Friday, June 15, 2012

Boyfriend in Disguise : Chapter 13

Chapter 13
(CASEY ANNE POV)



Almost 3 na at nakaparada na ang sasakyan ko sa harap lang ng gate ng New Castle Moore. Makikita ng Ishy na yan, kapag hindi siya nagpakita saakin, pagsisisihan niya.



*tok tok tok*




May kumatok sa salamin ng sasakyan ko. I glanced at a girl outside and I guess that’s her. I opened the door really careful dahil kapag nalaman ng ibang tao na nandito ako, paniguradong pagkakaguluhan ako. Iba na talaga sikat eh.



“Come in…” I said while giving her the look from head to toe. Nakatitig lang siya saakin.



Hindi kagandahan ang Ishy na ito kaya I wonder kung anong nagustuhan sa kanya ni Riley. Napaka-ordinary lang ng itsura, hindi pa marunong manamit at higit sa lahat… gosh nangangamoy pawis ang pangit na ‘to! Eww~!


Photobucket



“Saan na po tayo pupunta Miss Casey?” My driver asked.



“Bring us to La Freida Hotel.”



I don’t want to look at Ishy’s ugly face talaga! Grabe, I knew she’s just a pain in my eyes! Her face is just simply disgusting to look at!



“Ah… Ca…. Ca… Casey…”



What’s with this girl? Kanina kausap ko siya sa phone, ang tapang niya! Ngayon utal-utal na magsalita! Hindi lang yun, she seemed starstrucked to see me! Ow well! I’m just too famous, what can I say!



“Kyaaaaaaaaaaaaaah!!! Grabe Casey Anne!!! Idol na idol talaga kita!!!”



*click… click… click…*



What? Ano daw sinabi niya? Riley’s girlfriend is my fan?



“Owmaygawd!!! Tama nga yung chismis na nandito ka!!! Sobrang bait mo pa at pinasakay mo ako sa sasakyan mo!!! Pwedeng pahingi ng autograph mo?”



WTF! “Teka… hindi ka ba si Ishy?”

Photobucket

“Colleen ang name ko po!!! Number 1 fan mo!!”



WTF again!!!



“Stop the car!” At grabe ang pagka-preno ng driver ko after kong isigaw yun.



“Uwaaaaaaaaaahh!!! Casey ang ganda-ganda mo sa personal!!! Pa-hug!!!” At niyakap ako ng mabahong hampas-lupang fan ko! Nakakadiri talaga!!!



“Gosh… get her out of here!” I ordered my driver. Nagwawala na kasi yung babae at wala pa siyang tigil sa pagkuha ng picture ko!



That Ishy girl!!! She planned this!!! Argh!!!



= = = = =

(ISHY ARAVILLA POV)



Nandito nga ako ngayon sa first floor kung saan may magandang view dun sa may main gate. Kitang-kita ko na nga doon ang nakaparadang sasakyan ni Casey Anne.



At nag-work naman ang plano ko dahil may isang fan na naglakas-loob na lumapit sa sasakayan niya at kumatok dun sa salamin.



Akala siguro ng bruhang Casey na yun, ako na yung babaeng lumapit sa kanya. Pinapasok kasi niya agad sa loob ng sasakyan niya yung babae.



Grabe na haaglpak ko sa tawa. Wala pa kasing ten seconds after umandar nung sasakyan eh biglang nagpreno ng malakas. Lumabas yung driver at pinilit na paalisin yung nagwawalang babae.



Hindi pa pala yun natapos dun! Kitang-kita ko pa na madaling rin silang dinumog ng mga tao! Agaw-atensyon kasi yung pagwawala nung fan kaya dinumog pa sila ng mas maraming tao! Buti nga sa kanila!



Naiimagine ko tuloy yung gulat at naasar na pagmumukha ng malanding haliparot na si Casey Anne! Akala niya talaga ha! Hwahahaha! Ang sakit na ng tyan ko kakatawa!


Photobucket


“Akala mo sigurong Casey Anne ka, madadaan mo ako sa yaman at kasikatan mo. Ibahin mo ako, palaban yata ‘to! Hwahahaha!” Ang saya ko lang talaga! Parang feeling ko, hindi pa nagsisimula ang laban, nakaganti na ako agad!



