6: Mango, Dinuguan, Strawberry and
Chocolate Almond Ice Cream
PRESENT
TIME
AT
PARLAND MALL
Grabe lang ang babae na ‘to! Nag-away na naman siguro sila ni
Oliver kaya ang kawawang manga ang napag-balingan ng galit nya sa mundo, at wag
kayo pati dinuguan eh hindi pinatawad. Yuckness lang nitong isa na ‘to, tama
bang gawin na parang puto ang manga kung isawsaw sa dinuguan, yuuuuuuccckkkk
lang talaga!!!
Billy: magsabi ka nga Mrs. Empress Roxas, buntis
ka ba?
Empress: a-ako? A-ako buntis???
Eh di ako na natigilan sa tanong na yon ni Belinda! Kahit
kailan hindi pumasok sa utak ko na buntis ako kahit na three months na akong
hindi nagkakaron ng dalawa. Ewan ko ba sa period ko, kung kailan dapat mas
maging regular na ang period ko dahil may kambal na akong anak saka naman
nagulo ng jabongga!
Empress: three months na akong delayed pero alam
kong hindi ako buntis. Madalas naman na delayed ako after I gave birth to
Xandra and Xander.
Billy: ikaw lang ang kilala ko na naging
irregular ang monthly period after giving birth. Pero kung hindi ka buntis, ano
na naman ang problema nyong dalawa ni Mr. Oliver Roxas at ganyan na naman ang
drama mo!
Empress: wala naman, bigla lang akong nag-crave sa
manga at dinuguan. Saka masarap naman to eh, try mo pa.
Billy: ay nako, ayoko namang maging maitim na
parang dinuguan ang anak ko at kasing asim nyang manga na yan ang muka nya.
Thank you na lang, iyong-iyo na yan!
Empress: buntis ka na naman? Balak nyo pang mag-buo
ng isang volleyball team?
Billy: kung ako lang ang masusunod ayoko na
talagang mag-buntis, pero yung magaling mong pinsan eh ang galing
maka-bullseye!!!
Empress: why don’t you try to use contraceptives?
Billy: bakit ikaw gumagamit ka ba non, hindi rin
naman diba? Nakakatakot kasi yung mga possible side-effects nun, that’s why it
never crosses my mind, I want a natural way of family planning.
Empress: so anti-RH bill ka pala, don’t worry at
pareho lang tayo. Ilang buwan na ba yang nasa tyan mo?
Billy: three months na, if ever na buntis ka din
baka sabay pa tayong manganak nyan. Hahaha!!!
Baliw din ang isa na to eh, sinabi na ngang hindi ako
buntis tapos parang gusto pa na sabay kaming manganak! Pero paano nga kung
totoong buntis na ako ngayon? Nung mga nakaraan kasi na na-delayed ako akala ko
buntis na naman ako, pero false alarm lang naman pala!
Empress: ayoko na nito, dun naman tayo sa Spoonfulls!!! Gusto ko ng chocolate and strawberry ice cream.
Billy: hindi ka pa talaga buntis nyan ha, dinaig
mo pa ako kung mag-crave.
Empress: ano ka ba naman Belinda, buntis lang ba
ang may karapatan mag-crave ng bongga?
+++++++++++++++++++++++++
FLASHBACK
Hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin,
isipin at maramdaman sa mga nangyayare. Umalis ang fiancée ko ng meron kaming
misunderstanding, ng walang malinaw na usapan kung ano ang estado ng relasyon
namin ngayon, kung babalikan pa ba nya ako o kung tuluyan na syang magpapakasal
sa anak ng kaibigan ng parents nya.
Nathan: Kevin Oliver ano bang nangyayari sayo?
Alam kong mahirap ang pinag-dadaanan mo, pero utang na loob naman, wag mo
namang pabayaan ang mga trabaho mo dito sa restaurant natin. Kung sa tingin mo
ay hindi mo kayang mag-focus sa trabaho, I think it’s more convenient if you’ll
have a break.
Eh
kung makikita nyo lang ang before and after image nitong lalake na to eh
sigurading mawiwindang kayo. Aba, konti na lang ay malapit na nyang talunin
yung itchura ermitanyo look ni Bi Dam sa Queen Seon Dok! Sobrang gulo lagi ng
buhok kapag pumapasok, akala mo nung gumising dito na agad dumirecho, wala ng
ligo-ligo. Tapos tinutubuan na rin ng bigote at balbas ang dati nyang
maaliwalas na muka, ka-panget pa lang ma-depressed nitong si Kevin. Taraklis
naman kasi si Empress Aiko Madison bigla-bigla na lang umaalis tapos hindi man
lang sinabi kung babalik pa ba sya o magpapaka-buro na sya ng tuluyan sa
America.
