Wednesday, May 9, 2012

Taguan Love Story - Finale


Nagtaguan Lang?!


AFTER PARTY






"Tulungan na kita." - Sun



"H-hindi, k-kami na lang ni Mama. K-kaya na na'min to."



"Ay nako, hijo... sige na, tumulong ka. Pagod na rin kasi si Mama eh." - Mama



Ay naku si Mama, pasaway. Nagugustuhan pa talaga ata si Sun? Ang awkward na nga dahil kanina ehh. Psh. Tapos Mama pa pinapatawag niya sa kanya? Ano ba 'to? Pasaway na magulang... bugaw!!! Psh. Pero gusto ko naman? Nakakahiya lang talaga.



Ito namang si Sun, papatayin na ata ako sa sobrang ngiti niya at pagpapa-cute kay Mama. Psh. 'kung pwede ko lang sabihin na, 'Hoy! Tumigil ka na sa kakangiti at pagpapa-cute mo, dahil gwapo ka na sa paningin ko!' kaso hindi eh. Hindi pwede... kasi kahit na ako 'yung nilagyan niya ng cap sa ulo, hindi naman ibig sabihin 'nun, ako na talaga 'yung gusto niya. Baka kasi ako lang pinaka-close niya kanina kaya ako 'yung nilagyan niya, 'd ba?



Napi-picture ko tuloy kaming dalawa na nilalagyan niya ng cap sa ulo... pero 'mas maayos at disente ang damit ko hindi katulad kanina na nakapang-gimik lang ata ako. Tapos siya, 'mas sexy siya sa black vest at black cap na pinapatong niya sa'kin.



>//////////////////////////////<



Lumulutang ata ako.



*PSSSSSSSSSSSK*



(Z/N: Kahit anong gawin 'nyo, nahulog at nabasag na babasagin 'yan. PSH. Low budget sa SoundFX eh.)



"Yellow, ok ka lang? May narini--"



Aishhht... Sun?! Pwede pakisara 'yung ibang botones ng damit? Wala ka sa bahay 'nyo, parang awa mo na.



>//////////////////////////////<



Napatalikod na lang ako sa kanya. Ang init naman... nawawala pagka-conservative ko sa taong 'to. Tsk. Naapakan ko pa 'yung bubog.



"Araaaay. A-ouch! Mama..."



TTTT    A    TTTT)!



"Anak... ano ka ba naman? Tsk. Alis na nga! Sun, anak, dalhin mo na nga siya sa kwarto niya. Pakitulungan mo siya linisin ang sugat niya. Ako na ang bahala dito."



Mama!!! Pahamak ka naman eh. Gusto mo ba magka-boyfriend na ang anak mo? Aishhht. Ang landi ko. Pero mabuti na nga siguro na makausap ko na siya. Para magkalinawan na din ng tunay na dahilan niya sa pagpatong 'nung cap sa ulo ko. Psh.



"Gaaaaaahh~ ibotones mo muna 'yang damit mo!!"



Napatingin naman si Mama sa'kin.



"Nagpapalit kasi siya ng damit! Pinahiram ko muna ng damit ng kuya mo para makatulong siya, tapos nagbasag ka naman ng pinggan! Puting-puti pa naman damit niya. Ikaw... sige na, Sun, anak. Magpalit ka muna." - Mama



Bumalik naman si Sun dun sa pinanggalingan niya, na alam ko na kwarto ni kuya.



"Hmpft~ nagger!" - Ako



Si Mama naman imbis na magalit sa'kin, nag-two thumbs up pa.



Seriously... si Mama ba 'to? Baka hindi ko Mama 'to? Baka na-abduct na ng Aliens ang Mama ko at isang kunsintidor na Mama na ang kasama ko na 'to? Tsk. 'kung anu-ano na naiisip ko dahil sa nangyari na 'yun. Abnoy na ko!



Napa-iling na lang ako kay Mama at iika-ika na naglalakad papunta sa kwarto ko nang biglang may naramdaman ako na umaalalay sa'kin.



"Eeeeeeeeeeeee~"



May narinig ako na mahinang pagpigil ng kilig sa bandang likod ko. Nilingon ko nga. Pero nakita ko si Mama na seryoso ang mukha at nagwawalis ng mga bubog sa sahig. Baka naman guni-guni ko lang? Kaya humarap na ulit ako sa dinadaanan ko. Kaso may narinig nanaman ako, at pagtingin ko sa likod ko, si Mama, nagwawalis pa din.



