Thursday, May 10, 2012

Kissing Bandit : Chapter 10

CHAPTER 10
(ATASHA ORELLANA POV)


Anti_Kissing_Bandit’s Photos

Album: Masamang Umaga

Description: Compilation of morning updates that ruins my day!



Monday, at 6:30AM
“Anong meron sa scarf?”
Naglalakad lang siya sa likod ng main building, kailangang naka-scarf pa! Ang init-init, pauso ng scarf!
13,458 notes




Tuesday, at 8:00AM
“Kissing Bandit, Gangster Wannabe?”
Ganito ba dapat ang ayos ng estudyante na pumapasok sa TMU?
16,342 notes




Wednesday, at 5:45AM
“Bad start of my day…”
Ang aga-aga pagmumukha na niya agad ang nakita ko! Kakawalan ng gana! Parang yung mukha niya, walang gana!
18,290 notes




Thursday, at 5:40 AM
“Naka-makeup si Laris?”
Nakita ko siya ngayong umaga, naka-makeup! Linchak na yan! Lalaki ba talaga yan ha?
20,338 notes




Friday, at 6:00AM
“Kissing Emo Bandit”
Sana palagi na lang siyang ganyan. Nakayuko para hindi ko nakikita ang mukha niya at hindi nasisira ang araw ko. Ang EMOngoloid niya! Hwahahahaha! XD
23,084 notes





Saturday, June 25 at 8:20AM



Waaaaaah! Ayoko na! five-straight days, pa-grabe ng pa-grabe ang updates ko! Hindi naman pinapansin nung mga tao yung tungkol sa negative captions ko. Yung pictures lang yung gusto nila!



At bawat araw, kada-morning updates ko, libu-libo na agad yung nagre-reblog at nagco-comment!



Pero alam niyo yung masaklap sa trabaho kong ito??? I get to work with him na wala namang bayad! Tapos kung utusan pa ako, akala mo sinuswelduhan ako! Hindi lang yun, required na may morning update dapat kaya nga yan, may morning compilation na sa account ko!



 “Bilisan mo naman!!!” Nasa labas siya ngayon ng room ko at kinakalampag ako. Kahit kasi Saturday ngayon, ayaw palagpasin ang morning updates! “Dali!!!”



“Teka naman!!!” Pepektusan ko na ‘tong lalaking ‘to eh. Pagbukas ko ng pinto… “May lakad ka ba at minamadali mo ako ha? Kung makakalampag ka ng pinto kulang na lang sirain mo ‘to!”



“Picturan mo na ako at may ma-post ka na. Anong oras na oh!”



“Anong oras na! Palibhasa ang vain mo eh.”



“Dami pang satsat, nasaan na camera mo?”



“Oo heto na! Mag-pose ka na at matapos na ‘to!” Pipicturan ko na sana siya kaso…



“Wag dito. Sa labas na lang pala para maiba naman. Dali sundan mo ako.”



Ang arte naman! Siya na nga lang ‘tong pipicturan, siya pa mamimili ng lugar! Ni hindi pa nga ako pumapayag, nauna pa siyang maglakad! Ang sarap niyang pukpukin nitong hawak kong SLR eh!



Pero sana yung bungo niya yung mabasag hindi yung lens ng camera ko.















*click… click… click…*



Natapos ko na din siyang picturan! Feel na feel pa ang pagpo-pose! Kunwari, stolen shot daw talaga!



“Post mo na.”



“Pwedeng sandali?”



“Ito may dala akong laptop.”



“Diba sabi ko sandali lang. Baka naman pwedeng mamayang tanghali ko na ito ipost.”



“Morning update nga tapos ipopost mo ng tanghali?”



“Eh ayos ka rin noh! Hindi pa nga ako nakakapag-almusal dahil minamadali mo ako.”



“Tss! Ang dami namang arte!” Sapatusin ko ‘to eh! Sino kayang maarte saamin noh! “Tara sumunod ka saakin.”



“Ano ako? Aso mo?”



“Oo, mukha kang aso.” Hay naku pigilan niyo ako, hahambalusin ko na talaga ‘tong kumag na ‘to! “Tara!”


Papalag pa sana ako kaso hawak na niya yung strap ng camera ko na nakasabit pa sa leeg ko. Lintek na lalaki ‘to, pinagmukha talaga akong aso ngayon oh! Babawian ko ‘to, humanda siya saakin!



