(5)
8:30 P.M na ay kasalukuyana kong binabasa ang info ni francis. Kad-deliver
lang non.
Nakatihaya ako.
Name: Francis F. Ariz
Age: 27
Sex: Male
(Hindi na kailangan)
(Hindi na kailangan)
(Hindi na kailangan)
(Hindi na kailangan)
Live: In EG Condominium
Status: SINGLE
Job: Painter and he has a part time job as a Professor in CITU
“hmmm…. Pintor pala siya at teka bakit nag-papart time job siya? Eh
may Kompanya naman siya ah.”
Sa pagakaalam ko ay may Business ang family nila. Business tycoon ang
parents. Ewan kung bakit ganon.
“Sinong tinutokoy mo Bes?” Napabalikwas ako nang Makita si
Maurin na pumasok.
“Maurin! Anong ginagawa mo rito?”
“Pinapasok ako ng mama mo dito—dinalhan kasi kita ng cake na gawa
ko.”
“Wow! Cheese cake my favorite!”
Ibinigay niya sa akin ang isang slice na nilagay na niya sa platito.
Nilantakan ko yon. Yummy!
Nag-thumbs up ako.
“Delicious! Pwede ka ng mag-asawa.”
“Sus nambola pa! OI! Ano yan!” turo niya sa papel na hawak
ko.
“ah.. eto? Wala mga papeles lang 'to”Itinago ko yon sa
drawer ko. Hindi pwede malaman niya yon.
“Nga pala, bes, Alam mo ba
kung saan matagpuan ang EG condominium?”
Mukhang nagulat siya. Saka hindi man lang siya nag-eye contact sa akin para
bang nailang.
“B-Bakit mo naman naitanong bes?”
“Plano ko kasing lumapit-Malaki na ako at saka dito nakaya ako sa
pilipinas mananatili...and I heard that place was a nice place to live beside I
cant do anything here in my parents place.”
“Pwede naman sa iba kanalang lumipat.”
Bakit ba parang ayaw niya akong doon tumira? Dahil ba sa lalaking yon? Takot
ba siyang masaktan uli ako kaya ganon?
“I like that place, bes”
…………….
Wala din nagawa si Maurin at ang parents ko din mas gusto daw nila na
nandito ako para alagaan.. Duh hindi na ako bata no! Pent house ang pinili ko
at magkapit bahay lang kami ni Francis.. yosh! It is according to my
plan—except kay Maurin she’s also my neighbor at pinagtapat niyang nandon din
si Francis. Alam ko nman yon no. pero panggap lang ako nahindi ko alam ang
tungkol doon at sinabi ko sakanya na wala siyang ipag-alala.
Bitbit ko ang dalawang box nalaman lang ay mga libro nasa taas na kasi ang
lahat ng gamit ko.
At dahil dalawa yon nahihirapan pumasok sa Elevator.
Pero natisud ako kaya muntik na akong matumba mabuti na lang may humawak sa
beywang ko para hindi yon mangyari.
Phew… buti nalng kung hindi ay baka pumangit ako! Gosh no way! Pero
nabitiwan ko yong dalawang box.
“Whoa! Careful miss.”
Boses yon ni Francis. Kita mo nga naman parati na lang ako tinutulungan ng
tadhana! Lumingo ako sakanya. But I already wear a sexy smile. “Thank
you.”
Eto naman natigilan.
Gosh! Mas gwapo pala siya sa malapitan! Tumigil ka Misty! Nakalimutan mo nab
a ang plano mo!
OO!
Pero kahit mas gwapo na ito ay hindi ko maiwasan maramdaman ang sakit ng
naramadaman ko. Hindi man lang niya ako minahal—sabagay pangit ako noon! Isang
Ugly duckling.
Kumunot ang noo niya para kasing may inaalala siya. Wag naman sanang
makilala niya ako.
“Uhmm…You look familiar—had we met before?”
“Lumang istilo na yan.. guys always say that to me just to get my
attention but because you save me I’ll answer that question of yours—Oo sa
plaza.” Pumasok muna kami sa Elevator.
He chuckle.
“Oh that’s right.” Umaliwalas ang mukha niya—damn you! Ngitngit
pa rin ang loob ko. He look at the two box na nasa sahig. “You need
help?”
“Bakit tutulungan mo ako?”
Ngumiti siya pero parang wala epek ang ganda ko sakanya…
Okay lang…
“Those boxes looks so heavy.”
Lihim akong napangiti… first step na yon.
“Bahala ka. Sa pent house ako… room 325”
“What a coincidence magkatabi lang ang room ko doon.”
I act surprise when he said that—alangan nman alam ko. Nang nasa harap na
kami sa pintuan ay ngumiti ako ng nakakaakit just like I did always when I like
someone.
“Pwede mo ng ibaba yan alam ko na mabigat yan kahit libro lang ang
laman niyan.”
“Baba ko lang ito kapag naipasok ko na to mabigat ito.”
“Okay.”
Wala akong nagawa kundi papasokin siya.. I bit my lower lips makalat pa kasi
eh. Inalapag niya ang box.
“Thank you very much.”
“Hey no problem… if you need anything you can ask me malapit lang
naman ang room ko.”
“Okay—Opss sorry how rude am I not introducing myself to you… Ako
nga pala si…”Nag-isip muna ako. “Ruka Satoshi.”
“Are you a Japanese?”
“1/3 lang” well.. totoo naman yon mabuti nalang at namana
ko ang mata ko sa lola ko.. singkit na mata. Yon din ang isa sa mga best asset
ko.
Naptangotango lang siya. “Ah… Oh sige aalis na ako.” Paalam
niya.
Hinatid ko muna siya. Kailngan may gawin akong paraan! “ Francis
Ariz… uhmm..Sigurado ka bang sa plaza lang tayo nagkita?”
“Oo naman. Saka paano naman tayo magkikita noon kung 15 years na
akong nakatira sa California.” It was just a small lie.
Pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. Tsk. Kung hindi pa rin siya
kumbinsido ay gagawin ko na ang isa pang plano ba para hindi siya maghinala na
ako.
“By the way… Here’s my reward for you for saving ang helping me.” Dahil
mas mataas siya kesa sa akin ay tumingkayad ako para halikan ang labi niya.
At kinagulat niya yon. “Taste like… you?” I said in sexy
voice. “Sasabihin ko sayo ang totoo—I am attract to you. Would you be
my Temporary boyfriend?”
Agad din nawala ang pagkagulat niya. Saka sumeryoso ang mukha.
“Sorry.” He said. Hindi ko yon inaasahan na sagot niya.
I laugh—a fake laugh.
“Don’t take it so seriously, Francis, I was just joking…”
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^