Friday, March 16, 2012

TSG is the Name : Chapter 2



May groupings sa Filipino. Nagtawag si Mam ng mga representative para siyang maging leader. At yung leader ang pipili ng members niya.

Sa hindi ko malamang kadahilanan eh kasali ako sa tinawag para maging leader.

Tumayo kami sa harapan. Bale pitong grupo kami lahat at dapat daw 8 members per group.

Habang nakatayo sa harapan isa-isa kaming pinapili ng magiging members namin.

Una kong pinili si Christian. Mahirap ng maunahan ng iba. Kasi kahit ganyan iyang bestfriend kuno ko eh matalino iyan at mapapakinabangan ko ang katalinuhan at kapal ng mukha niya para sa mga ganyang activity. Since pareho kaming mga active sa klase nung highschool alam ko ang kalibre niya sa mga ganyang bagay.

Sununod na pinili ko si Dhez. Syempre kakalimutan ko ba yung bestfriend ko? Kapag hindi ko pinili iyan walang kukuha diyan kasi hindi naman siya nakikipagkaibigan sa iba.

Bale tatlo na kami sa grupo kulang nalang ng lima. Sinama ko na rin si Eidel sa grupo dahil iprinisinta niya yung sarili niya para maging member ko. Then yung dalawa ko pang kaklase na mag-jowa. Mga schoolmate ko yun nung highschool hindi ko nga lang masyadong kaclose kasi maarte at maangas yun eh. Pero dahil matalino at makapal din ang mga mukha nila isinama ko na din sila sa grupo ko.
So may dalawa pang natitira. Halos nagkakaubusan na ng mga walang grupo. Hindi ko alam kung sino pipiliin ko. Hindi naman kasi ako nakikipagfriendship sa kanila. Saka yung mga natira yun ang mga estudyante na walang pumapansin. Yung mga “outcast”.

Tama. Hindi na ako outcast sa college life ko. Napatunayan ko na unlike sa highschool mas mahalaga sa college ang mga may utak at madiskarte. Survival ang labanan dito para makapasa sa malulupit na prof at pamatay na finals.

Tinawag ako ni Dhez at ibinulong na yung Marcelo at Krystalyne ang piliin ko.

Well since no choice na rin naman ako pinili ko nalang sila. Mga katabi sila ni Dhez sa upuan kapag alphabetical arrange ang seating arrangement. Kaya siguro kilala niya ang mga ito.

Infairness nakikipagfriendship din pala si Dhez sa iba.

So ayun buo na ang grupo ko. Pinagsama sama ni Mam lahat ng magkakagrupo para makapag-meeting.

“ Jonalyn, thank you sa pagpili sakin ah. Kinakabahan nga ako kasi baka walang kumuha sakin” sabi sakin ni Krystalyne o Lyne.

“ hehe..okay lang. si Dhez ang nagsabi sakin na kunin kayo. Pasensya na ha kasi hindi ko kayo masyadong kilala pa” hinging-paumanhin ko sa kanila.

“ okay lang. wala naman nakakakilala samin kasi sino ba naming papansin samin eh. Saka sikat ka sa klase kaya malamang hindi mo kami napapansin.” Sagot naman ni Marcelo


“ ako?sikat? hindi noh!”

“ oo kaya. Ang talino mo kasi eh. Nakakahiyang sumali sa grupo niyo. Puro kayo matatalino. Saka nung highschool diba sa Star Section kayo galing”


Kapag sinabing Star Section sa Section 1 yun. Ang pinakamataas na section sa buong school.

“ ano ka ba? Dito pantay-pantay lang tayo. Wala ng star section dito eh” sabi ko sa kanila.

“ Buti nga sa inyo kami napasali. Ayoko kasi sa iba parang ang yayabang at aarte nila” sabi ni Lyne

“ hindi naman nawawala yun eh”
Mula noon napalapit na samin sina Lyne at Marcelo o Marky. (ang baduy kasi ng name niya eh kaya binago namin)
( ^-*)




“ guys punta tayong MOA” yaya ni Lain.

Wala kaming prof kaya naman nakatambay ang buong klase sa may park sa tapat ng school namin. Bawal kasi tumambay sa corridor at sa loob ng classroom kapag walang prof kaya naman sa Park kami madalas tumatambay.

