CHAPTER 18
(Regine POV)
So magkasama na nga kami ni Richelle, kasama ang mga ‘boyfriend-kuno’ namin! Pero ang malaki kong pinagtataka eh…
RAYCE: AT BAKIT HINDI, KWARTO KO YAN EH!!!
REGINE: MAGING GENTLEMAN KA NA LANG KASI RAYCE, JAN KA NA LANG SA LABAS MATULOG. (Ayaw kasi nila kaming pagtabihin ni Richelle, baka daw tumakas kami! May point naman din!)
RAYCE: ANG HIRAP KAYANG MATULOG SA SOFA…
REGINE: EEEEIIIII!!! AYOKONG KATABI KA, BAKA MAMAYA HINDI MO MAPIGILAN ANG SARILI MO!!!
RAYCE: WALA KA BANG TIWALA SA AKIN? KAYA KO!!! MATUTULOG LANG TALAGA TAYO…PROMISE!!!
REGINE: PROMISE MO MUKA MO!!! JAN KA NA LANG SA LABAS!
RAYCE: MAAWA KA NAMAN SA AKIN MY PRINCESS, MADA-DRIVE PA AKO PABALIK NG MANILA!!!
At dahil ganito rin ang sitwasyon nina Rye at Richelle sa kabilang kwarto, may naisip bigla yung kambal…
RYE: AYAW NYO KAMING PAPASUKIN SA KWARTO AH!!! RAYCE ANO BA ANG CONTACT NUMBER DUN SA HOTEL? NANDOON NAMAN SIGURO NGAYON YUNG CHOPPER PARA SUNDUIN TAYO.
RAYCE: SANDALI, HAHANAPIN KO LANG SA PHONEBOOK KO!
Nagkatinginan kami bigla ni Richelle, at alam kong iisa na naman ang takbo ng isip at ikot ng bituka namin! AYAW NAMIN NG CHOPPER!!!
RICHELLE: ANO KA BA RYE, JINO-JOKE LANG NAMAN KITA NA WAG KANG PUMASOK SA KWARTO MO EH, MASYADO KA NAMANG PIKON!!! TARA NA, TULOG NA TAYO… IPAG-HEHELE PA KITA! REGINE NAMAN KASI, MAGTIWALA KA NA LANG JAN SA LALAKENG YAN!!!
REGINE: (At syempre, sisegundahan ko na yan!) TARA NA DITO RAYCE, MATULOG NA TAYO! JAN KA SA LAPAG MATUTULOG!!! (Baka lang lumusot.)
RAYCE: RYE, TATAWAG NA AKO SA HOTEL PARA MAPADALA YUNG CHOPPER DITO HA!
RYE: BAHALA KA SA BUHAY MO RAYCE, TABI NAMAN KAMING MATUTULOG NI RICHELLE EH!!!
REGINE: OO NA, SIGE NA TABI NA TAYO SA KAMA!!!
RAYCE: MADALI KA NAMAN PALANG KAUSAP EH, GUSTO PA KASI TINATAKOT!!!
REGINE: TUMAHIMIK KA NA JAN, INAANTOK NA AKO EH!!! (Napasimangot na lang ako papasok ng kwarto.)
WHERE: Sa kwarto ni Rayce… sa may kama…
Bakit ba ako kinakabahan, wala naman siguro sa tipo nitong si Rayce ang manggapang! Diba nga nung ni-kiss niya ako, siya pa ‘tong nanginginig! Ipinalibot ko na lang yung mga unan sa gitna namin, at nung papalapit na siya sa kama…
RAYCE: SAAN AKO MATUTULOG KUNG MGA UNAN NA KATABI MO?
REGINE: (Hindi ako tumingin sa kanya tapos tinuro ko yung kakatiting na pwesto na pwede niyang higaan.) JAN! MALUWAG PA YAN OH!
RAYCE: TSS!!! (Natawa siya bigla.) SERIOUSLY? OKAY SIGE NA! YOU WIN! (Tapos hinila niya yung unan pati yung kumot at inilatag sa sahig.) DITO NA AKO PARA SAYO. AKALA NAMAN KASI RE-RAPIN SIYA!
Uwaaahhhh… napaka-sweet naman talaga nitong si Rayce oh!!! Kaso… kaso parang sayang naman itong pagkakataon na ito! At tsaka nakakaawa siya! Regine naman!!! Diba nag-promise ka nang ida-drop na yang inarte mode na yan! Magtabi na kayo ni Rayce!!!
REGINE: WELL FOR THE SECOND THOUGHT, SIGE PWEDE KA NANG TUMABI. (Ang init ng mukha ko!!! Nahihiya ako!) PERO PATAWANIN MO MUNA AKO. (Para malipat yung attention ko. Kinakabahan kasi ako eh!)
RAYCE: POTEK NAMAN OH! (Tapos padabog siyang umalis! Teka lang my prince! Magtatabi na nga tayo eh!)
REGINE: RAYCE? WEH NAGTAMPO TALAGA!
RAYCE: (At ewan ko kung anong chemical ang nasinghot ni Rayce at lumabas siya ng pakembot-kembot.) TATAWA NA YAN.
REGINE: (Syempre hindi ako natawa!) ANG SAGWA KAYA!
RAYCE: OH HETO… (At nag-pose siya bigla sa harap ko.) TAWA NA!
