Monday, May 14, 2012

Riot Love Game : Chapter 23


CHAPTER 23
(Richelle POV)


RAYCE: HEY WHAT HAPPENED?



RYE: ARE YOU GIRLS ALRIGHT?


RICHELLE: (ano ba naman tong kambal na to, bigla-bigla na lang sumusulpot na parang singaw.) ANONG GINAGAWA NIYO DITO? (nakaka-gulat talaga sila, pero mas nagulat ako ng nag-salita na si Rayce.)



RAYCE: KUNG HINDI PA KAMI TINEXT NINA JIYEON, HINDI PA NAMIN MALALAMAN NA HINABOL NIYO PALA YUNG STALKER! AT MAY GANITO PANG NANGYARI! (ay wow, afraid naman ako dito sa malanding lalake na to!)



JIYEON: LOOK RAYCE! NAGASGASAN AKO SA BINTI! (ang arte naman nitong babae na to, dagdagan ko pa yang sugat mo eh!)



RAYCE: AWW… MAY MASAKIT PA BA SAYO? (ang landi lang talaga, kainis!)



RYE: EH IKAW, OKAY KA LANG BA? (isa pa tong ungas na to, pag-untugin ko kaya silang dalawa?)



SHINAYA: I’M NOT HURT… PERO DAHIL KAMUNTIK NA KAMING MAHULOG SA FILTHY AND GRUESOME MAN-HOLE NA YUN, HABANG BUHAY NA YATA AKONG MATO-TRAUMA.



RICHELLE: WELL, EVERYTHING IS FINE NA NGA DIBA? NALIGTAS KA NAMAN HA! (sasabunuta ko na tong maarteng babae na to, naku Lord bigyan nyo po ako ng mahabang pasensya.)



RAYCE: THAT’S NOT THE POINT! SANA SINABIHAN NIYO MUNA KAMING MGA BOYFRIEND NIYO BAGO KAYO GUMAWA NG GANUNG KILOS! WHAT IF NAPAHAMAK DIN KAYO?


REGINE: WOW! NGAYON MO NA LANG NAISIP KUNG WHAT IF KAMI ANG NAPAHAMAK? (go Espren itaas mo pa yang boses mo, tapatan mo yang kumag na yan!)



RAYCE: EH KASI PINAGPIPILITAN MO YUNG HINALA MO NA SINA JIYEON AT SHINAYA YUNG GUMAWA NG SCRAPBOOK! WHAT IF YUNG STALKERS NIYO, MAS DANGEROUS PA PALA! AKALA KO BA MATALINO KA REGINE? ALALANG-ALALA KAMI SA INYO TAPOS HETO PA! (aba, aba, at isa pang aba… sumosobra ka ng impakto ka ha, Lord, paki dagdagan po ulit yung pasensya ko!)



REGINE: KUNG NAG-AALALA KA… SANA IPAKITA MO HINDI YUNG INAAWAY MO PA AKO! NAGSISISI AKO RAYCE! NAGSISI AKONG SINAGOT KITA!!! (ay Wow, nagulat naman talaga ako sa banat na to ni Regine. Out of nowhere nasabi nya yan, mukang hindi effective yung binigay na metal helmet ni Rayce sa bruha na to, natauhan na eh)



RAYCE: THAT’S NOT WHAT I MEANT MY PRINCESS… PLEASE WAG NAMANG BIGLANG GANITO... (kanina ang tapang mo ha, may galit-galitan school of acting ka pa! Ano ka ngayon, akala mo yata uubra ka sa bestfriend ko eh.)



REGINE: SHUT UP!!! DON’T YOU EVER CALL ME YOUR PRINCESS!!! NGAYON PA LANG TINATAPOS KO NA ‘TO!!! (and the award for the best Walk-out Queen goes to Regine!)



Nasa state of shock pa rin ako, panong humantong sa ganito ang lablayp ng bruhang si Regine? Ganon na lang ba yon? Humanda ka sa akin Rayce kapag nakita ko na umiiyak na naman ang espren ko, kakalbuhin talaga kita!



