Wednesday, May 9, 2012

Taguan Love Story - Chapter 2

Pink. Red. Blue. Yellow. Rainbow.




ACTIVITIES STARTS. PE CLASS.





"Ok ka lang?"




Tanong sa'kin ni Sun.




"Hindi. Hawak mo ba naman kamaay ko eh."




Pero syempre sa isip ko lang 'yan. Ano ako? Timang? E, 'di nalaman niya 'yung pinakatatagu-tago ko na feelings about sa kanya.




TSK. Tumingin lang ako sa kanya at ilang na tumango.




"Ang bilis ng pulso mo."




Hindi malakas, hindi din mahina, pero rinig ng mga kaklase ko. Lalo na 'yung mga babae. Bakit ba kahit sobrang ingay ng paligid, kapag nagsalita na si Sun, naririnig pa 'rin nila?




"Baka naman kinikilig." - Classmate #27





Ngumiti lang si Sun. Syempre, asa pa ako na mailang din siya katulad ng pagka-ilang ko sa kanya, 'd ba? Lalaki kaya siya. At alam ko naman na wala naman siyang gusto sa 'kin ano. Psh. Asa pa ako? Ang dami kayang magagandang babae sa APHS. Ako pa mapapansin niya na hindi naman siya kinakausap at parang walang pakialam sa existance niya dito sa mundo'ng ibabaw.




"Ayiiiiie." - lahat sila




At gawa ng laging nangyayari at hindi ko naman alam ang dahilan, tumawa nanaman siya ng wagas. Pero tina-try niya na hindi tumawa, pero hindi eh. Hindi niya kaya pigilan kaya wagas talaga ang tawa niya. Tsk. Ang gwapo lang eeh. Tigilan 'nyo ang lalaking 'to, mahahalikan ko 'to.




Aishhhht.




Pervert mind, Riri. I'm such a pervert girl. Este, utak ko lang pala. Tsk.




"Hahaha~ 80/minute. Ang hirap magbilang... hahaha~"




Inirapan ko na lang siya at marahas na kinuha 'yung kamay niya matapos magsulat sa 1/4 paper na'min. Napatigil siya sa pagtawa at nagulat sa ginawa ko. Hahahaha~ he's turning pink! Ang gwapo niya lalo.




Medyo nakabawi naman siya sa pagkagulat.




"You're turning pink."




Aishhhht. Nasabi ko ba talaga 'yun? Careless whisper naman oh.




"H-ha?"




Napabitaw siya sa pagkakahawak ko sa pulso niya at kinapa-kapa 'yung mukha niya. Parang bading lang.




-__________-




"Ah! Nawala ka sa bilang. S-sorry."




Napangiti naman ako.




"Haha. Ok lang, akin na, bilangan ko ulit."




"Sayo na."




"H-ha? Bulong ba 'yon?"




Inaasar ko lang siya, pero sa loob-loob ko, "Tae!!! Bumabanat siya!!!" haha.




"W-wala naman ako'ng binulong ha?"




Napa-iling na lang ako at kinapitan ulit pulso niya.




Mula sa peripheral ko, nakita ko siya na ngumiti. Hehe... nakakarami ka na! Baka mabagsak na ako sa kina-uupuan ko.




Natapos ang isang minuto.




"81. 81 ang sa 'yo. 'mas mabilis tibok ng sa 'yo kaysa sa 'kin."




Binigyan niya ako ng ows-talaga look. Nag-nod ako bilang sagot.




"Pasa na na'tin? Para makapag-sit ups na tayo."




Nod na lang ulit ako. Tumayo siya at lumapit kay Ma'am, binigay niya na 'yung 1/4 na'min. Pabalik na siya sa upuan namin kasama ang isang sako. Napa-gulp na lang ako sa pagkakita ko ng sako. eeeehhhh~ may sack race kami mamaya.




>   .   <)!




"Sun, halika muna sandali."




Natigilan lahat ng mga kaklase ko na mga nagsi-sit ups na ngayon. Maga tsismosa talaga, kapag si Sun talaga natatawag. Tsk. Nahuli kami kasi nga 'd ba, ilang pa ako kanina tapos inaasar pa ako. Nakakainis lang.




"Yes ma'am?"




Nakatingin lang si Ma'am sa 1/4 na pinasa na'min.




"Kayo ba'ng dalawa ay naghabulan?"




