Friday, March 30, 2012

Help! She's Seducing Me! : Chapter Six

CHAPTER SIX


Nakaka-inis talaga ang lalake na yon, bahala sya sa buhay nya problema nya yon mag-isa kaya ayusin nya ring mag-isa! Sya na nga yung tinulungan, sya pa tong may gana na kasuhan ako.

“Saan ka galing Cha, masyado pa yatang maaga para mamasyal ka?”

“Dyan lang sa barangay Tanso, may sinamahan lang. Kilala mo ba Carlo yung mga tambay kagabi dun sa kabilang barangay, dun sa may bandang Malabo street?” yan kasing si Carlo eh isang dakilang tambay at si Mr. Friendly, lahat yata ng tao sa barangay namin pati sa mga katabing barangay eh kilala nya.

“Kagabi ba? Nako sila Frankie ang tambay kagabi, sila yung nakita ko dun sa kanto ng Malabo eh. Bakit mo nga pala tinatanong?”


Oo nga, bakit ba kasi kailangan ko pang alamin eh hindi ko naman na problema yon, ayos naman na siguro yung tulong na naibigay ko sa kanya, at perwisyong naidulot sa akin ng pesteng lalake na yon! “Wala lang, may naalala lang ako.” Lalakad na sana ako palayo kay Carlo ng biglang… “Ay kalabaw ni Mang Tonyo!” biglang may humila sa akin at kinulong ako sa katawan nya. Wew! Ka-bango naman nitong tao na to, nakalimutan ko kung ano bang dapat kong gawin. “T-teka…”

“May boyfriend ka na pala Cha hindi mo man lang kami bina-balitaan, ni hindi ka man lang nag-painom. Mauna na ako Cha, painom ka kapag wala yang syota mo.” Tapos umalis na agad sya.

Like what I’ve said, si Mr. Friendly yang si Carlo kaya tropa din kami. Nakiki-shot din ako minsan sa kanila kapag may inuman, kasama naman namin sila Vangie at Lelay at yung iba pang mga babae dito sa barangay namin. “Hoy wala akong boyfriend Carlo, baka mamaya ipagkalat mo na agad yon.” Pero teka nga, sino ba kasi ang damuhong lalake na to? “H-hoy! Ikaw na naman?! Ako ba talaga eh hindi mo titigilan?”

Peste talaga! Peste! Peste! Peste! Hindi na ba talaga ako lalayuan ng malas? Wala naman akong ginawang malaking kasalanan para bigyan ako ng ganitong ka-tinding karma ah. Lord naman, pwede po ba na ibang parusa na lang ang ibigay nyo sa akin para dun sa mga kasalanan na nagawa ko? Wag lang po itong lalake na to, wag lang po sya.

“Tama bang iwan mo ako dun sa barangay hall, ha Bebe Love?” bebe love, saan naman nya nakuha ang tawag na yon? Hilig ba talaga nya na magbigay ng bagong pangalan sa lahat ng binibigyan nya ng kamalasan? Nung una Ms. Sue, ngayon naman bebe love! “Saka sino ba yang lalake na kausap mo, nalingat lang ako sandali may iba ka na agad!”

“Wag mo na kasing itanggi Cha, babae ka nga talaga! Ipagkakalat ko lang ang isang magandang balita sa tropa.”

Isang problema na naman ang ibinigay nitong kumag na Stanley na to. Sigurado akong malaking issue na naman ang gagawin nitong pa-bebe love, bebe love nitong impaktong lalake na toh! “Bitiwan mo nga akong lalake ka!” Nakaka-bwisit talaga sya!

Alam mo yung feeling na gustong-gusto mo ng magwala pero hindi mo magawa dahil kahit paano may natitira ka pa ring kahihiyan sa katawan? Grabe, ang sarap nyang itulak dun sa kanal. “Pare, sabihin mo sa mga tropa nyo nitong si Cha na ako ang boyfriend nya.” Gaaaaaahhhhddd!!! Lord pwede po bang kuhanin nyo na agad ang isang to? Mukang wala naman po syang naidudulot na maganda dito sa bansang kinabibilangan nya, puro kamalasan nga lang po ang dala nya sa akin ee.

“Subukan mo lang Carlo na ipag-kalat ang sinabi nitong lalake na to at hindi ka na sisikatan ng araw.”

“Carlo, ano bang patunay ang gusto mo para lang maniwala ka na kami na nga nitong si Charlene para naman mai-kalat mo na ang magandang balita?” eto na ba yung karma ko sa pang-iiwan ko sa kanya sa barangay Tanso kanina?

“Isang nakaka-kilig na halik lang pare, kumbinsido na ako.” Tililing kang Carlo ka! “Aminin mo na lang kasi Cha.”

“Ilang beses ko ba kailangang sabihin na wala akong boyfriend! Ang kung sa bwisit at malas na lalake rin lang naman na to, mas gugustuhin ko pa na---“

=======================

This girl is really something, how can she leave me with that kind of place, she leave me with that disgusting place with so many a**hole guys. I’ll take my revenge; I will sure take my revenge! Hindi man lang sya affected nung sinabi ko na kakasuhan ko sya, matapang lang talaga. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo.

“Ilang beses ko ba kailangang sabihin na wala akong boyfriend! Ang kung sa bwisit at malas na lalake rin lang naman na to, mas gugustuhin ko pa na---“ I don’t care kahit na ako pa ngayon ang kasuhan mo ng rape o kaya ng sexual harassment, at least naka-ganti na ako sa lahat ng ginawa mo sa akin. Bwahahaha, wala pang nakaka-isa sa isang Stanley Montereal.

“Whoa! Lagot ka ngayon pare, ninakaw mo ang pinaka-iingatan na first kiss ni Cha! Mauna na ako sa inyong dalawa ha!”