“ saan yun?” tanong ng isa naming kaklase na ignorante pa yata sa Maynila at hindi alam ang MOA.

Sa totoo lang bagong bukas palang kasi noon ang Mall of Asia o mas kilala sa tawag na MOA kaya siguro bihira palang ang nakakaalam.

“ basta sama ka nalang” sagot ni Lain.

“sama ba tayo?” tanong sakin ni Dhez.

Naiintindihan ko kung bakit sya nagtanong sakin ng ganun. Hindi kasi kami gumagala kaya kung sasama kami first time na gagala kami.

“ ewan, tignan muna natin yung mga sasama kapag di ko feel wag tayo sumama” sagot ko sa kanya.

It turned out na may kanya-kanya din palang plano ang mga kaklase namin kaya naman ang sasama lang sa MOA eh sina Lain, Roselyn ( yung babaeng ayaw magpahiram ng libro), si Marky, si Lyne , si Cecil, Lanie,Dhez. at ako.

“ maglalakad lang tayo ah para tipid pamasahe” sabi ni Lain samin.

“ maglalakad????seryoso ka?? Alam mo ba kung gaano kalayo ang UMAK sa MOA???!!!” nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya.

“ malapit lang yun. Saka hindi naman tayo maglalakad hanggang MOA eh. Hanggang sa sakayan lang ng bus.”

“ ahh..akala ko kasi hangang MOA eh. Ang alam ko kasi nasa Pasay ang MOA at nasa Taguig tayo ngayon. Walking distance lang diba???”

“ malapit nga lang yung lalakarin natin wag na kayo umangal”

Malapit lang…

Isa lang ang narealized naming lahat.

Kapag si Lain pala ang nagsabing malapit lang, asahan mong 4 kilometers yan.

Parang gusto nang sumabog ng ulo ko sa pagkabadtrip kasi ba naman imagine naka skirt kami, naka white blouse at black high heeled shoes tapos paglalakarin lang niya kami ng 4 kilometers???!!!

Mukhang badtrip narin ang mga kasama ko pero hindi nalang sila nagsalita.

Kunsabagay experience din naman ito. First time in my history na naglakad ako ng ganito kahaba eh kami pa naman ni Dhez tamad maglakad.

“ malayo pa ba?” hindi na napigilang tanong ni Dhez

“malapit na”

“ gaano kalapit?” tanong ko.

“mga 1 kilometer nalang” sabay tawa.

Haay!!! How I wish meron din akong energy tulad ng sa kanya.

After 50 years ( hindi naman masyado mga 10 years lang siguro) nakarating na din kami sa sakayan ng bus.

Ayan tama yan. Nakaskirt kami at makipag-agawan kami sa mga pasahero sa bus.

“ Very good ka talaga Alaine” sarkastikong sabi ko sa kanya

“ thank you” Aba?! Nagthank-you pa hindi ba niya alam na sarcastic iyon???

Thankfully wala masyadong pasahero ng ganung oras kaya naman lahat kami eh nakaupo.

Magkatabi kami nila Dhez at Lyne sa upuan. Sa unahan namin sina Lain, Lanie at Rose. Sa likuran naman sina Marky at Cecil. Nakakatuwa kasi parang bata si Rose na itinaas pa ang kamay habang umaandar ang bus. Masaya din naman pala siya kasama mukha lang talagang suplada.

Pakiramdam ko pinagtitinginan kami ng mga kapwa ko pasahero dahil mukha kaming mga ignoranteng ngayon lang nakasakay ng bus.
(O_O)



First time naming lahat na makapunta sa MOA (kasi nga bagong gawa pa lang siya) ayun syempre lahat kami excited. Feeling ko nga field trip ang pinuntahan namin dahil lahat kami nakauniform eh. Nagbiro pa nga si Marky na hinawakan ang lupa na unang tinapakan namin.

“ sa anong gagawin natin dito?” tanong ko sa kanila

“ eh di maglilibot” sagot ni Lain

“ bili muna tayo ng foods tapos dun tayo tumambay sa may sea side maganda daw dun eh” suggestion naman ni Rose.