*     *     *


Balita ko inabot daw ng ilang oras yung pagka-crowd control. Balita na nga agad sa mga iba’t ibang networking sites yung nangyaring kaguluhan sa school namin.



Meron pang mga nagtataka kung ano daw ginagawa ni Casey Anne sa school ng “boyfriend-kuno” niya. Ah basta nakaganti ako sa kanya kanina, masayang-masaya na ako nun!



*ring… ring…*



“Aba’t tumatawag ka na namang babae ka! Hindi ka pa natuto ng leksyon mo ha!” Yung asungot na babaitang yun nanaman! “Hello~!”



“Damn you.” Wow! Minura ako agad! Ang pikon!



“Mukhang nagustuhan mo nga yung pag-welcome ko sayo.”



“Haha! I guess I underestimated you.”



“Kaya nga wag mo kong susubukang guluhin pa ulit. Hindi lang ako, pati ang boyfriend ko!”



“You know what, dahil sa ginawa mo, mas lalo lang akong ginanahan na sirain ka.”



“Yun ay kung magagawa mo.”



“Hindi mo pa talaga ako kilala Ishy girl.”



Photobucket



“At hindi mo pa rin ako kilala Casey girl~!” Sarap niyang sabunutan over the phone! Eesh!



“For now, aaminin kong nanalo ka. Pero dahil sa ginawa mo, sisiguraduhin kong doble ang magiging ganti ko. Hintayin mo lang babae ka.”



“Pwes, hindi ako natatakot!”



“Good. Dahil ang pangit naman ang laban kung maduduwag ka agad.”



Sasagutin ko pa sana siya, kaso sandamakmak na bastusin siyang kausap! Binabaan na niya ako agad ng phone! Siguro hindi siya makapaniwala na lalaban ako sa isang tulad niya.



Well, pasalamat na lang siya na naunahan niya akong babaan ng phone dahil kung hindi, mabibingi siya sa sigaw na gagawin ko habang kausap ko siya.



Anyway, hindi ako papaimbyerna sa kanya! Masaya ako ngayon dahil naka-tamang ganti ako sa kanya. Lalasapin ko muna ang pagkapanalo although inaasahan kong gaganti rin siya pabalik. Pero hindi ako papatalo! Itago niyo yan sa pagmumukha niya!



Tawang-tawa lang ako sa kinatatayuan ko ng biglang...



“BOO!!!”



“Ay anak ka ng ina mo!!!” Potek! nagulat ako nun! Pero paglingon ko, si Johann pala! “A... anong tinawag mo saakin?”



“Tinawag??? Ginulat lang kita, ano ka ba!”



“Ah… hehehe…” Eh kasi naman BOO yung sinabi niyang panggulat! Eh tawagan nga namin ni Riley yun diba? Ow well, pagkakataon nga naman!



“Mukhang in good mood ka ngayon ha.”



“Sinabi mo pa Johann!  I feel so evil in a good way.”

Photobucket

“Evil na nga yung ginawa mo pero tinatawag mo pang in good way? Ayus yun ha!”



“Basta! Ganito lang talaga ako! Kumain ka na ba? Gusto mo ilibre kita?”



“Talaga?”



“Oo! Isasama naman kita sa Boo Amore Lair.”



“Wow! Good mood nga talaga! Oh sige, wala pa naman akong klase eh.”



I just need someone para may makasama ako sa pagcelebrate ng success ko sa pangi-imbyerna kay Casey.



At kahit ano pang banta niya na gaganti siya, bring it on! Ihahanda ko ang sarili ko para doon!


Photobucket

= = = = =



“So I guess, nagkabati na kayo ng boyfriend mo.”



“Yep! Isa pa yun Johann.” Nandito na kami sa Boo Amore at naghihintay na lang ng waiter to take our order. “Alam mo, ganun naman kasi kami eh. Oo, mag-aaway pero sa huli, magkakabati din.”



“Alam mo naiintriga na ako jan sa boyfriend mo. Taga-school ba natin siya?”