Rye:
 tingnan mo tuloy Richelle ang nangyari dahil jan sa mga iniisip at ginawa ninyo. Iniwan ng bestfriend mo ang kakambal ko!



Richelle:
 (Lord last request na po, additional one centimeter pa po ng pasensya.) So kailangan sigawan mo ako? Saka hello, sa tingin mo ba gusto namin tong mga nangyayare? Saka isipin mo naman Rye, ayan na yung opportunity para malaman namin kung sino yung stalker namin papalampasin pa ba namin yung chance na yon? Intindihin nyo rin naman sana kami ni Regine! (ayos Richelle sa speech at sa mga lines!)



Shinaya: hay nako, if I where that stalker hindi ko na dadaanin sa mga scrapbook ang pananakot, ipapa-kidnapped ko na agad kayo!



Richelle: hoy ikaw babae ka, manahimik ka jan kung ayaw mong tuluyan kitang ihulog sa manhole na yan!
 (nakaka-bwisit ka na talagang babae ka, isa kang malaking epal sa buhay-pag-ibig ko!)


Rye: Richelle pwede ba kahit ngayon lang wag mong daanin sa init ng ulo ang problema natin! And besides, wala namang ginagawa sayong masama si Shinaya para sigawan mo sya, tinulungan pa nga nila kayo!



Richelle: and thanks to them again, for the nth times.
 (sabi sa kanya ng umaapaw sa pagiging sarcastic) Kailangan ba talagang ulit-ulitin yung ginawa nilang pag-tulong sa amin, eh hindi rin naman namin nakita kung sino yung hinayupak na stalker na yon? (hanggang kailan ba nya balak ipagtanggol ang babae na to against me? Ako kaya ang girlfriend nya!) Magsama-sama kayong magkaka-lahi! Hmmp…




=============================


TIME: 1:00 PM

PLACE: SA GYMNASIUM




Richelle: sumama ka na lang kasi sa akin Espren sa St. Anthony wala kang kasama dito eh.



Regine: ano ka ba naman bakla, ok lang ako dito. Saka marami pa akong gagawin na paper works.



Richelle: eh kasi naman bru pano na lang kapag bigla ka na lang dukutin nung stalker natin, paano na ako, iiwan mo na ako!



Regine: 
(tamang batukan ako? Ano bang masama sa sinabi ko?) Gaga ka talaga! Anong paano na ako, iiwan mo na ako jan; siguradong-sigurado ako na dudukutin ka rin nila kaya magkakasama pa rin tayo!



Richelle: ah basta, sasama ka sa akin!
 (tapos hinila ko na sya palabas ng gym at papunta sa van na maghahatid sa amin sa SAU!) Sakay na!


Regine: kapag ako bumagsak, ibabaksak din kita sa pinaka-tuktok ng building natin. Mam Thelma, pag-pasensyahan nyo na po ang babae na at hindi nya alam ang kanyang mga ginagawa.



Mam Thelma: wag kang mag-alala Regine, sanay na rin naman kami jan sa kaibigan mo.



Eto namang si Coach akala ko ipagtatanggol ako, hindi pala kasi binagsak din nya ako. Hmmp! Oo nga pala, sa St. Andrews kami pupunta so in means… … …



Richelle:
 bru…




Regine: oh, bakit na naman? Nahihilo ka na agad eh hindi pa naman umaandar tong van.
 (alam kong hindi kami mahihilo this time dahil malapit lang naman yung SAU dito…) Anong meron jan sa itchura mo, para kang tanga.



Menchie: naku, mata-tae lang yan sa kaba! Wag mong masyadong intindihin yan.




Richelle: ulul mo Menchie, paluan kita ng bola sa muka eh.
 (tapos hinarap ko na si Regina) Espren, anong gagawin natin kapag nakita natin don si Dennis at Daniel?



Angela: sino naman yon, boyfriend nyo din?



Regine: sa St. Andrews ba sila nag-aaral?



Richelle: oo eh, naitanong ko kasi kay Dennis before. TAMA!!!