Waaaaaaaaaaaah~ Mama naman eeh!! Kaka-15 ko pa lang, binubugaw niyo na ako? Tsk. Napatingin naman ako sa taas babang balikat ni Sun. Hinampas ko nga.



"Ikaw, kasabwat ka ni Mama eeh."



Nginitian niya lang ako at itinuro niya 'yung pinto ng kwarto ko gamit 'yung nguso niya. Psh. Oo na! Tsk. Gusto ko din naman magamot 'yung sugat ko 'no. Psh.



Pagpasok na'min sa kwarto, pina-upo niya ako sa kama ko tapos tinanong niya 'kung nasaan daw 'yung emergency kit ko. Itinuro ko naman sa kanya sa loob ng cabinet ko. Dahil iika-ika nga ako dahil sa bubog, siya na lang kumuha. Pero pag balik niya, wagas ang ngiti.



I wonder ano nginingiti-ngiti ng bakulaw na 'to.



"Anong nginingiti-ngiti mo 'dyan?"



Umiling-iling lang siya. Ako naman si paniwala na lang kasi kumikirot na 'yung nabubog 'kong paa.



Kinuha ko sa kanya 'yung kit at kumuha ng gunting.



"Aanhin mo gunting, Yellow?"



"Sasaksak ko sa'yo."



Pero nagbibiro lang naman ako sa sinabi ko. Ipangtatanggal ko siya 'ning bubog na nasa paa ko, baka ma-inpeksyon pa ako kapag hindi ko inalis eh. Maliit lang naman 'yung gunting na 'yun kaya no worries. Pumupwesto na ako para alisin 'yung bubog ng biglang hinugot ni Sun 'yung gunting sa kamay ko.



"Ano ba problema mo? Aalisin ko nga 'yung bubog ehh." Ako



Umiling-iling lang siya. Seryoso 'yung mukha niyang tumayo at pumunta sa harap 'nung malaking salamin ko sa kwarto na 'kung saan sa harap 'nun may mga gamit pangbabae like pulbos, lotion, suklay, curlur achuchuchuchu. Tapos may dinampot siya tsaka bumalik sa'kin.



Pagkabalik niya sa'kin, dinuro niya ang isang tiyane sa mukha ko.



"This is better than scissor."



Tapos kinuha niya 'yung paa ko. I find it cute kaya hindi na ako nagpumiglas. Hindi masakit 'yung pagtanggal niya. Actually, hindi ko nga naramdaman na naalis niya pa pala. Matapos 'nun, siya na talaga gumamot ng sugat ko. Siya na 'yung nagbalot at naglagay ng 'kung anu-ano.



"Thank you. Hehe. Ok lang 'yan, birthday ko naman eeh." Ako



Inambahan niya lang ako ng kurot sa pisngi pero hindi niya ginawa. Nakangiti na ulit siya ngayon. Ang awkward na pero gusto ko talaga malaman 'kung bakit ako 'yung nilagyan niya ng cap sa ulo. Magtatanong na sana ako kaso naunahan niya ako.



"Ikaw pinaka-close ko kaya ikaw na lang nilagyan ko ng cap. Tsaka birthday mo, baka magselos ka kapag iba nilagyan ko. Haha!"



Hahampasin ko sana siya sa braso kaso umiwas siya.



"Hangkapaaaal. Sino magseselos? Tsk."


"Hahahaha. Hindi, joke lang... hindi mo naman ako mahal eh."



Hindi ko alam 'kung matatawa ako o maiinis ako sa kanya eh. Matatawa kasi naka-pout siya. Ang gwapo niya lalo eh. Sarap kurutin ng pisngi. Pero maiinis kasi, kahit naman sabihin niya na bestfriend lang siya sa'kin, mahal ko pa 'rin siya. Kahit na bestfriend lang ang AKALA niya na tingin ko sa kanya, mahal ko pa 'rin siya. More than pa nga sa inaakala niya eh.



"Pero 'kung hindi ko birthday, sino lalagyan mo?" - Ako



"Ikaw pa din."



