Confession
CONTINUATION OF ACTIVITIES. PE CLASS.
"Lahat ng estudyante ko, pasok muna sa room."
Nakaupo
ako sa may wallway ng marinig ko ang pagsalita ni Ma'am sa mic. Nice ma'am. Ang
init-init sa loob, pinapa-pasok 'nyo kami? Panira naman sa iniisip ko eh. Pero
wala naman ako magagawa, kaylangan ko pumunta sa room. Baka hanapin ako.
Pagpasok
ko sa room, nakita ko si na iba ang naka-upo sa upuan ng katabi ko.
"You may now sit down, Ms. Abella."
Biglang
sulpot si Ma'am sa likod ko.
"Bakit ka nandyan?"
"Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ni Ma'am?"
"Magtatanong ba ako 'kung narinig ko?"
Nangiti
siya, "Ang taray mo talaga. Kaya wala kang boyfriend eh."
Sasagot
na sana ako kaso sinigawan kami ng teacher. "You two!! Ang ingay
'nyo."
"Ma'am, nagtatanong lang po ako."
Lumusot
naman.... nagtatanong lang naman talaga kasi ako, 'd ba?
"Ikaw kasi eh."
Numiti
lang siya ulit. Psh.
"Bakit ka nga dito naka-upo?"
Pero
imbis na sagutin niya 'yung tanong ko, tanong din ang isinagot niya sa'kin.
"Sino katabi ni Nicol sa kanan niya?"
Napatingin
ako sa kaklase ko na nasa unahan naka-upo pero sa dulo.
"Si Coleen, bakit?
Napatingin
ako sa kanya, ano naman?
"Sino katabi ni John?"
Magreereklamo
na sana ako sa mga tanong niya pero sinagot ko pa 'rin. Nakangiwi nga lang ako
at parang labag sa loob ko na tignan 'kung sino katabi ni Joh.
"Si Fred. O, ano naman?"
"Hindi mo pa din gets? Ano ba yan."
Napa-face
palm siya. Ganun na ba ako ka-slow? Ehh bakit nga ba kasi? Ano nama--
"By partner po kasi ang arrangement."
"Ahhhhh... onga 'no, slow ko nga."
Napa-face
palm ulit siya. "Sorry naman kasi, 'd ba?"
Sumilip
siya sa'kin pero naka-face palm pa 'din. Umiling-iling.
"Slow. Yellow. It really suits you."
Umamba
ako ng hampas pero hindi ko ginawa. Yellow nanaman tawag niya sa'kin. Tsk.
"wag mo nga ako tawaging Yellow."
"Bakit? Basta Yellow itatawag ko sa'yo."
Sasabihin
ko na sana ulit sa kanya 'yung nadilan ng biglang nagsalita si Ma'am.
"Attention!"
Kaya
hindi ko na nasabi. Attention daw eeh, ibig sabihin may importanteng sasabihin.
"This is the mechanics sa Speed Coordination na'tin."
Marahas
ako'ng napapunas ng mga pawis ko. Geeez. Sack race na.
*KATOK. KATOK.*
"Ma'am, ok na po 'yung mga obstacles."
Biglang
katok naman 'yung Colonel ng school na'min.
"Teka, ano'ng obstacles?"
Kausap
ko sarili ko.
"Thank you, Colonel! And as I am saying, mechaanics tayo. May
mga obstacles ako na pinagawa sa mga officers ng school na dapat niyo daanan.
'wag kayo mag-alala. Hindi naman mahirap 'yun."
"Waaaahhhh~" - Mga kaklase ko'ng babae
At
napansin ko, puro mga babaeng lalake ang partners ang sumigaw.
"Magkasama kayo sa iisang sako."
'mas
lalong lumakas 'yung 'waaaah'.
Anong
sabi naman kasi? Bakit naman magkasama pa sa loob ng sako? Pwede namang sabay
na lang at magkahiwalay ng sako.
"Ma'am, malaki naman 'yung sako, 'd ba?" - Classmate
#18
"Hindi ko alam. Officers gumawa eeh. Halina kayo sa
labas para malaman na'tin. Sa bleachers muna lahat ha?"
Hindi
ako mapakali. Pinagpe-pray ko na sana malaki 'yung sako. Maawa kayo, ayoko
makulong sa sako kasama ang lalaking si Sun. Maawa kayo.
