Thursday, March 15, 2012

Tatlong Araw - One Shot Story

Mahiyain ako.



Bago palang kasi ako sa grupo. Kapag naglalakad laging nakayuko. Simpleng ngiti kapag may nakakasalubong. Simpleng tango kapag may kakilala. Simple lang ang mundong ginagalawan ko sa loob ng apat na sulok ng parisukat. Okay na. kuntento na ako dun. Wala akong masyadong kabiruan dahil di ako madalas makihalubilo sa ibang tao. Iniisip ng iba suplada ako. Pero ang totoo nahihiya lang ako.




Nang minsan mapagawi ako sa kabilang kwarto nakita ko siya. Ang amo ng mukha niya at may nakahandang ngiti sa mga labi niya. Biniro niya ako, ngumiti lang ako. Ang bait niya. Tahimik lang siya. Iisipin mo ngang suplado siya eh pero dahil laging may ngiti sa labi niya nagiging magaan ang bakas ng mukha niya.



Sa tuwing makikita at makakasalubong ko siya nginingitian niya ako kaya napalagay ang loob ko sa kanya. Nagkakausap na kami kahit papaano. Kahit sa simpleng salita ay nakakagaan ng pakiramdam.




Hanggang sa isang araw naramdaman kong gusto ko na siya. Siya ang naging inspirasyon ko kapag nagsusulat ng mga kwento. Siya ang ginagawa kong batayan ng bidang lalaki sa kwento ko. Masaya ako kapag nakikita ko siya. Kahit simpleng ngiti lang ang ibigay niya buo na ang araw ko sa loob ng parisukat na iyon.




Isang araw ng Byernes hiningi niya yung cellphone number ko. Simpleng usap lang…simpleng kwentuhan sa text. Nakakatuwa dahil ang sarap niyang kausap. Nakakaaliw dahil may mga bagay kaming pinagkakasunduan. Kinabukasan nagkasabay kaming kumain. Lima kami sa grupo. Hindi kami nag-uusap sa personal. Puro sa text lang kahit na nasa likod ko lang siya at nasa harap niya ako. Nagkakahiyaan.




Nang sumunod na araw ganun pa din…simpleng text lang…simpleng usap..




Dumating ang araw ng Lunes. Nalaman ng mga kasama ko na gusto ko siya. Inasar nila ako. Kinausap…pinagsabihan…nakakahiya dahil maging siya ay di nakalampas sa kanila. Inaasar siya sa tuwing makikita siya at nasa paligid din ako. Nakakahiya at nakakailang.




Nakakahiya dahil pati siya nadamay at nakakailang dahil nalaman niyang gusto ko siya.




Humingi ako ng pasensya sa kanya. “Wala yun” sagot niya. Pero alam ko hindi na kami magiging tulad ng dati.




Kinabukasan hindi na niya ako kinakausap. Hindi na din siya nagtetext. Pakiramdam ko umiiwas na siya sakin.




Kapag makakasalubong ko siya simpleng ngiti nalang ang ibinibigay niya sakin. Wala ng salitang namamagitan samin. Nakakalungkot. Bakit nagkaganun?




Dahil ba sa nalaman niyang gusto ko siya kaya iniwasan na niya ako? Ang sakit.




Sana hindi nalang nangyari yun. Sana hindi ko nalang siya nakasabay kumain. Sana hindi ko nalang siya nakatext. Sana hindi nalang niya nalaman na gusto ko siya. Sana hinayaan kong hangaan nalang siya sa malayo. Para hindi ako nasasaktan sa pag-iwas niya.




Tatlong araw… tatlong araw lang ako naging masaya.

2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^