Bakit Ako?!
CONTINUATION.
"Dahil kompleto na ang lahat at dumating na ang mga
nag-date at kagabi kaya late... lipat na tayo sa AVR (Audio Visual
Room)."
Nagkatinginan kami ni Sun. "Nagdate daw?" we
mouthed.
"Eh ma'am bakit po pupunta ng AVR?"
Nagaayos na kasi ng mga gamit mga kaklase na'min. Parang
kami lang walang alam sa mga nangyayari. Naks. Hinding hindi na talaga ako
magpapa-late. Tsk.
"Basta. 'dun na lang ie-explain. Mauuna na ako at
hinahanap ako ni Sir Celso. Patayin ang ilaw at aircon ha? Pumila kayo
pa-akyat."
"Yes ma'am." - lahat kami
Natapos ko rin ayusin 'yung bag ko. Geeez. Ang dami ko pala
nakalimutan na ilagay sa bag ko. Tsk. Nagugutom pa ako dahil 'd na ako
nakapag-almusal dahil sa pagka-late ng gising ko. Tsk.
"Nagugutom na ako."
Nagulat naman ako sa nasa likod ko. "Hindi ka
pa din kumakain?" tanong ko sa kanya. "Ano'ng ibig
sabihin mo'ng 'din'? Hindi ka pa kumakain?" tanong lang din ang
isinagot niya sa'kin.
Bakit ba lagi na lang kami'ng ganito? Magtatanong 'yung isa,
tanong din isasagot 'nung isa. Tsk. Napansin niyo? Hahaha. Baliw.
"Tapos ka na ba mag-ayos?" tanong niya
sa'kin. "Oo bakit?" tanong ko naman. "Halika
na dali." hinatak niya na ako, muntik pa maiwan 'yung bag
ko. Tsk. Buti na lang naka-backpack ako ngayon.
"Saan tayo pupunta? 'd ba sabi pipila pa-akyat? Baka
maiwan tayo." - Ako
"Kakain tayo sa canteen. Hindi ako pwede magutom.
Nangangain ako ng buhay."
Natakot naman ako sa sinabi niya, kahit na imposible, baka
mamaya mababalitaan ko, nangangagat na siya ng katabi.
Nakarating kami sa canteen at na-usisa kami ni Ma'am Parate.
Isang teacher na suma-sideline sa canteen.
"d ba, taga-1st section kayo ng 3rd year? May event
kayo sa taas ha?" - Ma'am Parate
Sasabihin ko na sana ang totoo ng bigla ako'ng unahan ng
isang Sun na tumitingin na ng pwede kainin. "Pinayagan po kami
kumain muna. Na-late po kasi kami." nahanpas ko nga ng mahina sa
braso, pero sumenyas lang siya sa'kin ng tumahimik lang ako.
"O, ano na kakainin 'nyo? May rice, gusto
niyo?" - Ma'am Parate
"Sige po. HamSiLog po sa'kin. Ikaw Yellow? Bilisan
na lang na'tin kumain?"
"Ok lang. LongSiLog po sa'kin Ma'am." tinatanggal
ko na 'yung backpack ko na nakasabit sa likod ko at kukuha sana ng pera
pambayad kaso naglagay ng P100 si Sun sa counter. "Mamaya mo na
lang bayaran sa taas. Nagpapabarya din ako eh." naka-OK na lang
ako sa sarili ko. Akala ko pa naman libre ulit. Hahahaha. Joke. Nakakadami na
ako simula kahapon.
Nabigay na sa'min 'yung pagkain. Nauna si Sun na lumabas at
naupo dun sa mga table. Ako naman naiwan sa loob. Kinuha ko 'yung wallet ko sa
bag ko bago kuhanin sa counter 'yung pagkain ko. Kumuha ako ng 20.
"Ma'am, dalawang sprite nga po." tapos
nilapag ko na 'yung 20 sa counter at tumalikod, naglakad ako papunta sa fridge.
Kukuha ako ng dalawang sprite. "Yellow, lika na, bilis!" narinig
ko sa sigaw ni Sun sa labas. Binuksan ko tsaka ako bumalik sa counter para sa
pagkain ko't lumabas na'rin.