Wala akong nagawa habang hila pa rin niya yung strap ng camera ko. Tapos nun pumasok kami sa isang restaurant.



“Ako din hindi pa naga-almusal kaya dito na tayo kumain. Um-order ka na ng gusto mo.”



“Wala akong perang dala ngayon. Libre mo?”



“Kapal! Utang!”



“Bahala ka nga sa buhay mo, babalik na ako sa dorm.”



“Teka, ipopost mo pa nga yung picture ko diba?”



“Eh di i-libre mo ako ng pagkain ko!”



“Ayoko nga sabi! Utang lang.”



“Ang kuripot nito. Eh di hindi ako magpo-post! Bahala ka!”



“Tsk! Timawa ka rin noh? Sige na, umupo ka na nga jan!”



*upo*



“Libre mo na?”



“Kape mo lang ang libre ko. Yung iba mong kakainin, utang yun.”



“Psh! Kuripot talaga!”



Ayun! Umorder na kami. At habang hinihintay yung pagkain namin, nilabas na niya yung laptop niya sa bag niya at nag-internet na.



“Oh yan, i-login mo na yang account mo sa TMU diary para may ma-post ka na.”



Ano pa nga ba! Eh di sinunod ko na lang. Pero wait-a-minute-kapeng-mainit!



“Anong caption ilalagay ko? Natutuyo na utak ko kakaisip ng panlait sayo hindi naman pinapansin ng mga tao.”



“Iba kasi nagagawa ng kagwapuhan ko sa mga kuha mong pictures.”



“Ang hangin bigla. May nadaan bang ipu-ipo?”



Psh! Mag-isip ka na nga Atasha! Tutal naman ginusto mo yan! Magaling ka naman manlait lalo pa kung sa lalaking syokoy na ‘to diba?



“Eh… pero wala talaga akong maisip. Nagugutom na talaga ako…”



“Magpost ka na! Ano pang silbi ng album mo na pang-morning updates kung hindi mo rin naman maipopost sa umaga?”



“Kung tinutulungan mo kaya ako.”



“Tulungan kitang laitin ko ang sarili ko? Aning ka ba? Trabaho mo yan eh.”



Isip. Isip. Isip. Gutom ka na. Isip. Isip. Gutom ka nga. Isip pa rin. Isip. Isip.



*krrooooooggggg~*



“Aish! Tiyan ko na yun! Asan na ba yung order natin? Gutom na talaga ako. Kahit anong isip ang gawin ko, sumisingit talaga si gutom eh.”



“Lagyan mo na lang ng part 2 yung issue na ginawa mo noon. Ang tindi ng trending nung parang sinasabi mo na may kikitain akong babae. Hanggang ngayon nag-iisip pa rin sila kung may bago na ba akong prospect o wala.”



“Ahh.”



“Anong ahh? Yun mag-post ka na katulad ng ganun!”



Haizzz. Oh sige na nga.



“Waiting for Someone Again?”
Ano na naman ang ginagawa ng kissing legend nyo sa may eskinita ng ganitong oras? Umagang-umaga, ayos na ayos na parang may hinihintay?



“Oh yan tapos na! Masaya ka na?”



“Okay na. Nagawa mo na trabaho mo eh. Ikaw ba masaya ka na?”



Hindi sana. Kaso anjan na yung almusal ko eh. “Masayang-masaya basta ba wag kang epal jan para hindi ako mabilaukan o maempacho sa kakainin ko.”



Nom nom nom! Ang sarap kumain!
















“Uwaaaaaaaaaah!!!”



May lamay? Sinong namatay? Bakit sila naglulupasay?



“Uy! Bakit kayo nag-iiyakan jan?”



“Yung mga pinagpo-post kasi ni Anti KB!!!” Sabi na nga ba! Wala namang ibang bukam-bibig ang mga ‘to kundi yung ET na yun eh!



“Tungkol saan?”



“Yung morning update niya nung Saturday!”



“Parang sinasabi na may bago na ngang prospect si Laris eh!”



“Ang swerte nung girl!!! Sana ako na lang yun!!!”



“Uwaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!”