Tila nagitla naman si Sun. Actually, ako din eeh. Ano'ng naghabulan? Mukha ba kaming umalis sa room? Hello!!!




"Bakit ang bilis ng tibok ng pulso 'nyo? Lalo ka na."




Napatanggal ng cap si Sun. Hindi ko nga pala nabanggit na kapag may nakita ka'ng naka-cap sa APHS, si Sun 'yun! Siya lang ang mahilig pumasok ng school ng may cap. At hindi ko nga alam 'kung bakit siya pinapayagan eh. Ang dugas.




"Bakit po Ma'am? Mabilis na po ba 'yung 81?"




*GASPSSSS*




Tila ako lang ang hindi nag-gasp dahil lahat ng mga kaklase ko na nagsi-sit ups, napa-gasp.




"Mabilis ba 'yun?"




Pati sarili ko natanong ko. Kinuha ko 'yung notebook ko sa bag ko habang si Ma'am, nakangiti na nanonood sa pagkataranta ko.




Nang mabasa ko ang nakasulat sa notebook ko...




"Ano, Ms. Abella? Ano'ng sagot sa tanong niyo ni Sun?"




>/////////////////////////////////<




Feeling ko hindi na ako nag-aaral ng mabuti. Siguro sa sobrang kilig ko habang hawak niya kamay ko, sobrang bilig na 'din ng tibok ng puso ko. Nakakahiya. Dapat kasi nagbabasa muna bago pumapasok ng school! Aishhht. Nakakainis.




"Sige na, sit-ups na kayo. Hihihi... ayiiie!!"




Hala ka si Ma'am, nag-iisip bata nanaman? Kinukunsinti pa 'yung pang-aasar ng mga kaklase ko sa'min. Ehhhh...




"Haha. 76 daw normal? 81 'yung sa'kin. Abnormal pulso ko."




"Psh. 80 rin naman sa'kin eeh. Parehas lang tayo'ng abnormal ang pulso."




> ////// >)*




"Lika na nga..."




H-hinila niya ako patayo. Nakaupo kasi ako sa armchair eeh.




"S-saan tayo pupunta?"




"H-ha? Saan tayo pupunta? Itatabi na'tin 'yung upuan. Sit-ups na tayo. Dalian na'tin, nahuhuli na tayo... *BULONG* si ma'am kasi *BULONG*"




Halo-halong emosyon. Una, pahiya ako. leshee!! Pangalawa, nangingiti ako na ganyan din pala naiisip niya. Pangatlo, BV na. Huli na kami sa activity.




Matapis na'min ilagay sa tabi 'yung upuan na'min, binulungan niya ako. "Ako na muna mag-sit ups ha?" napa-sure na lang ako. Ayaw ko din naman mauna eeh. Hindi din ako fit. Ayaw ko ng sports.




Nilatag niya na 'yung sako. Bago siya humiga sinabihan niya ako na hawakan ko lang daw 'yung sapatos niya ng madiin. Hindi ko na daw kaylangan pa upuan 'yung sapatos niya, baka daw mabigat ako. Psh. Pero nag-joke naman siya. Pero jokes are half meant, 'd ba? TSK.




"Ok na ba?"




Tumango na lang ako. Ayaw ko na magsalita. Baka asarin nanaman ako.




"1."




Sheeeez. Nagulat lang ako kasi bigla siyang nag-sit up. Ang lapit pa 'nung mukha niya sa'kin.




"2."




T-tama ba 'yung nakita ko?




"3."




K-kumindat siya?




"4."




Nangingiti siya. Feeling ko ang init ng mukha ko.




"5." tumigil siya, "You're really cute when you're turning Red."




 Ano daw?




"6-- ang cute mo, sabi ko."




Mind reader ba siya? Psh. Ang init ng mukha ko... ang lapit ba naman ng mukha niya sa mukha ko ehh.




"7."




Natapos siya, ako naman...




Kaso ayaw ko talaga kaya sabi niya, manduga na lang daw kami... 'wag na lang daw ako mag-sit ups. 'kung siya daw naka-100, kunwari naka 'mas mababa na lang ako sa half 'nung kanya. Nag-joke siya pero ako nag-confirm ng sinabi suggestion niya. Gusto ko kaya ng ganun, ayaw ko mag-sit ups. Baka pagtawanan lang ako ng mga classmates na'min. Tsk.




At ang kinalabasan, nangduga nga kami sa result.