Pagkarating ko sa table na kinauupuan ni Sun, nagulat pa ata
siya ng may ilapag din ako na dalawang sprite. "Sa gutom mo,
nakalimutan mo na ang panulak." nilunok niya 'yung asa bibig niya
tsaka nagsalita. "Hahahaha. Onga 'no? Bayaran ko na lang mamaya."
sabi niya. Umiling naman ako. "Ok na. Bawas mo na lang sa
babayaran ko mamaya. Hahaha. Jk. Libre na 'yan!"
Ngumiti lang siya. Mabilis namin na tinapos 'yung pagkain
na'min at bumalik sa room. Nakuu... wala na sila. Tsk. Gusto 'man namin tumakbo
papa-akyat, hindi namin magawa dahil kakain lang namin at syempre bawal 'yun.
Pagka-akyat na'min sa taaas, nakita na'min na nasa labas
pa'rin 'yung mga kaklase na'min at tahimik na nakapila. Nakaramdam ako ng
relief. Ito naman si Sun ngiting ngiti na nakatingin kay Angelica. Psh. Siguro
si Anelica 'yung mahal niya? Iniba niya lang pangalan para hindi ko malaman na
si Angelica nga talaga? Tsss... naglilihim pa eh.
Malapit na kami sa mga kaklase na'min ng bigla silang
nagbulungan at bigla-bigla nalang nag-"Ayiiiiiiiiie" wagas-wagas
talaga makapag-conclude mga classmates na'min. Tsk.
Bigla sila tumahimik tapos si Angelica nagsalita.
"Aysus. Nag-date nanaman kayo? Tsk." hindi
ko alam 'kung sarcastic ba 'yung pagkakasabi niya o nagdidiwang eeh. Tsk. "Ikaw
naman, Angelica, selos ka kaagad."
Nagtawanan silang lahat maliban sa'kin. Pero ngumiti ako.
Masaya ako kasi nakaka-the moves na siya. Hahahaha. Si Angelica lang naman
pala, ayaw pa sabihin? Hahahaha. Tinago pa sa pangalang RiYA. Hohohoho.
Pumila na ako sa pinaka-likod. Alangan sumingit ako sa gitna
o sa unahan, kapal ko naman? Kaso bigla ako'ng pinigilan ni Sun. "Ang
slow mo talaga, Yellow." sabi niya sa'kin. Tsk. Namumuro na siya
kakatawag ng Yellow ha? At tsaka anong slow nanaman ba sinasabi nito?
Psh. "Ano nanaman ba hindi ko na-gets?" medyo may
hint ng pagka-irita 'yung boses ko. "Oah~ s-sorry na. Next time
I'll get to the point. Pero, si Justine kasi 'yung nasa dulo... so ibig
sabihin, find your height."
Nakakunot ang noo 'kong tinignan si Justine na nakangit lang
sa'kin na mapang-asar. Hindi na ako nagsalita. Pahiya na ako eh. Psh. So sa
unahan nanaman ako. At masaklap pa, katabi ko si Sun sa unahan. Siya naman kasi
pinakamaliit sa lalake. Pangalawa naman ako sa pinaka-maliit. Kaso
nakipagpalit 'tong si Sun sa nasa likod niya, "Ikaw kasi matino
kausap eh." sabi niya.
"Psh. 'dun ka sa Angelica mo."
Pero syempre hindi ko pwede sabihin 'yun. Baka sabihin niya
may gusto ako sa kanya. Tsk. Hindi kaya! Mahal ko siya. Hahaha. Ang landi ko!
"Guys, pasok na. Alternate ha?
Girl-boy-butiki-baboy?"
Napa-"haaaa??" naman kami lahat. "Hindi,
joke lang. Alternate... girl-boy-girl-boy. Ok?!"
"Yes, ma'am." - lahat kami.
Pagpasok na'min sa loob, dahil kami ang nasa unahan,
ni-guide kami ng officers na nagbabantay. Sa unahan kami, as usual, tapos sa
dulo nag-simula. Ang lamig pa naman sa pwesto ko. Tsk. Ang aircon, bow.
