CHAPTER 10
(ATASHA
ORELLANA POV)
Anti_Kissing_Bandit’s Photos
Album: Masamang Umaga
Description: Compilation of morning updates that ruins
my day!
Monday,
at 6:30AM
“Anong meron sa scarf?”
Naglalakad
lang siya sa likod ng main building, kailangang naka-scarf pa! Ang init-init,
pauso ng scarf!
13,458
notes
Tuesday,
at 8:00AM
“Kissing Bandit, Gangster Wannabe?”
16,342
notes
Wednesday,
at 5:45AM
“Bad start of my day…”
Ang
aga-aga pagmumukha na niya agad ang nakita ko! Kakawalan ng gana! Parang yung
mukha niya, walang gana!
18,290
notes
Thursday,
at 5:40 AM
“Naka-makeup si Laris?”
20,338
notes
Friday,
at 6:00AM
“Kissing Emo Bandit”
Sana
palagi na lang siyang ganyan. Nakayuko para hindi ko nakikita ang mukha niya at
hindi nasisira ang araw ko. Ang EMOngoloid niya! Hwahahahaha! XD
23,084
notes
Saturday,
June 25 at 8:20AM
Waaaaaah!
Ayoko na! five-straight days, pa-grabe ng pa-grabe ang updates ko! Hindi naman
pinapansin nung mga tao yung tungkol sa negative captions ko. Yung pictures
lang yung gusto nila!
At
bawat araw, kada-morning updates ko, libu-libo na agad yung nagre-reblog at
nagco-comment!
Pero
alam niyo yung masaklap sa trabaho kong ito??? I get to work with him na wala
namang bayad! Tapos kung utusan pa ako, akala mo sinuswelduhan ako! Hindi lang
yun, required na may morning update dapat kaya nga yan, may morning compilation
na sa account ko!
“Bilisan mo naman!!!” Nasa labas siya ngayon ng room ko at kinakalampag
ako. Kahit kasi Saturday ngayon, ayaw palagpasin ang morning updates! “Dali!!!”
“Teka naman!!!” Pepektusan ko na ‘tong lalaking ‘to eh.
Pagbukas ko ng pinto… “May lakad ka ba
at minamadali mo ako ha? Kung makakalampag ka ng pinto kulang na lang sirain mo
‘to!”
“Picturan mo na ako at may ma-post ka na.
Anong oras na oh!”
“Anong oras na! Palibhasa ang vain mo eh.”
“Dami pang satsat, nasaan na camera mo?”
“Oo heto na! Mag-pose ka na at matapos na
‘to!” Pipicturan ko na
sana siya kaso…
“Wag dito. Sa labas na lang pala para
maiba naman. Dali sundan mo ako.”
Ang
arte naman! Siya na nga lang ‘tong pipicturan, siya pa mamimili ng lugar! Ni
hindi pa nga ako pumapayag, nauna pa siyang maglakad! Ang sarap niyang pukpukin
nitong hawak kong SLR eh!
Pero
sana yung bungo niya yung mabasag hindi yung lens ng camera ko.
*click… click… click…*
Natapos
ko na din siyang picturan! Feel na feel pa ang pagpo-pose! Kunwari, stolen shot
daw talaga!
“Post mo na.”
“Pwedeng sandali?”
“Ito may dala akong laptop.”
“Diba sabi ko sandali lang. Baka naman
pwedeng mamayang tanghali ko na ito ipost.”
“Morning update nga tapos ipopost mo ng
tanghali?”
“Eh ayos ka rin noh! Hindi pa nga ako
nakakapag-almusal dahil minamadali mo ako.”
“Tss! Ang dami namang arte!” Sapatusin ko ‘to eh! Sino kayang maarte
saamin noh! “Tara sumunod ka saakin.”
“Ano ako? Aso mo?”
“Oo, mukha kang aso.” Hay naku pigilan niyo ako, hahambalusin
ko na talaga ‘tong kumag na ‘to! “Tara!”
Papalag
pa sana ako kaso hawak na niya yung strap ng camera ko na nakasabit pa sa leeg
ko. Lintek na lalaki ‘to, pinagmukha talaga akong aso ngayon oh! Babawian ko
‘to, humanda siya saakin!
Wala
akong nagawa habang hila pa rin niya yung strap ng camera ko. Tapos nun pumasok
kami sa isang restaurant.
