Friday, March 16, 2012

TSG is the Name : Chapter 3




Medyo gumagawa na kami ng pangalan sa school…sumisikat kumbaga..sa kanya-kanyang field nga lang.

Dhez and Cecil joined the cheering team.

Sina Lanie at Lain naman sumali sa varsity team ng volleyball.

Sina Lynne at Rose sa choir sumali.

While me, joined in the arnis team.

Bukod tanging si Marky ang walang sinalihang club.

Ay meron pala..sa Reader’s Club siya sumali..yung mga taong laging tambay sa library at laging may hawak na ibat-ibang libro.


“ Guys I have a problem” minsang isang araw nakatambay kami sa Park sabi sa amin ni Rose.

“ Problem on what?”

“ studies?”

“families?”

“lovelife?”

“pera?”

Kanya-kanyang tanong namin sa kanya.



“ pwede bang lahat?”

“ Lahat??? Grabe ka naman. Sinalo mo na ba lahat ng problema sa mundo?” gulat na tanong ko sa kanya.

“ nag-away kasi kami ni Mark eh tapos kung anu-ano sinasabi niya sa family ko.” Sumbong ni Rose samin.

“ hay naku!! Ilang beses na ba kasi namin sasabihin sayo na hiwalayan mo na yang boyfriend mo eh pero ang tigas ng ulo mo.” Sisi sa kanya ni Lain.

“ mahal ko kasi siya.”

Hayy naku!!! Kung minsan nakakainis din iyang si Roselyn.

Ang gandang nilalang nagpapakatanga dun sa jowa niyang ewan.

Isang taon na ang nakakalipas mula nang magkakila-kilala kaming magkakaibigan. Nung minsang nagkaroon ng camping sa school nakilala namin si Mark. Ang present boyfriend ni Roselyn.

At first okay naman si Mark pati nga kami halos ligawan na nun eh mapasagot lang si Rose. Pero nung naging sila na saka lumabas yung tunay niyang ugali. He’s a devil in disguise.

Masyado na siyang naging demanding, at seloso. Pati nga kami pinagseselosan niya. Kaya naman naaasar na din kami sa kanya.

“ mahal-mahal…ikaw ba mahal pa rin niya?!” mataray na sabi ni Cecil.

“ pwede ba Cez..alam kong mahal ako ni Mark. Sabihin mong hangang ngayon hindi mo pa rin matanggap na ako ang niligawan niya at hindi ikaw kahit na halos ipagduldulan mo na yang sarili mo sa kanya.” Galit na sabi ni Rose.

Lahat kami na shock sa outburst niyang iyon. We didn’t expect na pagsasalitaan niya ng ganun si Cecil.

It’s true.

Sabay-sabay naming nakilala si Mark. Akala nga namin nung umpisa si Cecil ang type niya kasi mas nag-uusap silang dalawa and pareho silang member ng isang club sa school pero nagulat nalang kami nung kay Rose siya manligaw.

Although sabihin na natin na gusto nga siya ni Cez, still nag-give way naman si Cez para kay Rose kaya hindi tama yung sabihan niya ng ganun si Cez.

“ Roselyn ano ba yan!!!” sita ko sa kanya. “ watch out what your saying kasi nakakaoffend ka na.”

“ kung may problema ka wag mo ibuntong sa iba.” Segunda naman ni Dhez.

Hindi nalang umimik si Rose. Maski si Cez tahimik lang din.

“ hay naku ano ba naman kayo. Don’t tell us mag-aaway pa kayo.” Nailing na sabi ni Marky. “ mga babae nga naman oh”

“ nagtaka ka pa eh puro babae barkada mo.”

Si Marky lang ang nag-iisang lalaki sa grupo namin kaya nga napagkakamalan siyang bakla eh. Medyo malamya din kasi kumilos ang isang iyon.

“ ano ba talaga problema mo?” tanong ni Lyne

“ gusto ko ng lumayas samin.”