"May panonoorin ba tayo?" tanong ko sa
katabi ko. "Oo. Film showing ng buhay ko." pinanliitan
ko nga ng mata. "Pwede pasapak ng isa?" nakaka-inis
eh, hindi matino kausap. "Hindi pwede, masisira pagka-gwapo
ko."
Nag-give up na ako. Wala ata siya kwenta kausap ngayon?
Kanina niya pa ako sinasagot ng hindi ko alam 'kung saan galing na planetang
mga tanong. Tsk.
"Sun, balita ko... film showing daw tungkol
sa'yo?" napalingon din tuloy ako sa kaklase ko na nagsalita mula
sa third row. Tumingin ako kay Sun. "Hindi ka nga nagbibiro?" natawa
naman siya. "Ano ba kasi subject na'tin ngayon?"Napa-isip
naman ako. "Science, eh bakit..."
"Class, pagkatapos ng film showing na'tin about sa
Sun, hindi na kayo bababa ha? May film showing din daw kayo sa english kaya
ipasa 'nyo na 'yung essay niyo sa secretary."
Nahampas ko nga ng mahina si Sun. "Sabi mo
direct to the point ka na sa susunod? Tsk." natawa naman siya.
Psh. Para lang ako'ng tanga na muntik maniwala na film showing about sa buhay
niya 'yung ipapapanuod sa'min. Tssss. Pasaway.
Nagsimula na 'yung film showing at sa tingin ko, gugustuhin
ko na lang na lumabas nga 'yung araw mula sa white screen. "Argh...
ubod talaga ng lamig sa AVR na 'to." lamig na lamig na ako. Kahit
na long sleeves 'yung uniform na'min, 'kung manipis naman 'yung tela, wala din.
Tsk. "Ahh. Jacket, gusto mo?" wala ng angal-angal,
kinuha ko na. Tsk. Bakit ba kasi hindi ako matuto magdala ng sariling jacket?
Psh.
"Salamat ha? Naginhawahan na ko. Hindi na masyado
malamig. Bakit nga pala dalawa jacket mo?"
Nagtaka lang ako, kasi ilang sandali lang bago niya ako
pahiramin, nagsuot din siya ng jacket eh.
"A'huh?? F-for emergency."
"Salamat. Ako pa natapatan ng emergency mo.
Haha."
Matapos 'non, tumahimik na ako. Baka hindi ko pa masundan
'yung lesson. Bigla pa naman nagpapa-quiz si Ma'am.
Natapos 'yung 1st period na'min at hindi pa'din kami aalis
sa pwesto na'min. Tsk. May English pa, isang panunood nanaman.
Pagkadating 'nung teacher na'min sa English, pina-play niya
agad 'yung movie. Matagal daw kasi 'yun, kaya para matapos daw na'min ngayon or
maka-kalahati 'man lang, wala siyang sinayang na oras. At ang papanuorin na'min
ay ang "The Necklace." (Z/N: Hindi ko alam 'kung
may movie ba 'yun, ayun lang talaga gusto ko ipa-panood. Maganda kasi 'yun.
lels. Nabasa ko na. Hohoho.)
"Nabasa ko na 'yan eeh." mahinang sabi
ko kay Sun. "Oh? Ito ba 'yung may utang-utang tapos love story
kuno?" napatingin naman ako sa kanya. "Bakit mo
alam?" tanong ko "Napanood ko na 'to eh."
Ok. Hahahaha. Napanood na na'min parehas. Haha.
RECESS TIME
Pinababa na kami at nandito na ako ngayon sa canteen. Recess
na kasi na'min. At hulaan niyo 'kung sino kasama ko?
*DRUMROLLS*
"Sun!! Libre mo ko." - Angelica
Ay sige, ok lang. Mag-isa na lang pala ako. Hahahaha. Kakain
na lang ako sa room. Hohoho. At si Sun naman, nagpahatak. Tssss. Nice!
Kaya bumili na lang ako ng ham and egg sandwich at isang pizza PLUS miniral
water. Oyes, matakaw ako... inaamin ko na! Pero wala sila pakialam, kaylangan
ko ng lahat at laman sa tiyan para gumana ng matino ang utak ko. Para
makapag-aral ako ng mabuti.
