Sunday, May 20, 2012

Missing Voice - Chapter 1

Unmasking the Princess



"Tignan mo mga anak na'tin, bagay na bagay talaga sila." - Eliza


"Oo naman Mare. Ang ganda ng anak mo, ang gwapo ng anak ko. Meant to be talaga sila." - Minda


"Ahoy!! Kayo 'dyan. Halina kayo, malapit na magbagong taon!! Dalhin 'nyo na ang mga bata dito." - Enrique


"Hala sige Mare, kunin na na'tin ang mga bata." - Minda


"Panira naman 'yang asawa mo sa moment ng mga bata. Nagsasaya eh." - Eliza


Nagtawanan ang dalawa at gaya ng nasabi, pinatigil na nila ang mga 7 years old na batang Rikka at Micko sa paglalaro ng buhangin sa pangpang ng dagat.


"Anak... halika na kayo, malapit na tayo mag-fireworks." - Minda


"Fireworks? Mommy, ano 'yung fireworks?" - Rikka


"Ayun 'yung makukulay na ilaw sa langit. Halika, pasok na tayo sa loob."


Hinatak ng batang Miko ang batang Rikka at tumakbo papunta ng beach house.


"Walang kahirap-hirap pilitin. Sila na ang nauna." *SIGH* "Napakalapit talaga ng loob ng isa't isa." - Eliza


"Tama ka 'dyan Mare. Mabuti na lang at alam at gusto ng anak ko na makakakita ng fireworks." nagkatinginan ang mga ina ng batang Rikka't Miko at nagkangitian. "Sunod na tayo sa kanila Mare." aya ni Minda at magkahawak baiwang na nagtungo sa beach house.


~


"5~!"


"4~!"


"3~!"


"2~!"


"1~!"


"HAPPY NEW YEAR!!!"


"Anak! Jump na dali!" Eliza/Minda


Nagkatingin ang sabay na nagsalitang Eliza at Minda.


"Sabay sila Mommy!" Rikka/Miko


Nauwi sa tawanan ang mag-iina at sabay-sabay na nanuod ng fireworks display.


7 Years Later (Rikka's POV)


"Sorry sa paghihintay!"


"Bakit ka naman natagalan? Baka ma-late tayo, alam mo ba yun?" pagalit sa'kin ni Miko


"Hay nako, MIKOlangot sa ilong, GOOD MORNING!" sabi ko sa kanya, hindi 'man lang kasi ako batiin ng good morning.


Tumingin siya sa'kin ng nakakaloko at bigla na lang ako kinulong sa mga bisig niya. "Ikaw talaga! Aga-aga, ayan ka nanaman sa MIKOlangot sa ilong na 'yan!"


Natatawa na lang ako sa ginagawa niya sa'kin. Araw-araw na lang ganito kami kapag susunduin niya ako sa bahay.


"Young master, magugusot po ang uniform ni Lady Rikka." paalala ni Ate Yola kay Miko.


"Hahaha~ oo nga naman, MIKOlangot sa ilong. Ang uniform ng napakaganda mo'ng Riku." sabi ko sa kanya ng may sarkastikong tono.


"Ayy... pasalamat ka at kaylangan mo ng maayos na uniform, 'kundi--" pinutol ko na ang sinasabi niya.


"Kung hindi, pipisain mo ako sa hug mo? Aysus... pwede ka naman kasi magsabi, bibigyan kita ng hug! Gumagawa ka pa ng ibang paraan." tukso ko at may tusok-tusok pa sa tagiliran.


"Nako! Ikaw babae ka! Bakit sa'kin ka lang ganyan? Hmp~" sabay kurot niya sa pisngi ko.


"Gusto sila din iha-hug ko? Ikaw din..."


"Haha~ hmm~!" habang nakakurot siya sa pisngi ko, dinikit niya ang ilong niya sa ilong ko at tsaka binrush-brush. "Syempre gusto ko sa'kin lang! Sa'kin lang naman ang Riku, 'd ba?"


