Thursday, March 15, 2012

Boyfriend in Disguise : Chapter 12

Chapter 12
(ISHY ARAVILLA POV)



Magkausap kami ni Boo sa cellphone habang nasa taping siya ng on-going drama niya.



“May bago akong natutunang kanta.”



“Ayiieh! Sige nga sample!”



“Oh makinig kang mabuti ha! A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T… V, W, X, Y, Z.” Alphabet song? Buti na lang maganda boses niya! Kaso…



“Teka… bakit walang U?”



“Ay… I miss U!”

Photobucket

Wushu!!! Pagpasensyahan niyo na ha! Ganito lang talaga kami!



“Wala ka pala sa version ko eh.” Tapos kinantahan ko din siya. “A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, U, U, U, U, U, U, U, V, W, X, Y, Z.”



“Ha? Bakit ang dami namang U?”



“Ay… kasi I love U!”



“Nyaaah~” Ang korni namin! Syet!

Photobucket

Uso kasi saamin ang Battle of the Banats! May masabi lang sa isa’t isa! Ahahaha… pero nagri—research talaga ako para lang dito ha! Tutal naman saaming dalawa lang! Kanya-kanyang trip lang naman yan diba!



“Sir Riley, tawag na kayo ni Direk.” Narinig ko yung boses ng P.A. ni Riley.



“Narinig ko yun. Sige na pumunta ka na doon.”



“Tsk! Matagal-tagal ‘tong shoot na ‘to! Baka mamaya na ako ulit makatawag sayo ha...”



“Sige okay lang, matagal naman tayong nagkapag-usap ngayon eh. Bye!”



“Bye!”



Tapos sabay kaming nag- “MUAH!”



And that’s it. Natapos ang saglit at panakaw naming pag-uusap ni Riley. Saka na ako bumalik sa lamesa kung nasaan sina Helena at Mindy.



“Sino na naman yun? Si invisible boyfwend mo?”



“Ahahahaha… yez!” Uy! Good mood tuloy ako!



“Kelan moh bah ipapakilalah saamin yang boyfriend moh? Ano bah itsurah niya kasih?”



“Hmm… maikukumpara siya kay Riley Dayne!” Pang-aasar ko. “Ay hindi! Mas gwapo si Boo kesa kay Riley!”



“Weeehhh!!! Magkamatayan na GF! Hindi kami papayag na sabihin mo yan tungkol kay Wiley!”



“Peace! Actually, si Riley ang boyfriend ko eh.” Tinignan ko ang reaction ng mga mukha nila nung sinabi ko yun.

Photobucket

“Ano???”



Yes mga GF… and sinasamba niyo nga na si Riley Dayne ang boyfriend ko.



“Gwabe! Tinu-two-time palah ako ni Wiley ko!”



“Tekah! Akoh ang unang girlfriend nih Riley! Kayong dalawa, mga ambisyosah!”



Tapos nauwi kami sa tawanan. Kitam mo, kahit na inamin ko na sa harap nila na si Riley nga ang invisible boyfriend ko, nauwi lang lahat sa joke! Para kasi sa mga fans ni Riley, sila na ang matatawag na girlfriend ng idol star nila.



Ang hindi nila alam, nandito ako, ang tunay talaga na girlfriend.



“Peroh Ishy, kelan kah bah talagah namin makukuhanan ng information? Dibah sah isang high school lang kayoh nag-aral nih Riley?”



“Well, tulad nga ng sinabi ko sa inyo noon, isang dakilang nobody si Riley sa South Grisham High. Naalala ko pa nung mag-classmate kami, low-profile lang siya.”



“High school pictuwes? Yung nevew-befowe-seen! Sige na naman GF! Baka naman may tinatago kang pictuwe jan! Popost lang namin sa site namin! Sige na please!”



“Ooh ngah! Dibah ngah sabih moh noon, naging magka-partner pah kayoh sah isang project nung 2nd year kayoh bagoh siyah mag-debut! Mabentah kayah hang mga pre-debut pictures nih Riley! Sigeh nah naman GF!”