Regine: alam kong matagal ka ng may tama sa utak kaya wag mo ng ipag-sigawan pa. 
(kaibigan ko ba talaga ang bruhildang to? Pinag-tawanan tuloy ako ng mga teammates ko. oo nga pala, naka-alis na kami ng school.)



Richelle: hindi iyon bakla, nabawasan na ba talaga ang utak mo dahil sa break-up nyo ni Rayce?



Regine: so kailangan talagang ipaalala pa? Ipakain ko sayo yang bola na hawak mo eh.



Richelle: anu ka ba, umayos ka naman! Seryoso ako dito!



Menchie: kailan ka pa natutong makipag-usap ng seryoso, Chelle?



Richelle: Menchie dadagukan na kita ha, hindi kita ililibre ng isang case ng Tanduay Ice kapag nanalo tayo ngayon.



Menchie: Alam mo kasi Regine, paniwalaan mo lahat ng sinasabi ng bruha na yan. saka maniwala ka kapag sinabi nya na seryoso sya, seryoso talaga yan!
 (kitams, takutin mo lang yan na hindi mo bibgiyan ng alak kakampi mo na yan!)



Regine: ano ba yang gusto mong sabihin?



Richelle: hindi mo ba naisip na possible din na sila yung stalker, sina Dennis at Daniel? Kasi nagpapa-pasok naman ng ibang students sa school diba, as long as may ID ka.




Pabulong ko lang sinabi sa kanya, baka mamaya marinig pa nila eh mapatay ng mga schoolmates namin yung mga stalker na yon kapag nalaman nila kung sino. Alam nyo naman na mahal kami ni Regine na buong school.



Regine: sheet! Bakit hindi natin agad naisip na posibleng din silang maging stalker natin? May dahilan sila para gawin yon diba? (She’s referring dun sa nangyari sa Star City.)



Richelle: kaya nga espren. Paano kapag nakita natin sila mamaya, anong gagawin natin? Tatanungin ba natin sila ng derechuhan kung sila yon o huhulihin din natin sila sa akto?



Regine: syempre hindi natin itatanong sa kanila! Huhulihin natin sila sa akto kagaya nung ginawa natin nung isang araw!



Richelle: Eh pano kung bigla na namang sumingit yung kambal? Pano kung ako naman ang awayin ni Rye, alam mo naman ang Gummy Bear ko na yon seloso!



Regine: ayaw mo ba non hindi na ako alone sa pagiging broken?



Richelle: kunsabagay, pero kahit na!



Mam Thelma: tama na ang kwentuhan, nandito na tayo sa SAU!



Shemay na buhay to, anong gagawin namin? Paano kung si Dennis at si Daniel yung stalkers namin? Taraklis na yan oh! Pagbaba namin ng sasakyan bigla na lang ang daming sumalubong sa amin na flash ng camera! Ano kame, artista? Hindi kaya isa sa mga tao dito ang stalker namin?



Regine: Richelle ano bang meron at pini-picture-an nila kayo? Sikat ba kayo dito sa SAU?



Richelle: bru hindi ko rin alam! Pero hindi naman nakakapag-taka kung sikat man kami dito, ilang beses na rin naman kasi namin natalo ang SAU sa tune-up at real game.



Regine: mahusay talaga ang women’s volleyball team ng school if that so!



Richelle: ikaw lang eh, wala kang bilib sa espren mo!




Nagpunta na kami sa gym ng St. Anthony para makapag-palit na ng damit-panlaro. Nagulat nga kaming lahat kasi puno ng estujante yung gym nila, parang inaabangan talaga nila tong tune-up game namin.



Group1: Go SAU!!!



Boys: We want Rodriguez!!! We want Rodriguez!!!



Regine: ikaw ba yung gusto nila? Ang lalabo naman pala ng mata ng estujante ng SAU! Hahaha!



Richelle:
 (etong batok para sayo!) Kung meron mang estujante na malalabo ang mata, ikaw yon!



Regine: at bakit naging ako?



Richelle: gusto mo ba talagang sagutin ko yang tanong mo?



Regine: wag na! nararamadaman ko na kung ano yang isasagot mo!



