Sunday, April 29, 2012

My Whirlwind Romance : Chapter Four

4: Goodbye My Love!


Xander: bilisan mo naman Xandra, kahit kailan talaga ang kupad-kupad mo!

Xandra: wag ka ngang excited jan Xander, kung ikaw kaya ang maging babae? Tingnan lang natin kung kaya mo pa ring maligo at magbihis ng mabilis.

Oliver: oh, nag-aaway na naman kayong dalawa, tama na ang away  ok?

Xandra: si Xander po kasi, lagi na lang akong nipapag-madali.

Xander: eh pano nga kasi ang bagal-bagal mong kumilos.

Empress: hindi ba kayo titigil jan sa pagsisisihan nyo?
Oliver: ang init naman yata ng ulo mo My Empress, what happened, may masakit ba sayo?

Empress: yuuuuucccckkkk!!! Ang baho mo Oliver, lumayo ka nga sa akin saka bakit ang pangit mo na?

                Mabaho si Daddy? Hindi naman ee, ang bang-bango nga ng Daddy ko. May sakit ba si Mommy kaya affected yung sense of smell nya saka sense of sight? Ang gwapo-gwapo ng Daddy namin ng kambal ko na si Xander eh. Tinotopak na naman yata si Mommy.

Oliver: Sweetie kakaligo ko lang ng pabango, nagsabon naman ako, nag-shampoo, nag-after shave at nag-perfume, yun pa ngang perfume na regalo mo yung ginamit ko eh.

Empress: ayoko ng umalis, kayong tatlo na lang. Dito na lang ako sa bahay, kayong dalawa, ibili nyo ako ng strawberry ice cream ha saka chocolate almond ice cream, don’t forget that ok?

Xander: o-ok mom.

Xandra: are you sure you’re ok Mommy?

Empress: I’m fine my babies, don’t worry about Mommy, I just want to sleep all day. You three go now, baka ma-late kayo sa Mass. Take care, bye!

                I really don’t know what’s happening to Mom, she’s acting so weird lately and Daddy also don’t know what’s happening to her. Hindi kaya naloka na ang Mommy namin dahil sa pasaway na si Xandra?

Xandra: what’s the matter with Mom, Dad? She’s acting weird lately.

Oliver: maybe she’s too stress to her business, let’s just let her rest.

Xander: pero Daddy ang weird po nya talaga. Naisip ko nga po baka nagkaron ng ng mental dis-order si Mommy dahil sa pasaway na to.

Xandra: hey you, don’t you dare put the blame on me.

Oliver: twins, you both stop na. Magsisimba tayo to say our thank you to Him and ask for His forgiveness kaya wag nyo ng dagdagan pa ang kasalanan nyo.

Xander: but seriously Dad, don’t you have any idea?

Oliver: of course I have, but I want to keep it to myself, I need a confirmation first.

Xandra: you’re so madaya Daddy, sabihin mo na rin po sa amin.

Oliver: bawal ang makulet mga bata, let’s go na.

Xander: Daddy, tuloy mo na lang po muna yung kwento nyo di Mommy last night.

Xandra: opo nga po Daddy, kwento nyo na po. Bilis!!!

                Ang babata pa masyado ng mga chismoso, hindi naman ako ganito noon pero bakit naging ganito ang dalawa na to? Ikaw ba naman magkaron ng ganitong kakukulit na kambal, ewan ko na lang kung hindi pumuti agad ang buhok mo sa buong katawan.

============================

Empress: he’s my ex-boyfriend! Are you happy now?

Oliver: ex mo ang isang yon pero nakikipag-kita ka pa rin, kaya ba ayaw mong samahan kita?

Empress: will you stop accusing me! Wala akong ginagawang masama, wala akong ginagawa na labas sa batas ng tao lalong-lalo na sa batas ng Dyos.

Oliver: don’t give me that bullsh*t Empress Aiko.

Empress: bullshit ka rin!

                Bwisit na lalake na to, wala naman akong ginagawang masama kung makapam-bintang wagas. Masama at kasalanan na ba ngayon na pagbigyan yung imbitasyon ng ex mo? Taraklis na buhay to, problema talaga ang hated nitong si Julius sa akin kahit kailan eh.

Oliver: don’t you dare throw your back to me, we’re still talking here.

Empress: don’t touch me! FYI we are NOT talking here dahil sarado yang utak at tenga mo na pakinggan ang paliwanag ko! Lumayas ka jan sa daraanan ko!