“Oo.”



“Then how come hindi ko siya nakikita na kasama mo? And what’s more intriguing, bakit dun sa lumang music room ang meeting place niyo?”



“Komplikado kasi masyado Johann. I’m sorry but I just can’t tell it to you.”



“Bakit? Siguro teacher yung boyfriend mo noh?”


“Pfffffttt…” Kamuntik ko nang nabuga yung ininom kong tubig! “Kaderder ka Johann! Hindi ako pumapatol sa mga thunderz noh! Hindi siya teacher, estudyante siya at kaedad lang natin. Masyado lang talagang complicated kaya ganun ang sitwasyon namin.”



“Okay, okay. Nagbibiro lang naman ako.”

Photobucket

May lumapit nang waiter saamin at binati naman niya ako. “Good afternoon Miss Ishy.” Ang bati niya saakin. Kilala na kasi nila ako dito dahil nga madalas kaming tumambay dito ni Riley diba? “May kasama kayong iba? Nasaan na po si Boo niyo?”



“Hala kuya! Wag kang tumingin ng ganyan! Kaibigan ko lang po ito.” Baka mamaya, maakusahan pa ako ng nanlalalaki! Isumbong pa nila ako kay Riley! “Siya po si Johann.”



“Haha! Ganun po ba Miss Ishy? I’ll take your order na po.”



“I’ll have my usual order.” Tapos tumingin kami kay Johann.



“And sa inyo naman po Sir Johann?”



“Hindi ko alam. Lahat mukhang masarap. Pwede bang ikaw na lang Ishy ang umorder para saakin.”



“Ahh… okay. Kuya, ibigay mo sa kanya yung specialty niyo at nang malaman nitong kasama ko na itong café niyo ang the best dito sa district natin!” Naks! Ayos lang maka-promote at maka-sipsip diba?



“Yung palagi pong ino-order ng Boo niyo?”



“Yep, yun nga po.”



Nung pag-alis nung waiter, may kakaiba sa tingin ni Johann. “So… kilala ng mga taong nagtatrabaho dito sa café ang boyfriend mo?”



“Yes! Suki nga nila kami, remember?”



“Yun naman pala. Tatanong ko sa kanila kung sino ba yang secret boyfriend mo.”



Tinawanan ko na lang si Johann nun. “Kahit tanungin mo pa sila, hindi magsasalita ang mga yan. Kakilala namin ang manager nitong Boo Amore at pinoprotektahan nila ang secret relationship namin.”



“Grabe naman kasi kung maka-secret yang relationship niyo! Prinsipe ba yang boyfriend mo at kailangan ingatan ang identity?”



“Wag ka na ngang chismoso jan Johann! Tulad nga ng paulit-ulit kong sinasabi sayo, complicated po kasi yung tungkol saaming dalawa.” At napabuntong hininga na lang ako. “Kahit parents at close friends ko, hindi ko masabihan kung sino talaga siya dahil kapag ginawa ko yun, malaking gulo talaga.”

Photobucket

Dahil siguro ang seryoso ko na kaya itong si Johann, tumigil na sa pangungulit. Pero bago siya nanahimik, “Hindi ko lang talaga maintindihan Ishy... sa ginagawa niyo kasi, parang ikaw lang ang mas nasasaktan.”



Pinilit kong ngumiti sa sinabi niya. Masakit man pero tama siya. “Ganun talaga Johann, mahal ko siya eh.”




Kaya ayun, in-enjoy na lang namin ang pagtambay dito sa Boo Amore at lalong-lalo na nung dumating na yung mga in-order naming pagkain.



“Oh kain ka lang ng kain Johann! Minsan lang ako manlibre.”



“Thank you Ishy!” At nung tinikman na niya ang pagkain sa harap niya.



“Anong lasa? Napatanuyan ko na bang yung sinasabi ko sayo tungkol sa mga pagkain dito?”



At ang reaction niya… “Woah!!! Pwede na akong mamatay sa sobrang sarap!!!” Parang ang sarcastic pa ng boses niya pero alam kong nasarapan talaga siya!