Richelle: yun naman pala eh!
 (tapos lumabas na kami ng dug-out nitong gym)



Regine: saan ako pu-pwesto nito? Pwede bang doon ako sa tabi ni Mam Thelma?



Richelle: oo pwede ka dun, kasama ka naman namin eh! Bakla, linawan mong mata mo ha, baka mamaya nandito yung stalker natin!



Regine: gaga ka ba? pano kong malalaman kung sino yung stalker natin dito eh ang dami ng may dalang camera!



Richelle: ewan ko sayo, bahala ka na matalino ka naman ee!!



Regine: pero ikaw dapat ang maka-hanap non kasi ikaw mata-linaw!!!




Richelle: woh sige, ikaw ang maglaro dito at ako ang maghahanap nung stalker natin!



Announcer: calling all players from both teams, at the center of the court please! (so ayun, lumayas na ako sa harap ni Regine, bahala na muna syang mag-matyag kung sino yung may kahina-hinalang kilos!)



===========================


TIME: AFTER THREE HOURS

PLACE: AT SAU DUG-OUT




Regine: bru, I saw Daniel taking picture while you’re playing. He also took picture of me too!



Richelle: where is he now?



Regine: lumabas na KANINA PA, pero parang hindi naman sya yung stalker natin. Alam mo yun bru, I have this feeling na hindi talaga sya yon.



Richelle: and what makes you think and feel that way? Are falling for him, for real?



Regine: you know the answer to your own question Bru!



Richelle: itatanong ko ba sayo kung alam ko? luka-luka ka talaga!!!
 (palabas na kami ng dug-out)



*Click…click…click…click… (at marami pang click)*



Punyemas na yan, eto na naman ang mahusay na tatakbo naming stalker!!! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga ganitong klaseng tao na walang ibang magawa sa buhay kundi ang mam-bwisit! Wala ba silang ibang pangarap sa buhay kundi yung ganito na lang, yung parang tanga lang sila na sumusunod sa isang particular na tao para lang kumuha ng mga pictures? Gaaaaaaahhhhhhdddd!!!! Nakaka-kulo sila ng dugo!!!



Richelle: Regine, prepare your feet dahil mag e-exercise tayo ngayong hapon! Bilisan mong tumakbo this time!



Regine: wae??? Nandito yung stalker natin?



Richelle: yeah, so prepare for the worst! Mam Thelma, may pupuntahan lang po kami sandali.
 (tapos na kasi yung game namin, and of course panalo na naman kami.)



Regine: pano natin sya lalapitan ng hindi nya tayo nahahalata?



Ayan na naman, picture na naman! Hindi naman kami sikat na artista, estujante lang din naman kami pero bakit kailangan naming ma-experience ang nararanasan ng mga sikat na celebrities sa Hollywood eh we never wish for this kind of attention!



Richelle: ayoko na talaga nitong mga nangyayare ha!!! Ayoko na talaga!!! HOY!!!! (sinigawan ko yung stalker namin saka ko sya tinuro!!! Kaya tumakbo agad yung hudas na yon!)



Regine: Bakit mo ginawa yon?



Richelle: wag ka ng magsalita jan Regina, takbo na bilis!!! Hoy, bumalik ka ditong impakto ka!!!


Regine: hoy hintayin mo ako bru!!! Ay natalisod ang kalabaw!!! Araaaaaay!!!



Richelle: hey, what happened? Waaaah, mag dugo yung tuhod mo Regina! Anong klaseng katangahan ang dumapo sayo?



Regine: sige na, habulin mo na yung stalker natin!!! Bilis!!!



Richelle: babalikan kita agad, pangako yan!!!
 (tapos tumakbo na ako papunta dun sa tinakbuhan nung kumag na stalker!) Hoooooooy!!!




==========================



Rye: Mam Thelma, nasaan po si Richelle?


Mam Thelma: nag-paalam lang sandali na may pupuntahan sila nung kaibigan nya.


Menchie: naku nanjan lang yun sa tabi-tabi o baka naman bumuli ng tubig nya.


