Wednesday, May 9, 2012

Taguan Love Story - Chapter 1


A Transfer Student 



Hi! I'm Riri. Isang 3rd year highschool student ng APHS (Alicia Pascua High Scool). I'm some kinda' nerd pero hindi sa pananamit. Lagi ako nasa TOP at hindi mawawalan ng awards sa kahit na anuman na quiz bees at school activities na nagaganap sa school. I am 3rd year section LOVE, first section. Lahat kami sa room ay close pero hindi sobra. 'mas busy sila sa kanikanilang pag-aaral at pag-uunahan sa #1 spot. Magpo-4th year na kasi kami at kaylangan namin na umangat.




Pero hindi nagtagal ang ganitong relationship between sa'min ng buong klase ng dumating siya.



Sun Dale Abornea.



Isang masiyahing lalake. Masasabi mo na may sense of humor, sense kausap, maka-Diyos at sobrang bibong lalake. Hindi lang bastang lalake. Isang napaka-gwapong lalake.



"Hey, Sun! Bakit ang gwapo mo?!"



Si Angelica nanaman, lagi niyang tinatanong si Sun ng ganyan.



"Kasi maganda ka 'rin... AT SILANG LAHAT!"



Naghiyawan ang mga kaklase ko, excluding me. Hindi ko kasi feel na makisalamuha sa kanila sa ngayon kasi may hindi ako maipaliwanag na pakiramdam.



"Lalo na siya."



Naramdaman ko na lahat sila ay napatingin kay Sun.



"Sino, Sun?" - Classmate #1

"Hoy, Araw! Sino?" - Classmate #2

"Ako daw~" - Angelica



Lahat ng kaklase ko napa-'weeee'.



"Hahahaha. Joke lang! Sino nga ba, Sun?"



"Ha-ha. Wala."



Narinig ko na may umurong na bangkuan at yabag ng mga paa. Dumaan pa talaga sa gilid ko. Psh. Wala naman kasi siya sa tama niyang upuan eeh, which is sa likod ko.



Naalala ko pa 'yung first day ng pagdating niya sa room na 'to.



~ FLASHBACK ~



Examination namin ngayon, kaylangan mag-aral ng mabuti para hindi bumagsak. Last grading period kasi, 3rd lang ako sa klase, nakakahiya kay mama. Tsk. Dapat magsunog ng kilay para tumaas pa ako para maging second, at 'kung papalarin sana ay first.



Nasa kalagitnaan ako ng nire-review ko sa Chemistry ng biglang dumating ang teacher namin.



"Class, ready na kayo? Unahin na'tin ang mga madadali para makapag-review kayo sa mga majors niyo."



Sobrang bait ni Ma'am, naiintindihan niya ang mga hirap at gustong mangyari ng mga estudyante.



"Wooooah~ Yes!!"



Naghiyawan sila. Syempre kasama ako dun, 'mas gusto ko rin unahin ang mga madadaling minor subjects na'min para makakain agad at makapag-review ulit.



Isang subject ang natapos ng mabilis. Pinapasa na ang mga test questionaires na'min. We're about to start the second test ng may kumatok sa pinto ng room na'min.



"Good morning Madam President. Class?"



Ang president ng school namin pala. Tumayo kami lahat at nag-bow sa kanya as respect.



"It's ok now, please sit down."



Nag-bow din si Ma'am sa kanya.



"Can you see me for a second, Ms. Jimenez?"



Tumango lang si Ma'am sa president. Nginitian siya ng president at lumabas na. Pagkalabas ng president, nagkibit balikat lang si Ma'am sa amin at lumabas na rin.



Ilang minuto ang nakalipas, bumalik  si Ma'am. Pero hindi siya mag-isa. Hindi rin sila dalawa. 'kundi tatlo.




"I'll give your class an extention hour for your examination. Ms. Jimenez, I'm going now. Just take care of everything. Thank you."




Matapos niya sabihin 'yon, lumabas na siya ng room na'min at iniwan 'yung isa pa.



"Class, may transfer student. Dito na siya sa section na'tin, hijo please introduce youself."



Nakangiting humarap sa'min 'yung transfer student mula sa pagkakatungo niya at eye contact kay Ma'am. That time, my heart skipped a beat. I was stucked by his smile, hindi lang ng sa labi niya 'kundi ngiti sa mga mata niya.



"Ang kyuuuuut~!"



Sabay-sabay na sabi ng mga classmate ko na babae. Totoo, gwapo nga siya. Ang mga ngiti niya, ang ganda. Nakakasilaw.



"I'm Sun. Sana maging friends tayo'ng lahat."



Matapos niya sabihin 'yon, ngumiti ulit siya at nag-bow.



"Class, saan ko siya iuupo? Ikaw anak? Saan mo gusto umupo?"



"Gusto ko po sana sa unahan pero sa dulo, sa malapit po sa pader."



Napatingin naman sa'kin lahat ng kaklase ko. Pwesto ko kasi 'yung tinutukoy niya. Ako 'yung nakaupo sa unahan, dulo at tabi ng pader.