“ lumayas????”

Sabay-sabay pa kaming nagsalita. Mga nagagawa nga naman ng depress oh.

“ at bakit ka naman lalayas sa inyo?” tanong ko.

“ eh pinapalayas na ako ng nanay ko eh. Wala naman daw akong silbi sa bahay.” 

“ yan kasi puro boyfriend inaatupag.”

“niyayaya na nga ako ni Mark na magsama na daw kami.”

“adik ka ba?! Gusto mo bang huntingin ka ng tatay mo???!!!”

“solusyon ba yun sa problema mo?”

“saka paano ka naman bubuhayin niyan ni Mark eh estudyante din lang naman iyan.”

“ kaya nga dapat pag pipili kayo ng boyfriend yung may trabaho na. kasi ang estudyante walang pera iyan. Umaasa lang sa allowance ng magulang.” Payo ni Marky.

“ yes father Marky” sabay-sabay na sabi namin.

“ alam mo Rose sana mauntog ka na at ng matanggal na yang helmet dyan sa utak mo. Para magising ka sa katotohanang wala ng patutunguhan iyang relasyon niyo.” Payo ni Lain.

“ hanggat kaya pa naming solusyunan bakit hindi diba?hindi naman solusyon ang break-up”

“ haleer??? Ok ka lang??? eh ikaw nga itong laging nakikipagbreak kay Mark konting away niyo lang eh. Tapos kinabukasan kayo na ulit. Anong klase yun ha?” mataray na tanong ko sa kanya.

“ may kanta nga ako para sa inyo eh.” Dugtong ko pa.

“ kanta?”

“ oo. Alam mo ba iyong Martyr Nyebera? Yun pero medyo binago ko yung lyrics.”

“ sige nga Jho, parinig kami.”

Tumayo pa talaga ako at pumunta sa harapan nila. Kinuha ko yung suklay na ginagamit ni Dhez at umaktong parang mic iyon.

“ ehem…mic test mic test..”

Biglang nagtawanan ang mga kaibigan ko.

“ go, jhonah!!!”

“ ayusin mo yan ah!”

“ here we go..” simula ko.
Kinukumpleto mo ang araw niya
Sa tuwing inaaway mo
Pagpasok sa eskwela
Mukha mo ang nakita
Wala pang nagawa nakasimangot na
At pagsapit ng gabi
Kayong dalawa’y magkabati
Ang gusto niya lambingan
Ngunit may tropa na namamagitan….

Ang almusal ay sumbatan
Ang hapunan ninyo ay hampasan
Ang meryenda pagdududa
Pero mahal mo siya
Wala ng hahanapin pang iba
Handa kang magtiis
Kahit na..
Parang aso’t pusa kayo…
Nahuli lang ng ilang minuto di na kinibo
Nastranded sa bilyaran
Natalo sa sugalan
Kasama niya pa ay chicksilog
At pagsapit ng gabi
Silang dalawa’y nasa dilim
Ang gusto mo lambingan
Ngunit ang jowa mo’y may katukaan..

Ang almusal ay sumbatan
Ang hapunan ninyo ay hampasan
Ang meryenda pagdududa
Pero mahal mo siya
Kahit na mukha ka ng tanga
Handa kang magtiis
Kahit na parang aso’t pusa kayo.



Nang matapos ang kanta ko ay wala ng tigil sa pagtawa ang mga barkada ko. Halos mangiyak-ngiyak na nga sila sa kakatawa. Maski si Rose ay hindi rin mapigilan ang pagtawa. Sapo-sapo pa nito ang tyan.

“ the best ka talaga Jhonah!!!”

“ bruha ka ang sakit ng tyan ko kakatawa.”

Napangiti na lang din ako. Atleast kahit na nagmukha akong tanga. Worth it naman dahil nawala yung tension sa paligid namin at napangiti ko si Rose.

Yun naman ang essence ng friendship diba?




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^