Gurabeh! Nakakarindi ang mga boses nila! At tama nga si Ate Ganda! Gurabeh ang reaction nila sa mga issue na may kinikitang babae si Kissing Bandit. Tsk! Kung alam lang nila ang katotohanan.



“Okay lang yan girls. Baka ibig sabihin lang niyan, hanap na kayo ng mas matinong lalaki. Tigilan niyo na ang pagpapantasya niyo sa bangaw na yun.”



“Tumigil ka nga jan! Porket hindi ka lang niya fan eh! Tignan mo kung ikaw magkagusto sa isang lalaki na nail-link sa ibang babae, baka magpatiwakal ka pa!”



“Grabe ka naman Raiza!”



Nung makita ko kasi si Zack na may kasamang babae, binagok ko pa lang yung ulo ko sa pader. Sunod nun laslas pulso na. Then pag di nag-work, saka na tayo hahantong sa pagpapatiwakal.



*tok tok*



“Um… excuse me. Nanjan ba si Atasha?” Sino namang naghahanap saakin at dinalaw pa ako dito sa room namin?



“Nandito ako. Sino yan?”



“Atasha!”



O______O!!!



“Zack?”



Zack - ^^



Ako – (_)



Lahat ng girls sa room – (.)~♥



Anong ginagawa niya dito?



Owmaygawd yung mga kaklase ko, nakalimutan na yung paglulupasay nila! Naglalaway na sila nang makita si Zack na nakatayo ngayon sa may pinto.



“Zack!!! Anong ginagawa mo dito? Dali tumakas na tayo, baka i-gang rape ka ng mga kaklase ko dito!”



“Ha?” Nakunot lang ang noo niya na natatawa! Akala siguro niya hindi ako seryoso!



“Ano ba kasing ginagawa mo dito? Bakit naisipan mo akong dalawin?”



“Diba break niyo naman. Ayain kitang mag-lunch. Ang tagal kitang hindi nakita.”



“Ahh kasi…”



“Ah… ahem!”



Maygawdagen! Wala na talaga akong takas! Sina Raiza at ang buong B-company! Nakapalibot na sa bandang likuran ko. May kumukurot pa saakin, parang signal sa pinangako kong dapat gawin!



“Ahhh… Zack. Ito nga pala mga classmates ko.”



“Ow. Hello! Ako nga pala si…”



“Zack Guiller. Hindi mo na kailangan magpakilala. Ehehehe. Ako nga pala si Raiza Chen. Ang best buddy ni Atasha dito.”



“Wow! Nice meeting you. I’m so happy inaalagaan niyo itong si Atasha.” Sabay akbay saakin with matching kurot pa sa pisngi ko!



Ang taray ko lang! Ako na kinilig sa ginawa ni Zack sa harap ng mga kaibigan ko! Halata naman sa iba yung inggit. Panigurado, dudumugin nila ako nito mamaya!



Hindi rin naman magkandarapa yung mga babaita sa pagpapakilala at pagshake-hands with Zack! Ito na yung moment na hinihintay nila eh!



“Um… so pwede ko bang hiramin muna ang kaibigan ko?”



“Saan kayo pupunta?”



“Pwedeng sumama?” Hindi rin naman makakapal mukha ng mga ‘to!



“Well, may mahalaga kasi kaming pag-uusapan so balak ko kaming dalawa lang talaga. Maybe next time na lang pwede kayong sumama.”



Yehey! Kaming dalawa lang daw!!! Woohoo!!!



Wala na ring nagawa ang girls kundi pakawalan ako at pabayaang umalis kasama ang aking prinsipe! Ahihihihi!



Lumalandi ka naman Atasha! Nakalimutan mo na bang nakita mo siyang may kasamang ibang girl!
















Sumakay kami sa sasakyan niya. Tapos nag-drive siya. At dun kami sa same restaurant na pinagdalhan niya saakin noon.



“Sigurado ka bang walang magagalit na kasama mo ako ngayon?”



“Ha? Bakit naman may magagalit?” Siya na ang umorder para saaming dalawa.



“Eh kasi… alam mo na. Baka ma-misundertand ng iba yung pagsama ko sayo o pag-aya mo saakin.”



“Sino namang iba yung tinutukoy mo?”



“Una yung mga fans mo.”



“Anong fans!”



“Kunwari pa ‘to! Sikat ka nga diba?”