Ngumiti ako sa kanya kinurot ko 'rin siya sa pisngi.


"A-aray~! May kuko ka, Riku!" reklamo niya.


"Bakit? Wala ka'ng kuko? Hahaha~" pabalang ko'ng sagot.


"Ibig ko'ng sabihin matalas mahahaba ang kuko mo. Masakit."


Narinig na lang namin na nagtatawanan na si Ate Yola at 'yung driver ni Miko, napalingon kami sa kanila.


"A-ah, sorry po, young master." - Ate Yola


Natahimik naman 'yung driver ni Miko. Nagkatinginan kami ni Miko habang nakakurot sa magkabilaang pisngi ng isa at kami naman ang tumawa.


"Hahahaha~"


"It's ok, Ate Yola. Nakakatawa naman talaga kami eh, 'd ba, Miko?"


"Haha~ yes, Riku!"


Nakarating na kami sa parking ng school kaya nag-ayos na ako ng uniform at ganon na 'rin si Miko. Pinulbusan ko na lang ang pisngi niya para mabawasan ng kaunti ang pamumula.


At katulad ng araw-araw na nangyayari, nagtitilian ang mga babae at crowded ang gate entrance pagkababa namin. Magkatabi kami'ng naglalakad at sabay na nakikinig sa bulungan ng mga kapwa namin estudyante.


"They're perfect."


"Sinabi 'nyo pa..."


"Sana ako na lang si Princess Rikka~"


"Pangarap na lang talaga si Princess Rikka."


"Wala na ata makakapagpahiwalay sa Royal Couple na 'yan."


Lihim kami'ng tumatawa ni Miko pagdating namin sa isang room na nakapangalan samin dalawa.


"Everyday na lang." - Miko


"Sinabi mo pa! Hahaha~"


"Nakakatawa talaga sila."


"Anyway, kita na lang tayo dito mamaya! Kasama ko na ang bestfriend mo'ng tomboy at si Rick!" sabi ni Miko habang hawak ang door knob.


"Yeah. See yah!"


"Yeah."


Nakalabas na siya at pinapanood ko na lang ang likod niya na palayo sa kwarto na 'to.


"Walang magpapahiwalay samin, huh? Hahaha~"


Natatawa na lang ako mag-isa dahil sa pag-alala ng narinig ko kanina. Fail naman kasi sila. Nakalimutan ba nila na hindi naman kami magkaklase ni Miko?


Miko is being himself at ako nagtatago sa isang human skin. Bakit nga ba kasi hindi ko maipakita ang tunay na ako at tunay na gusto ko?


Kinuha ang notes ko sa cabinet ko at pagkalagay ko ng mga 'yon sa bag ko, lumabas na ako at nagpunta sa room 101.


Pagkadating na pagkadating ko sa room, may lumapit sa'kin.


"Princess Rikka, pinapatawag po kayo sa office, may nagpunta po kanina." sabi sa'kin ni Jenna at may inabot na sulat from the main office.


"Salamat." cheerful na sabi ko sa kanya at inilapag ko na ang bag ko sa upuan ko.


Galing sa CEO ng school namin ang sulat na natanggap ko. Matapos ko basahin ang nakasulat, maala prinsesa ako'ng tumayo mula sa pagkaka-upo ko at mahinhin na tinahak ang main office.


~


"Tatanggapin mo ba?" paulit-ulit na tanong sa'kin ng CEO ng school pero nananatili lang ako na nakatitig sa kanya.


Matapos siguro ng hindi ko na nabilang na tanong niya, nakasagot na 'rin ako.


"Tinatanggap ko sa isang kondisyon."


Masayang-masayang nangiti 'yung CEO.


"Kahit ano..."


"Gagawin ko ang gusto ko'ng gawin at ililipat 'nyo ako sa room 106 sa kabilang building. Ipapakita ko ang tunay na ako. You don't dare to butt in or else--"


"That's a deal, Ms. Perez. We won't do anything." putol ng CEO sa sinasabi ko.


"Just great. We're done."









2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^