“Aish!!! Ang kukulit nyo! Sige na maghahalungkat ako sa bahay! Tignan ko kung meron!” Pa-kunyari pa ako noh! Syempre naman ang dami kong pictures ni Riley!



Lahat siguro ng mga pinapangarap na makita ng mga fans ni Riley, meron akong natatagong photo album nun sa bahay! (Hindi kasama ang nude pictures dun ha! Bawal yun!)



Maya-maya, nag-ring na naman ang phone ko…



*Boo calling…*



“Oh? Si boyfwend mo na naman?”



“Ha? Oo eh… teka lang ulit.” Tapos lumayo ako ulit sa pwesto namin para makapag-usap kami ulit ng maayos ni Riley… Pero bakit siya tumatawag ulit? Dina start na ng taping niya? “Hello Boo! Bakit ka na naman tumawag! Diba may taping ka ngayon?”

Photobucket

Matagal na hindi sumagot si Riley… hindi kaya may nakapindot lang ng cellphone niya?



“This is not your Boo… this is Casey Anne.” Nagulat ako sa boses na narinig ko, lalo pa sa pangalan na binaggit niya. “Ishy girl…”



Kinabahan ako bigla at dahil doon binabaan ko siya ng phone. Naka-usap ko si Casey Anne!!! And she has Riley’s phone!!!



*     *     *



*riiinnnnnnnnggggg… Boo calling…*



No Ishy! Hindi yan si Boo mo! Yun yung Boomubuntot sa Boo mo na si Casey! Argh! Bakit ba na sakanya ang phone ni Riley! Magnanakaw na babe yun! Naturingang celebeirty, pakelamera ng gamit!



After ilang ring, nag-end call na. Bahala siya noh! Bakit ko sasagutin ang tawag niya! Kaso…



*1 message received…*



Lintek na yan! Hindi yata ako titigilan ng bruhildang yun! Nag-text pa talaga gamit ang cellphone at load ng boyfriend ko! Gusto na yata talagang makalbo ng di-oras ang babaeng ‘to eh!



Nung binasa ko, ito ang akalagay sa text niya: “You can’t hide from me. If you don’t answer my next call, I’ll make sure you’ll regret it.” Aba namang babaita ‘to! Nanakot pa!


*riiinnnnnnnnggggg…*



“Hello.”



“Madali ka naman palang pakiusapan.”



“What do you want?”



“I want to meet you.”



“Ayoko.”



“Do you think you have the right to say no?”



“Isusumbong kita kay Riley.”



“Isusumbong ko kayo sa taong bayan.”



“I knew it! Pakunwari ka lang na gusto mong tumulong na itagao ang relasyon namin ni Riley, pero ang totoo, may hidden agenda ka.”



“Blah-blah! I don’t want to hear your tantrums. Meet me at 3 in front of your schoolgate. Oh! And one more thing. Ayokong sasabihin mo kay Riley ang tungkol dito. You don’t want to make me angry Ishy girl.” Then she hang up.



Aiiiiiissssshhhhhhh!!!!!!!!!! Bwiset na bakulaw yun! Ano bang problema niya! Sabi naman sa inyo diba? Hindi pa ako nagkakamali sa instinct ko!



Masama nga ang ugali ng butiking Casey Anne na yun! At mukhang alam ko na ang maiitim niyang plano!



Pero tingin ba niya magpapatalo ako sa isang tulad niya? Celebrity nga siya, sikat sa lahat at maraming kuneksyon! Pero ako naman si Ishy Aravilla! Hindi aatrasan ang kahit na sino!



Okay, hindi ko muna ito sasabihin kay Boo dahil aayusin ko itong mag-isa! Makikita ng babaeng yun! Sinimulan niya ang war na ‘to, tatapusin ko!



Pero syempre, pinagana ko muna ang utak ko! Nagplano ako para naman hindi makapalag ang babaeng yun! At saka ang laagy ba, uutus-utusan niya lang ako! Manigas siya noh!

Photobucket

Malapit na ang mag-alas tres at nasa CR lang ako. Nakareceive ako ng text mula kay Casey gamit na ang ibang cellphone number. Mag-aabang daw siya sa schoolgate at nakasakay lang siya sa isang black Audi RS5 na sasakyan.