“Ako din hindi pa naga-almusal kaya dito na
tayo kumain. Um-order ka na ng gusto mo.”
“Wala akong perang dala ngayon. Libre mo?”
“Kapal! Utang!”
“Bahala ka nga sa buhay mo, babalik na
ako sa dorm.”
“Teka, ipopost mo pa nga yung picture ko
diba?”
“Eh di i-libre mo ako ng pagkain ko!”
“Ayoko nga sabi! Utang lang.”
“Ang kuripot nito. Eh di hindi ako
magpo-post! Bahala ka!”
“Tsk! Timawa ka rin noh? Sige na, umupo ka
na nga jan!”
*upo*
“Libre mo na?”
“Kape mo lang ang libre ko. Yung iba mong
kakainin, utang yun.”
“Psh! Kuripot talaga!”
Ayun!
Umorder na kami. At habang hinihintay yung pagkain namin, nilabas na niya yung
laptop niya sa bag niya at nag-internet na.
“Oh yan, i-login mo na yang account mo sa
TMU diary para may ma-post ka na.”
Ano
pa nga ba! Eh di sinunod ko na lang. Pero wait-a-minute-kapeng-mainit!
“Anong caption ilalagay ko? Natutuyo na
utak ko kakaisip ng panlait sayo hindi naman pinapansin ng mga tao.”
“Iba kasi nagagawa ng kagwapuhan ko sa mga
kuha mong pictures.”
“Ang hangin bigla. May nadaan bang ipu-ipo?”
Psh!
Mag-isip ka na nga Atasha! Tutal naman ginusto mo yan! Magaling ka naman
manlait lalo pa kung sa lalaking syokoy na ‘to diba?
“Eh… pero wala talaga akong maisip.
Nagugutom na talaga ako…”
“Magpost ka na! Ano pang silbi ng album mo
na pang-morning updates kung hindi mo rin naman maipopost sa umaga?”
“Kung tinutulungan mo kaya ako.”
“Tulungan kitang laitin ko ang sarili ko?
Aning ka ba? Trabaho mo yan eh.”
Isip.
Isip. Isip. Gutom ka na. Isip. Isip. Gutom ka nga. Isip pa rin.
Isip. Isip.
*krrooooooggggg~*
“Aish! Tiyan ko na yun! Asan na ba yung
order natin? Gutom na talaga ako. Kahit anong isip ang gawin ko, sumisingit
talaga si gutom eh.”
“Lagyan mo na lang ng part 2 yung issue na
ginawa mo noon. Ang tindi ng trending nung parang sinasabi mo na may
kikitain akong babae. Hanggang ngayon nag-iisip pa rin sila kung may bago na ba
akong prospect o wala.”
“Ahh.”
“Anong ahh? Yun mag-post ka na katulad ng
ganun!”
Haizzz.
Oh sige na nga.
“Waiting for Someone Again?”
Ano na naman ang ginagawa ng kissing
legend nyo sa may eskinita ng ganitong oras? Umagang-umaga, ayos na ayos na parang
may hinihintay?
“Oh yan tapos na! Masaya ka na?”
“Okay na. Nagawa mo na trabaho mo eh. Ikaw
ba masaya ka na?”
Hindi
sana. Kaso anjan na yung almusal ko eh. “Masayang-masaya
basta ba wag kang epal jan para hindi ako mabilaukan o maempacho sa kakainin
ko.”
Nom
nom nom! Ang sarap kumain!
“Uwaaaaaaaaaah!!!”
May
lamay? Sinong namatay? Bakit sila naglulupasay?
“Uy! Bakit kayo nag-iiyakan jan?”
“Yung mga pinagpo-post kasi ni Anti KB!!!” Sabi na nga ba! Wala namang ibang
bukam-bibig ang mga ‘to kundi yung ET na yun eh!
“Tungkol saan?”
“Yung morning update niya nung Saturday!”
“Parang sinasabi na may bago na ngang prospect
si Laris eh!”
“Ang swerte nung girl!!! Sana ako na lang
yun!!!”
“Uwaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!”
Gurabeh!
Nakakarindi ang mga boses nila! At tama nga si Ate Ganda! Gurabeh ang reaction
nila sa mga issue na may kinikitang babae si Kissing Bandit. Tsk! Kung
alam lang nila ang katotohanan.