"Tara na, Yellow."
Napa-angat
ako ng ulo mula sa pagdadasal ko ng tawagin nanaman akong Yellow ni Araw.
"Aishhht. Sabi 'wag ako tatawagin na Yellow."
Ngumiti
lang siya tapos lumabas na ng room. Tumayo na lang ako at lalabas na rin ng
room. Pero inayos ko muna 'yung bag ko at uminom ng gatorade. Inubos ko na,
kaunti na lang naman eeh. Nagpulbo na'rin ako. Ang init eh. Pagkalabas ko ng
pinto.
"Ang tagal mo naman."
"A-ohh, nandito ka pa pala?"
"Oo. Hinihintay ko 'yung partner ko."
"Psh. Tara na nga."
Nauna na ako sa kanya...
kasi feeling ko nagba-blush nanaman ako sa init ng mukha ko eeh. Tsk. Bakit ba
ganyan siya? Sweet kaya 'non. Hinintay niya ako? Psh. Sana lagi niya na lang
ako partner. Tsk.
"Yes. Malaki. Thank you Lord!!"
Pumapalakpak
ang tenga ko sa tuwa. Malaki 'yung sako at kasya kami ni Sun. Ang problema nga
lang, sobrang laki. Tapos, dahil maliit kami ni Sun, ayan... pwede na ata kami
itapon sa Smooky Mountain. Kasya kami kapag in-stretch ng bonggang-bongga 'yung
sako paitaas. Hahaha. Baka nga lang matumba kami. Tsk. Ayoko magkasugat.
"Masaya ka na niyan? Haha. Galingan na'tin ha?"
Nakangiti
akong tumango sa kanya.
Pangatlo
kami sa sasalang kaya naman nakapila kami. Una muna ang 4 pairs. Bali 3rd batch
kami.
Natapos
'yung first at sila Nicole 'yung nanalo. Sa 4 na pair kasi, sila lang ang
partner na babae-babae kaya walang ilangan. At sa 2nd batch naman, sila Clinton
at Janeth 'yung nanalo. Mag-bestfriend kasi 'yung dalawa kaya walang
ilang-ilang sa kanila.
Pumapalakpak
pa ako sa pagre-reminice 'nung mga nadapa at nasubsob ng kalabitin ako ni Sun.
Tumatawa at nagpupunas pa ako ng luha dahil sa kakatawa 'nung sumagot ako sa
kanya.
"Bakit? Hahahaha."
"Tayo na."
"Ha? Anong tayo na?"
Pinitik
niya ako sa noo. Aba! Feeling close 'to ah. Makapitik sa noo! Lesheee.
"Tayo na oh, 3rd batch! Tsk. Halika na!"
Hinila
niya ako papunta dun sa ground. Psh. Okay na sana eeh. Kaso sa kamay niya ako
hinatak. Mga kaklase ko tuloy nag-iiritan nanaman. Psh.
"Ay, sorry."
Binitawan
niya 'yung kamay ko kasi nginitian siya ng may kahulugan ni Angelica. Psh.
Dapat hindi na lang siya nginitian ni Angelica eeh. Tsk. Erase! Undo. Joke lang
po 'yun. Psh.
"Ok! Position! Ready! Set! Go~!"
"Uwaaaah~ 'wag ka mabilis, Sun!! Baka matumba tayo!!"
Pero
kasasabi ko pa lang, wala na.
*PLOKKK*
"Ahhhhh~!"
Natumba
na nga kami.
"Tsk. Halika dali, tayo..." - Sun
"Ayyyyyiiiiiiiiiiiiiiiiiiie." - Classmates na'min
Ikaw
na alalayan patayo? Tapos hawak niya pa 'rin ako habang tumatakbo siya. Oo,
siya lang. Kasi pina-apak niya ako sa paa niya tapos siya na lang ang tumatalon
at nakakapit lang ako sa kanya at dun sa sako.
"Woooooooooaaah~!" - Classmates na'min + Ma'am
Nahihiya
na ako. Pero si Sun ang cool lang na naka-ngiti. Psh.
At
ang resulta.....
"Ok lang yan, atleast lumaban tayo, tama?"
Um-oo na lang ako sa
kanya. Nakakahiya.
"Mabigat ba 'ko? Sorry ha?"