Oliver: I think you’re right dude, mukang kailangan ko talaga ng break!
Nathan: anong ‘MUKANG KAILANGAN’ ka jan, kailangan mo talaga. Animal ka, malulugi ang resto natin kapag hindi mo inayos yang buhay mo!
Oliver: hanggang kailan ba ang bakasyon ko?
Nathan: two weeks is enough!
Oliver: two weeks lang? Ang bilis naman non dude, pagpunta pa lang sa US two days na eh.
Nathan: so balak mong sundan ang lukaret kong pinsan sa America?
Oliver: yeah, I just want to clear things to her. Gusto ko lang malaman kung may babalik pa ban g Empress Aiko Madison dito sa Pilipinas, kung itutuloy ko pa rin ba yung mga nasimulan kong preparation para sa kasal naming dalawa.
Nathan: alam mo ba kung saan sya tumutuloy ngayon?
Oliver: hindi, pero malamang alam nyo nila Tito kung nasaan sya ngayon.
Nathan: hoy Oliver, wag kang mag-bintang jan dahil wala kaming kinalaman sa biglaan nyang paglayas dito sa Pinas.
Oliver: kalokohan mo pare, hindi iyon ang ibig kong sabihin. For sure alam nyo ang address ng parents nya diba!
Nathan: wala akong alam, at lalong wala akong pakelam sa parents ni Empress!
Oliver: galit ka?
Sino ba naman ang hindi uusok ang ilong dahil sa sobrang sama ng ugali ng Mama ni Empress. Hindi ko nga alam kung anong masamang espiritu ang sumanib kay Tita Aileen at ganun kasama ang ugali non! Sa tatlong kapatid ni Daddy bukod-tanging sya LANG ang masama ang ugali, isama mo pa yung pagiging gahaman sa pera. Nakapag-asawa lang ng Kano lalo pang naging mayabang, tadjakan ko pa asawa ni Tita Aileen eh.
Nathan: obvious ba? Hindi ako nagtaka kung bakit nilayasan ni Empress ang parents nya after nyang dumalaw sa kanila.
Oliver: hindi in good terms si Empress at ang parents nya? Oh well, we have a lot of things in common. You know my story, hindi ko rin kasundo ang parents ko.
Nathan: ewan ko bas a inyong mag-syota kayo, masyadong masalimuot ang love-story nyo!
Oliver: nagsalita ang hindi masalimuot ang love story! Kaya pala umiiyak ka ng malaman mo na wala na si Billy dito sa Manila at tinangay na nung Alfred na mas gwapo pa sayo!
Nathan: are we friends here? Sa pagkaka-alam ko
kasi tayo ang mag-kaibigan pero bakit parang mas kinakampihan mo pa ang kumag
na Alfred na yon?
Oliver: joke lang yon dude! Pero seryoso, two weeks lang ba talaga?
Nathan: kapag lumampas ng two weeks ang bakasyon mo, mababawasan din ang kita mo ng pang-two weeks!
Oliver: ok na yung two weeks, kaya ko ng ayusin ang lahat ng dapat ayusin non.
+++++++++++++++++++++++++
FLASHBACK
Enrico: you come back here Empress Aiko Lopez Madison!
Kainis, kailangan pa ba talaga akong tawagin sa buo kong
pangalan para lang mapa-sunod nila ako sa gusto nila na wag akong umalis ng
lecheng bahay na to? Kapag kasi tinawag na ako ni Daddy sa buong pangalan eh
talagang galit na yan. Kahit naman na masama akong anak, kahit paano naman ay
may natitira pa naman akong kabaitan sa katawan.
Empress: what? Wala naman na tayong pag-usapan pa diba? We’re just talking non-sense here, so why would I waste my time here?
Enrico: follow me at the library, may mahalaga tayong pag-uusapan.
Aileen: I’ll come too.
Empress: epal!!!
Enrico: no! kaming dalawa lang ng anak ko ang mag-uusap!
Aileen: sasama ako sa inyo sa library!!!
Enrico: damnit!!! When I said no, I mean no!!! you’re just making the situation worse.
Aileen: whatever Enrico!!! Magsama kayong dalawa na parehong pasaway.