                What the hell is happening to her, bakit ba nagka-ganon sya bigla nung maka-usap nya yung ex nya? Meron bang kaliwaan na nagaganap at wala akong kaalam-alam? Hindi pwede, hindi ako papaya na agawin nya sa akin ang Empress ko!

Empress: hey!!! What do you think you’re doing? Put me down!!! Gaaaaaahhhhhhhddddd!!! I said put me down.

Oliver: no! We must talk now, you must tell me ALL, everything about that goddamn guy!

Empress: he is just my ex-boyfriend, and he just shares to me what happened to him most especially his failed marriage. He needs my help, and he has message from my parents! Now put me down!

Oliver: message from your parents?

Empress: yeah, they are asking me to go home and hindi na nila ipipilit yung gusto nila.

Oliver: ano bang gusto ng parents mo kaya umalis ka sa kanila?

Empress: they want me to marry the son of their neighbour, and that’s bullsh*t.

Oliver: you think I’ll allow you to go back to California ngayong alam ko na may plano pala before ang parents mo na ipakasal ka sa iba?

Empress: I’m not asking for your permission Mister, pupunta ako sa California sa ayaw at sa gusto mo!

Oliver: no! kung kina-kailangan na ikadena kita sa unit mo gagawin ko. Kung kina-kailangan na hingin ko ang permission nila Tito Marlon gagawin ko talaga yon!

Empress: you’re such a selfish nut Oliver. I thought you’ll understand, but I was wrong!

                Akala ko talaga maiintindihan nya ang lahat, pero maling-mali ako! Pero Masaya na rin akong aalis dahil ayaw nya akong mawala sa kanya, na talagang seryoso sya sa relasyon naming dalawa. Pero hindi ko naman kayang tiisin ang mga magulang ko. Pagdating na pagdating ko sa unit ko ay tumawag agad ako sa ticketing office at nagpa-book ng flight going back to California. Hindi na ako magpa-paalam sa kanya para hindi na rin ako mahirapan, mag-iiwan na lang ako ng message para sa kanya. Pati kila Tito Marlon hindi na ako magsasabi na babalik na ako ng California, baka malaman pa ni Oliver ay pigilan pa nya ako.

*THE NEXT DAY*

Oliver: damnit!!! She’s turned her phone off!!!

Nathan: easy ka lang Oliver, ano ba kasi talaga ang nangyari? Ano bang pinag-awayan nyo?

                I tell Nathan the whole story, and I’m thankful that he understands me. Hindi ko alam ang gagawin ko kung iiwan ako ni Empress. Oo, hindi pa talaga ganong katagal yung relasyon naming dalawa, but my world revolves around her, I can’t live with her, she’s my everything!

Oliver: I really don’t know what to do Nathan. Gusto ko syang puntahan pero hindi ko magawa dahil natatakot ako sa pwede nyang sabihin sa akin, baka hiwalayan na nya ako ng tuluyan.

Nathan: just give space and time to thing about everything. And about naman dun sa arriange marriage na sinasabi mo, wala ring alam si Daddy doon, wala naman daw nasasabi si Tita Aileen. You need to trust her pare, she’s smart so she know what to do.

Waiter: excuse me po Sir Nathan, Sir Oliver. Sir Oliver may delivery po para sa inyo.

Oliver: thank you.

                A letter? Nakapag-bayad naman na ako sa lahat ng bills ko, bakit kailangan pa nila akong padalan ng notice? Letter from a stalker or an admirer? Kalokohan, sino bang makalumang tao ang nag-padala nito?

Nathan: kanino galing?

Oliver: walang nakalagay eh. Oh shit! I have to go Nathan, babalik na lang ako.

                Sa pagmamadali ko ay hindi ko na tinapos yung laman ng sulat, sapat na yung nabasa ko na paalis na sya ngayon. Bakit naman umalis sya ng hindi man lang naayos yung misunderstanding namin kahapon? Bakit kailangan pang umabot sa ganito, na kailangan nya akong iwan.

Nathan: luka-luka talaga ang pinsan ko na yon! Tapos kapag nandon na iiyak-iyak naman! tsk, tsk! Pag-ibig nga naman sadyang nakaka-buwang.

Billy: anong iniiling-iling mo jan?

Nathan: Hi Sweetheart, pa-kiss naman ako sa maganda kong buntis na misis!!!









2 comments:

  1. hala! LQ cna oliver at empress! tsk!

    ReplyDelete
  2. ano ba yan bitin naman ako dito haha..update na agad!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^