Napa-gasp na lang ako. May secret kami ng pader na 'to eeh. Close na kami, tapos kukuhanin niya? Tsssss. Pero wala akong choice. Transfer eh, hatid pa ng president. Kaya nagkusa na akong tumayo, pero napa-upo ulit ako.



"Oah~ 'wag na pala." ngumiti siya "Ikaw na lang diyan, sa likod mo na lang ako. Ok lang ba pare?"



Si Neel kasi 'yung nakaupo sa likod ko, siguro ayaw niya na pina-aalis SLASH inaagawan sa upuan babae kaya pinigilan niya ako. Ngumiti na lang din ako sa kanya at nod.



~ END OF FLASHBACK ~



Matapos ng pagdating niya sa room na'min na 'yon, naging close na rin siya sa buong kaklase ko at lahat sila nagka-alaman na ng mga hilig sa buhay. Pero hindi ako nakikisali sa kanila, kasi nahihiya ako.



Ayaw ko na kapag naging close na kami, hindi ko na mapigilan 'yung nararamdaman ko at baka mapakita o masabi ko na sa kanya 'yung tunay na pagtingin ko sa kanya. Nakakatakot malaman na wala naman siyang gusto sa 'kin at may gusto siyang iba.



Kaya 'kung hangga't maaari, lalayuan ko siya, tatago ko na lang 'yung nararamdaman ko about sa kanya.



KINABUKASAN (Wednesday)



"May PE tayo mamaya, tama ba?"



Gumagawa ako ng essay ngayon kasi assignment namin siya para bukas sa english. Gusto ko kasi, advance at hangga't may free time ako, magagawa ko na siya para hindi ko makalimutan. Ayaw ko na makakagalitan dahil walang assignment.



"Hey, 'd ba PE na'tin ngayon?"



Ano nga kaya ang magandang i-point out sa essay ko na 'to para maging syncronize ang pagkaka-built ng sense?



"Riri? Busy k-- ayy, sorry, kaya pala."



"Ha? Ako pala kausap mo?"



Ano ba alam ko na ako ang kausap niya? Busy ako sa pag-iisip para sa essay ko eeh.



"Tayo lang naman nandito ah?"



Ipinaikot ko ang tingin ko sa apat na sulok ng room at wala nga kaming kasama.



"Nasaan sila?"



"Sa sobrang busy mo siguro, hindi mo narinig na nag-bell? Uwian na, Riri."



"Ahh~ bakit nandito ka pa? At tsaka, paano mo nalaman pangalan ko?"



Hindi niya kasi alam ang pangalan ko, alam ko, dahil kahit minsan, hindi ko pa siya nakausap bukod sa pag-uusap namin na 'to. Even sa mga grouping activities, hindi kami nag-uusap.



"May naiwan kasi ako sa locker ko, binalikan ko lang, kaso pagdaan ko sito sa room, nakita kita. I'm asking you 'kung ngayon 'yung PE na'tin kasi baka ma-late k--"



"Omaygah~ Oo nga, ngayon 'yung PE na'tin. Hala, salamat ha?"



Ibinalik ko na 'yung mga gamit ko sa bag, pagkatayo ko, nag-bow ako sa kanya. Tapos tumakbo na.



"Naku, kakain pa ako, maliligo... aishht!-- ahhhhh!!!"



May humila sa 'kin. Tsk. Pag harap ko...



"B-bakit? M-may problema?"



Si Sun, hinabol ako.



"P-panyo mo, n-nahulog."



Nag-bow ako ng ulo at nag-thank you tapos takbo na ulit. Kaso nalaglag nanaman 'yung panyo ko, binalikan ko kaso 'nung pupulutin ko na...



"Masyado ka kasi nagmamadali."



Inunahan ako ni Sun pumulot. Aishhht. Bawal kiligin, Riri. Bawal talaga, sa bahay na lang!



"A-ahh~ s-salamat! Salamat ulit."



Tumalikod na ako at handa na ulit tumakbo kaso hinigit niya ako sa braso.



>/////////////o/////////<)



"Sabay na tayo."



T-teka? A-ano daw? P-parang hindi t-tanong 'yun ehh, p-parang...



"Inuutusan mo ako sumabay sa 'yo?"



"Hahaha... hindi ah." ngumiti siya "Halika na? Maaga pa naman eh."



Napangiti na lang ako at sumabay sa kanya paglalakad. Habang naglalakad kami, hindi siya matigil sa pagpipigil ng tawa.



"kung ako sa 'yo, tatawa na ako. Ang hirap 'nyan."



Tumingin siya sa 'kin, tapos...



"Hahahahahahaha~"



Tumawa nga. Aishhht, kaso wagas-wagasan 'yung tawa niya. Tsk. Makaliko na nga.



"U-uy, s-saan ka pupunta? Ikaw naman..."



"Uuwi na ako, bakit?"



Tumalikod na ako. Hindi na naman siya sumunod. Good.





BEFORE PE CLASS



Nandito na ako sa site 'kung saan ginaganap ang lahat ng PE classes at events ng school na'min. Hiwalay kasi siya pero hindi naman ganoon kalayo sa main building.



