Friday, March 16, 2012

TSG is the Name : Chapter 4


Ma. Cecil Celestino



Ako nga pala si Cecil. At ako ang sinasabi nilang lahat na pinakamaldita samin. Well, siguro nga. Masyado kasi akong prangka. Kung minsan hindi na maganda para sa iba pero sakin honest lang naman ako. Wala naman akong intension sumali sa grupong ito noong una because I know everybody in the class hates me. That’s why I prefer to be alone.


But some unexpected things happened that became the reason why I stick to this group. I can still remember it….



Kahit bagong start palang ang klase mapapansin mo na kung sino ang magiging magkakaibigan. Kanya-kanyang circle of friends na.

Ako naman mas feel ko sumama sa mga kakilala kong senior students kesa sa mga kaklase ko. Alam ko kasi na hindi nila ako gusto.

Then one day I saw them. Sina Jonalyn at Christian.. at first I thought that they’re lovers but it turned out that they’re just friends lang pala. I became close kay Christian since magkatabi kami sa upuan kapag alphabetical arrange. Para ngang naiinis sakin nun si Jhonah eh. Siguro iniisip niya aagawin ko yung bestfriend niya.


Then isang araw ewan ko kung anong nangyari pero bigla ko nalang nakaaway ang buong klase namin. Pakiramdam ko pinagtutulungan nila akong lahat. Sapat na bang dahilan ang pagiging maldita ko para makaaway ko silang lahat? They’re not even bothered to know my side. I feel alone and lonely.

That’s the time she approach me.

“Hindi ko alam kung anong ginawa mo para magalit silang lahat sayo. I don’t like you but I also don’t hate you. So siguro naman pwede ng dahilan yun para maging kaibigan kita. Naawa kasi ako sayo wala kang friends. Alam ko kasi ang pakiramdam ng walang kaibigan.”

That Jonalyn. Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa kanya. She don’t like me and yet she wants me to be her friend? Adik ba siya??

Pero ewan ko that time there’s something in her that I cant explain. Parang merong magnetic force sa kanya na nagsasabing I should trust her.

Oh diba sinong nagsabing wala akong alam sa science???

So I trust my instinct and it didn’t fail me. Sa grupo na nabuo namin sa kanya ako pinakamalapit. Siguro kasi may something in common kami. At sa isang taon na nakasama ko sila I’m thankful to be a part of their group.


Ma. Jonalyn Villar



“Hey guys may naisip ako” sabi ko sa kanila minsang nakatambay kami sa park.

Oh diba? Puro kami tambay hindi na kami nag-aaral.. hahaha..joke lang..syempre after school hours kami natambay.

“Ano na naman yang naisip mo? Kinakabahan ako kapag may naiisip ka eh.” Tanong ni Marky (kakaiba ba ako mag-isip para kabahan sya ng ganun?)

“tungkol saan ba yan?” dugtong naman ni Rose.

“ gusto niyo bang magboarding house nalang tayo? Para sama-sama tayo sa isang bahay diba?”

Agad naman kumontra si Lanie.

“Naku Jho, kung magsasama-sama tayo sa isang bahay malamang laging magkakaroon ng gyera sa pagitan nila Roselyn at Cecil.”

“Okay lang basta wag silang magbabasag ng gamit eh.” Kibit balikat na sabi ko.

“Okay lang sakin. Basta dapat yung accessible sa school.” Sang-ayon ni Dhez.

“May alam ba kayo?” tanong ko sa kanila.

“Ngeek?ikaw itong nagsasuggest eh tapos kami tatanungin mo.” Nailing na sabi ni Lain.

“Baka lang kasi may alam kayo. Alam niyo naman malayo ang bahay ko dito kaya di ko alam kung saan meron.”

Nag-isip kaming lahat.

“ako meron alam malapit lang dito. Pero hindi siya boarding house apartment siya” Sabat ni Lyne.

Lahat kami napatingin sa kanya.

“May alam ka naman pala eh. Hindi ka nagsasalita.”

“Sorry much naman..”

“so, saan naman itong alam mo? Puntahan natin.” Yaya ko sa kanila.
(>_<)



Okay naman yung place na pinuntahan namin. Malapit lang siya halos sa school. 

Mga walking distance lang yung apartment.

Okay naman yung place at surroundings niya. Bale dalawang apartment pala yung pag-aari ni Manang na pinauupahan. Yung katabing apartment occupied na daw.

Maluwag ang loob ng apartment. Two-storey siya at may dalawang kwarto sa itaas. Sa ibaba naroon ang kitchen, living room at dining room. May dalawang toilet and bath. Isa sa itaas at isa sa ibaba. May maliit na garden din siya. Overall maganda ang bahay kahit simple lang.

We decided that this house is good for us. So after ng pakikipagnegotiation sa landlady ay nagdecide na kami lumipat.
(*_*)



Since wala pang masyadong gamit ang bahay naming ay nagdecide kami na mamili muna ng mga gagamitin. Kahit yung mga basic lang like upuan, mesa at kama. Nakakatuwa kasi yung ibang gamit namin ay galing sa mga family namin.

Mga mukha yata kaming nasunugan at nagdodonate sila ng mga kasangkapan samin.

Ang magkakasama sa isang kwarto ay sina Lain, Lanie, Lyne at Rose. Sa kabila naman ay Ako, si Dhez at si Cez. At dahil nag-iisang lalaki lang si Marky dun siya sa maliit na kwarto lang sa ibaba na para yata yun sa Servants quarter. Inayos nalang namin para magmukhang maganda at presentable.

“Hindi niyo naman ako masyadong inaapi niyan?” reklamo samin ni Marky.