W-what? Ninakaw ko ang first kiss nya? As in ako talaga ang first kiss nya, ako pa lang ang nakaka-halik sa kanya? Saka ano yung sabi nung ungas na lalake na yon, lagot ako? Huh! “So, Ms. Charlene ako pala ang first kiss mo, it’s my pleasure to give you your first kiss.” Amanos na tayo ngayon Cha.

“Aray! Bakit mo ako sinapak?” grabe, babae ba talaga ang isang to, bakit parang ang lakas yata nyang sumuntok? “Hoy bakit mo ako sinuntok, sumagot ka! Hindi mo ba alam na ikaw pa lang ang naglakas-loob na gawin sa akin ang bagay na yan?”

“Bagay lang yan sa manyak na katulad mo! Alam mo ba na pwede kitang ipa-patay sa mga tambay dito dahil sa pagnakaw mo sa first kiss ko?”

Napaka-big deal naman yata masyado sa kanya nung first kiss nya? Ang mga probinsyana nga naman, masyadong old-fashioned. Sa Manila nga ang virginity is not an issue anymore, wala lang para sa karamihan kung ikakasal ka ng virgin o hindi. Tapos sa kanya, first kiss lang akala mo naka-gawa ako ng isang kaso na ang parusa is Lethal Injection.

“Dahil lang sa first kiss na yon, willing kang maging criminal? Ang babaw mo naman.”

“Wala naman sa plano ko ang magpa-patay ng tao, pero ibang usapan na kung ikaw. Baka nga mag-diwang pa ang buong Pilipinas kapag nabawasan ng isang katulad mo dito sa mundo. Ok lang naman sana kung hindi sayo napunta ang first kiss ko, muka ngang mas ok pa kung sa isang bakla na lang napunta kesa naman sa isang malas, manyak at makapal ang muka napunta ang first kiss ko!”

“Sinong malas? Ikaw? Ang swerte mo pa nga dahil ako ang naging first kiss mo, at ako pa mismo ang humalik sayo. Yung ibang babae sa Maynila sila pa ang nagmamakaawa para lang mahalikan ko, tapos ikaw sasabihan mo ang sarili mo na malas ka! Saka ako. As in ako talaga ang manyak? Hoy Charlene, hindi ko na kailangang mang-manyak dahil sa gandang lalake ko na to, sila pa ang humahabol sa akin. And for the last tern that you used, hindi makapal ang muka ko, maganda lang!”

Mukang may tama yata ang mata nitong babae na to, bakit hindi man lang nya makita ang kagandahang-lalake ko? Nakaka-hamon talaga sya ng pagka-lalake! “Aray! Kanina ka pa nananakit ha, nakakarami ka na!” ano ba kasi talaga ang problema nitong isa na to, nagpapa-pansin? Good Lord, pansin na pansin ko naman sya eh. Ginulo na nga nya ang buhay ko eh!

“Lumayas ka na nga dito Mr. Montereal bago pa kita magawan ng hindi maganda at ng labag sa batas, labag sa mata ng tao, at labag sa mata ng Diyos!”

At bakit ako aalis dito, sa kanya ba ang lugar na to? Saka nandito ako para mag-bakasyon at para mag-unwind. “Alam ko naman na hindi mo kayang gawin yon Cha, paano na lang ang kapatid mo na si Chay? Sino na lang ang mag-aalaga sa kanya?”

“Sya ba Carlo? Ay fafable naman pala ang boyfriend ng bruhang si Cha, hindi man lang sinasabi na may pogi syang manliligaw.”

“Cha, LQ agad kayo? Bago pa lang kayong mag-jowa LQ na agad, hindi maganda yan.”

Syet! Ngayon ko lang napansin na masyado na pala kaming naka-tawag ng pansin at masyado na palang madami nag audience namin. Naka-balik na pala si Carlo mula sa pag-kalat ng isang magandang balita.

“Pag-pasensyahan mo na lang pogi ang ugali nyang girlfriend mo, mahilig talagang mang-away ang isang yan.”

Sa ganda ng muka nitong babae na to, hindi halata na mahlig syang mang-away ha. “Don’t worry; I can handle all of her tantrums. Hmmp.” Then I pull her close to me and then I hug her tight para wala ng palag. “Do we look good together?”

“Bitiwan mo nga ako Stanley, ikaw na ang kakasuhan ko ng sexual harassment.”

“Ayyyyiieeee!!!” sabay-sabay na sabi nung mga kaibigan siguro ni Charlene. “Sobrang cheesy talaga!”

“Alam mo Cha, bagay kayong dalawa ang cute nyong tingnan kapag nag-aaway, para lang kayong nag-lalambingan!”

Itinulak naman ako nitong si Cha palayo sa kanya at saka nag-lakad palayo sa amin. “Hey, wag mo naman akong iwan mag-isa dito, wait for me!” then I face her friends and bid my goodbye for a moment. “I have to go, nagtatampo na naman ang girlfriend ko eh. Bye.”

What’s with this girl na kahit na ilang beses na nya akong inaway, pinahiya at iniwan I just can’t help following her. I know that there is something in this girl but I can’t figure out what the hell is that. Maybe you’re in love with her, or maybe you like her but you just can’t admit it to yourself. That can’t be! I don’t like to have a girlfriend that’s a replica of a tiger or a lion, she’s so hard to tame. 







2 comments:

  1. 1st b aq? wiiih nmiss q 2! ang tgal mu nde nag-up8 ate queen!!!!!!!!!!! i missu xo mch! nde n aq ndlaw s pf kxe wla n kau dun e.

    ReplyDelete
  2. ang sweeeet!!! kinikilig ako!!.. haha.. naks,nka kiss kagad ah!.. naku,patay ka ngayon Ley!..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^