Matapos ko makabili, bumalik na ako ng room. 'mas ok pa
kumain sa room kaysa sa canteen dahil ang room na'min, airconditioned. Ang
canteen, hinde. Hahahaha. Umupo na ako sa upuan ko at sinimulan ang pizza.
*NOM. NOM. NOM*
Ang sarap. Hihihi.
*NOM. NOM. NOM*
Naubos ko na ang pizza kaya iinom muna ako ng tubig.
*GULP. GULP. GULP. GULP*
Pagbaba ko ng bote, nakakita ako ng isang gwapo. Psh. Bakit
siya nandito?
"Hi."
Nakangiti pa si baliw.
"Bakit ka nandito?" - Ako
"Tapos na ako kumain eeh."
"Eh bakit ka naka-upo sa upuan ni Renzo?" - Ako
"Masama? Tatabihan kita. At tsaka may itatanongS ako
sayo."
"ItatanongS ha? At talaga'ng marami
talaga?" - Ako
"Oo eeh. Sagutin mo ha?"
"Oo ba. Hangga't hindi will you merry me ang
tanong." ngumiti ako sa kanya tapos sabay sabi ng "JOKE!"
"Alam ko naman eh. Tsk."
"Eh ano na nga? Dali.... habang kumakain ako." - Ako
"Ano ba mga gusto ng babae?"
Napatigil ako sa pagkagat sa sandwich ko at napalunok. "Manliligaw
ka na? Wow. Congrats." tapos ni-tap ko siya sa balikat. "Hindi,
basta... sumagot ka na lang."
"Gusto ng mga babae? Hmmm... stufftoys, bracelet,
ring... jewelries ba. Tapos, cute stuffs."
"Puro ganun?"
Napangiwi naman ako. Kumagat ako sa sandwich ko at nginuya
ng mabilis sabay lunok. Nakatingin lang ng seryoso at diretsyo sa'kin si Sun. Halatang
gustong gusto malaman? Siguro nga manliligaw na siya? Awts.
"Pwede mo din naman gawan ng romantic. Kantahan mo,
dedicate-an mo siya ng kanta. Ano kaya sayaw, ipagmalaki mo na mahal mo siya.
Hindi ka mahihiya na hawakan kamay niya sa public. Papakilala mo sa magulang
mo, ganun."
"Ganun ba? Sige salamat ha?"
"Oo. At tsaka, sa bahay manliligaw ha? Hindi sa
school. Hindi sa bar. Hindi sa 'kung saan-saan. Pati parents ligawan mo."
"Yes, ma'am. Haha."
"Ok lang. Parang bestfriend na 'rin naman kita na
lalaki eh." - Ako
"Haha. Bestfriend."
"Sige na. Alam ko naman na da-the moves ka pa eh.
Hahahaha."
Natawa lang siya pero umalis na 'rin naman. Napa-isip tuloy
ako. Kaylan kaya may gagawa ng mga ganun sa'kin?
AFTER CLASS
"Sabay na tayo umuwi?" - Sun
"Ha? 'wag na. Malayo bahay niyo sa'min."
"Alam mo bahay na'min?"
"Hindi. Sinabi ko langg para hindi ka na
sumabay." - Ako
"Ayaw mo ko kasabay? Ayaw mo 'nun? May kasabay 'kang
gwapo?"
"Hangin mo 'rin eh, 'no?" - Ako
"Haha. Sige na. Sabi mo naman, para mo na ako'ng
bestfriend, 'd ba?" hinarang niya 'ko. Pumunta siya sa harapan
ko. "Psh. Oo na, sige na. Sabay lang naman eh. Hindi mo naman ako
ihahatid." Nag-smile lang siya tapos naglakad na kami.
"Saan ba bahay 'nyo?" - Ako
"Sa Where U At."
"Lapit lang pala. Mauuna ka lang sa'kin ng
kaunti." natango-tango pa ako habang sinasabi 'yun kaso
natigil. "Hatid na kita." hahahaha. patawa talaga
'to. "wag na, baliw. Baka sabihin nila boyfriend pa kita. Ayaw ko
mapalayas sa bahay 'no."
"Ok."
