Thursday, May 10, 2012

I'm Inlove With My Brother : Chapter 2


CHAPTER 2- BROTHELY KNIGHT IN SHINING ARMOR


“kuya excited na ako bukas.” Gabi na at may pasok na kami bukas. Katabi ko si kuya sa kama at magkaharap kaming dalawa.


“oo na ikaw na excited. Tulog na para maganda ka bukas sa paningin ni Heaven.” Nagpout ako at tumawa naman siya ng mahina kinurot niya ang ilong ko.


“aray kuya. Masakit.” Niyakap niya ako. Pinatong pa niya ang ulo ko sa braso niya. “matulog ka na nga autumn. Dami mo kalokohan eh. Basta wag ka muna magboboyfriend ha. Lalo na dun sa heaven na yun. Maliwanag ba? Pikit na.” Pumikit ako at dumilat ulit.

“bat ba ayaw mo kay heaven kuya?” tanong ko . ngumiti lang siya sa akin.


“hindi lang naman siya eh. Lahat ng nagkakacrush sa baby sister ko. Gusto ko kasi ako lang ang lalaki sa buhay mo.”


*DUGDUG*
*DUGDUG*
*DUGDUG*


Ayan na naman yang puso ko.nakita kong nakapikit na si kuya. P-parang ang gwapo niya. Naramdaman kong uminit ang mukha ko at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Tumalikod ako at pilit na matulog pero hindi ako makatulog. Lahat na ata ng posisyon ginawa ko pero hindi talaga ako makatulog. Napaupo ako sa kama at nakita ko si kuya na himbing na himbing ang tulog. Sinubukan ko ulit matulog pero hindi ko talaga kaya. Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin.


“hindi ka makatulog?” tinignan ko si kuya pero nakapikit parin siya. Tinititigan ko lang siya nang biglang magmulat yung mata niya. KKKYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!! Ang cute ni kuya!!! Shhhhh!!!! Quiet!!


“hindi ka ba makatulog bunso?”tanong niya ulit. Tumango ako. “sige dapa ka na.” Wahahahaha.... aiyiieee papatulugin na naman ako ni kuya. Dumapa ako at naramdaman kong marahan niyang hinaplos ang likod ko tapos naririnig ko pa siyang naghahum.... pinikit ko ang mata ko at unti unti na akong nakatulog.


***

“autumn, winter gising na kayo. May pasok na kayo.” Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin, pero dahil napuyat ako kagabi ayoko pang bumangon. Napagod siguro si nanay kaka yugyog sa akin kaya nakatulog ulit ako. Siguro mga five seconds palang akong nakakatulog, naramdaman kong may kumiliti sa paa ko.


“hmmmm... ano ba?!” pilit kong nilalayo ang paa ko pero pilit rin niyang hinahabol. Maya maya nawala na yung nangingiliti sa paa ko. Naramdaman ko naman na may marahang humahaplos sa mukha ko.


“ano ba?!”


“yuck!! Autumn!! Ambahoo ng hininga mo!! Bumangon ka na diyan.. antagal mo pa naman maligo.” Napabangon ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Parang bigla akong nahiya kasi naamoy ni kuya ang morning breath ko?? Napatakbo tuloy ako sa banyo para maligo.


Pagkatapos ko magbihis, nakita ko si nanay, tatay at kuya na nakaupo na sa lamesa. Tumabi ako kay kuya at tumatawa siya ng mahina.


“nay, o si kuya tinatawanan ako!!” napatingin naman si kuya sa akin na halatang pigil ang tawa... GRRRR!!!! Waaahhh!!! Juskooo!!! Bat ba may ganito akong kuya?!


“halalalala.... ano na naman ang ginagawa ko sayo autumn?! Kasalanan ko bang tulo laway ka matulog... siguro pinagnanasaan mo si heaven sa panaginip mo noh?! Siguro kayo na!!” napatingin naman si tatay sa akin.


“autumn totoo ba yun?! Aba!! Bata ka pa..bawal ka pa magkaroon ng kasintahan maliwanag ba??” pinandilatan ako ni tatay ng mata.... waaaahhhhhh!!! HINDI KO NAMAN BOYPREN SI HEAVEN EH... ngumuso ako at hindi na ginalaw ang pagkain. Hindi na rin ako pinansin nila kuya.


Naglalakad na kami papuntang eskwelahan nang maramdaman kong kumakalam ang tiyan ko. Napahinto ako sa paglalakad at hinawakan ang tyan ko. Tapos dighay ako ng dighay. Ganito ako kapag gutom DIGHAY NG DIGHAY.... hahaha pagpasensyahan niyo na.. tao lang.