Rye: sige, hanapin ko na lang po sila.



=========================



Napadpad ako dito sa may pool area ng SAU!!! Lecheng stalker yon ang bilis talagang tumakbo!!! Pasalamat sya at pagod ako, dahil kung hindi baka makitilan ko sya ng kaligayahan ng wala sa oras!!!



Richelle: ouch, ang sakit na ng mga binti ko! (then bigla kong naramdaman na parang nanlalambot na yung mga tuhod ko, then suddenly…)



*BOOOGSSSSHHHH!!!!! SPLASHH!!!!!*


Nahulog ako sa pool, syet hindi ako marunong lumangoy! Sabi ko naman sa inyo, kung may galit kayo sa akin ang gusto nyo akong mawala sa landas ninyo eh itapon nyo lang ako sa dagat at solve na problema nyo. Pero wag ka, nandito pa lang ako sa pool ng SAU na hindi ko alam kung gano kalalim eh mukang dito na magwawakas ang buhay ko!!! Lord wag na po muna, hindi pa po ako nakakapag-paalam kay Rye, wala pang goodbye kiss. Wala akong babaunin na kilig moment jan sa langit, sige po kayo baka pati si San Pedro patusin ko. Maryosep, ganito ba talaga ang feeling ng malapit ng mamaalam sa mundo, lahat ng kalokohan naiisip?



Dennis: what the fuzz!!! (tapos bigla syang tumalon dun sa pool!)



====================



Rye: Regine, what happened? Nasaan si Richelle?



Regine: nandun sa may banda don, hinabaol nya yung stalker namin eh.



Rye: ano namang nangyari sayo, bakit may sugat ka?



Regine: for some obvious reason na nadapa ako kaya ako nagka-sugat, puntahan mo na don si Richelle, baka kung napano na yon!



=========================



Lord, bago nyo po ako kuhanin ipalasap nyo muna sa akin kung pano maging isang tunay na dalaga! Saka ayoko pong mamatay ng mamad sa tubig ang katawan ko, ang pangit ko nun for sure sa burol ko, kulu-kulubot ang balat ko! Kadirdir!!!



Uwaaaaaaahhhh!!! Lord balak nyo na po ba talagang bawiin sa ang buhay ko? Kasi parang merong lalake na humahalik sa akin eh, Lord si Rye po ba to? Bro baka pwede pang i-extend ang buhay ko, ang sarap ng feeling oh! Hinahalikan ako nung taong mahal ko! Araaaaaaaay!!! Bro, bakit naman binalibag nyo ako ng sapatos?



Richelle:
 *ubo, ubo, ubo*



Dennis: hey, hey! Are you okay? (hey, hey ka jan! muka ba akong ok, eh nauubo ako?)



Richelle: m-muka ba akong okay? Gusto mo ikaw ang lunurin ko para malaman mo kung anong feeling ko ngayon? (ang gaga ko lang talaga! Sinungitan ko pa sya samantalang niligtas nya ako.)



Dennis:
 kung balak mo akong lunurin dito sa pool na to, hindi ka magtatagumpay! Swimmer ako, remember? Pero kug gusto mo talaga akong lunurin, willing naman ako. Pero kailangan lunurin mo ako sa pagmamahal mo!



Richelle: D-de-dennis?!?! A-anong ginagawa mo dito?



Dennis: we just had our daily training. How about you, what are you doing here? May tune-up game na naman ba kayo ng SAU?



Richelle: oo, kanina ka pa dito?



Dennis: yeah, kanina pa kaming four nag-start ng training and kakatapos lang namin.



Wait, so it means hindi rin si Dennis ang stalker naming, but how about Daniel? Kanina nakita sya ni Regine na may hawak ng SLR, hindi kaya si Daniel? Pero kung si Daniel yung stalker, for sure susuportahan sya ng pinsan nya. Syet! Mukang back to zero na naman kami ni Regine ah!



Dennis: is there any problem? (kailangan ko pa ring ma-confirm yung hinala ko na baka si Daniel lang yung stalker.)