Hindi ko alam 'kung ako lang, o tumahimik talaga siya habang
naglalakad kami? Tsk. May nasabi ba ako'ng hindi maganda? Hmmm... baka bi-polar
siya? Baka nga siguro. Tsk. Malapit na kami sa subdivision nila.
"Lapit ka na... sige, bukas na lang."
Nauna na ako pero naririnig ko pa 'rin yung pagsunod niya
sa'kin. Tsk. Nilingon ko nga. Napatigil naman siya.
"Lagpas na 'yung subdivision 'nyo ah?" - Ako
"May pupuntahan ako sa Marshmallow. May
bibisitahin."
Eh subdivision na'min 'yun ehh. Tsk. No choice, lumapit ako
sa kanya at sinabihang sabay na kami dahil 'dun din naman subdivision na'min.
"SIge, dito na ako eh. Ingat na lang. Bye." - Ako
"Sige, bye."
MONTHS PASSED
Birthday ko na sa isang isang araw. Tatanda na naman ako.
Malapit na'rin ako maging 4th year. Hoooo~
"Invited ba ako sa birthday mo?" tanong
sa'kin ng kanina pa nangangalabit na lalaki sa likod ko, si Sun. "Oo
naman. Ikaw pa? Kaso wala naman party. Pakakainin ko lang kayo sa bahay
na'min." ang corny kasi 'kung may party pa. Ang tanda ko na kaya.
Teen na ako. "Ok. Hehehe. Pero male-late ako 'nun. Sunday kasi,
magsisimba muna ako." sabi niya, nag-nod na lang ako.
KINABUKASAN. RECESS.
"Hindi ka lalabas?" tanong ko kay
Sun. "Hindi. Busog pa ako. Tsaka may tinapay ako sa bag.
Skyflakes." sagot niya. "Ahh~ Isang linggo ka ng
ganyan uhh? May pinag-iipunan ka? Dadating ba Bigbang sa Pilipinas?" gusto
ko din mapanuod!! Hihihi. Crush ko kasi si Taeyang a.k.a SOL! "Hahahaha.
Oo, sa October. Pero hindi 'yun 'yon."
"Anything you say... hahaha. Sige, kakain na ako sa
canteen. Libre kita ng mineral gusto mo?" - Ako
"wag na. May baon din ako'ng tubig."
"Hahahaha. Prepared? Ipon 'kung ipon tayo, ha?" - Ako
"Psh. Syempre... ASDFGHJKL. Tsk. Alis na nga. Iidlip
ako. Ang ingay mo."
"Hahahaha. Bleeeah. Bye!"
KINABUKASAN. BIRTHDAY KO.
Nagsidatingan ang mangilan-ngilan 'kong kaklase at mga
kapitbahay na kasing-idaran ko lang o 'mas bata at matanda sa'kin ng 2ng taon.
Papakainin ko lang naman sila. Pero si Sun wala pa din. Halos 12 na kaya ng
umaga. Psh.
Maya-maya nagtatakbho sa'kin si Mama. "Anak,
may gwapo ka atang bisita." sabi niya.
"Ha? Sino naman?"
Biglang bumukas 'yung pinto. Ehh 'yung pinto na'min, dito sa
way na'min ni mama ang bukas, kaya natatakpan pa 'yung tao na pumasok. Tapos
pagkakita na'min sa pumasok.
"Good morning po, Tita. Happy birthday,
Yellow."
Napahawak naman si Mama sa braso ko. Talandi ni Mama, 'mas
kinikilig sa sa'kin. Tsk. May dala kasing bouquet of pink roses. Naka-attire pa
siya na pang-simba.
"Naks. Parang manliligaw lang ha?" - Ako
Sa sobrang naging close na kasi kami ni Sun, naging ok na
lang sa'min yung mga ganung biro. Sinasabihan pa nga 'nya ako ng 'I
Love You' pero alam ko na joke na lang 'yon kasi naiku-kwento niya
sa'kin na malaki na daw ang improvement nila ni Riya na hanggang ngayon, hindi
ko pa'rin kilala. Feeling ko talaga si Angelica 'yun eh. Peo masaya ako sa
kanya kahit na mahal ko pa 'rin sya. Ok lang na ganito kami. Atleast, kahit
minsan may 'I Love You' ako. Kahit biro lang niya.