Natawa lang ako ng bahagya. 'yung ala ko na alam niyang parang ang sinasabi ng mga tawa ko'y parang nagbibiro siya? Tapos tinitigan ko lang siya ng 'wag-mo-nga-ako-lokohin look. Pero 'yung tingin niya sa'kin parang ang sinasabi bahala-ka-kung-ayaw-mo-maniwala look kaya nahampas ko na lang siya ng mahina.



"Sige na nga, maniniwala na lang ako kahit hindi totoo."



Napa-iling na lang siya sa sinabi ko tapos tumayo siya.



"Saan ka pupunta? Uuwi ka na? Hatid na kita sa labas." Ako



Tatayo na sana ako pero lumingon siya sa'kin at sinabi na "wag kang tatayo, hintayin mo ko, babalik ako. Ok?!" napatango na lang ako. Ano pa nga ba magagawa ko? Tinitigan niya na ako ng death glare?



Ilang sandali din siguro siya nawala. Ilang sandali din ako nagpa-ikot-ikot sa kama at nakipagtitigan sa salamin nang dumating siya.



"Sheeez. Anu 'yan?!"



Nagulat ako, ayun na lang tuloy nasabi ko. Tsk. Lanja naman 'tong taong 'to? Kaya naman pala hindi pa umuuwi at nagpaiwan talaga sa bahay na'min kasi may surprise? Tsk. Maluha-luha ako'ng inabot 'yung tuta na hawak niya.



"Tsk. Alagaan mo ha? Ilang araw 'kong nilinis ang mga dumi niyan sa bahay para lang madala ngayon."



Dinidilaan ako 'nung tuta. Lintyak na 'to, ang cute. 'yung favorite ko pa talaga na breed. Boston Terrier pa talaga siya. Ayaw ko kasi sa mga sobrang cute na aso tapos paglaki nila, pangit na? 'mas ok pa sa'kin 'yung pangit na tapos pag laki, pangit pa 'rin.



"Akin na 'to?" - Ako



"Hindi, pinapahawak ko lang sa'yo."



Binitawan ko nga 'yung tuta. Tumawa lang naman siya.



"Biro lang, sa'yo talaga 'yan. Ayan 'yung dahilan 'kung bakit hindi ako kumakain sa school ng isang linggo. Haha... tsaka meron pa pala."



Tapos lumabas ulit siya ng kwarto ko. Psh. Bakit ako? Hahaha. Ito nanaman 'yung tanong ko sa sarili ko. Pero bakit nga ba ako? Bakit sobrang bait niya ata sa'kin ng sobra?



"Chanan!!!"



May maliit na piano siyang pinakita sa'kin. Tapos umupo siya sa upuan ko katapat 'nung malaki 'kong salamin. So, nakikita ko siya kasi katapat lang naman ng kama 'ko 'yung salamin. Tapos may narinig na lang ako...



Tentenen tenenten...



Naks. Maka-SOL si baliw!



"Yeah. I Need A Girl..." pang-aasar ko sa kanya pero tinignan niya lang ako ng masama sa salamin, tapos nag-shhhh siya.



"Para sa'yo 'tong kanta na 'to."



Nagulat naman ako, 'd ba? Title pa lang, maguguluhan ka na... tapos may mga regalo pa na ganito? Baliw na talaga si Araw...



Hindi muna ako nagsalita tapos siya naman, patuloy lang sa pagpa-pioano niya, galing nga eeh. As in maliit na grand piano lang 'yung dala niya. 'yung parang pang-display lang? Kaya kapag narinig mo 'yung tugtog niya, kulang-kulang ng taas at baba ng tono. Hahahaha.



Natapos siya tumugtog tapos nag-bow pa sa harapan ko.



"Ikaw na. Marunong ka pala mag-piano?"



"Oo naman. Siguro 3 years old ako ng gustuhin ko ang pagpa-piano."



Napatangu-tango na lang ako sa nalaman ko. Tsk. Ikaw na cool. Hahaha, ikaw na talented. Nag-thank you ako sa kanya, kaso sobrang gulat ko ng seryoso 'yung mukha niya ng sabihin niya sa'kin na hindi pwede may thank you at may kapalit daw.



"H-ha? Ang duga naman.... ano kapalit? Dalian mo lang ha?"



Matapos niya magseryoso ng mukha niya, ang baliw, abot langit ang ngiti. 'kung Manga lang siguro kami, pumapalakpak pa tenga nito sa tuwa eh. Pero 'mas lalo ako kinabahan sa ngiti niya na'yun. Para siyang Joker. Parang may lihim na masama eh.