Napansin siguro ni kuya na hindi na ako nakasunod sa kanya kaya nilingon niya ako at binalikan ako. Nakaupo na ako sa kalsada at tinatamaan na ng mga alikabok ng tricycle na dumadaan.


“oh.” Inabot ni kuya sa akin ang


SUPOT NG PANDESAL!!! (*Q*)

Naglaway ako bigla. Kinuha ko yun at binuksan. May tatlo pang laman... ayos!! Pwede na to!!


“bilisan mo na autumn. Ambagal naman kumilos eh. Andami kasing arte.” Puro sermon ang naririnig ko kay kuya. Ay teka?! Bat ko tinanggap ang binigay niya?! Diba dapat galit ako sa kanya?? Ok lang yan, panlaman tiyan din to... mamaya di ko na siya papansinin.


“huy, autumn.” Pinindot pindot na ni kuya ang pisngi ko. Nasa tapat na kami ng gate at naubos ko na ang pandesal ko.


“ME LAAAAAAAAAABBBBBBBBBBSSSSSS!!!!!” umalingawngaw na naman ang boses ni summer. “ano ba yang kaibigan mo, autumn. Nalunok ata niya ang megaphone ni principal.” Reklamo ni kuya. Natawa nalang ako.


“ayan!! Bati na tayo.” Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at hinarap sa kanya. “ito tatandaan mo ha autumn. Kapag malungkot ka tawagin mo si kuya. Kapag may nang –away sa yo tawagin mo si kuya. Dahil si kuya nandyan lang sa tabi nakabantay palagi.”


*DUGDUG*
*DUGDUG*
*DUGDUG*


Nanlaki ang mata ko at feeling ko nanlamig ang kamay ko. “may problema ba autumn? Parang natatae ka eh.” Sabi ni kuya sa akin. “ahh k-kasi k-kuya....”


hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil may biglang lumambitin sa likod ni kuya. Wag niyo na itanong kung sino ok?


“aish!! Ano ba summer. Pumila na kayo dun. Ok ka lang ba autumn?” tanong ulit ni kuya. Tumango nalang ako para matahimik na.
“sige na doon na kayo.aish!!” napatingin ako sa likod kung bakit napasimangot si kuya. Nandyan na pala si heaven. Bakit kaya ang init ng dugo ni kuya kay heaven? Ay!! Nasabi na pala niya kagabi.


Pumila na kami para sa walang katapusang, FLAG CEREMONY. Dagdagan pa ni principal na hawak na naman ang megaphone niya. Pagkatapos ng nakakabingi niyang mga paalala, pumunta na kami sa mga classroom namin. Siksikan na naman kami kasi public school. Yung iba sa amin may mga baong upuan at ang iba naman nagtitiis sa rocking chair na upuan.


Buti nalang hindi ganun ang inuupuan ko. Magkakatabi kami ni heaven at summer. Mabait ang adviser namin pero makulit ang nasa likod ko. Binabato ba naman ako ng papel.


Si budoy pala... peste talaga yang budoy nayan!! Alam niyo bang dapat kabatch yan nila kuya pero palagi nalang siyang nagrerepeat kaya ayan, kasabay namin.  At kilala din siyang siga sa buong school namin. Isusumbong ko na to kay ma’am ganda ee.


“aray!!” binato naman ako ng papel. Napalingon sa akin si heaven at summer.


“bakit ba kanina ka pa aray ng aray diyan ha autumn?” tanong ni heaven.


“si budoy kasi binabato ako ng papel.” Napalingon kaming tatlo sa kanya at nakadila pa siya sa aming tatlo. “wag mo nalang pansinin.”sabi ni summer. Yun nga ang ginawa ko, pero tinuloy parin niya. HINDI KO NA KAYA MAGTIIS.


“ma’am!! Si budoy po nambabato ng papel!”


*SILENCE* *CRICKET SOUND*


Alam niyo yung tipong, ALL EYES ON ME?? Lahat ata sila nakatingin na sa akin. Pero sadyang bingi ang ma’am namin kaya patuloy parin siiya sa pagsusulat sa black board?


“MMMMMMAAAAAAAAAAAAMMMMMMMMMMM!!!!!!!”


“ayngaoiehfjoiajef!! Ano ba autumn?!” hala!! Siya pa nagalit?


“ma’am si budoy po nambabato ng papel.” Nanlisik ang mga mata ni ma’am. Alam niyo yung mga kontrabida sa amine? Kulang nalang ata ay latigo mukha nang anime si ma’am.