"Pakain ako."
Ang cute lang. Hinawakan niya 'yung tiyan niya tapos
nag-iinarte na mamamatay na sa gutom. Hahahaha.
"Ang gwapo naman ng manliligaw mo, anak."
Nag-bow naman si baliw. "Salamat po,
tita." si Mama naman, ngiting-ngiti. "Mommy itawag
mo sa'kin, hijo." nagkatinginan kami ni Sun, tapos....
"Ahahahahahahahaha~" - Sun/Ako
"Patawa ka talaga, mama. Tsk. Halika na nga, bago ka
pa hindi sikatan ng sarili mo bukas."
Hinatak ko na siya papunta ng kusina. Ipinaghahanda ko na
siya ng pagkain. "Ano gusto mo?" tanong ko habang
nagsasandok ng kanin. "Kahit ano naman kinakain ko eh." natawa
na lang ako.
Pinaglalagay ko siya ng ulam ng may malamig akong naramdaman
sa leeg ko.
"Happy birthday." nabitaw ako sa plato
na hawak ko at napahawak sa kwintas na nasa leeg ko. "Salamat!!" hindi
ko napigilan 'yung sarili ko. Nayakap ko siya. "Walang anuman,
bitaw na." napabitaw ako. "Ang corny mo naman.
Natuwa lang eh." tumalikod na ako at inayos na 'yung pagkain
niya.
"Sana lagi ka na lang natutuwa. Psh." - Sun
"Hahahaha. Ito na pagkain mo oh. Lika na."
Hinatak ko siya sa sala 'kung saan nandun din 'yung mga iba
'kong bisita. Nakikinig lang sila ng music, 'yung iba naman nakiki-wifi. May
gumagamit din ng laptop ko tsaka ng computer na'min. Si John at Julius,
nakikipaglaro sa kapatid ko'ng lalaki ng PS3. Mabuti na lang hindi sila mukhang
bored. Hihihi.
Biglang nag-play 'yung Teach Me How To Dougie. Nginitian ko
ng nakakaloko si Sun... pero hindi ko na siya kaylangan pilitin kasi sasayaw
talaga 'yan. Uso sa kanya ang Dougie ehh. Hahahaha.
♪ ♫ ♫ Aye! aye! Teach me how
to dougie (aye!) ♫
♫ ♪
Alam ko na, pa-aaminin ko na ang kumag na 'to. Nandito rin
naman si Angelica eeh. Hahahaha. I'm soooo evil. Hohoho.
"Sige nga, sayaw ka nga. Tapos 'yang cap po, lalagay
po sa ulo ng crush mo. Sa mga nasa loob lang nga bahay ha?"
Napatigil siya sa pagsayaw. Tumingin siya sa'kin with a
shocked face pero nginitian ko lang siya. Tapos nalipat 'yung tingin niya kay
Angelica. Nag-OK sign si Angelica tapos bigla ngumiti si Sun, sumayaw ulit
siya.
Teka, bakit ganun? Psh.
♪
♫ ♫ Teach me how to dougie
Teach me, teach me how to dougie
Teach me how to dougie
Teach me, teach me how to dougie
All my bitches love me
All my, all my bitches love me
All my bitches love me
You ain't fuckin wid my dougie! x2 ♫ ♫ ♪
Saan ka pa? Ang hot niya talaga sumayaw ng dougie. Haahaa.
Kikiligin na 'ko nito eh. Hahahaha.
Tapos lumapit siya sa'kin. Sinasayawan niya ako.
Natural! Birthday ko eh. Hahahaha!!!
Pero parang may mali ehh...
"Bakit ako?!"
teach me how to dougie! yebah! ahhhahahaha!
ReplyDeletethat's true. mahilig si Taeyang mag-dougie. ♥
Deletenaiimagine ko talaga si sun sumasayaw! pero ako ang sinasayawan niya! hahaha, joke lang!
ReplyDeletekinilig naman ako dito sobra!
hala ayan na yung finale!
gusto mo makakita? nyahahaha.
Deletetry ko nga hum,agilap ng sun na sumasayaw. LOL. XD