Wednesday, May 23, 2012

Memories : Because He Loves Me - Chapter 7


SEVEN : Not Dumped




Natapos ang gabi ng puno ng kilig.





As in PUNO. Punung-puno po!!!





+ + + Flash Back + + +




"Good evening beautiful lady in blue!! ^___^" kitang-kita ko pa ang mga ngiti nya saakin 'nung gabing iyon.





"Bolero!!! Para saakin ba 'yan???" tanong ko sakanya na patungkol sa isang bouquet ng red roses sa mga bisig nya.




"Hindi!! Para sakin. Binili ko sa sarili ko!!" sarkastikong sabi niya pa.




"Sumayaw ka mag-isa mo!!!" kunwari'y nagtampo pa ako at tinalikuran siya habang naka-halukipkip.




"Hindi na mabiro ang pusa... harap na dito dali." paglalambing nito sa likod ko.




Humarap naman ako at sa gulat ko, napangiti ako...





As in ganito.



^______________^




"Akin ulit 'yan dba? dba? *BLUSH*" pangungulit ko sakanya.




"Alangan naman sakin? ^___^ *TSUP*" hinalikan ako sa noo at tsaka inabot saakin ang bulaklak at isinuot na sa akin ang isa nya pang hawak.




"I told you you're my princess!!! I love you princess. Bagay na bagay sayo ang tiara na 'yan!" sabi pa nito. Dati kasi tawag niya sa'kin, prinsesa... 'nung mga bata pa kami.



Isinayaw niya ako ng isinayaw at matapos na mapagod, hinila nya ako papalabas ng lugar na iyon.




"Saan naman tayo pupunta?? Masakit ang paghatak huh??" tanong ko sakanya na may pagrereklamo na tono.




"Malalaman mo nalang. Sorry!! Buhatin nalang kita na parang bagong kasal gusto mo??" sabi pa nya.




"Ay sus!!! Kapaaalll... dahan-dahan nalang kasi sa paglalakad. Maglalakad ba ang lugar na pupuntahan natin?" biro ko pa.




"Hay nako prinses!! Wala ka talagang sense of humor!! 'wag ka nga mag-joke ng hindi naman nakakatawa!!"




Napaka-sarcastic talaga ng tao na to.




Minsan nga iniisip ko, ano ba nagustuhan ko sa taong to.



Hindi naman gwapo.



Hindi naman matalino.



Hindi naman mabait.






Nakakahibang lang!!!!









Kasi........ MAHAL KO!!!





"Adito na tayo!!!!" sigaw nya na gumising sa nag-iilusyon ko'ng diwa.




"And so??? Anong meron dito sa bench na to??"




"Aissshhht. Shut up!! Just look up!!"




Tumingin ako sa kalangitan at nakita ko ang isang...







"SHOOTING STAR!!!!! Wish tayo dali!!!"




Pumikit ako at nag-wish..




'Sana hindi na sya umalis. Sana hindi na sya bumalik ulit ng ibang bansa. Sana maging masaya kami.' -- Guiella





Dumilat ako at nakita ko ang isang Henry na nakatitig at nakangiti saakin.




"Anong nginingiti mo dyaan??? May dumi ba ko sa muka??" tanong ko... WHAT???




"Ang ganda mo kasi. 'd parin nagbago. Ano nga pala ang winish mo??"




Tumingala ako bago ko sya sagutin. Tinitigan ko ang mga bituin sa kalangitan.



"Tsaka mo na malalaman... basta ang alam ko, masaya ako ngayon na nandito ka sa tabi ko." this time tumingin na ako sakanya. "Ikaw ba???"





"Guiella I love you...." sabi nya in a very serious voice. Makikita mo ang sinsiridad sa mga mata niya.





"Mahal 'din kita Henry!"





Unti-unting naglalapit ang mga mukha namin. Tumatambol na sa galak, kaba, at kilig ang puso ko habang papalapit ng papalapit ang mga mukha namin sa isa't isa.




Nag-init nalang ang buong muka ko nang malaman ko nalang na ang labi nya ay sinasakop na ang mga labi ko. Sobrang saya ng nararamdaman ko.