Halata ba na mas close at kasundo ko ang Kano kong ama kesa sa Pinay kong nanay na kapatid ng mabait kong Tito na si Tito Marlon? Ako na, na anak nya ang nagsasabi sa inyo na hindi naging mabuting ina ang Mama ko. Wala syang ibang alam kundi ang makipag-sosyalan sa mga kapitbahay nila na may mga sinabi sa buhay. Hindi naman sa wala kaming kaya, yun nga lang hindi naman kami yung tipo ng may kaya sa buhay na pwedeng makipag-sabayan sa mga kapitbahay namin.
Enrico: have a sit Aiko. Now that we’re alone here, I have a chance to tell you the whole story why we plan all of this.
Empress: so bakit nga po ba gusto ninyo akong magpakasal sa kung sino mang Poncio Pilato na anak ng kapitbahay ninyo?
Enrico: I and his father made a packed.
Jusko naman, hanggang dito ba naman sa America uso pa rin ang mga compact thing na yan. Akala ko nung namaalam sa mundong ibabaw sila Bonifacio nabaon na rin ng six-feet under the ground ang idea na compact na yan!
Empress: anong klaseng packed naman po ang ginawa
ninyo?
Enrico: may itinayo kaming negosyo at baling
araw, kapag mag-asawa na kayo ay kayo na ang magpapatuloy non. We took risk
dahil hindi namin alam kung magkaka-sundo ba kayo ng anak ng kaibigan ko. Ng
malaman ng anak nya ang plano namin ay agad syang umalis ng America at hindi
man lang sinabi sa mga magulang nya kung saan sya nagpunta.
Empress: eh yun naman po pala Papa, wala naman na
dito yung anak ng kaibigan ninyo pero bakit pinipilit nyo pa rin ni Mama na
magpakasal ako sa lalake na yon? I really don’t get it! Saka, ano naman ba kasi
ang kinalaman namin jan sa business ninyong dalawa ng kaibigan mo Papa?
Enrico: noong una wala, pero ng magsimulang
malugi ang negosyo na tinayo namin ay meron na. Ang Mama mo ang dahilan ng
pagkalugi ng negosyo namin.
Empress: yun naman po pala, eh bakit ako ngayon
ang ginigipit ninyo? I have my own life to live; I have my own decisions to
stand and to believe.
Enrico: pero hindi mo naiintindihan Aiko. Kapag hindi ka nag-pakasal sa anak nila ay kukuhanin nilang lahat ng meron kami ngayon, ang bahay, lupa at ang mga gamit sa loob nito. You know you’re mom can’t live without all of those stuffs.
Empress: eh how sure are you na gusto rin akong pakasalan nung anak ng kaibigan nyo? Eh diba nga nilayasan nya rin yung parents nya?
Eh di si Papa na ang biglang natahimik! Well, kung sino man ang nakaka-kilala dun sa anak nung kaibigan ni Papa eh pakisabi na lang na ‘thank you’! Kung minsan talaga may naidudulot na maganda sa ibang tao ang ginagawa nilang mali sa paningin ng iba.
Enrico: wala rin naman magagawa ang anak ng kaibigan ko kapag inutos nya sa anak nya na pakasalan ka!
Empress: pero Papa, pumayag man ang anak nung kaibigan nyo o hindi ay hindi na ako pwedeng pakasalan ang lalake na yon!
Enrico: are you married already?
Empress: ikakasal na po ako sa lalake na totoong mahal ko at mahal ako.
Enrico: and how about me and your mom?
Oo nga naman, paano na lang ang parents ko? Parang ang selfish ko naman masyado kung ang gusto ko lang ang susundin ko, pero buhay ko naman to diba at ako lang ang may karapatan na magpatakbo nito. Pero hindi ko rin naman kayang nakita na nahihirapan ang parents ko, oo kumikita ako at ang business na itinayo ko sa Pilipinas but I think that’s not enough para buhayin ang maluho kong ina! Kahit naman hindi ko kasundo si Mama, ayoko pa rin naman na maghirap sya, pero paano naman ako gaganahan kung wala naman syang ibang alam gawin kundi ang makipag-susyalan sa mga kapitbahay nya? Mas mabuti pa nga yata kung ang naging bisyo na lang nya eh yung Casino sa Nevada kesa naman sa pakikipag-plastikan sa mga so-called amiga nya!
+++++++++++++++++++++++++
PRESENT
TIME
AT ROXAS
RESIDENCE
Xandra: daddy, punta tayo sa mall before we go
home.
