Sunday, May 13, 2012

My Whirlwind Romance : Chapter Five

5: Welcome to the Hotel California


            4 o’clock in the morning ang flight na nakuha kaya naman two o’clock pa lang ng madaling araw ay nasa airport na ako, bakit ba! Natatakot ako na maiwan ng flight ko eh.

*All passengers of flight 56TY68 going to California, the plane is now ready for boarding. All passengers of flight 56TY68 going to California, the plane is now ready for boarding. Thank you!*

            Wala na talagang atrasan ‘to! Well, kailangan ko na rin namang maka-usap ang parents ko tungkol kay Oliver dahil hindi ko na kayang mabuhay ng wala sya. Eto nga lang na kailangan kong pumunta ng California nahihirapan na ako, idagdag mo pa na nag-away kami bago ako umalis at hindi ka kami nagkaka-ayos ay isa ng malaking parusa, what more kung talagang mawawala pa sya sa akin.”

*Last call to all passengers of flight 56TY68 going to California is now ready for boarding.*

++++++++++++++++++++++++++++++

            Wala ba talagang balak si Empress na sagutin or i-on ang phone nya? Malapit na akong magkaron ng sakit sa puso dahil sa mga nangyayari! Bakit ba kasi kailangan pa nyang umalis? Bakit kailangan pang makialam ang mga magulang nya sa kung sino ang gusto nyang makasama habangbuhay?

            Nandito na ako ngayon sa tapat ng condo unit nya, at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at dito ako pumunta sa halip na sa airport. Eh siguro alam ko rin na hindi ko rin naman sya aabutan sa paliparan dahil walang kasing wagas ang traffic papunta doon. Honestly, I really don’t know what I should feel right now. It hurts that she flew back to her hometown without even telling me personally that she will go there. Tanga ka ba Oliver, eh hindi mo rin naman sya papayagan kapag nag-paalam sya sayo eh, bakit naman gagawin ni Empress ang mag-paalam sayo kung ganon ang mangyayare?

Nathan: hello Kevin Oliver, ok ka lang ba? Nasaan ka ba ngayon? Aba naman lalake ka, baka nakakalimutan mo eh may weekly meeting tayo today? Bigla mo na lang kaming nilayasan dito, ano ba kasi ang nangyayare?

Oliver: she’s gone Nathan!

Nathan: ha? Sino ang wala na?

Oliver: ang pinsan mo, si Empress. Basta na lang nya akong iniwan sa ere, hindi man lang sya nag-paalam sa akin personally. Kung gusto naman nya ng kalayaan ibibigay ko naman eh, basta ba mabigyan nya ako ng maganda at katanggap-tanggap na dahilan eh.

Nathan: if she’ll say that she didn’t love you anymore, would you believe that? She leave because she has her reasons, she wouldn’t do something stupid.

Oliver: hindi ko kasi talaga maintindihan eh. Bakit ganon Jonathan, bakit kailangan pa nyang umalis?

Nathan: tangina ka naman Oliver, bumalik ka na lang muna dito sa Magnifico at saka na natin pag-usapan yang problema mo sa pasayaw na girlfriend mo.

            Eh ano pa nga ba ang magagawa ko, babalik na lang ako ng Magnifico at aayain ko si Nathan na mag-inuman after ng trabaho namin.


++++++++++++++++++++++++++++++


            Welcome to the Hotel California, Empress! Nandito ka na naman sa hotel na to, kung saan mo nalaman na ikakasal na ang ex-boyfriend mo na si Julius. Baka naman bukas ang mabalitaan mo naman ay determinado na ang parents mo na ipakasal ka sa anak ng kapitbahay nila, hahaha! Pootek lang talaga na buhay to, hindi na ako tinantanan ng problema. Kamusta na kaya si Oliver? Umiyak kaya sya ng malaman nya na umalis na ako ng Pilipinas…pansamantala? Leche ka talaga Empress Aiko, lalayas ka sa Pilipinas na hindi kayo nagkaka-ayos ng jowa mo tapos ngayon nag e-emote ka jan.

Empress: hello Jade!

Jade: Ms. Empress? Where are you?

Empress: I’m here in California; I need to talk to my parents.

Jade: when did you arrive? Why didn’t you tell me, so that I can fetch you to the airport? Anyway, I’m also here at California?

Empress: I’m here at Hotel California, how about you?

Jade: oh, I’m also at Hotel California? What’s your room number?

            And so I told her my room number, at wala pang limang minuto nandito na ang magaling kong secretary na si Jade. Kung ano-ano lang ang pinag-kwentuhan naming dalawa, syempre pa binida ko ang fiancé kong si Oliver, ipinakita ko pa nga sa kanya yung pictures namin together eh. Nalaman ko din na ikakasal na pala ang maganda kong secretary sa long time boyfriend nya na si Vans. Naunahan pa ako ng isang to, eh yung sa akin hindi ko sigurado kung may kasalan pa ring mangyayari eh.

Empress: congratulations once again, I’ll try to attend ok!

Jade: you better try Empress; I’m expecting you to be there. Bye!

++++++++++++++++++++++++++++++
*Present Time*

Empress: Billy, samahan mo na ako please!!!