Richelle: can I ask you something?



Dennis: of course, what’s that?



Richelle: do you have any idea where Daniel is?




Dennis: ooh, si Daniel kanina pa yon naka-uwi na three of four. Maaga kasi ang tapos ng klase nun ngayomn. Bakit mo maitanong?



Richelle:
 (anong idadahilan ko?) H-ha, ah eh--- kakamustahin lang din sana namin ng bestfriend ko! he-hehehe!



Dennis: I see. If you want we can visit him to his unit.




Richelle: ah, saka na lang siguro. Sige, mauna na ako baka nag-aalala na yung mga kasama ko sa akin.



Dennis: wait!
 (wait ka jan, giniginaw na ako, kailangan ko ng makapag-palit ng damit!) Take this towel. Kaya mo bang maglakad mag-isa?



Richelle: actually hindi eh, nanlalambot ang mga tuhod ko kaya nahulog ako jan sa pesteng pool nyo na yan na saksakan ng lalim.



Dennis: hahaha! You really know how to make me laugh. Wait in there, magbibihis lang ako then ihahatid kita sa mga kasama mo.




So hinintay ko nga sya kasi hindi ko na talaga kayang mag-lakad dahil sobrang nanlalambot na ako, tapos sobrang ginaw na talaga yung nararamdaman ko. Feeling ko magkakasakit ako ng wala sa oras!



Dennis: let’s go. Are you alright Richelle? God, ang init mo! Crap that, what should I do?



Kanina feeling lang, ngayon totoo na, may lagnat na nga ako! Pano na yung laban naming next week, paano akong maglalaro nito daig ko pang binugbog ng limampong maton sa sobrang sakit ng buong katawan ko! OMG! Binuhat ako ni Dennis na para kaming bagong kasal, nakakahiya! Kahit na malabo ang paingin ko dahil sa hilo, hindi pa rin nakalampas sa mga mata ko na pinag-titinginan kami nung ibang estujante ng St. Andrew’s.



Richelle: Dennis, hanapin mo si Regine. Dalin mo na lang ako dun sa may gym, nandun yung mga kasama ko.



Dennis: hush, wag ka ng magsalita. Sige dadalin na kita sa mga kasama mo at hahanapin ko ang kaibigan mo.




After a one long minute, nakarating na kami sa may gym, salamat naman at nandito pa rin sila Mam Thelma.



Menchie: oh my God Chelle, what happened? Anong kagagahan na naman ang lumukob sa katawan mo?



Dennis: is there anyone out there know where her friend Regine goes?



Claire: nagkasama sila kaninang umalis eh.



Regine: Dennis! Anong nangyari sa kanigan ko? Richelle, ok ka lang?



Richelle: isa ka pa eh, muka bang ok lang ako?
 (anong ginagawa nya dito?)



Regine: bru naman ee! Umayos ka naman, akala ko kung napano ka na! Tara na, umuwi na tayo! Dennis salamat ha!



Dennis: pagaling ka Richelle! Mauna na ako Regine, I suggest na iuwi mo na agad sya, mataas ang lagnat nya dahil sa nangyari kanina sa kanya. I’ll go ahead.




Mam Thelma: ano ba kasing nangyari Richelle?



Richelle: Mam, sorry po! Kwento ko na lang po sa inyo some other time, gusto kop o muna sanang umuwi. Regine!



Rye: ihahatid ko na kayo!



======================


PLACE: SA CONDO NAMIN NI REGINE

TIME: 6:00PM




Maayos na ang pakiramdam ko dahil hindi na basa ang suot ko, saka naka-inom na rin ako ng gamot. Salamat sa nurse ko na si Regina! Eto ako ngayon at naka-higa sa kwarto ko habang pinagmamasdan ako ni Rye. Shemay, nakakaluwas yung tingin nya!



Richelle: sorry! (ewan ko kung bakit iyan yung unang salita na lumabas sa bibig ko.)



Rye: can we talk?



Regine: dun muna ako sa kwarto ko, batuhin mo na lang ng tsinelas yung pinto kapag may kailangan ka.
 (adik talaga tong babae na to, at lumabas na si Regina sa kwarto ko.)