Ang kasunod naman, lahat kami magja-jumping jacks, pinalabas kami ng teache na'min sa room at pinapila by two's sa labas katapat ang mga partners na'min, so katapat ko si Sun. Pagkadating ng teacher na'min, 'yung nasa unahan, pina-forward tapos 'yung nasa likod nila, which is kami ni Sun, pinapunta sa tabi nila. Ganuon ng ganun 'yun nangyayari hanggang sa naging 4 couple na sa unahan at paparisan na lang ng mga natitira sa likod.




Bali 4x5 kami lahat kasi 41 lang naman kami'ng magkakaklase minus na lang 'yung isa na medical team. Kaya sakto by partners. Saktong 40 naman talaga kami, dinagdag lang ni Ms. President si Sun sa section na'min eh.




"May music tayo, OK?"




'yung teacher na'min bigla-biglang nanggugulat mula sa stage. Naka-mic siya tsaka may hawak na remote control. Naks. May music pa. Astiiig. Pauso talaga si Ma'am.




"Ok. Jumping jacks sa pwesto sa'kin muna nakaharap."




Ano'ng ibig sabihin ni Ma'am na sa kanya MUNA nakah--




♪ ♫ Let's get physical, physical~ ♫ ♪




Bigla naman may tumugtog kaya napatalon na lang ako. Waaaah~ siguro para wala ng magtanong kaya pinatugtog niya na agaad. Si ma'am, ang meanie.




Pero mga kaklase ko, parang ang sasaya pa... bahala sila.




Pagkalipas siguro ng 3 minutes na pagtalon na'min, nagsalita si ma'am.




"Harap kayo sa partner niyo!"




Lahat sila napa-'huh'. Sabi ko na ganito mangyayari eeh. Tsk. Si Ma'am, pasaway. Kaya kahit napa-'huh' sila, nagsiharapan na lang sila sa partners nila. 'yung iba kasi lalaki 'yung mga partners kaya nagkakatawanan na lang sila. Ako naman, naka-tungo. Minsan kasi tumitigil din ako kas... HELLO!!!! Nakakapagod kaya! Tsk. Pero 'yung kaharap ko naman, "Maduga ka, talon." Tinitignan ko na lang siya ng masama pero siya, ngingiti lang sa'kin. Psh.




"Talikod."




Teacher na'min 'yun. Si Ma'am talaga... nakaka-inis eeh. Lahat na ng trip, alam. Napapagod na ako kakatalon eh.




"Ok. Tama na 'yan. Break na muna."







Napa-upo ako sa sahig. Wow. mabuti naman naawa kayo, Ma'am.




*DEEP SIGH*




"Mukhang napagod na si Riri ah, mamaya pa naman sila lang dalawa ni Sun magja-jumping jack dito sa stage."




Napatayo ako sa narinig ko. On the other hand, si Sun naman napatigil sa paglalakad papunta ng canteen.




"Ano daw???" - Sun/Ako




"You heard it right. Happy eating."




Napa-upo na lang ulit ako sa sahig. Nagkatinginan kami ni Sun. Nag-ok sign lang siya sa'kin habang nakangiti. Nakita siguro ng mga kaklase ko kaya naman abot outerspace ang "Ayiiiiiie." ng mga kaklase na'min.




Ano ba nagawa ko'ng masam--




"Arghhhh."




Naghihinagpis ako'ng tumayo. Nakita siguro ni Ma'am na minsan tumitigil ako? Waaah~ omaygaah. I'm such a blackhole to Sun.




>    . <)!




Takbo ako sa canteen. Pumasok ako sa loob ng canteen para maki-electricfan kay 'mang Demet. Ang init kasi.




"Mang Demet, ito po bayad ohh... gatorade po, blue. Ako na lang kukuha."




"Sige Hija, ingat. Baka magsibagsakan mga laman ng fridge."




Lame ako'ng tumango-tango sa kanya. Napapagod na ako.




Pagkalapit ko sa fridge, maingat akong kumukuha ng 'mas malamig na gatoreade sa dulo, hindi pa kasi malamig 'yung mga nasa unahan, nang biglang may nanggulat sa'kin.




"Boo!"




Nauntog tuloy ako.




"Ayy. Sorry. Haha."




Pagharap ko 'kung sino 'yung nanggulat, si Sun pala.




"Ano'ng ginagawa mo dito? Bawal estudyante dito."