"Gatorade po, 'yung blue."



Sanay ako na umiinom ng gatorade bago ang klase. Hindi ko alam pero nakasanayan ko na. Ngumiti lang sa'kin si Mang Demet, naka-assign sa canteen at hardinero na din at the same time, at tumalikod na papunta sa ref.



Ang init talaga ng panahon. Grabe, pawis agad. Tsk. Tinanggal ko 'yung bag ko at kinuha 'yung panyo at pulbo ko.



"Ano'ng kulay ulit, Riri?"



Kumuha ako ng kaunting pulbo at naglagay sa mukha ko. Inilapag ko muna 'yung lalagyanan sa counter at sumagot.



"Kulay blue po, Mang Demet."



Kinagat ko 'yung panyo ko at nag-ipit muna ng buhok. Baka kasi malagyan ng pulbo kaya ipinusod ko muna, tsaka ko na lang muna pupunasan ang pulbo sa mukha ko.



"Hija, ito na."



Nakatungo pa ako nang marinig ko 'yung tawag ni Mang Demet, kaso pagtingala ko...



"Ang cute mo. Ito na 'yung gatorade mo o?"



Napalunok na lang ako.



"S-salamat."



Dali-dali ko'ng pinagpupunasan ang mga nakakalat na pulbo sa mukha ko. Nakakahiya. Si Mang Demet naman, bakit ipina-abot pa sa tao'ng 'to? Tsk. Nakakahiya tuloy.



"T-teka po, ito baya-- bakit po?"



"Binayaran niya na eh."



Napalingon naman ako kay Sun. Nakangiti siya.



"S-salamat."



Nag-bow ulit ako sa kanya. Ang dami niya na nagagawang kabutihan sa 'kin pero hindi ko pa'rin siya nakakausap 'man lang ng maayos. At hindi ko po nasabi sa inyo, tumakbo po ako matapos ko sabihin ang 'salamat'.



Napalingon ako habang tumatakbo. Wagas nanaman 'yung tawa niya. Psh. Bakit kaya tumatawa 'yun? Tumakbo ako sa gilid ng stage, 'dun kasi, nasisilungan ng stage 'yung sikat ng araw kaya duon ako tumatambay. Bakit ba kasi ang init sa Pilipinas? Grabe na.



PE CLASS



"Class, may activity tayo ngayon related sa body balance 'nyo. This means, kaylangan na'tin ng sit-ups, jumping jacks, heart beats and ang pinakamaganda sa lahat, speed coordination."



"Ma'am, paano po 'yung heart beat?" - Classmate #7



"Nakalimutan ko nga ipa-announce sa main building pero dahil kaylangan na'tin 'yun, maybibilangan kayo ng partner niyo."



"Haaaaaaaaaaa????" - lahat kami



Pero iba ibig ko sabihin sa 'ha' ko.



"By partner?!"



Napasigaw na lang ako. Aishht. Dapat sa utak ko lang 'yun eh. Pinagtitinginan tuloy ako.



"Bakit, Ms. Abella? Ayaw mo ng by partner?"



Tumingin ako sa mga kaklase ko, 'kung mga maka-iling, akala mo mamamatay sila kapag sinabi ko'ng ayaw ko. Psh.



"Ok lang 'yan. Para masaya, by partner na lang."



Napatingin naman ako kay Sun. Ano'ng masaya 'dun? Tatakbo kayo ng sabay, may sit-ups pa... tapos?? By partners?



"Tama 'yun, Mrs. Abella. Ok lang naman na by partners. Wala ka na magagawa... mahirap mag-sit ups mag-isa."



Napa-isip ako, oo nga... p-pero?? Haaaayyyy... sana lang babae partner ko.



"Alphabetical tayo."


Ayun, pwedeng si Abbanilla 'yung partner ko.



"Sun Dale Abornea and Ririn Yellow Abella."



Nagulat naman ako. Bakit siya?



"B-bakit po si Sun?"



"Since may hika at medical lang si Ms. Abbanilla, si Sun ang partner mo. Bawal kasi siya mapagod."



Bakit ba hindi ko naalala 'yun?



T     o    T )a



Hindi ko na narinig pa 'yung mga iba pa na magkaka-partner kasi... kasi... naiilang ako.



Tumabi kasi siya sa 'kin tapos sabi niya, "Ok lang 'yan, Riri... hindi ko hahayaan na padapa tayo sa sack race mamaya." aalagaan daw? Tsaka ano daw? Sack race?



>///////o///////<)!



Kaya hanggang ngayon, naiilang na nga ako,  'mas lalo pa na nalaman ko sack race? Aishht.




4 comments:

  1. hello po! new author ka po noh? welcum po s blog ni ate aegyo! ngyon lng ako makkbsa ng story mo! more powers po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes. kasasali ko lungs kahapon. lewls.
      salamats. may 1:43 PM din akoo~

      salamat sa support girl. ♥♥

      Delete
  2. ang ganda! yun lang muna! :)))))))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^