Richelle: ano ba yung pag-uusapan natin? (kinakabahan naman ako sa lalake na to!)



Rye: bakit magkasama kayo ni Dennis? Yung stalker ba talaga yung hinabol mo o nakipag-kita ka lang sa kanya?



A-ano daw? Ako nakipag-kita kay Dennis at hindi ko hinabol yung stalker namin? How dare he, how dare he talaga! Sa sobrang inis ko sa kanya dahil sa mga sinabi nya eh napa-bangon ako mula sa pagkaka-higa ko!



Richelle: are you accusing me of infidelity? You know how I wanted to catch that f*ckin’ stalker, bakit pinag-bibintangan mo ako ng ganyan?



Rye: you can’t blame me Richelle Rodriguez, you have that image that you get along with so many guys out there!



Richelle: hindi lang pala basta infidelity ang accusation mo sa akin, even being a playgirl and malande! Huh, baka may kulang pa, sabihin mo na lahat!



Rye: bakit ikaw pa ngayon ang may ganang magalit? Sino ba sa ating dalawa ang may kasalanan? Ikaw diba? Nakita ko kayo ni Dennis na naghahalikan sa poolside ng St. Andrew’s!



Richelle: h-hindi ko alam na napaka-polluted na pala nyang utak mo!!! Sa tingin mo ba kaya kong gawin yon???
 (syet naiiyak na ako dahil sa mga binibintang nya sa akin! Ganito ba talaga ang mga may sakit, emotional and so vulnerable sa mga ganitong klaseng accusations?)



Rye: you want an honest answer from me? Yeah, kaya mo yon! Nagawa mo na nga diba?!
 (I slapped him because of that!) masakit bang marinig ang totoo? Baka nga kaya ka nahulog sa pool kasi masyadong napasarap ang halikan ninyo kaya kayo nahulog!



Richelle: this is bullsh*t Rye Hayashi! Ganyan ba talaga kababaw ang tingin mo sa akin, ha? Wow, for the record ngayon ko lang hindi kayang palampasin lahat ng binibintang mo sa akin! Nakikipag-halikan pala ha! Sige, papanindigan ko na yang pinaniniwalaan mo! Oh sige, naghahalikan kami ni Dennis at hindi dahil sa kailangan nya akong i-CPR dahil nalunod ako. Na nandon ako sa pool area ng St. Andrew’s kasi hinanap ko si Dennis at hindi dahil sa hinahabol ko yung stalker!
 (syete naiiyak na talaga ako! Pigilan mo yan Richelle, wag kang iiyak sa harap ng lalake na yan!) Na kaya ako nahulog sa pesteng pool na yon dahil nasarapan ako sa halik ni Dennis at hindi dahil sa sobrang sakit ng buong katawan ko dahil dun sa laro at sobrang layo nung tinakbo ko para lang mahuli yung lecheng stalker na yan!



Rye: d*mn!



Richelle: na kaya ako may sakit ngayon dahil sa halik ni Dennis at wala ng iba! Tang*na Rye, ang galing humalik ni Dennis walang sinabi yung halik mo!
 (ok, I’m lying, mas magaling at mas masarap ang halik ni Rye, saka hindi naman talaga kami naghalikan ni Dennis noh.) Ano, masaya ka na ba? Narinig mo na ba lahat ng gusto mong marinig? May gusto ka pa bang malaman, sige lang itanong mo lang at buong puso at katapatan kong sasagutin yan!



Rye: Richelle!!! I-im



Richelle: what? Wala ka na bang masabi na masasakit? Tapos ka na ba, pwede ako naman?



