Para sa iyo masungit kong Nanay,
Oh, sigurado ako
aapela ka na agad na hindi ka masungit. Eto seryoso na! You’re one of the best
moms in the whole world for me, and even for my two little brothers. You are
one of the best kasi syempre may magke-claim na the best ang nanay nila, so isa
ka sa madaming mahusay na nanay! Sya tama na ang utuan, madami akong gustong
sabihin sayo na hindi ko masabi ng personal kaya idadaan ko na lang sa sulat.
Well, bata pa lang ako
maganda na ako at alam ko na hindi ikaw ang kamuka ko! hahaha!!! Nainis ka na
naman Mamita!!! Honestly, hindi naman talaga tayo magkamuka eh, si Tita Nora na
kapatid mo ang kamuka ko, tapos yung kamuka mo naman eh yung anak ni Tita.
Hindi kaya nagka-palit kayo ng anak? Pero syempre imposible yun kasi mas
matanda ako sa pinsan ko na yon.
Naaalala mo pa ba nung
bata pa kami ni Tikya, nung kapag ginisang ampalaya ang ulam? Malamang hindi na
‘nay kasi makakalimutin ka eh. Doon ko lang
naman nakuha yung peklat sa noo ko, for sure hindi ko alam kung paano nangyari
yun, kwento ko sayo.
Alam na alam mo na
ayaw naming dalawa ni Tikya yung gulay, lalo na ang ampalaya kasi nga masyadong
bitter pero yun pa rin ang niluluto mo almost every Friday. Ngayon ko nga lang
naisip na buti na lang hindi kumulubot ang mga balat namin eh, sa halip na
kulubot na balat eh mas muka pa kaming bata kesa sa actual age namin. So ayun
nga, bilang ayaw namin ng ampalaya na niluluto mo na saksakan ng pait eh
madalas naming dasalan ang ulam na yan, lagi lang kaming nakayuko sa lamesa at
naghihintay ng himala na sana eh bigla na lang yung maglaho na parang bula.
Nung minsan na naguto ka ulit non eh talaga namang nanlata ako kaya napayuko
ako ng bonggang-bongga sa lamesa natin at sakto naman na sa kanto ng mesa natin
tumama ang noo ko, kaya yun, pingas ang maliit na part ng noo kong maganda.
Somehow thankful ako sa nangyari na yon dahil bihira ka na lang magluto ng
ginisang ampalaya. Hahaha!!!
Madalas mo ring
sabihin sa akin na ang ganda at ang cute ko nung bata pa ako, pero ngayon iba
na ang sinasabi mo, alam mo ba kung bakit? Kasi malabo na talaga ang mata mo at kailangan mo
ng mag-reading glass, hahaha! Saka hindi na nag level-up yung definition mo ng
maganda kaya hindi mo na ako sinasabihan ng maganda. Nakakatampo minsan na
kahit feeling ko eh ang ganda ko eh umaabot sa kalawakan eh hindi mo pa rin
napapansin. Kagaya na nga lang nung first year high school ako, nung sapilitan
akong isinali ng teacher ko sa Science sa pakulo nya na Bb. Kalawakan! Sinabi
mo pa noon na malabo na ang mata ng teacher ko kaya napili nya ako, sorry Mamsi
dahil mali ka ng akala na malabo na ang mata ni Mam Leah. Sa laki ng mata ni
Mam eh sigurado ako na nagandahan talaga sya sa akin, hahaha!!! (wag na kayong
umapela ok!) At Mamita, hindi ko nasabi sayo yung result nung
pageant-pageant-an na yon, I WON!!! Hahaha!!! Second Runner-up ako doon,
akalain mo yun wala man lang akong binigay na effort pero nag-Win-nie Monsod pa
ako! Ibig sabihin non maganda talaga ako. Tapos eto pa, for three years every
summer or season ng mga sagala eh lagi akong kinukuha… yun ba ang hindi na
maganda? My gawd Mamsi, malabo
na talaga ang mata mo! Hahaha!!!
Maiba naman tayo,
nauumay na kasi ako sa kagandahan ko eh! Hahaha!!! Gusto ko lang magpasalamat
sayo kasi naging mabuting nanay ka sa akin pati na rin sa mga kapatid ko. You
let me choose where school I want to study, it just happen that we both like
BulSU. Thank you din dahil hinayaan mo rin akong pumili ng course na gusto ko,
but I end up choosing BS Math rather than my first choice na Mass
Communication. Hindi mo naman kasalanan yon eh, kasalanan yon nung Student
Teacher namin nung high school pa ako. She told me na walang Mass Com sa school
na yon so I decided to choose another course, pero nagulat na lang ako nung
nagpapa-medical na ako eh isang Mass Com student ang nakasabay ko, leche lang
talaga. Pero thankful naman ako sa nangyari na yon dahil nakilala ko ang mga
super friends ko, saka kung natuloy ako sa Mass Com eh baka itinakwil nyo na ako
dahil saksakan na ako ng arte ngayon, hahaha!