 Photobucket

“Sira!!! Itchura mo Johann!!! Hwahahahaha!” Ang kulit din kasama nitong si Johann eh! Tingin ko kapag nagsama sila ni Riley, paniguradong magkakasundo sila at sasabog sa kakulitan.



(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)

End of Chapter 13




17 comments:

  1. waaaaaaaaaaaaaaaah! omygad omygad nmiss q 2!!!!!!

    binsa q ulit ung previous chapter bgo ito cmulan ulit at nrefresh ulit ang mind q!

    ang gling mu ishy! ur the girl! buti nga kei casey! nku mlking issue un, nktambay xah s school nla. tas nagsungit p xah ng fan nia! sna masira n ang babaeng un!

    namiss q rin c johann peo mas nkkmiss nmn si riley eh!!!!!!!!!!! nxt chptr ate, si riley nmn!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. wowow...sa wakas...sa haba ng paghihintay...hehehehe....

    buti nga sayo casey ann.....blaah blaah blaah....hahahaha

    tama lumaban ka girl... basta lumaban ka...aba ikaw legal gf noh....

    ay namiss ko silang magkasama ni riley...

    ReplyDelete
  3. ~>angel is luv<~

    ay grabe lang! ang tagal ko pong hinintay ang update nito! namiss ko si riley at ishy pero wala silang moment dito. sayang naman! pero sulit na din dahil natuwa ako sa ginawa ni ishy kay casey! buti nga sa babaitang yun! ang epal at arte kasi!

    at kahit pala wala si riley, nandyan naman si johann! ang gwapo at kulit niya! hahaha!

    ReplyDelete
  4. serves u ryt casey! y u so epal kxe!

    ReplyDelete
  5. grabe much! the long wait is over! super buti nga sayo casey! galing mo ishy! you;re the girl!

    ReplyDelete
  6. next chapter na po Ms. Author :))

    *simpledysie*

    ReplyDelete
  7. ay wala pa din...whuhuuhuhuhuhuhh...bakit?

    ay wala pa din...whuhuuhuhuhuhuhh...bakit?

    ay wala pa din...whuhuuhuhuhuhuhh...bakit?

    ay wala pa din...whuhuuhuhuhuhuhh...bakit?

    ay wala pa din...whuhuuhuhuhuhuhh...bakit?

    ay wala pa din...whuhuuhuhuhuhuhh...bakit?

    ay wala pa din...whuhuuhuhuhuhuhh...bakit?

    ay wala pa din...whuhuuhuhuhuhuhh...bakit?

    ay wala pa din...whuhuuhuhuhuhuhh...bakit?

    ReplyDelete
  8. waAah keLan kaYa maguPdate ditO,,,

    ReplyDelete
  9. Waah. Bat wala pa pong Update Ms. Author? :( Ang ganda na eh. :'(((




    -Potatomiracle

    ReplyDelete
  10. Buhay pa ba si miss author?

    ReplyDelete
  11. Ang ganda.. kelan po ang update? hihiihi. :)

    ReplyDelete
  12. wala padimg update:((

    ReplyDelete
  13. waaahh bakit di pa nag uupdate si ms author? :( huhuhuhu update na po pls

    ReplyDelete
  14. Sayang naman.. -3- more than 1 year na pala tong di nau-update. :(

    ReplyDelete
  15. wala pa rin update :(

    ReplyDelete
  16. DARN IT. KELAN KAYA IUUPDATE TO? ANG TAGAL NG "ON-HOLD" EH...
    SANA NAMAN MAG UPDATE NA SI MS.AUTHOR

    ALLCAPS PARA INTENSE! HAHAHAHA

    SERIOUSLY, I REALLY LOVE YOUR STORIES..
    PATI NA RIN YUNG TWIST DUN SA NEPHEW-IN-LAW.

    KEEP IT UP GIRL!

    SANA ITULOY AT TAPUSIN MO NA RIN ITO PATI YUNG KISSING BANDIT.
    I CAN'T HARDLY WAIT. SIGHS HEAVILY. LOL

    LOOKING FORWARD TO THE CONTINUATION OF YOUR ON-HOLD STORIES.....
    GOD BLESS!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^