“Nasa shoot daw si Riley ngayon kaya hindi siya pumasok eh.”



“Kasama ba niya si Idol Casey ngayon?”



“Hindi. Sabi sa dun sa fansite niya, next week pa ulit yung shoot nila together!”



“Hay naku! Hindi na ako makapaghintay sa kissing scene nila!” Ilublob ko sa inidoro ang mga ‘to eh! Kung alam lang nila ang totoong ugali ng babaeng yun, ewan ko na lang!



Anyway, they are the best target para sa plano ko! Hindi nga mahirap maghanap ng fan ni Casey a school na ito.



“Ah, excuse me! Totoo ba yung balita na darating daw ngayon si Casey dito sa school?”



“Ha? Anong balita yan?”



“Ay naku! Super fan niya rin kasi ako! Narinig ko nga usapan dun sa upper floor, darating daw si Casey para daw i-check itong school ni Riley!”



“Talaga!”


“Oo! Pero dahil baka magkaguluhan siya ng mga fans niya dito, kaya siguro doble nag-iingat sila.” Yung mga itsura nila, halatang excited! “Pero alam niyo ba…”



“Ano??? Sabihin mo na lahat ng alam mo!”



“Balita ko darating daw siya sakay ng black Audi RS5 na sasakyan! Hindi ko lang talaga sure kung totoo yun, naririnig ko lang sa mga sabi-sabi.”



Nagkatinginan yung mga babae. “Anong oras daw?”



“Alas-tres daw.” Tapos kunyari tumingin ako sa orasan ko. “Omo! Alas-tres na pala! Dapat pala i-check ko na siya sa gate!!!”



Pagkasabi na pagkasabi ko nun, hinawi ako agad ng mga babae at nagmamadali silang lumabas. Paniguradong pupunta na sila sa gate para i-check kung may ganung ngang sasakyan na nakaparada na sa labasan.



“Hays Ishy! Ang talino mo talaga!”



Naglakad na rin ako pero hindi ako nagpunta sa may labasan! Umakyat ako sa first floor kung saan may magandang view dun sa may main gate… at kitang-kita ko na nga doon ang nakaparadang sasakyan ni Casey Anne.



Hwahahaha!!! Makikita mo Casey Anne na hindi mo ako pwedeng kayan-kayanin lang! Kung ang boyfriend ko madali mong napaikot, pwes ibahin mo ako! Ipaglalaban ko ang sarili ko at ang relasyon namin ni Riley!

Photobucket

*     *     *

(CASEY ANNE POV)



Nasa location ako ng shoot ngayon ni Riley. Hindi naman talaga ako kasama sa eksena ngayon pero dahil ayokong napag-iiwanan ako kaya nagpakita pa rin ako sa staff.



Isa pa, binabantayan ko ang kilos ni Riley. And hindi naman ako nagkamali dahil nahuli ko siyang may kausap sa phone. Panigurado na ang secret girlfriend niya ang kausap niya!



Napaka-stupid! Hindi na niya inisip ang mga pwedeng consequences na mangyayari kapag nahuli siya!



“Sir Riley, tawag na kayo ni Direk.” Pagkasabi ng P.A. ni Riley, agad naman niyang pinutol ang tawag at pumunta na sa set.



“Galingan mo Riley ha!” Nagpa-cute pa ako sa lahat pero nginitian lang ako ni Riley. Kahit na plastic na ngiti lang yun, I don’t care!

 Photobucket

Lumapit naman ako agad sa P.A. niya habang bitbit nito ang mga gamit ng amo niya. “Hello!”



“Ah… Hi Miss Casey!”



“Naku, ang bait-bait mo naman! Lagi kang nanjan para sa boyfriend ko!”



“Ginagawa ko lang po ang trabaho ko Ma’am…” Galak-galak niyang sagot. “Ay Miss Casey… ano… um… pwede bang humingi ng autograph niyo?”



“Oh sure!” Nagkandarapa naman itong humanap ng papel which was a good chance for me to work on my plan. “Here. Let me help you with that!” Agad kong kinuha yung jacket ni Riley kung saan nakalagay yung cellphone niya sa bulsa.