Ngumiti
siya sa'kin at tsaka niya sinabi na hindi.
"Kaunti lang. Hahaha. 'd joke lang."
Psh.
Nagjo-joke nanaman siya.
AFTER CLASS. DISMISSAL.
"Bye ma'am. Ang saya!!" - Classmate # 36
"Bye ma'am." - AKo
"By-- anong bye? Maglilinis kayo 'no."
Muntik
ko na makalimutan ang tungkol 'dun. Tsk. Naka-bag na nga ako at lahat paalis
na, maglilinis pa pala kami.
"Eh ma'am umuwi na po ata si Su--"
"Hindi pa ako umuuwi ahh."
"Ayan naman pala eh. Itatanong ko kay Manong guard 'kung
maglilinis nga kayo ha? Tulungan 'nyo yung officers. Ipinagbilin ko na kayo sa
kanila."
Sabay
kami napa-OPO ni Sun.
"Okay lang 'yan... tara na?"
Tamad
akong tumango sa kanya at naglakad papunta dun sa mga lalagyan ng cleaning
materials. Kumuha ako ng tingting.
"Sa labas ako maglilinis. Sa malapit sa bleachers."
"Sige." sabi niya habang nagbubura ng
whiteboard. "Puntahan na lang kita mamaya 'dun."
Nasa
labas na ako pero narinig ko pa 'rin yung sinabi niya. Nagjo-joke nanaman 'yun.
Tsk. Naglakad na lang ako papunta ng bleacher at pagkarating na pagkarating ko,
nagwalis na ako agad.
"Bakit ka nagwawalis, hija? Hayaan mo na lang ang officers
'dyan, trabaho nila 'yan."
Nandito
pa 'rin pala si Mang Demet.
"Parusa ko po 'to Mang Demet eeh. Nahuli ako na nagpapahinga
habang nagja-jumping jacks kami kanina."
"Ahh, ganun ba? Ok lang 'yan. Sige, hija... galingan
mo."
Nagpaalam
na si Mang Demet. Paalis na pala siya at uuwi na.
Matapos
ko malinis ang bleachers, at 'yung sahig, napa-upo ako sa hallway. Ang lamig ng
hangin. Ang sarap sa feeling. Napapikit ako.
"Nakaka-antok, 'no?"
Napadilat
ako at nakita ko si Sun na nakayuko sa'kin. Napayuko na din ako.
"Ano bang ginagawa mo? Nanggugulat ka naman eh."
"Haha. Wala. Tapos ko na linisin 'yung room na'tin. Pagod ka
na ba?"
Umupo
siya sa tabi ko. "Sino bang hindi mapapagod? Tsk."
"Nagkasugat ka ba kanina?"
"Gasgas lang naman. Malayo sa inpeksyon."
"Hahaha. Ikaw talaga, Yellow."
"Tsk. Alam mo ba na ikaw ang pinaka-unang tumawag sa'kin ng
Yellow?"
Sarcastic ko'ng tanong
sa kanya.
"Talaga? E, 'd maganda. Ako lang tatawag sa'yo ng
Yellow."
Napakamot
ako ng ulo ko. "Ririn na lang o ano kaya, Riri. 'wag nang
Yellow."
"Gusto ko Yellow tawag ko sa'yo."
"Aisht. Tigas ng ulo."
Nakangiti
lang siya sa'kin. Psh. Lagi na lang nakangiti.
"Kwentuhan mo naman ako." - Ako
"Ano naman iku-kwento ko sa'yo?"
"Ikaw bahala. Basta kwentuhan mo ako." - Ako
"Ikaw na lang kaya? Ikaw magkwento sa'kin."
"Ikaw na lang. Dali na." - Ako
"Sige na nga."
"Mayroon ako'ng crush."
Aray. Hahahaha. Ako rin,
may crush... ikaw ang clue. Pero bawal ko sabihin 'yun. Awkward.
"Hindi kami close pero crush ko siya. Mahal ko na nga ata
eh."
"Parang bakla 'no? Ang daming pwedeng i-kwento, lovelife
pa?"
Napatawa na lang ako ng
mahina. Nangiti naman siya.
"Lagi niya ako tinatarayan kapag minsan tina-try ko siya
kausapin. Inaasar ko na nga lang siya minsan para mapahaba 'yung convo between
samin dalawa eh. Pero 'mas lalo niya palang ayaw na inaasar siya. Ayun ang
napansin ko."