“Ano ka ba? Love ka nga namin eh biruin mo solo mo ang kwarto?” pakonsuwelong sabi ni Alaine.

“Well, thank you ah!!!” sarcastic na sabi ni Marky.

Nauwi nalang sa tawanan ang usapan namin.




After a week nasettle na din kami ng maayos. Buti nalang at tinaon namin ang paglipat ng sembreak.

Second year second semester na. Parang kailan lang mga freshmen lang kami.

Para maayos ang set-up nagdecide kami to divide all the household chores except laundy. Cleaning, dishwashing and cooking are equally devided to eight of us from Monday to Sunday.

“Guys, malelate ako ng uwi kasi may training ako.” Paalam ni Lanie sa amin.

May kanya kanya naman kaming susi pero mabuti ng magpaalam kami sa bawat isa kung sakaling malelate ng uwi or hindi makakauwi para hindi mag-alala.

“Ako din eh may practice kasi kami ng cheering ni Dhez kaya malelate na din kami.” Sabi naman ni Cecil.

“Puro kayo may mga lakad ah…si Alaine at Marky may gala din. Si Rose may date daw sila nung Jowa niyang ewan. Si Lyne dadalaw sa bahay nila. Ako lang pala maiiwan dito ah.”

“Mag-ingat ka dito ah…wag ka magpapapasok ng di mo kilala.”bilin ni Rose sakin.

“Oo naman. Alam ko na yan. Ano naman tingin mo sakin? Ignorante sa Maynila eh Manila Girl ako.” Mataray na sagot ko sa kanya.

“Nagpapaliwanag lang naman.”

So ayun nga iniwan ako ng lahat. Ang bait nila. Buti nalang at may niluto ng pagkain si Marky. Honestly, ang incharge talaga sa pagluluto ay sina Marky, Alaine, Roselyn at Lanie. Sa Paghuhugas naman kaming natirang apat. At sa paglilinis lahat kami. Silang apat lang kasi ang nabiyayaan ng talent sa kusina.

Wala akong talent sa pagluluto eh. Ni magprito nga lang nasusunog ko pa. Pero ang nakakaloko sa lahat ay magaling naman ako magbake. Kaya kapag dessert ay kaming dalawa ni Dhez ang gumagawa.

Para malibang ang sarili habang nag-aantay ng oras ay nagbasa basa muna ako sa garden. Naglagay kasi kami ng duyan dun para tambayan.

Bitbit ang librong gawa ni Cate Tiernan na Sweep ay umupo ako sa may duyan. 

Lately ko lang kinahiligan ang librong ito nung napadaan ako sa National Bookstore it caught my attention kaya naman binili ko yung buong 15 series na nakita ko. Hindi nga makapaniwala ang mga kaibigan ko nung bilhin ko ang librong iyon dahil sobrang dami nga daw hindi ko naman mababasa agad lahat. Tamad kasi ako mag-ikot ikot kaya kapag napunta ako sa mall binibili ko na lahat ng magustuhan ko.

Aliw na aliw ako sa pagbabasa ng may biglang pumasok na bola sa loob ng bakuran namin. Saan naman kaya posibleng nanggaling yang basketball na yan? Wala akong ibang naisip na pwedeng panggalingan ng bola maliban sa katabing bahay namin.

Sa totoo lang mula ng lumipat kami rito ay hindi ko pa nakikita ang mga kapitbahay ko. Mukha ba silang tao? Normal naman ba kaya sila? Baka mga katulad sila ng mga kaibigan kong abnormal.

Hahaha..napatawa nalang ako sa naisip ko.

Maya-maya ay nakarinig ako ng tumatawag sa gilid ng bahay namin.

Galing sa katabing bahay?!!!

“Miss, pakuha naman nung bola oh! Napunta dyan sa inyo eh.”

Napatingin lang ako sa kanya. I didn’t even bother to move out of the swing.

I carefully scan him in my mind… (akala mo may scanner ang utak ko eh)

Mukha naman siyang matino. Sa tantya ko mga nasa 5”8 ang height niya. Maputi at gwapo. Pero para sakin wala siyang dating. Kumbaga wala siyang appeal sakin kaya dedma ko lang siya.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

“Hoy! Miss ang sungit mo naman nakikisuyo lang eh.”

“Can’t you see that I’m busy???” panonopla ko sa kanya.

Ang ayoko pa naman sa lahat ay iniistorbo ako sa pagbabasa ko. Buti sana kung gwapo siya eh. (Take note Jhonah gwapo siya pero hindi mo siya type kaya dedma siya sayo.)

“para makikisuyo lang eh. Napakaarte mo naman.”

Nagpanting bigla ang tenga ko. How rude this man na sabihan ako ng maarte without even knowing me???!!!

Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko. Dinampot ang bolang hinihingi niya at ibinato bigla sa mukha niya.

Thug!!!!!

Sapul ang kawawang pobre sa mukha.

Haaahhh!!! Akala niya uubra siya sakin??? Kahit lalaki siya hindi ko siya aatrasan. Para saan pa ang pagaaral ko ng taekwando at arnis kung lalampa lampa lang din naman pala ako at di marunong lumaban sa mga maangas at antipatikong tulad niya.

“Sa susunod na mapunta pa yang bolang iyan dito sa bakuran namin bubutasin ko na yan.!!! Illegal trespassing yan eh!!!”

Naku kaya ayokong nakakaharap ng mga antipatikong lalaki ay dahil lumalabas ang pagiging amazona ko eh. Dapat mga goodboy ang kaharap ko lagi para mabait din ako.

Ako na..ako na abnormal..


Haay!!! Sakit sa ulo yata ang dulot ng kapitbahay namin ah.



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^