinayakap sa'kin 'yung bunny.
"Akin
'to?" tanong ko sa kanya pero 'yung mga tao sa
paligid ang sumagot.
"Oo~!" in chorus pa talaga.
Nagitla naman ako
sa pagsagot nila.
"Magpaliwanag
ka nga, tila galit pa sa'kin tuloy 'yung ibang mga babae 'dun."
"Ah,
eto?" pa-suspense niya, "Pina-page
kita, 'd ba?" tanong niya.
Hinampas ko nga
ng bunny na bigay niya, "Pa-suspense pa eh. Explain mo na."
Nakarinig naman
ako ng parang mga tigre sa paligid. 'yung mga babae, ansama ng tingin sa'kin.
"Eh?" binalik ko 'yung tingin ko kay Pare. "Nagagalit
ba sila kasi hinampas kita?" tanong ko sa kanya. Tumango lang
siya.
"Na-curious
silang lahat 'kung sino 'yung Janneth Lim kaya nagpunta sila lahat dito. Tapos
ayun~!" turo niya sa isang
tarpaulin.
O
o O
"O-oy~!
A-ano 'yan?!" taranta 'kong tanong sa
kanya.
"Tanong mo
kay Simsimi." sarcastic na sagot niya
sa'kin. "Syempre tarpaulin." dugtong niya pa.
Hahampasin ko na
ulit sana siya kaso natakot ako sa mga matang kanina pa ready'ng patayin ako sa
titig.
"Ibig
sabihin ko--" 'd niya na ako pinatapos.
"Hinahanap
kita kaya nagpagawa ako kay Kuya ng Tarpaulin. Kinuha ko sa phone mo 'yung
picture," tapos inabot niya sa'kin
'yung phone ko galing sa bulsa niya, "Nilagyan ko ng pangalan mo
tsaka ako tumayo sa gilid ng tarpaulin kaya nalaman siguro nila na ako 'yung
nag-page." tapos lumapit siya sa'kin at bumulong. "Crush
na nila ako, ang sweet ko daw kasi." tapos lumayo na siya sa'kin
at nagsalita na nga malakas, "Akala nila bata 'yung hinahanap ko
na Janneth kaya na-curious sila. Kaya nagkumpol sila lahat dito. Inutusan ko na
'rin sila magsuot nito," turo niya sa headband niya, "Para
mahirapan ka 'rin maghanap, naghirap ako hanapin ka tsaka mapanalunan 'yan
eh." patukoy niya sa bunny. "Tama ba guys?" tanong
niya sa mga tao.
"Tamaaaaa~!"
'yung iba parang
hihimatayin na sa pag sagot, 'yung iba naman tila galaiti dahil naiinis sa'kin.
"Magagawa
ko, mahal niya ko..." nakayuko 'kong bulong
sa sarili ko.
Kaso narinig pala
ni Kumag. "Kaya sagutin mo na ako, para 'd sila magalit." batak
niya sa ulo ko'ng nakayuko.
Nakunot ang noo
ko at tumingin sa mga taong unlimited na patango-tango sa harap namin.
No choice. Oo
kinikilig ako kaso, may balak sana ako'ng pagsagot sa kanya eh, pero paarang 'd
ata ako makakalabas ng buhay dito kapag 'd ko siya sinagot ngayon.
Ngumiti ako ng
napaka-luwang at niyakap si Kim.
"Oo na,
Boyfriend." sabi ko sa kanya at
naramdaman ko na nakangiti 'rin siyang niyakap ako.
"Panira ng
moment naman 'tong bunny na 'to, 'd ko ma-hug ng maayos ang Girlfriend
ko." rinig ko na pagre-reklamo niya tapos
hinatak niya ako papunta sa entrance ng ferris wheel.”Manonood tayo ng fireworks.” Sabi
niya na pinagtaka ko.
“Fireworks? Aga
pa uh?” sabi ko sa kanya, may tumigil na
capsule sa harap naming, “Kaya hindi tayo aalis dito hangga’t walang
fireworks.” Sabi niya sa’kin at saktong pagsara na gate ng capsule,
umandar agad.
“Ka-imposiblehan
mo talaga, Kim.”
Matapos ng ilang
minute, walang nagsasalita samin, spell B-O-R-I-N-G nga naman.
“Kim~! Pare~!” tawag ko sa kanya pero ‘d niya ako nililingon.
‘Problema neto?’
Tumigil ako ng
kakatawag sa kanya at tumingin sa labas. Ang laki pala ng amusement park na
‘to, ‘d ko talaga dapat ina-undersestimate ang isang bagay sa panlabas na
itsura.
Napatingin ako sa
bracelet na nakalagay sa wrist ko.
Enchanting
Paradise
‘Ang first date
naming as official couple. I’ll remember this.’
“Girlfriend~!” tawag sa’kin ni Kim.
“Maduga ka~!
Samantalang ako, ‘d ko matiis na ‘d ka kausapin~!” naguluhan naman ako sa ibig niya’ng sabihin.
“Ha?! Ano ibig mo
sabihin? Patagal ng patagal, nawiwrduhan na ‘ko sa’yo, Pare.”
“Wah~!” ungol niya na parang maiiyak na.
Napakunot ng
1,000 times ‘yung noo ko.
“Pare pa ‘rin
tawag mo sa’kin.”
Bulls eye~!
Lumabas ‘din ang tunay na dahilan ng kaartihan niya. Nangiti na lang ako ‘ng
maingat na lumipat sa tabi niya.
“Ayon~ Kaya pala
‘d ako pinapansin ng Boyfriend ko kasi Pare o Kim ang tawag ko sa kanya.” Sabi ko sa kanya at niyakap ko siya from the side.
“Maarte ako eh.” Sabi niya sa’kin at niyakap din ako.
“Sabay natin
hintayin ‘yung fireworks uh, Boyfriend?”
Imbis na sumagot,
niyakap niya lang ako ng mahigpit at itinaas ang paa niya sa kabilang upuan. “Para
balance. Ang taba mo pa naman…” hampasin ko nga.
ang hba! enjoy bsahin! me likey likey!
ReplyDelete'd ko pa nagagawa 'yung ending neto. huuuu~
Deletenaintindihan ko naman siya miss author! ^^
ReplyDeleteTY at naintindihan mo. :3
Delete