"Gusto'ng gusto ko umamin sa kanya pero hindi ko magawa.
Nakakahiya kasi. Pero minsan, minsan... feeling ko, may gusto din siya sa'kin.
Haha. Ang kapal ng mukha ko 'no?"
"Ang kapal nga. Hahahaha." - Ako
"Pero minsan,
parang wala naman. Baka nga nagtataguan lang kami ng nararamdaman sa isa't isa
eeh. Baka may gusto din siya sa'kin pero takot din siya aminin sa'kin kasi
akala niya hindi ko siya gusto dahil hindi ko siya magawang kausapin ng matino
at hindi ako nagpapakita ng motibo. 'mas madalas ko pa siya asarin at inisin
kaysa magpaka-sweet ako sa kanya."
"Pero tina-try ko na maging sweet sa kanya minsan para
mapansin niya na at magkaron siya ng hint na may gusto din naman ako sa
kanya."
"Hindi ba dapat ikaw ang gagawa ng paraan? E, bakit parang
ang gusto mo si girl pa aamin sa'yo?" - Ako
Napakamot
siya ng ulo sa sinabi ko. Tama naman ako, 'd ba? Siya 'yung lalaki eh. Tsk.
Ayaw ko na nga mahalin ang lalaking 'to. Feeling ko kapag nangyaring, kunwari
lang ha, naging kami... ako lang ang mag-eefort.
"Ahh... ganun na ba nangyayari? Tsk."
"Oo kaya. Adik ka. Make a move, dude! Torpe mo naman. Wala ka
mararating! Malay mo may gusto din sa'yo 'yung girl? O... paano mo malalaman
'kung hindi ka magta-try? It's better na masaktan ka ng nag-effort ka kaysa
hindi ka lumabasn at sa huli nalaman mo na nagmahal na lang siya ng iba kasi
akala niya wala kayo'ng pag-asa." - Ako
"Ang galing ha? Pero thanks you... I'll make a move, oo nga
pala... RiYA nga pala pangalan niya. As in big letter R, small letter i, big
letter Y and big letter A!"
"Ohh? Ano 'yun? Jejemon? May small letter big letter pa? At
tsaka, pwede ba 'yun? Lahat malalaki letter ng name parang si SOL ng
Bigbang?" - Ako
Natawa
na lang siya tapos tumayo.
"Basta, ayun ang pangala niya. Halika na? Gabi na oh...
sabayan na lang kita pag-uwi."
Naglalakas
na kami palabas ng school. "Salamat ha?! Next time kwento ka ulit
'kung may improvements kayo ng capital R-i-biglettersY and A mo ha?"
"Sure."
Gumaan
ang loob ko sa kanya. Hindi ko akalain na ganyan pala talaga siya kabait at
kasarap kausap kaya mga kakalase ko, naging close na sa kanya. Kaya kahit na
may crush SLASH mahal na siyang iba... parang 'mas lalo pa ako
na-INLOVE sa kanya. Tsk. Mahal ko na din ata siya.
"Uhh... gusto mo ako na lang magdadala ng bag mo?"
"Ha? Hindi na... ako na lang." - Ako
"Hindi, ako na... baka kasi may snatcher... ikaw din."
"Psh. Nangba-blockmail ka ata eh. Tsk. At tsaka, shoulder bag
'to, 'no. Hindi kaya nakakahiya na magdala ka ng bag na pangbabae?" - Ako
Iling-Iling, "Ok
lang. Kaysa naman na-snatch-an ka? Kasalanan ko pa."
"Hahahahaha. Sige na nga. Salamat ah?" - Ako
"No Biggies."
Napadaan kami sa ice
cream parlor. Tsk. Bigla ako'ng nag-crave.
"Sun? Ok lang na mauna ka na... sasakay na lang ako ng
tricyle. Gusto ko kasi kumain ng ice cream. Una ka na lang."
Kinukuha
ko na sa braso niya 'yung bag ko kaso hinatak niya palayo sa'kin. "Sasamahan
na lang kita." tapos tumakbo at nauna pa siya sa'kin pumasok ng
ice cream parlor.