“Okay lang yan girls. Baka ibig sabihin
lang niyan, hanap na kayo ng mas matinong lalaki. Tigilan niyo na ang
pagpapantasya niyo sa bangaw na yun.”
“Tumigil ka nga jan! Porket hindi ka lang
niya fan eh! Tignan mo kung ikaw magkagusto sa isang lalaki na nail-link sa
ibang babae, baka magpatiwakal ka pa!”
“Grabe ka naman Raiza!”
Nung
makita ko kasi si Zack na may kasamang babae, binagok ko pa lang yung ulo ko sa
pader. Sunod nun laslas pulso na. Then pag di nag-work, saka na tayo hahantong
sa pagpapatiwakal.
*tok tok*
“Um… excuse me. Nanjan ba si Atasha?” Sino namang naghahanap saakin at dinalaw
pa ako dito sa room namin?
“Nandito ako. Sino yan?”
“Atasha!”
O______O!!!
“Zack?”
Zack - ≧^◡^≦
Ako – (⊙_⊙)
Lahat ng girls sa room – (❂.❂)~♥
Anong
ginagawa niya dito?
Owmaygawd
yung mga kaklase ko, nakalimutan na yung paglulupasay nila! Naglalaway na sila
nang makita si Zack na nakatayo ngayon sa may pinto.
“Zack!!! Anong ginagawa mo dito? Dali
tumakas na tayo, baka i-gang rape ka ng mga kaklase ko dito!”
“Ha?” Nakunot lang ang noo niya na natatawa! Akala siguro niya hindi
ako seryoso!
“Ano ba kasing ginagawa mo dito? Bakit
naisipan mo akong dalawin?”
“Diba break niyo naman. Ayain kitang
mag-lunch. Ang tagal kitang hindi nakita.”
“Ahh kasi…”
“Ah… ahem!”
Maygawdagen!
Wala na talaga akong takas! Sina Raiza at ang buong B-company! Nakapalibot na
sa bandang likuran ko. May kumukurot pa saakin, parang signal sa pinangako kong
dapat gawin!
“Ahhh… Zack. Ito nga pala mga classmates
ko.”
“Ow. Hello! Ako nga pala si…”
“Zack Guiller. Hindi mo na kailangan
magpakilala. Ehehehe. Ako nga pala si Raiza Chen. Ang best buddy ni Atasha dito.”
“Wow! Nice meeting you. I’m so happy inaalagaan niyo itong si Atasha.” Sabay akbay saakin with matching kurot pa sa pisngi ko!
Ang taray ko lang! Ako na kinilig sa ginawa ni Zack sa harap ng mga kaibigan ko! Halata naman sa iba yung inggit. Panigurado, dudumugin nila ako nito mamaya!
Hindi
rin naman magkandarapa yung mga babaita sa pagpapakilala at pagshake-hands with
Zack! Ito na yung moment na hinihintay nila eh!
“Um… so pwede ko bang hiramin muna ang
kaibigan ko?”
“Saan kayo pupunta?”
“Pwedeng sumama?” Hindi rin naman makakapal mukha ng mga ‘to!
“Well, may mahalaga kasi kaming
pag-uusapan so balak ko kaming dalawa lang talaga. Maybe next time na lang
pwede kayong sumama.”
Yehey!
Kaming dalawa lang daw!!! Woohoo!!!
Wala
na ring nagawa ang girls kundi pakawalan ako at pabayaang umalis kasama ang
aking prinsipe! Ahihihihi!
Lumalandi
ka naman Atasha! Nakalimutan mo na bang nakita mo siyang may kasamang ibang
girl!
Sumakay
kami sa sasakyan niya. Tapos nag-drive siya. At dun kami sa same restaurant na
pinagdalhan niya saakin noon.
“Sigurado ka bang walang magagalit na
kasama mo ako ngayon?”
“Ha? Bakit naman may magagalit?” Siya na ang umorder para saaming dalawa.
“Eh kasi… alam mo na. Baka ma-misundertand
ng iba yung pagsama ko sayo o pag-aya mo saakin.”
“Sino namang iba yung tinutukoy mo?”
“Una yung mga fans mo.”
“Anong fans!”
“Kunwari pa ‘to! Sikat ka nga diba?”
“Wala namang pakelam yang ‘fans’ na yan kung
sino ang mga gusto kong makasama. Wala silang magagawa.”