“budoy! Tumayo ka diyan!! Doon ka sa labas!!” nakita ko namang sumenyas si budoy. Nilagay niya ang hintuturo niya sa leeg at gumuhit pahalang. (dead sign) ano ibig sabihin nun? Nakaupo na ako at ginagaya ko ang ginawa ni budoy. Napansin ako ni summer.


“huy, autumn anong ginagawa mo diyan?”


“eh, sinenyasan ako ni budoy eh. Sabi ganto.” Ginawa ko yung ginawa ni budoy. “hala kaaa!!!!!” napasigaw si summer buti nalang at maingay ang klase.


“h-hala!! B-bakit?!” kinabahan ako sa reaksyon ni summer. “ibig sabihin nun patay ka!”


O________O
p-patay a-ako?!


Recess time....


 Naglabasan na ang mga kaklase ko. Pero ako naiwan sa loob. Parang ayokong lumabas ng classroom. Maya maya lumapit ang isa kong kaklase sa akin. “autumn pinapatawag ka ni budoy.”


Halaaa!!! Pinapatawag daw ako. Dahan dahan akong tumayo sa upuan ko. Nanlalamig pa ang mga kamay ko habang lumalabas ng classroom. Hahakbang palang ako palabas ng pinto nang may humatak sa kamay ko.




“wag po!!! Wag po!!! Sorry na budoy!! Hindi na kita isusumbong kay ma’am!! Kahit isang pad pa ang ibato mo sa akin!! Ok lang!!” nakaramdam ako ng batok.


“pag hindi ka tumigil kakangawa diyan, talagang isang pad ang ibabato ko sayo.” Ay si summer pala.. hehe... hindi pa ako nakakasagot nang bigla niya akong hinatak sa mga nagkukumpulang estudyante na nakatingala sa puno ng mangga. Pati tuloy ako napatingala. Akala ko kasi mahuhulog na mga bunga kaya pinansahod ko ang blouse ko, pero iba ang nakita ko.


O_________O


SI BUDOY NAKASABIT SA PUNO!!!


“s-summer, b-bakit nakasabit siya diyan??” kinakalabit ko si summer pero hindi maalis ang tingin ko kay budoy na parang umiikot ikot pa sa puno.


“sinabit ng kuya mo. Nalaman kasi niya na binabato ka sa classroom eh.” Nanlaki lalo ang mata ko sa narinig.


“asan si kuya?!” tanong ko kay summer.





“nasa principal’s office.”



Halos liparin ko na ang principal’s office. Nakita ko doon si kuya na pinapagalitan ni principal.


“ma’am principal. Patawarin mo na po si kuya.” Nagawa ko paring sabihin yun kahit na hingal na hingal ako. Napatingin naman silang dalawa sa akin.


“patawarin? Bakit?” nagtaka naman ako sa tanong ng principal. Bigla namang sumingit si kuya.


“ahh... s-sige po madam principal. M-mauna na ako.” Hinila ako palabas ni kuya. Bakit kaya siya pinatawag sa principal’s office??


Uwian na ng makita ko si kuya sa labas ng pinto namin. Nakita din siya ni budoy at parang hindi niya alam kung san magtatago. Ang galing talaga ni kuya!! Siya ang AKING KNIGHT IN SHINING ARMOR


“kuya thank you nga pala kanina ha.” Naglalakad na kami pauwi. Nginitian lang ako ni kuya. Humarap siya sa akin.


“alin? Yung kay budoy? Sus!! Syempre bunso, ipagtatanggol kita. Itong tatandaan mo. Hindi man ako si superman,batman,spiderman,ironman, wolfman. Ako naman ang iyong nag iisang gwapong kuya na palaging magliligtas sayo.”


Hmmm... sabihin na nating dahil sa tuwa, hinalikan ko siya sa pisngi. Pareho kaming nagulat pero mas nagulat ako. Alam niyo kung bakit??






NAKITA KONG NAMULA SI KUYA.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
next update: May 11,2012 1:00 Pm


2 comments:

  1. sis, i edited your post.

    next post po, please follow the title format of your story. eg. I'm Inlove With My Brother : Chapter #.

    also don't forget to use JUMPBREAK and put LABELS on your story. Kung ano po yung labels nilagay ko ngayon, yun po yung gamitin next.

    Thanks! ^___^

    ReplyDelete
    Replies
    1. huwaaahhh!!! sensya na po ate.. sige po tatandaan ko po yan :))

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^