Nangiti
na lang ako. Tsk. Magiging bestfriend ko pa ata ang ultimate crush ko na ngayon
ay magiging mahal ko na. Tsk. Bago pa ako mapagkamalan na baliw sa kakangiti sa
kalsada, pumasok na din ako sa loob.
Nakita
ko siya na nakatingala sa listahan ice creams na nakapaskil sa may pader.
Siguro nakita at naramdaman niya na ako 'yung tumabi sa kanya kaya nagsalita
siya.
"Ano'ng gusto mo? Hindi ako makapili. Feeling ko masarap sila
lahat."
Nangiti
na lang ako. Alam ko na ang bibilhin ko eh.
"May lagi ako binibili dito kaya ayon na lang ang o-order-in
ko. Hahaha. Akala ko sasamahan mo lang ako, kakain ka rin pala." - Ako
Napatingin
naman siya sa'kin.
"Lagi ka dito? E, 'd alam mo na ang mga masasarap na bilhin
dito?"
Tumango
na lang ako sa kanya. Hinatak niya naman ako papunta ng counter.
"Ikaw na lang pumili ng sa akin." tapos nakangiti pa
'syang tatango-tango sa'kin. "Sige." nasagot ko na
lang.
"Double dutch banana split nga po at tsaka Sweetly
Hallows." sabi ko sa tindera at dumukot ng wallet sa bulsa ko pero may
1k na na nakalapag sa counter. "Libre ko na! Ikaw naman pumili ng
ice cream ko eh." napangiti ulit ako sa kanya. "Salamat.
Menos gastos."
"Sir, your change. Ano po ipapangalan ko? Tatawagin na lang
po kayo kapag ok na 'yung order. Upo na lang po kayo sa mga vacant seats
na'min." - Cashier
"Ahhh... Sun po."
Ngumiti
na lang 'yung kahera habang binibigkas 'yung SUN na isinusulat niya sa papel ng
orders.
"Halika, upo tayo." - Sun
"Syempre. Alangan naman tumayo lang tayo dito?"
"Ang sungit mo talaga."
Napa-iling
na lang ako. Ang kulit talaga ng batang 'to.
Umupo
kami sa bandang gitna 'nung place. 'dun na lang kasi 'yung vacant. Tapos
narinig ko na tinawag pangalan ni Sun.
"Ako na lang kukuha. Baka maagawan pa tayo ng seats."
Hindi
na ako nakasagot kasi tumayo na siya at umalis agad. Kaya hinintay ko na lang
pagdating niya.
Pagkadating
niya, kinuha ko kaagad 'yung banana split ko.
"Happy eating." sabi ko sa kanya. "Happy
eating."
KINABUKASAN
Pagdating
ko ng room, hingal na hingal akong umupo sa upuan ko. Late na kasi ako eh. Pero
wala 'yung adviser na'min, lubas daw saglit. Hays. Na-late ako ng gising dahil
sa kaka-isip kay Sun. Tsk. Ganun ba kapag inLOVE? Tsk.
Nag-aayos
ako ng bag ko ng biglang dumating si Ma'am.
"Nandyan na ba si Riri at Sun?"
Napatigil
ako sa pag-aayos ng bag ko ng marinig ko 'yun. Ha? Ano daw? Kami ni Sun?
Napatingin
ako sa likod ko. Wala nga si Sun.
Bigla
naman may hingal na hingal na sumulpot sa likod ni Ma'am.
"Ma'am, sorry I'm late."
Nagkatinginan
kami. Ngumiti siya habang papunta sa upuan niya.
"Late ka din?" - Ako
"Ha? Ibig sabihin late ka din?"
"Hahaha." - Sun/Ako
Nagkatawanan
kami. Pero ano kaya dahilan niya? Bakit siya late?
"Napag-isipan ko kasi 'yung sinabi mo kagabe. Hindi tuloy ako
nakatulog."
Napatigil
ulit ako sa pag-aayos ng bag ko. Mind reader talaga 'to si Sun. Hahahaha.
"Ganun ba? So gagawa ka na ng moves?" - Ako
"Hahahaha. Oo."
"Good luck na lang." - Ako
"Salamat."
ang sweet nitong si sun. kahit anong sungit ni riri, keri lang! haha....
ReplyDeleteyis, yis, yis. ^___^
Deletehoho. ganun daw po talaga kapag kinikilig. XDD