Saturday, March 31, 2012

Marry Me, Mr. Kidnapper! - Chapter 1

Chapter 1



 *BEEP BEEP*




"Ay palakang nagte-tetris!"napatayo ako sa sobrang gulat. Kasalukuyan akong nakaupo dito sa waiting shed dahil hinihintay ko si Lara ang aking bestfriend. Sapagkat mahigit Thirty minutes na akong naghihintay sakanya. Buti nalang at mahaba yung pasensya ko pagdating sakanya.



"Miss!" tawag sa akin nung lalaking na sa kotse na bumisina sa akin kanina. Hindi ko siya pinansin at lumingon lang ako sa kabilang side.



"Miss! Miss!" tawag niya ulet. Hindi ko ulet pinansin dahil hindi ako kumakausap o nage-entertain sa mga taong hindi ko kakilalala. 



"HOOOY Miss! Yung babaeng nakaupo sa waiting shed na naka-pink na blouse at naka-pants na nakatingin sa kabilang side."  okay. Alam kong ako yung tinutukoy niya. Kelangan ba talagang isigaw bawat detalye ng suot ko? Kulang pa yung sapatos oh! Ramdam ko yung mga mata ng tao sa paligid ko. Kaya naman nilabas ko yung cellphone ko at earphone at saka ipinasak sa tenga ko yun at naka-max volume iyon.



Siguro mga thirty seconds ako nakikinig ng biglang may humablot ng earphone sa tenga ko. 
Yun ang labis kong kinainis.



Napatayo ako "Who the hell are you?!" inis na tanong ko sakanya habang nakapamewang. Wala na akong pakealam kung pagtinginan kami ng mga tao dahil sa lakas ng boses ko.



"How could you.." malungkot na sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Hinihintay ko yung sunod na sasabihin niya. "How could you forget me?" nagulat naman ako dun sa tanong niya.



"HUH?" yan lang ang lumabas sa bibig ko. Dahil hindi ko alam yung sinasabi niyang forget forget na yan.



"I'm your husband!" napantig ang tenga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya. Lalong umusok yung ilong ko sa sobrang inis.



*BOOOGSH!*



"Ouch!" sigaw niya habang nakahawak sa kaliwang pisngi niya. Sinabi ko ng naiinis na ako dahil kanina pa ako naghihintay dito sa waiting shed.. Wala man lang text or tawag ang bruha na kung nasaan na ba siya. Nakakainit ng ulo..



"Hey you old man!" turo ko dun sa lalaking hindi naman talaga matanda pero tinawag ko lang na matanda. "Ikaw tigil tigilan mo ako sa trip mong yan ha! Wala ako sa mood para makipaglokohan sayo!" inayos ko yung sarili ko at saka padabog na tumalikod napahinto ako.



Ang daming tao! Grabe.. Ano bang meron ha? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng napagtripan? Tss. Nagsimula ng humakbang yung mga paa ko ng magsalita yung lalaki.



"You shamed me!" napalingon ako sakanya. Napalunok ako nang makita ko yung itsura niya. Nanlilisik yung mata niya sa galit parang gusto niyang kumain ng buhay. Pero hindi ako nagpahalatang natatakot. Hinawi ko yung buhok ko at saka tinaas ang tingin ko. "You will pay for this Riyujin Jane Domingo!" pagkasabi niya nun ay tumalikod siya at saka naglakad paalis. Naiwan akong nakanganga at nakatulala dahil sa narinig ko.



Papaano niya nalaman yung pangalan ko? Narinig ko ang bulong bulungan sa paligid ko kaya nainis nanaman ako. Tinignan ko silang lahat ng masama kaya naman nagiba iba na sila ng ayos. Yung iba yumuko, yung iba naman tumalikod at kunwari may tinuturo sa kasama nila. Yung iba umalis. Nakakabadtrip talaga ang araw na to.



"Rjaaay!" sigaw ni Lara sabay yakap sa akin patalikod. Alam kong si Lara yun dahil siya lang yung tumawag sa akin na Rjay.. "Sorry! Sorry! 2:30PM na kasi ako nagising eh. Sorry talagaaa." pagkasabi niya nun ay kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at saka niya ako hinarap sakanya. I just rolled my eyes. Super nakakabadtrip talaga.



"Huuii! Sorry na." sabi ni Lara habang naka-puppy eye. Sorry Lara, sobrang badtrip ako ngayon. Kaya naman naglakad na ako papunta sa mall at nilagpasan ko lang siya. Naramdaman ko naman na sumunod siya.



"Ui. Rjay! Pansinin mo na ako... Sorry na please! Papaano tayo mage-enjoy kung galit ka sa akin?" nagmamakaawa yung tono ng boses niya medyo nakaramdam ako ng guilt. Hindi naman talaga ako galit eh. Inis lang, naiinis lang talaga ako dahil pinag-antay niya ako ng matagal at may lalaking nantrip at nagbanta pa sa akin. Urgh! Naalala ko nanaman yung sinabi niya. "You will pay for this!"  tumayo ang balahibo ko nung narinig ko iyon sa isip ko. 



"Okay. Okay! Just please shut up for a while?" nakita ko naman na nagliwanag yung mukha niya at tumango tango. Haaay para talagang bata tong kaibigan ko na to. "Saka may iku-kwento ako sayo mamaya." tumango lang siya at niyakap niya yung braso ko. Napangiti naman ako sa ginawa niya.