Oliver: no we can’t baby, I’m so worried about Mommy.
Xander: we know that Mommy is acting strange laltely but she assured us that she’s fine diba?
Oliver: she just said that because she doesn’t want us to be worried, so we must go home now.
Xandra: but Daddy I want to go to the mall.
My goodness, bakit ba ganito kakukulit ang mga anak ko? Kanino ba talaga nagmana ang kambal, sa akin ba o sa asawako?
Xander: please Daddy, we want to play at TimeZone.
Oliver: I’m so sorry but I can’t grant your wish, we better go home now.
Xandra: but Mommy asked me and Xander to buy her a strawberry and chocolate almond ice cream, and we can only buy those flavours at the mall.
Ang hirap din pala magkaron ng mga anak na masyadong matalino at mabilis mag-isip! Eh ano na ngayon ang idadahilan ko nito? Naman, kailangan na talaga naming maka-uwi dahil nag-aalala na ako sa asawa ko dahil sinusumpong na naman sya ng pagiging moody nya.
Xander: that’s right Daddy, Mommy asked us to buy those ice creams.
Oliver: no! We better go home na, let’s go! Hindi sinasagot ng Mommy nyo ang mga tawag ko, I drop dead worried about her.
Ganun ba talaga ang mag-asawa, kapag hindi sinasagot yung tawag dapat mag-worry na agad? If that so, I don’t want to get married anymore most especially kapag katulad ni Mommy na topakin ang magiging asawa ko. They are so hard to deal with, girls are so unpredictable.
Xandra: daddy can you slow down, I have a lot of dreams that I want to fulfil eh?!
Oliver: I’m sorry baby, Daddy is so worried lang talaga to your mom.
Xander: and to our own safety you’re not? Daddy we still want to grow old, I still want to have a lot of girlfriends.
Anak ko talaga si Xander Kevin, gusto pang magkaron ng maraming girlfriend eh, ang bata pa pero pamba-babae na agad ang nasa isip! Anak ko yan, anak ko yan!!!
Xandra: I’ll pray that you’ll found someone like Mommy, para maging katulad ka na rin ni Daddy na good boy.
Xander: whatever Xandra Aiko Roxas!!!
After a few minutes ay nakarating na rin kami sa bahay ng ligtas. Nagmamadali akong pumasok ng bahay at dumirecho sa kwarto namin to check if nandoon ang asawa ko, pero wala sya doon! Oh no! hindi kaya nilayasan na naman nya ako katulad ng dati?
Oliver: Yaya? Yaya!!! Ya nasaan ang Mam Empress mo?
Yaya: ay naku sir, nakita ko lang po na paalis po sya kanina pero hindi naman po nya nasabi kung saan sya pupunta at kung anong oras sya babalik.
Oliver: hindi kaya nilayasan na naman nya ako?
Yaya: ay sir hindi naman po siguro.
I thought we girls are the one who thinks so advance, even guys din pala. Daddy is so funny. Ang naisip nya agad is nilayasan sya ni Mommy, as if Mommy can live without him. Sometimes guys become so stupid because of what they called LOVE.
Xander: Daddy, hindi ka naman nilayasan ni Mommy. Look…
Xandra: don’t be too praning Dad, baka naman po gumala lang si Mommy and she bought herself those ice cream that she wanted to eat.
Ano ka ngayon Oliver, nasabihan ka pa tuloy ng anak mo na ‘praning’! Hindi mo muna kasi tiningnan yung mga gamit nya bago ka nag-conclude, pasalamat ka at matalino ang mga anak mo. Pero saan ba kasi nagpunta ang magaling kong asawa? Basta-basta na lang umalis ng bahay at hindi man lang sinabi kung saan pupunta, hindi ba nya naisip na nag-aalala ako sa kanya? Tapos hindi man lang sinasagot ang mga tawag ko, malapit na talaga akong magkaron ng sakit sa puso ng dahil sa sobrang pag-aalala sa kanya.
ginutom namen aq s title ate queen! ayun mas mhba ung ud! sulit ang paghihintay q! hihhhihhi!
ReplyDeletenice one..thanks sa update gwing!!!!
ReplyDeletenakakaloka ang mga event haha..
Sis galing galing..SHEDNIZ08
ReplyDeleteate pls!!!!!!!! update n po!!!!!!!!!!
ReplyDeletei so love this!!.. ang cute tlga ng story!!..grabe!!.. update na po ate,maawa ka!.. haha
ReplyDelete--DemiDoLL