“Wala namang pakelam yang ‘fans’ na yan kung sino ang mga gusto kong makasama. Wala silang magagawa.”



Madaling sabihin! Pero dahil kaya sa kanya, ang daming na-iinggit at nagseselos saakin. Ang dami ko ring haters noh! Psh!



“Kung unang magagalit yung fans… sino yung pangalawa?”



“Yung pangalawa… ano… um… yung girlfriend mo.”



“Girlfriend? Wala akong girlfriend.”



“Yang gwapo mong yan wala kang girlfriend?”



“Wow! Si Atasha, nasabihan rin ako na gwapo ako! Sa wakas naman! Pero, wala talaga akong girlfriend.”



“Weh. Eh sino yung kasama mong babae?”



“Sinong babae?”



“Yung hinatid mo nung uwian?”



“Kelan?”



“Basta nung nakaraang-nakaraang-nakaraan pang araw! Naka-skirt pa nga yung babae! Maganda! Tapos pinagbuksan mo pa siya ng pinto ng sasakyan mo. Then sabay kayong umalis.”



“Nandun ka nun? Nakita mo ako?”



“Oo.”



“Bakit hindi mo ako nilapitan?”



“Eh kasi… ano… nakatayo ako sa malayo nun.”



Teka nga! Bakit ganito ang tono ng pagsasalita ko?



Parang halata sa boses ko na nagseselos ako! Nahalata kaya ni Zack?



“Alam mo Atasha, kung magsalita ka, parang kang ano…”



“Ano…?” Hala! Wag naman sanang nahalata niya! Nakakahiya sa pagmumukha ko!



“Para kang…”



Agaw-buhay naman kung mambitin itong si Zack! Ano nga!!!



“Para kang…” Napaka-gwapo pa ng mukha niya lalo pa yung pamatay niyang smirk! Pero ano nga??? Para akong???



“Sir ito na po yung order niyo.”



“Oh thank you.”



Weh ang epal!!! Sarap sungalngalin nung waiter!



Nag-iinit na dugo ko habang hinihintay na makalayas na yung asungot. Nung kaming dalawa na ulit…



“Tara, kain na tayo.”



“Eh Zack naman! Ituloy mo muna yung sinasabi mo!”



“Ano?” Ito namang lalaking ‘to! May saltik din eh! Gusto pang pinapaikut-ikot ako!



“Para akong ano???”



“Ahh… kalimutan mo na yun. Nakalimutan ko na rin yung kasunod ng sasabihin ko kaya pabayaan mo na lang. Kain na lang tayo, Atasha.”



“Ang baliw-baliw mo talaga Zack! Kakaasar ka.”



“Pero wag kang mag-alala. Yung kasama kong babae noon, close friend ko lang yun. I swear wala pa akong girlfriend.”



“Ow… howkei…”



Buti na lang sinabi niya yun. At least kahit papaano, parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Single pa rin ang Papa Zack ko! Ayiiiiiiiiiiiieeeeh!



(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 10

9 comments:

  1. waaaaaaaaaaaaaah! bkit may gnyang pagppramdam si zack kei atasha! kinilig nmn aq s knila! e2 nmn si zack, ang lutang kausap! hahhhhahhhaaahhha!

    namiss q din c laris peo hnggng ngaun, lagi prin cla nag-aawy ni atasha! aso't pusa!

    ReplyDelete
  2. ako na kinilig! natutuwa ako kay laris pero inaagaw ni zack ang atensyon ko! i'm torn between them! ang swerte mo atasha! kahit naman away kayo ng away ni laris, maiinlove rin naman sayo yan eh!

    laris, pakiss nga at nang swertihin din ako! hahahaha!

    ReplyDelete
  3. namiss ko 'to! ang tgal q pla 2ng hinintay!!!!!! laris npka-vain! aq n lng gwin mong prospect kung ayaw ni atasha. ahihhhiihhi

    nku si zack nanjn n din! tlgang may assurance n wla xang gf ha!

    ReplyDelete
  4. ahahahahahhaah, update xDD

    ReplyDelete
  5. Update po pls :">

    ReplyDelete
  6. ayeeehh!.. kilig much tlga!..update na po pls ate aegyo!..

    ReplyDelete
  7. Para kang...para kang...HAHAHAHA tapos may biglang sumingit xD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^