--------



"Oh my gosh Rjay! Sorry talaga!" sigaw ni Rjay. Kaya naman napatingin yung mga tao sa amin, nandito kami ngayon sa may stall ng mga Ice cream crepes kasalukuyang kumakakain. Kinuwento ko na rin yung nangyari sakanya. Hinatak ko yung kamay ni Lara pababa para makaupo siya.



"Tumahimik ka nga! Oo na. Wala ng magagawa yang sorry mo. Nangyari na eh." napabuntong hininga nalang ako at kinagat ko yung crepe na hawak hawak ko. At least kahit papaano ay nawala yung pagkayamot ko at dahil yun dito sa Crazy for Strawberry Crepe na kinakain ko ngayon. 



"Pero ano ba talagang itsura nung lalaking yon? Bakit sinabing husband mo siya?" tanong niya at saka kumagat dun sa crepe niya. "At saka matanda na ba talaga? Bakit mo siya tinawag na old man?" dagdag niya pa.



"Hindi ko alam kung bakit niya sinabing asawa ko siya. Pero siguro..." huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Siguro nang gu-goodtime lang yun. Hindi naman sa mukhang matanda." napaisip ako at inaalala yung mukha niya. "Well, he's not that old naman. Tingin ko nga yung edad niya is 17?" nakita kong gulat yung mukha ni Lara. "Kaya nga imposibleng may asawa yun. I guess nang gu-goodtime lang talaga yung lalaki na yun." sabi ko sakanya. Pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ko.



"Ano itsura niya? Gwapo ba?" napaisip ulit ako. Hmm masasabi mong gwapo siya, matipuno at saka lalaking lalaki siya. Tumango lang ako.



"My gosh Rjay! Dapat hindi mo nalang siya sinungitan!" hay nako. Heto nanaman siya. Kapag sinabi mong gwapo... Ayan na yan aariba na ang bibig niyan. Minsan ipagtatanggol niya pa yung gwapo kesa sa akin. Haaist.



Inirapan ko lang siya. Kumakain lang ako nung crepe ko ng biglang may umagaw ng atensyon ko. Tinignan kong mabuti yung lalaking nakatayo dun sa may poste at nagyoyosi yung kaliwang kamay niya nakapasok sa bulsa niya. Nagulat ako nung humarap siya. Ngumiti siya ng nakakaloko at saka ibinuga yung usok sa bibig niya sabay pitik dun sa yosi niya. Humakbang siya ng isa para tapakan yun at saka siya tumingin ng masama sa akin.



"Hoy Rjay! Kanina pa ako nagsasalita dito." Lumingon ako kay Lara pero ibinalik ko rin agad yung tingin ko dun sa pwesto nung lalaki kanina. Pero wala na ito. Inilingat lingat ko yung tingin ko. Pero wala na talaga.



"Ano bang nangyayari sayo Riyujin! Bakit namumutla ka?" nagulat ako sa sinabi ni Lara, namumutla daw ako. Tumingin ako sakanya at ngumiti. "W-wala. Ayos lang ako. Tara na?" inaya ko siya. Tumango naman siya at saka tumayo.



Naglalakad kami papunta sa national bookstore. Sa susunod na araw papasok na kami.. Kaya dapat mamili na ng mga gamit. 



"Hahaha! Naaalala mo ba si Lea? Yung palaging nangaaway sayo?" tatawa tawang tanong ni Lara sa akin. 



"Oo naman! Haha. Papaano ko ba makakalimutan yung bru-"



*BOOGSH*



"A-aray!" sigaw ko. 



"Rjay? Okay ka lang ba?" inalalayan ako ni Lara. May nakabunggo kasi sa akin sanhi ng pagkakaupo ko sa sahig at pagkalalaglag nung gamit ko. "Tignan mo kasi yung dinadaanan mo!" sigaw ni Lara sakanya.



"Miss. Sorry." sabi nung lalaking nakayuko habang pinupulot yung mga gamit kong nalaglag.



"O-okay lang." sabi ko.



Laking gulat ko nung makita ko yung itsura nung lalaki, iniabot niya kasi sa akin yung mga gamit ko eh. "Here. I'm very sorry." nanginginig yung kamay ko nung kinuha ko yung gamit ko sakanya. Pagangat ng tingin ko sakanya. Nakangisi siya at sabi niya. "Be careful."  pagkatapos nun ay nilagpasan niya lang kami ni Lara. Tumayo balahibo ko nung marinig ko yung sinabi niya. May ibang kahulugan yung "Be careful" niya.



"You will pay for this!" naalala ko nanaman yung sinabi niya kanina. 




5 comments:

  1. pen sis! sa next post, wag mong kalimutan lagyan ng labels ha! at saka pala pag magcopy-paste ka, i-paste mo muna sa MS word. then saka i-paste dito para walang white background kapag nagpost ka na.

    na-edit ko na siya! ^___^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo. ahaha! Sorry po T__T salamat!! =)

      Delete
  2. wwiiiiihhh! next n agd! cn't w8 4 more!

    ReplyDelete
  3. ikaw naman kasi riyujin! how could you forget your husband daw! hahaha! hala ka!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! xDD marami na po ako chappy niyan eh. Nitatamad lang po magpost. xP share lang po. Salamat po sa pagbasa ~~

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^