Billy: hoy Empress Aiko, may problema na naman ba kayong mag-asawa at naisipan mo na namang mag-foodtrip?

Empress: hindi kami nag-away, we’re really ok. Gusto ko lang talaga na kumain ng chocolate almond and strawberry ice cream.

Billy: oo na, sige na, magkita na lang tayo sa Glorious Mall in thirty minutes.

Empress: ayoko sa Glorious, mabaho ang mall na yun eh. Sa Parkland Mall na lang tayo, mas maraming restaurants doon.

Billy: sa resto mo pala gustong kumain eh bakit hindi na lang sa Magnifico, libre ka pa!

Empress: ayoko dun Billy, sige na! Kita na lang tayo sa Parkland in thirty minutes, don’t worry it’ll be my treat.

            These past few days eh talaga namang ang takaw-takaw ko, pero minsan naman wala akong ganang kumain. Minsan ang gwapo talaga ng asawa ko sa mga mata ko at tinalo pa nya sa kagandahang lalake si Captain America, pero minsan naman mas muka pa syang bakulaw kesa kay Incredible Hulk. Ang bilis din mag-palit ng mga trip ko sa buhay, kanina gusto kong matulog the whole day, ngayon naman gusto kong kumain ng kung ano-ano. Minsan tuloy naisip ko na baka lumala na yung tama ng utak ko eh. Sana lang hindi mamana ng kambal ko ang mga tililing ko sa katawan, dahil magiging kaawa-awa silang dalawa, hahaha!


++++++++++++++++++++++++++++++


Empress: no Ma! Kahit na ibitin nyo ako patiwarik sa puno ng kapitbahay natin na pinamamahayan ng mga hantik, hindi ako magpapakasal sa anak ng kapitbahay slash kaibigan nyo, hell no!

Aileen: magiging maganda ang future mo kapag iyon ang nkatuluyan mo!

Empress: how can you say that Mama, paano mo nasabi na magiging maganda ang future ko sa kanya to think that hindi mo pa rin nakikita ang hudyo na yon? Akala ko ba tapos na tayo sa issue na to Ma, Pa? Pati ang nananahimik na si Julius ginamit nyo pa!

Enrico: sundin mo na lang ang sinasabi ng Mama mo sayo Empress, mother knows what’s best for their children.

Empress: not in my case Pa! Mama knows that I love someone else already, and I will marry that guy in the near future.

Aileen: stop giving me those lines! How come you found someone who can withstand your stubbornness? You got to be kidding me my dearest daughter.

Empress: this conversation is really non-sense! Babalik na lang ako sa pinanggalingan ko, iiwan ko na ulit kayo. At sana sa pagbalik ko, tuwid na ang takbo ng mga utak nyo!

Aileen: kung noong una ay hinayaan lang kita na basta-basta na umalis, iba na ngayon Empress!

Empress: ano ba kasi talaga ang gusto nyong mangyari at atat na atat kayo na makasal sa anak ng kapitbahay nyo? Hindi pa ba sapat sa inyo yung kayamanan na meron kayo ngayon at kailangan ko pang magkaroon ng mayaman na asawa? FYI lang Mama, mayaman din ang boyfriend ko at kilala sya ng pinsan ko na si Nathan! Kaya naman, kahit na anong klaseng pamimilit pa ang gawin nyo sa akin ay hindi ko kayo susundin! Pasaway na kung sa pasaway, walanya na kung sa walangya pero hin-di-ta-la-ga-a-ako-mag-pa-pa-ka-sal-sa-kan-ya!!!

            For Pete sake, I really don’t get it! I don’t understand why she wants me to marry that goddamnit guy! Lechugas lang talaga kung sino mang ponsyo pilato ang naka-isip nung arrange marriage na yan!

Aileen: sobra na talaga ang haba ng sungay mo Aiko, iyan ba ang napulot mo sa New York at sa Pilipinas? Iyan ba ang itinuro sayo ng Tito Marlon mo at Tita Glenda mo, ang sagut-sagutin ang magulang mo?

Empress: walang kinalaman sina Tito Marlon at Tita Glenda sa issue natin na to! I’ll go ahead!

Aileen: bumalik ka dito Empress, hindi pa tayo tapos mag-usap! Enrico, you better tame your daughter!

Enrico: you stay here Empress, I’m losing my temper now!

Empress: I don’t care, I’ll leave this goddamn house whether you like it or not, and you should like it because you two don’t have any choice. Goodbye!

            Masyado na ba akong nagiging masamang anak dahil sa arrange marriage na yon? Maiintindihan nyo rin ako kapag nangyari ‘to sa inyo. Masyado nilang inuubos ang good side ng pagkatao ko, patigasan na lang kaming tatlo dahil hindi ako makakapayag na hindi si Oliver ang maka-tuluyan ko!




3 comments:

  1. goodness gracious! hotel scene na! update more queen! kakabitin!

    ReplyDelete
  2. iiih bitin nmn ate queen!!!!!! more!!!!!!!

    ReplyDelete
  3. abenemen!!!! bitin much!!! hahaha...

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^