Wednesday, May 23, 2012

My Love, My Heart : Chapter 3



“A penny for the thoughts of the lovely lady”


Iyon ang tinig na nagpaangat sa paningin ni Ayesha mula sa binabasang monthly report na isinumite ng accounting department nila.


Gayon nalang ang gulat at sayang rumehistro sa mukha ng dalaga ng mapagsino ang bisita.



“Mikael!!!!” tili ng dalaga at agad yumakap dito.


“I miss you Yesha” ganting yakap din nito.


“I miss you too”


Iginiya niya ito paupo sa nakalaang sofa sa loob ng opisina niya at pinindot ang intercom na nagkukunekta sa secretary niya.


“dala ka naman ng food dito sa loob. Thanks” aniya sa sekretarya at tinabihan sa sofa si Mikael.


“So kelan ka pa dumating?” tanong niya sa binata at naglalambing na yumakap dito.


“kahapon lang…at madami akong pasalubong sayo..hindi ko kasi alam kung anong gusto mo eh kaya binili ko nalang lahat ng nakita ko... Kaya lang hindi ko na dinala dito para mapilitan kang pumunta ng bahay” nakangiting sagot nito.


Napangiti naman si Ayesha sa sinabi ni Mikael.


Mikael Jacob Suarez is the son of her parents’ friends JM and Jake.


Isa siyang piloto kaya bihira lang ito mapirmi ng bansa.


But he is Ayesha’s god brother.


At dahil halos magkasing edad lang sila ay talagang close silang dalawa.


Actually lima silang magkakaibigan talaga at magkakababata.


Siya, si RJ, ang magkapatid na Zyra at Mikael at si Christian.


Si Zyra ang pinakamatanda sa kanila, sumunod si RJ at silang tatlo naman nila Mikael at Christian ay magkakasing edad.


Pero dahil sa America nakabase ang pamilya ni Christian kung saan nandun ang mommy nitong si Maddy at amang si Ivan ay sa America na halos lumaki ito.


Si Zyra naman ay naging busy sa career nito bilang pocketbook writer.


At magmula ng maging piloto si Mikael ay bihira na din nila itong nakakasama.


Kaya tuloy silang dalawa ni RJ ang palaging magkasama.


Si Mikael at RJ ang mako-consider ni Yesha na bestfriend buong buhay niya.


They had been through thick and thin together.


Although RJ and Mikael are very different from one another.


Si RJ kasi yung tipong super kulit, mapang-asar,.


He is an arrogant, over perfectionist, and tries so hard to act tough. Full of confidence sa sarili ,arrogant, conceited and maraming babae. Masyado kasing habulin ng mga girls at pa-girls. Although she know that it’s just RJ’s front to everyone.


RJ is a sweet and thoughtful bestfriend. Yun nga lang nakakasar talaga minsan.


While Mikael or MJ is the complete opposite of RJ.


He’s calm, rational and have a gentle personality. Napakatahimik at talaga namang napakabait. Pero wag ka may itinatagong kalokohan din yan sa katawan.


Sino ba namang lalaki ang wala diba?


Pero kahit sadyang magkaiba silang dalawa they have one thing in common.


Me.


+ + + + +


“Hey RJ…guess who kung sinong nandito ngayon” sabi ko pagkasagot ni RJ ng telepono.


Nakaalis lang kani-kanina si Mikael kaya naman tinawagan niya agad si RJ.


“Sino? Si Osama Bin Laden?”


“Baliw.. hindi noh!”


“Si George Bush? Si Obama?”


“Pwede ka bang magseryoso kahit minsan lang?”


“Seryoso ako…sino nga ba? Yung crush mong si Ian Somerhalder?”


“Well…nope..pero kung sakaling siya yung nandito it’s not a bad idea” kinikilig na sabi ko.


Hallerrr??? Ian Somerhalder yun…ang ultimate crush ko ever since napanood ko yung TV Series niyang Vampire Diaries….sino ba naman ang hindi magkakagusto dun eh talaga namang napakahot at gwapo niya.


“Sus! Mas gwapo at mas hot naman ako dun eh”


Kahit na hindi nakikita ni Ayesha ay alam niyang nakapout si Rence habang sinasabi ang mga salitang iyon.


“Ang kapal talaga nitong lalaking ito…feeling mo naman noh!”


“Nagsasabi lang ako ng totoo….anyway sino nga ba ang dumating at kailangan mo pa akong istorbohin sa gintong oras ko?”


“Gintong oras ka dyan!!! If I know naglalaro ka lang ng Temple Run eh!”


“Excuse me!!! Hindi kaya Temple Run ang nilalaro ko…Clickomania!!! Bwahahaha”


Hay naku kahit kelan talaga adik itong si Rence. Mababaliw ako dito sa lalaking ito. Paano ko ba napagtyagaan na makasam ito sa matagal na panahon?


“Bahala ka sa buhay mo…as what I’m saying…si MJ ang dumating” puno ng excitement ang boses ko nung sinabi iyon.


“Sinong MJ? Michael Jordan?”


“Hindi”


“Michael Jackson???”


“Adik!!! Pati nananahimik dinadamay mo eh”


“Eh sino nga ba kasi?! I don’t have time for guessing games…may hinahabol akong top score”


“hay naku ka Rence!!!..si MJ..as in Mikael”


“Sinong Mikael?”


“Halleeerrr??? Mikael Jacob Suarez…si MJ” tuwang-tuwang sabi ko.


Pero kabaligtaran naman ang kay Rence. Biglang nag-iba ang tono ng boses niya.


“So inistorbo mo ang gintong oras ko para lang sabihin saking nandito si Mikael sa bansa? Bakit? Tapos na ba siya makipaghabulan sa mga eroplano?”


Ano naman kayang problema nitong si RJ? Alam ko hindi sila magkasundo ni Mikael pero siya lang naman ang ganun ang treatment kay Mikael eh…


Mikael is nice to him pero siya pinapagana niya ang pagiging arrogant niya.


“Arent you glad to know he’s here?”


“Why should I?”


“FYI Rence Jeirick Montealegre..Mikael is our friend”


“Yeah right! Your Friend” sarkastikong sabi nito.


“Rence Jeirick!!!”


“Okay fine!!! Our friend”


“So be a good guy okay? May party sa house nila on Saturday. Make sure you’ll be there”


“I can’t promise. I think I have a scheduled meeting that day”


Halata namang nagdadahilan lang si Rence eh kaya hindi ko siya pinaniwalaan.


“Hay naku Rence tigilan mo ako at di uubra sakin yang sinasabi mo okay? I know you better than that….Saturday night…I’ll see you there okay? Bye!” at ibinaba ko na ang telepono.


Hindi ko maintindihan kung bakit hindi magkasundo ang dalawang mahalagang lalaki sa buhay ko.


Bahala nga sila sa buhay nila. Ang mahalaga eh magkaroon ng truce ang dalawa kapag kasama ako.


= = = = =



5 comments:

  1. MJ! si mikael! naku yan na yung guy dun sa monster couple! nanjan na siya! ipaglaban mo si ayesha rence! go go go!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha...pansin niyo mga connected sa isat-isa ang mga characters ko haha

      Delete
  2. ayun na si mikael. i think mbait nmn xah eh! yun nga lng, c ayesha ay pra kei rence at wla ng iba!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang tagal ko na palang walang update nito.

      Delete
    2. yup ate.. ilang dekada na ang nakalipas.. haha..

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^