Oo nga pala, salamat
din dun sa pagpunta mo sa school ko noong high school pa lang ako hindi para
sabitan ng medal or any kind of award. Alam kong thankful ka din sa nangyari na
yon dahil hanggang sa ngayon eh ako pa lang ang nakakagawa nun sa aming tatlo,
hahaha! Salamat at pina-unlakan mo ang imbitasyon ng Adviser ko nung fourth
year ako dahil sa isang kasalanang aking ginawa, ang magpakopya sa classmate
kong pogi…hahaha!
Ahmm, ano pa nga ba?
May gusto nga pala akong itanong sa inyo ni Tatay eh… bakit feeling ko eh ayaw
nyo na magka-jowa ako? Eh kasi everytime na sasabihin ko na type ko si ganito,
si ganyan eh lagi kayong kumokontra? Hindi naman sa ako ay nagda-drama pero
bakit parang ang higpit nyo masyado sa akin? Oo, nag-iisa nyo akong anak na
babae (confused ako kung babae nga ba talaga ako) pero bakit parang may balak
yata kayo na ipasok ako sa kumbento? Nay, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa
inyo na walang tatanggap sa akin. Sa totoo lang, hindi ko nga maramdaman na
dalaga na ako at kumikita ng sariling pera kasi hindi ako yung nakaka-punta sa
gusto kong puntahan kasama yung mga tao na gusto kong makasama. Hindi naman sa
hindi ako nag e-enjoy o masaya kapag kayo ang kasama ko, syempre nagdadalaga ako
at sa tingin ko kailangan ko rin namang i-explore ang mundo na malayo sa
kinalakihan at nakasanayan ko. Gusto ko sana na mag-boarding house na lang
kahit na ilang buwan lang para lang ma-experience ko ang maging independent
kahit sandali, pero hindi ko naman magawang magsabi sa inyo dahil syempre pa
alam ko na ang sasabihin nyo… MAGTIGIL-TIGIL KA NGA LANG!!! Naiintindihan ko
naman kayo ni Tatay, pero minsan kasi talagang nakaka-tampo lang, para kasing
wala kayong tiwala sa akin na parang lagi akong may gagawing katangahan para
mapahamak ako. You both treat me like a baby, oo isip-bata ako pero alam ko
naman ang makakabuti at hindi sa akin. Kung may magagawa man akong mali ,
paninindigan ko naman yon.
Maiba na nga ulit
tayo… Today is your day, at nandito ako ngayon sa trabaho ko at walang makain… Flores nga din pala, tiran nyo ako ng makakain ha!
Oo nga pala, nagtatampo
ako sayo ng sabihan mo ako na wala akong kwentang anak, na walangya akong anak
dahil lang sa hindi ako showy at palasabi na nag-aalala at mahal ko kayo… hindi
naman kailangang sabihin pa yon eh, ok na yung alam ko sa sarili ko na mahal ko
kayo at super mahalaga kayo sa akin. Sobrang nasaktan ako ng sabihin nyo sa
akin yon, parang biglang naiba yung pagtingin ko sa sarili ko, parang napaka-walang
kwenta ko ngang tao dahil sariling magulang ko na ang nagsabi sa akin non! Alam
kong wala ako na kahit na anong karapatan na magtampo o magalit, but I can’t
help it to feel that way. But don’t worry; I’m really trying my best to forget
that it does happen.
BASTA PARA SA AKIN THE
BEST KAYO, KAYO NI TATAY DAHIL NAIBIGAY AT IBINIBIGAY NINYO ANG LAHAT NG
PANGANGAILANGAN NAMING TATLO. HINDI NYO MAN MINSAN MAINTINDIHAN ANG TAKBO NG
UTAK KO (kasi nga tingin ko eh bipolar ako at hindi nyo yun alam) EH
NAPAPAG-TYAGAAN NYO PA RIN AKO.
HINDI KO MAN MASABI SA
INYO NG PERSONAL NA MAHAL KO KAYO AT SOBRANG IMPORTANTE NYO SA AKIN EH, YUN
TALAGA YUNG NARARAMDAMAN KO. LUMAKI KASI AKO NG GANON EH, KASI GANUN YUNG
NAKIKITA KO SA INYO.
HAPPY MOTHERS DAY!!!
PS
-nay naman, pumayag na kayo
na gumora kasama yung mga
kaibigan ko na hindi mo pa nakikita
ng personal…mabait naman sila eh…
payagan nyo na rin ako ni Tatay na
makipag-date kay _____ minsan,
minsan lang naman to, hindi
naman araw-araw… ha!!! Payag
na kayo ha!!!
Ang MAGANDA mong anak,
ICHE!!!
aww! ang sweet! si mudra ko hindi ko magagawaan ng ganito dahil tamad magbasa online yun. pero ang sweet mo espren! >__<
ReplyDeleteps. yung sa ps mo ba, kami yung tinutukoy mong mga kaibigan mong hindi mo pa nakikita??? ahahaha!