Madaling
sabihin! Pero dahil kaya sa kanya, ang daming na-iinggit at nagseselos saakin. Ang dami ko ring haters noh! Psh!
“Kung unang magagalit yung fans… sino yung pangalawa?”
“Yung pangalawa… ano… um… yung girlfriend
mo.”
“Girlfriend? Wala akong girlfriend.”
“Yang gwapo mong yan wala kang girlfriend?”
“Wow! Si Atasha, nasabihan rin ako na
gwapo ako! Sa wakas naman! Pero, wala talaga akong girlfriend.”
“Weh. Eh sino yung kasama mong babae?”
“Sinong babae?”
“Yung hinatid mo nung uwian?”
“Kelan?”
“Basta nung nakaraang-nakaraang-nakaraan
pang araw! Naka-skirt pa nga yung babae! Maganda! Tapos pinagbuksan mo pa siya
ng pinto ng sasakyan mo. Then sabay kayong umalis.”
“Nandun ka nun? Nakita mo ako?”
“Oo.”
“Bakit hindi mo ako nilapitan?”
“Eh kasi… ano… nakatayo ako sa malayo nun.”
Teka
nga! Bakit ganito ang tono ng pagsasalita ko?
Parang
halata sa boses ko na nagseselos ako! Nahalata kaya ni Zack?
“Alam mo Atasha, kung magsalita ka, parang
kang ano…”
“Ano…?” Hala! Wag naman sanang nahalata niya! Nakakahiya sa pagmumukha
ko!
“Para kang…”
Agaw-buhay
naman kung mambitin itong si Zack! Ano nga!!!
“Para kang…” Napaka-gwapo pa ng mukha niya lalo pa
yung pamatay niyang smirk! Pero ano nga??? Para akong???
“Sir ito na po yung order niyo.”
“Oh thank you.”
Weh ang epal!!! Sarap sungalngalin nung waiter!
Nag-iinit
na dugo ko habang hinihintay na makalayas na yung asungot. Nung kaming dalawa na
ulit…
“Tara, kain na tayo.”
“Eh Zack naman! Ituloy mo muna yung
sinasabi mo!”
“Ano?” Ito namang lalaking ‘to! May saltik din eh! Gusto pang
pinapaikut-ikot ako!
“Para akong ano???”
“Ahh… kalimutan mo na yun. Nakalimutan ko
na rin yung kasunod ng sasabihin ko kaya pabayaan mo na lang. Kain na lang tayo,
Atasha.”
“Ang baliw-baliw mo talaga Zack! Kakaasar
ka.”
“Pero wag kang mag-alala. Yung kasama kong
babae noon, close friend ko lang yun. I swear wala pa akong girlfriend.”
“Ow… howkei…”
Buti
na lang sinabi niya yun. At least kahit papaano, parang nabunutan ako ng tinik
sa dibdib. Single pa rin ang Papa Zack ko! Ayiiiiiiiiiiiieeeeh!
(Disclaimer: I do not own the photos used
in this post. Credit goes to its owner/s!!!)
End of Chapter 10
waaaaaaaaaaaaaah! bkit may gnyang pagppramdam si zack kei atasha! kinilig nmn aq s knila! e2 nmn si zack, ang lutang kausap! hahhhhahhhaaahhha!
ReplyDeletenamiss q din c laris peo hnggng ngaun, lagi prin cla nag-aawy ni atasha! aso't pusa!
spell bitin, AKO! Gawd!
ReplyDeleteako na kinilig! natutuwa ako kay laris pero inaagaw ni zack ang atensyon ko! i'm torn between them! ang swerte mo atasha! kahit naman away kayo ng away ni laris, maiinlove rin naman sayo yan eh!
ReplyDeletelaris, pakiss nga at nang swertihin din ako! hahahaha!
namiss ko 'to! ang tgal q pla 2ng hinintay!!!!!! laris npka-vain! aq n lng gwin mong prospect kung ayaw ni atasha. ahihhhiihhi
ReplyDeletenku si zack nanjn n din! tlgang may assurance n wla xang gf ha!
ahahahahahhaah, update xDD
ReplyDeleteUpdate po pls :">
ReplyDeleteayeeehh!.. kilig much tlga!..update na po pls ate aegyo!..
ReplyDeleteHahaha.. swerte ni Atasha.
ReplyDeletePara kang...para kang...HAHAHAHA tapos may biglang sumingit xD
ReplyDelete