"Hayaan mo ko manligaw sa'yo."



Napa-gasp na lang ako. Sheeez!!! Totoo ba 'tong narinig ko? Hindi pa siya nakuntento sa pagsabi niya sa'kin 'non, alam niyo pa ginawa?



Lumuhod ba naman sa harapan ko?



"Pleaaaaase? 'wag ka maiilang sa'kin. Hayaan mo ako manligaw sa'yo."



Nag-galit galitan ako. Kaylangan ko ang pagiging best actress ko at galingan para malaman ko ang dahilan ng tila panaginip na 'to.



"Sun... halika... dito... sa tabi ko... daliii...."



Nanggigigil pa 'yung pagkakasabi ko sa kanya 'nyan. Pero sa loob-loob ko, gumugulong na ako kakatawa kasi 'yung mukha niya parang 3 years old na pinapagalitan kasi nahuling nagtago ng cookies sa ilalim ng unan niya. Haha.



"Yellow..."



Hinarangan ko 'yung bibig nya ng hintuturo ko para hindi muna siya makapagsalita.



"Don't call me Yellow."



Tina-try ko lang 'kung papayag nga siya. Pero mission failed.



"EEEEhhhhhh. Ayaw. Ako lang ang tatawag sa'yo ng Yellow."



Sinamaan ko siya ng tingin pero ginaya niya lang ako. Ayaw patalo. Hinayaan ko na lang. Pero deep inside talaga natutuwa ako kasi halos lahat ng signs ko nakita ko na sa kanya.



I'm so happy.



"Bakit? Bakit mo ginagawa 'to?"



Kunwari maluluha-luha na ako pero may hint pa 'rin ng pagkagalit 'yung tono ng pananalita ko.



"S-sorry. Hindi ko naman talaga gusto itago sa'yo eh. Hindi ko naman talaga gusto na lokohin ka at itanong sa'yo lahat ng gusto ng mga babae para sa'yo ko mismo gawin eh."



"Akala ko si Angelica ang gusto mo. Napaniwala mo ako."



'yung tono ko naman ngayon parang sinisisi ko siya sa napakalaking kasalanan. Pero ang loko tumawa lang.



"Si Angelica nga ang tumulong sa'kin na mag-isip ng araw at panahon para masabi ko sa'yo lahat eh."



Tinignan ko siya ng masama. Pero ang totoo, kinikilig na ako. Pero syempre kaylangan ko muna um-acting. Nasimulan ko na 'to eh.



"Unang dating ko pa lang sa APHS ikaw na unang nakita ko."

"Sobrang lungkot ko nga 'nung time hindi mo ako pinapansin. Feeling ko ang pangit-pangit ko kasi kahit na nagagandahan sila sa pagiging lalaki ko, 'yung gusto ko naman, ayaw sa'kin..."

"Hindi niya pa ako kinakausap. Tuwing kakausapin ko naman siya, lagi niya akong tinatarayan at binabara. Taob ako lagi sa kanya."

"Tapos 'nung dumating 'yung PE na 'yun, nagkaroon ako ng pag-asa na makausap ka ng 'mas matagal pero hindi ko naman magawa. Ang torpe ko kasi eh. Tinatago ko pa 'yung feelings ko."

"Pero maniwala ka 'man sa hindi... 'nung nagpa-kwento ka sa'kin... hindi ko naman intensyon na manghingi ng payo sa'yo eh. Ikaw pa nga ang sapilitan na nagbibigay ng payo sa'kin."

"Pero salamat na 'rin sa parusa ni Ma'am noon. Narealiza ko na kaylangan ko na talaga lakasan 'yung loob ko at ilabas lahat ng tinatago 'kong nararamdaman para sa'yo."

"Naging successful naman ako. Naging 'mas sobrang close pa tayo sa inaakala ko. At 'yon na 'yung pinakamasaya na sa tingin ko nangyayari sa'kin ngayon."

"Kaso si Angelica, tinatakot ako." tumingin siya sa'kin mula sa pagkakayuko niya "Paano na lang daw 'kung maunahan pa ako ng iba, paano daw 'kung may mahal ka ng iba. Paano 'kung may nararamdaman ka na 'rin daw pala para sa'kin." hinawakan niya 'yung kamay ko. "Pero wala akong pakielam 'kung may pagtingin ka 'man sa'kin o wala. Basta mahal pa 'rin kita at liligawan kita. Kaya hayaan mo lang ako manligaw sa'yo ha?"