“Ay ma’am! Nakakahiya naman sainyo!”



“Okay lang! Girlfriend naman niya ako eh! Actually…” Then I wore Riley’s jacket. “Ako nang bahala dito sa jacket niya.”



“Ang swerte-swerte naman po talaga ng amo ko sainyo!” Natural naman! “Ah, heto po. Pa-autograph na po!”



After kong bigyan ang dukhang PA ng autograph niya, umalis na ako agad at naupo sa isang tabi. Kunwari pinapanood ko yung eksenang shinu-shoot ng crew, pero sa totoo lang, pasimple ko nang ni-check yung call history sa cellphone ni Riley.



Dun ko na nakita yung number ni Ishy at tinawagan ito agad. “Hello Boo! Bakit ka na naman tumawag! Diba may taping ka ngayon?”



“This is not your Boo… this is Casey Anne, Ishy girl…” Kaso binabaan ako agad nung bruha! I called her again pero hindi na niya sinagot!

Photobucket

Nakakairita! Owwell! I’am Casey Anne! Hindi niya ako pwedeng ganituhin! Lahat lumuluhod sa harap ko kung kapag ginusto ko kaya naman I texted her para naman malaman niya ang position niya sa mundong ginagalawan ko.



After that text, I called her again at isang ring palang, sinagot niya agad. “Hello.” Good dog Ishy girl!



“Madali ka naman palang pakiusapan.”



“What do you want?”



“I want to meet you.”



“Ayoko.”



“Do you think you have the right to say no?” Matigas din ang isang ‘to ha! Let’s see kung hanggang saan ang itatagal niya!



“Isusumbong kita kay Riley.”



“Isusumbong ko kayo sa lahat ng fans.”



“I knew it! Pakunwari ka lang na gusto mong tumulong na itagao ang relasyon namin ni Riley, pero ang totoo, may hidden agenda ka.”



“Blah-blah! I don’t want to hear your tantrums. Meet me at 3 in front of your schoolgate. Oh! And one more thing. Ayokong sasabihin mo kay Riley ang tungkol dito. You don’t want to make me angry Ishy girl.” Then I hang up.



I don’t want her presence especially dahil AKO ang ka-loveteam ni Riley! It will be humiliating in my part kapag lumabas na in-secret releationship pala with a non-showbiz girl ang lalaking kapartner ko.



After that, pinabalik ko na yung jacket at cellphone ni Riley dun sa P.A. niya at nagpaalam na rin ako agad.



“Miss Casey, saan po tayo?”



“Sa Newcastle Moore University tayo. I have a problem to solve, a person to erase in my world.”



“Sa school po ng boyfriend niyo?”



“If you still love your job, just drive!!! Nagtatanong pa eh!!!”

Photobucket

“Ah yes ma’am… sorry po.” At nagmadali na agad na nag-drive ang personal driver ko. Aish! Mga alipin talaga!



(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)

End of Chapter 12

A/N: Sarrrreeeehhhh po sa mga matagal na naghintay ng update dito. Iniisip ko na talagang pending muna ang story na ito kaso yun nga, nanghihinayang din ako. Pag natapos ko na yung My Nephew-in-Law na story ko, matuluy-tuloy ko na rin ito. Konting pasensya! At pasensya na din kung walang kawawaan itong chapter na ito! Churi churi talaga! Pero mag-comment pa rin kayo ha!

5 comments:

  1. nmissssssssss q tlga itey!!!!!!!!!

    ayus ang pgbblik ng pick up lines!!! imiss U and ilove U!!!!!!!! ang lndi nla boo!!!!!!!! hahahahhhha!!!

    at ikw casey anne ka, ppkalbo tlga kita! epal u!!!!

    ReplyDelete
  2. ay lagot ka sakin casey anne,,, magnanakaw ka ng bf! pero may kasabihan nga na ganu man kaganda ang isang tulad ko kung may malanding katulad mo casey anne, masasaktan parin ako! sige ibunyag mo, kase pag nangyari yun pwd ka malaos casey anne... f na f talaga..hehehehe...ay naku sis namiss ko to...

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^