Rye: I’m so---



Richelle: yan lang naman ang alam mong sabihin everytime YOU BREAK MY HEART INTO A MILLION PIECES! Sorry Richelle, Richelle sorry hindi ko sinasadya! Rye sawang-sawa na ako sa mga ganyan mo! Rye ilang beses ko ba dapat ulit-ulitin sayo na ikaw lang ang mahal ko, na nag-iisa ka lang sa puso para lang maintindihan mo yon? Rye for the nth times, ngayon pa ba ako hahanap ng iba, ngayon na yung taong mahal ko sa loob ng sampung taon is sa akin na, na mahal na rin ako, ngayon pa ba kita ipagpapalit? Rye alam kong marami akong kaibIgang lalake at lapitin ako ng lalake but that doesn’t mean na nilalandi ko sila, na pinapatulan ko sila!



Rye: hush Ri---



Richelle: no Rye, ikaw ang manahimik jan at makinig!!! Ayoko na! Tapusin na natin kung ano man ang meron tayo, tutal sabi mo malandi ako at nakikipag-halikan sa hindi ko boyfriend! Siguro naman matino ka pa rin para hindi na pumatol sa isang tulad ko?! Break na tayo Mr. Rye Hayashi kaya kung pwede lang, lumayas ka dito sa kwarto ko, sa condo namin ng kaibigan ko, at lumayas ka na rin sa buhay ko!!!!!!!!!!



Rye: Ri-



Richelle: out!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!



Rye: you ask for it, you got it! Break kung break!!!



Richelle: layaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaassss!!! 
(sa sobrang inis ko sa kanya nabato ko yung tsinelas ko at tumama dun sa pinto! Kaya ayan agad si Regine, humahangos pa!)



Regine: anong nangyare bru?



Richelle: pareho na tayong single bakla!!!! Uwaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!



Regine: kaya mahal na mahal kita espren Richelle Rodriguez eh, hanggang sa pagiging broken-hearted at single dinadamayan mo ako!!!



Richelle: t*ng*na nya, g*go sya! Ako pa ngayon ang binabaligtad nya na nakikipag-halikan sa iba, samantalang CPR lang naman yung ginawa ni Dennis sa akin dahil sa katangahan ko! Buruka, sorry hindi ko na naman nahuli yung stalker natin.



Regine: ano ka ba naman Bru, wag mo na munang intindihin yang lintik na stalker na yan! intindihin mo muna is yang sarili mo, aba kailangan mong gumaling agad dahil malapit na yung tournament na sasalihan mo, ng volleyball team! Yang problema mo sa puso, saka na lang natin intindihin yan!



Richelle: Regine pwede bang lagi na lang akong may sakit at broken?



Regine: huh, bakit naman?



Richelle: eh kasi kapag pala ganito ang kalagayan ko nagkakaron ng sustansya yang mga sinasabi mo! Kapag wala kasi at ok ako puro kagaguhan lang ang mga sinasabi mo eh!!!



Regine: pam-basag ka talaga espren eh, minsan na nga lang magpaka-senti umeepal ka pa!



Richelle: pero espren!!! Wala na tayong boyfriend!!!



Regine: ok lang yan, at least we still have each other!



RICHELLE: Regine palagi na lang talaga akong may-sakit ha!
 (tapos niyakap ako ni Regine ng sobrang higpit at saka ako hinalikan sa pisngi! Umiiyak ang bruha, malamang naalala na naman nya si Rayce) Bakla hindi ako maka-hinga, mamamatay ako sa higpit ng yakap mo eh! Saka pwede ba, tumigil ka jan sa pag-iyak, baka mamaya pahiraN mo pa ng sipon tong kumot ko mahiya ka naman!


Regine: Richelle naman ee, hayaan mo na ako!!!



Richelle: paalala lang Regine, ako ang may sakit at dapat inaalagaan at binabantayan. Broken-hearted ka lang naman, pakainin mo na ako bru ng hindi mo na masyadong maalala yung haliparot na yon!




REGINE: uwaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!
 (heto na naman po ang nakamamatay sa lakas na iyak ni Regina)



Richelle: uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!! (duet na nga lang kami, kailangan kong suportahan ang bestfriend ko sa pang-Famas na pag-arte nya!) 



End of Chapter 23
Written by Queen Richelle



1 comment:

  1. e2 ung gya si rye s kaepalan ng kmbal nia e! wula p b 2ng ksunod dun s pf miz aegyo?

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^