Tuesday, March 27, 2012

So Near, Yet So Far : Chapter 28

Halos one week na ang nakakaraan nung makita ko si Rain,
Hanggang ngayon di ko pa ulit siya nakikita,
Hindi ko pa siya nakikita sa school,
Hindi ko na rin siya nakikita malapit sa amin,
Kahit halos kapitbahay ko lang siya, hindi ko pa din siya nakikita,
Bakit ganto? Sobrang namimiss ko siya .
Haiii ..



Saturday afternoon nun,
Tinawagan ako ni Jervie,

“hello audryne? Busy ka ba?” tanung nya.

“hindi naman, bakit?” tanung ko

“labas tayo, punta tayo sa park ?” yaya nya

“hmm.. sige sige, wala naman akong gingawa e” sagot ko.

“sige sunduin kita diyan sa haouse nyo after an hour?” tanung nya

“sige..” sabi ko.

“ge bye” paalam nya, tapos binaba ko na ung phone ..


Actually ayoko sanang lumabas ngayon,
June 6 kasi nagyon, 3rd monthsary dapat namin..
Tapos sa park pa ako pupunta..
Sa park kung saan nagsimula lahat ng magagandang memories ..
Haii ..


After an hour sinundo nga nya ako .
Nagpunta kami sa park,
Dun pa kami naupo sa favorite bench ko,
Tapos umalis siya,
May bibilhin lang daw siya,
Medyo palubog na ang araw nun, siguro mga 6 :30 na nun,
Tapos pagbalik nya may dala siyang tatlong red roses,
Inabot nya sa akin yun



“audryne, nung unang beses pa lang kitang makita dito sa park na to,
Aaminin ko nagkagusto na ako sayo,
At nung makilala kita sa mall, aaminin ko isa ung sa masasayang araw ko,
At mas sumaya ako nung malaman kong sa iisang school lang tayo napasok,
Audryne, mahal kita, pwede bang maging tayo” tanung nya ..


Hindi ako makasagot,
Ung way nya ng pagtatapat halos pareho ng ginawa ni Rain,
Sa park, ung flowers, at mismong sa araw at oras na to,
Pinaglalaruan ba ako ng tadhana ?
Pilit kong kinakalimutan si Rain, kahit hindi ko kaya,
Pero halos lahat ng nangyayari,
Lahat it all reminds me of him .. 









3 comments:

  1. ohmigash!!! nag-confess na si jervs! >__<

    ReplyDelete
  2. kinikilig aq kei jervie peo naawa dn aq kxe alm qng nde nmn xah ang partner ni audryne.

    ReplyDelete
  3. aww.
    pero hindi ko naman din type si jervie.
    dun ka na lang kay rain.
    nagsisisi na yun.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^