Sinara ko 'yung fridge, sayang kasi kuryente, tapos umupo ako sa upuan ni Mang Demet sa loob ng canteen. Sumusunod naman 'tong si Sun. May secret agenda talaga 'to eh. Ang mang-asar.




"Bakit ikaw nandito? Estudyante ka din naman ha?"




Tanungin ba daw ako pabalik? Psh. Hindi ko na lang papansinin at magpapahinga habang umiinom ng gatorade ko.




Tatalon pa nga pala ulit kami mamaya.




TTT    o TTT)*




"Gatorade na blue nanaman?"




"Pakelam mo ba? Gusto mo, pink sa'yo."




Natawa na lang siya. "Sungit mo naman."




"Pagod lang."




"Ikaw pa napagod? Tumitigil ka nga sa pagtalon."




Sinamaan ko nga ng tingin.




"Alam mo ba favorite color ko ang Blue?"




Napa-irap ako. "Ano naman pakelam ko 'dun?"




"Sinasabi ko lang-- sungit mo talaga, Yellow!"




"Aba! Maka-Yellow ka naman, close ba tayo?"




"Bakit? Close mo lang pwede tumawag ng Yellow sa'yo?"




Mabilis ako'ng sumagot. "Hindi!"




"Eh, bakit? Ako na lang tatawag sa'yo ng Yellow!"




"Arggggh!!!"




Napatayo ako dahil sa kulit niya. Sasabihin ko na sana 'yung dahilan kaso dumating si Mang Demet.




"LQ kayo ha? Haha. Riri, hija... hinahanap ka ni Ma'am. At tsaka daw 'yung si Sun. May gagawin pa daw kayo eh."




Kinabahan naman ako. Napatakbo na lang ako papunta sa stage, at gaya ng inaasahan ko, nandun na nga si Ma'am. Wagas ang pagkaka-ngiti sa'min ni Sun na nasa likod ko. Sumunod pala siya sa'kin. Sabagay, damay siya dito eh.




Sumenyas naman si Ma'am na pumunta ako sa taas kaya hindi na ako gumamit ng hagdan. Sa harap na ako dumaan at inakyat. Nagulat nga ako kay Sun eeh, naunahan pa ako... inalalayan niya pa ako maka-akyat. Tuloy, 'yung mga nakakita... wagas nanaman nag-iritan.




"Hindi ko na kayo patatalunin dalawa."




Napa-'yes' naman ako. Kaso may kasunod pa na sinabi si Ma'am na kinabagsak ng mundo ko.




"Pero, kayo ang matitira dito para maglinis mamayang dismissal."




"Uwaaaaah~"




"And that's your punishment sa pagtigil-tigil mo kanina sa jumping jacks. Maduga ka'ng bata ka ha? At ikaw, Sun, dahil partner kayo... nadamay ka pa tuloy. Si Riri sisihin mo."




"Okay lang po. Para may kasama na din siya. Gabi na po kasi 'yun masyado."




Napatingin naman ako sa kanya. Ang bait naman...




"Ang swerte mo talaga sa boyfriend mo, Riri."




Nalipat 'yung tingin ko kay Ma'am.




"Hindi ko po boyfriend 'yan, Ma'am!!"




Naningkit naman mata ni Ma'am, "Naninigaw ka Ms. Abella?"




Nginitian ko si Ma'am tapos umatras na ako. Tumalon ako mula sa stage, "Joke lang ma'am." paghingi ko ng tawad kay Ma'am habang tiniingkayad 'ko sa stage tapos nilapag ko 'yung dalawang braso ko. "Mabuti." sagot ni Ma'am na nakangiti.




Naglakad si Sun palapit sa'kin kaya napatanggal ako ng braso't pagkakatingkayad sa stage.




"Ninja ka ba? Ang bilis mo tumakbo palayo tapos tinalon mo pa 'yung stage."




Nakatingala tuloy ako sa kanya. Natatakpan ng cap niya 'yung sinag ng araw. Nag-stand out sa paningin ko 'yung singkit niya na mga mata.




"Huy!" *snap-snap*




"A-ahh... h-hindi ako Ninja 'no. Tss."




Tumalikod na ako sa kanya. Hala, natulala ata ako sa mga mata niya. Tsk. Nakakahiya.




"Hahahahahaha~"




Bahala siya tumawa dyan.

2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^