Hindi ko na napigilan, tumungo ako sa balikat niya...













AT TUMAWA.




"Psh. Ikaw, pinagtatawanan mo 'ko."



Tumigil ako sa pagtawa at tsaka tumingin sa kanya sa mata.



"Ang liit ng mata mo." - Ako



"Mata ko pa talaga pinag-intrisan mo? Umaamin na nga ako dito oh."



Napi-feel ko na ang awkward niya na against sa'kin pero ako natatawa pa 'rin. Kinurot ko nga pisngi niya.



"Alam mo ba na unang-unang dating mo pa lang din sa APHS, crush na kita? Ano pa ng ma-fulfill mo ang pinaka-importanteng gusto 'kong mangyari para magka-boyfriend na ako."



Nagsalubong ang mga kilay niya. Halata 'mong nagtataka na 'rin siya.



"Naalala mo pa 'yung nasa canteen tayo? Ehh 'yung sa room na'tin 'nung PE class?" - Ako



"Alin 'dun? 'yung pinaka-una ba o 'yung nitong mga latest?"



"Hahahaha... ano'ng tawag mo sa'kin?" - Ako



"Yellow."



"That's the reason. Naalala mo pa? Sasabihin ko na sana sa'yo 'nun kung bakit ayaw ko na Yellow ang tawag mo sa'kin imbis na Ririn o Riri na lang, kaso tinawag na tayo ni Ma'am sa stage? Tapos 'nung pinagpahinga muna tayo sa loob ng PE room dahil sa mechanics ng laro sa sack race? Sasabihin mo na sana sa'yo kung bakit kaso so Colonel, kumatok sa pinto aty pinalabas na tayo ng room?"



"Ikaw ang pinaka-unang tumawag sa'kin ng Yellow, alam mo ba? At ayun ang sign ko. At tsaka ito?" pinakita ko sa kanya 'yung kwintas na nilagay niya sa'kin kanina "Ang paglalagay ng kwintas sa'kin ng hindi ko alam... ang pangalawang sign na nagawa mo."



"Talaga?" dry 'yung pagkakatanong niya sa'kin nun... tapos biglang... "Napuyat pa ako 'nun dati at na-late kaka-isip kung magkaka-gusto ka rin sa'kin, ayun pala may gusto ka na pala talaga sa'kin. Haha."



Napa-isip naman ako. Isang beses lang siya na-late ah? At ayun din 'yung first time na na-late ako. Sabay kami late at kumain sa canteen? Nahampas ko nga. Kinikilig kasi ako eh.



Tapos may bigla kami narinig na kinikilig. Nagkatinginan kami ni Sun at sabay na napatin sa medyo naka-awang na pinto ng kwarto ko.



"Mamaaaaaa~" napasigaw na lang ako. Pero si Mama, alam niyo ba ang sinabi?








"Nagtaguan lang?"



~ END



Copyrighted 2012 by zheliLURVScookies

5 comments:

  1. omg! kinilig nmn aq dun!!!!!!!!!!!!!!!!! waaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!!

    nguklat aq ending n agd!!!!!!!!!!! sna humaba p ung kwento!!!!!!!!!!!! i really like it!!!!!!

    thnx 4 sharing diz story ate!!!!!!!!! ang gnda tlga promise!!!!!!!!!

    minrathon q dhil maikli lng pero bitin tlga aq!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. waaaah~ ♥

      salamats ha? thanks kasi na-appreciate mo.

      this is a story for my reader, she looooove Taeyang of Bigbang kasi.

      I'll try to post extra update 'kung pwede 'yun dito. LOLS.

      Delete
    2. please post mo yung extra ud mo! pls!

      Delete
    3. riri! hindi natinag! nag-confess na nga, nagsungit pa! hahahahahaha! pero ako na talaga kinilig sa kanila!

      Delete
    4. hihihihi. pwede po ba ang extra update dito? nyahaha. LOL.
      Kamsahamnida. salamat talaga sa pagbabasa.


      I'm happy nagandahan at kinilig kayoo~ ♥ ♥

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^