"Can you be my wife now Guiella???" agad nyang tanong matapos na matapos 'ding paghiwalay sa mga halik.




"Hmmmm...." wari'y pinag-iisipan ko ng mabuti ang isasagot ko sakanya ng bigla sya muling magsalita.




"Hindi kita minamadali Guiella, ang saakin lang ay ayoko nang mawalay pang muli sa piling mo. gusto ko makasama ka habang nabubuhay ako at gusto ko malaman mo na ikaw na mismo ang buhay ko ngayon. Ayoko lang mapako ang pangako ko sayo na hindi ko matago sa sarili ko na gusto ko 'rin namang tuparin. Gusto kita pakasalan Guiella!! Mahal na mahal kita, alam mo 'yan..." sobrang seryoso ng tono nito at animo'y mangingiyak na.




"Yes Chris Henry Ayala!!! I'll be your wife." nasabi ko nalang sakanya dahil sobrang drama nya. Grabe lang!!!




Nagulat ata sya sa mga salitang lumabas sa labi ko at nanlaki ang mga mata nito. Nakatitig lang sya saakin at nagb-blush pa ito.




HANG KYOOOOWWWTTT!!!!!






"Bakit ka nagba-blush?? Kinikilig ka no??? Ayaw mo pa nun?? Tinatanggap ko na proposal mo kahit walang singsing???" pang-iinis ko na nakita ko naman na nakapagpabalik sakanya sa reyalidad.





"Wala ka dyan??? Meron kaya!!! Halika nga dito't payakap muna!!!" yabang talaga nito.





"Alam ko naman kasi na o-'OO' ka na talaga!!! Ikaw pa, mahal na mahal mo ko dba? Kaya mahal na mahal 'din kita eeh!!!" sabi pa nito habang nakayakap parin saakin.. WOOOHHHH!!! Lamig. Mahangin!!!





Pero totoo naman ang mga sinabi nya, papayag 'din naman talaga ako na magpakasal sa kanya kahit na ano pang mangyari.




"Pwesss. Asaan ang singsing mo aber???" nilahad ko ang kamay ko nang abutin nya ito.




"Syempre dapat pormal. xD Kunwari hindi ka pa sumasagot ok?? Kunwari hindi mo pa alam..." at nilabas nya ang pulang hugis pusong kahon na hinugot niya mula sa secret pocket sa loob ng tux niya.




"Ang arte."




"Para nga pormal at romantic!"




"Dali na!!"




"Excited?!"




"Ha-ha-ha. Bawiin ko gusto mo?"




"Sabi ko nga ito na eeh.."





Lumuhod sya sa harap ko at binuksan ang kaninang nakasarado na box. Isang kumikinang sa dilim na diamond ring ang bumulalas sa harap ko.




HANGGGGAAAANNNDDDAAA langggg!!!!! <3333




"Guiella Jean Bronilla... would you be my wife, soon to be Mrs. Chris Henry Ayala's, Mother of my 3 children, till death do us part?" nakakatawa lang ang tono nya.




"Para ka na pari jaan!! Baliw ka!!!"




"Sumagot ka nalang..." mahina at nanggagaling lamang sa gilid ng mga bibig nya na sabi saakin.




"Yes.... I will." sabi ko sakanya at isinuot na nya saakin ang ring.




Nagyakap kami pero may idinuktong pa ako.





"Bakit naman 3?? Tsk. Pahihirapan ako??"



+ + + End of Flash Back + + +









Walang paglagyan ang mga ngiti ko....





Napakasaya ng gabing iyon.

Wala ni isa mang feelings ang namatay nang mawala sya sa piling ko nuong nakalipas na 10ng taon na nawala sya.




Hinding hindi nasayang ang mga luha at hinanakit na idinrama ko 'nung nawala sya.




Mahal na mahal ko talaga ang taong ito. Wala nang maikakaila pa.







4 comments:

  1. ang ganda!!!!!!!!!!!!!!! waaaaahhhhhhhh! wala akong masabi! basta ako na ang kinilig!!!!! galing mo author!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyaaaah. hahaha. mamatay na author nito. LOLS. XD

      Delete
    2. wag! bwal k mamatay! ang gnda na ng story!!!! more po!!!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^