Ganun nga ang ginawa namin. Pero bago kami makarating sa Sea side area may nakita kaming photoshop. Nagkayayan na magpakuha para naman daw may souvenir kami sa MOA.

Nakakatuwa dahil gustong-gusto ni Rose na sumakay dun sa shuttle ng MOA trip lang daw.

“ hindi tayo uuwi hanggat hindi tayo nakakasakay diyan” nagmamaktol na sabi niya at sumalampak ng upo sa batuhan.

“para ka namang bata eh” reklamo ni Marky

“ sus! If I know gusto niyo din namang sumakay nahihiya lang kayo. Pwes ako hindi ako marunong mahiya.” At walang sabi-sabing pinara ang dumadaang shuttle.

Sumakay na din kami. Syempre nahihiya lang din talaga kami pero gusto din naman namin maexperience yun…once in a life time yata yun..bwahahaha!!!
(^-^)



Yun ang simula nang pagkakaibigan naming walo. Madalas kaming magkakasama. Sa pagtambay, sa lunch at sa mga galaan. Hanggang sa marecognized na sa school ang grupo namin.

“ Pansin niyo ba sumisikat na tayo dito sa school?” tanong sa amin ni Lanie.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa paborito naming tambayan sa Park. Sacred sa amin ang lugar na ito kasi bihira lang ang nagpupunta sa bahaging ito ng park. Masyado kasing malayo mula sa entrance at natatakpan pa siya ng stage.

Kaya nga kapag may nawala sa amin dito naming unang hinahanap.

“ oo nga eh. Siguro dapat na nating bigyan ng pangalan ang grupo natin. Lagi nalang kasing “Jonalyn and friends” ang tawag nila sa atin eh. Mukha ba akong si Barney?” reklamo ko naman sa kanila habang nakahiga sa damuhan.

“ pareho naman kayong violet eh kaya okay lang” sabi naman ni Marky habang nagbubunot ng mga damo sa paligid niya.

Nang makuntento sa pagbubunot ng mga damo eh ibinato niya ito kina Lyne na busy sa pagtingin ng mga litrato sa cellphone.

“ ano ba?!” reklamo ni Lyne.

“ ang epal mo talaga Marcelo” react naman ni Alaine at ibinato pabalik kay Marky yung mga damo.

“ ang gulo niyo naman. Hindi niyo gayahin si Jhonah busy sa pageemote” turo sa akin ni Rose.

Nabaling naman sakin ang atensyon ng mga kaibigan ko.

“ drama mo teh???!!! Senti??” react ni Lanie

“ gumagawa kaya ng music video iyan si Jhonah” biro naman ni Marky.

“ mga adik! Nag-iisip kaya ako ng pangalan ng grupo natin” sagot ko sa kanila.

“ so kailangan nakahiga ka talaga diyan?” nakataas ang kilay na tanong ni Cecil.

“ mamaya mangati ka diyan eh” pansin ni Dhez

“ Bermuda grass naman ito hindi makati sa balat. Saka mas nakakapagconcentrate ako ng ganito.”

“ sabagay..sige dadamayan kita” sabi ni Cecil at nahiga sa tabi ko.

“ alam ko na” biglang sabi ko sa kanila at tumayo.

“tignan mo itong babaeng ito. Kung kelan ko siya dinamayan iniwan naman ako” nailing na sabi ni Cecil.

“alam mo na ang ano?”

“ ang pangalan ng grupo natin”

“ano?” sabay sabay na tanong nila.

“ TSG”

“ TSG???!!!”

“ano ibig sabihin nun?”

“ Tambay Sa Gabi?”

“ Tambay Sa Gilid?”

“Tinga Sa Gilagid?”

“Turon, Sago, Gulaman?”

“ The Siomai Girls?”

Hay naku!!! Kung anu-anong kalokohan ang pinagsasabi. Nakakapang-init ng ulo ah.

“ Wala syang meaning okay? Just TSG para may dating diba? Bahala na sila mag-isip kung anong meaning nun basta satin it’s just plain TSG”

“ TSG…hmmm…pwede na”

At doon nagsimula ang pangalan ng grupo namin.

Mas okay na yun kesa Jonalyn and friends.

(@_@)




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^