REGINE: (Syempre, ang fail pa rin ng ginawa niya.) HINDI EH… NAKAKBUWISET KA LANG TIGNAN. TIGILAN MO NA YAN.
RAYCE: (Tapos isang hindi inaasahang bagay ang ginawa niya. Lumuhod siya at naglupasay bigla.) REGINE NAMAN… PATULUGIN MO NA AKO… UWAAAAAHHHHH.
REGINE: PFFFT! (Oh yan ang damulag niyang tignan! Natural na natural!) AHAHAHAHAHA!!! KUNG KANINA MO PA YAN GINAGAWA, EH DI SANA KANINA PA AKO NATAWA! AHAHAHAHA!!!
RAYCE: IKAW PA LANG ANG UNANG BABAENG NANG-GAGU SAAKEN HA. (Alam kong napikon siya pero hindi niya pinahalata!) OH PWEDE NA BA AKONG TUMABI?
REGINE: OKAY NA… (Ang dami pang orasyon eh noh.) PERO TANDAAN MO RAYCE HYEUNG, NASA KABILANG KWARTO LANG SI RICHELLE. KAPAG NI-VIOLATE MO ANG KAHIT NA ANONG HUMAN RIGHTS KO, SISIGAW AKO, AT PAPAGULPI KITA KAY RICHELLE. GETS?
RAYCE: AYSOWS! YUN LANG BA? (Tapos nag-dive siya sa higaan, at ang likut-likot niya bago siya tuluyang nahiga sa tabi ko.) I RESPECT YOU MORE THAN ANYONE ELSE, MY PRINCESS. (Then he kissed me on my hand.) AT TSAKA TAKOT KO LANG SA KAMAO NG BESTFRIEND MO.
Pagkasabi niya nun, nahiga na din ako. Pareho kaming naka-straight body lang at nakatitig sa kisame. Grabe na ang antok ko, ganitong oras nahihimbing na ako sa kama ko eh.
REGINE: UWI NA TAYO BUKAS HA.
RAYCE: HMMM. (Hindi na niya ako sinagot. Pero hindi yung pangi-snob sa tanong ko, natutulog na kasi siya.)
REGINE: AH SO AKO NAMAN ANG TUTULUGAN MO. (Kaya humarap na ako sa kanya, at tinitigang mabuti ang mukha ni Rayce! This time, hindi na ako nag-aasume!) BOYFRIEND… BOYFRIEND NA NGA KITA. (Napapangiti ako sa kilig!)
At hindi ko na napansin yung oras dahil nauwi lang ako sa pagtitig sa mukha ni Rayce! Nananakit na nga mata ko eh, pero kasi para na ring panaginip na kasama ko ngayon ang Prinsipe ng buhay ko.
Naisip ko tuloy na bigyan din ng true love’s kiss si Rayce… kaso para akong nagising sa bangungot nang biglang pumasok sina Richelle sa kwarto ng walang pasabi! Pusanggala!!! Apaka-epal!!!
RYE & RICHELLE: ANO YAN HA! (Syet!!! Nahuli nila ako!!!)
So pinagana ko ang mataba kong utak para malusutan ito! Binuksan ko yung bibig ni Rayce para malipat ang attensyon nila!
RICHELLE: PFFFT!!! SI RAYCE NAKANGANGA OH!!! (Oh diba perfect! Ang daling nahulog ni Espren sa bitag ko! Oh ngayon nakalimutan na niya yung scene ko kanina!)
REGINE: ESPREN, NASAAN NA YUNG CELLPHONE MO? PAHIRAM, PI-PICTUREAN KO LANG ANG KUMAG NA TOH!
RICHELLE: HELLO KA NAMAN, HINDI PA SINOSOLI NYANG MAGALING NA LALAKE NA YAN ANG PHONE KO. RYE, PERAM NG PHONE MO!
RYE: OH! KAYO TALAGANG DALAWA, PURO KALOKOHAN! MAAWA NAMAN KAYO SA NATUTULOG!
REGINE: ANU KA BA, WAG KA NGANG KJ JAN! MINSAN LANG NAMAN TOH! (Lakas ding magpapampam nitong si Rye oh! Pero buti na lang na-picturan ko na yung mukha ni Rayce! Magagamit kong pam-blackmail ‘to!)
RYE: HOY, GUMISING KA NA JAN, BABALIK NA TAYO NG MANILA.
RAYCE: AKALA KO BA MAMAYA PA.
REGINE: EH HINDI RIN KASI AKO MAKATULOG DAHIL SAYO KASI NAGHIHILIK KA!
RAYCE: ANG KAPAL MO, HINDI KAYA AKO NAGIHILIK KAPAG NATUTULOG! (Hindi ako makapal, cute lang ako noh!)
Tapos napag-usapan ulit namin kung saan kami magpupunta… actually, kahit saan naman nila kami dalhin ngayon, papayag na ako eh. Just one thing… our mode of transportation!!!
REGINE: WHAT? WE WILL USE CHOPPER PABALIK NG MANILA? WHOA!!! I’D RATHER WALK KESA SUMAKAY JAN SA CHOPPER NYO!
RICHELLE: UMPISAHAN NA NATIN REGINE-TOT!!!
RYE: HEY LADIES… HINDI PWEDE!!! SA TINGIN NYO BA PAPAYAG KAMI NA BOYFRIEND NYO NA MAHIRAPAN KAYO SA PAGLALAKAD?
RICHELLE: SO IBIG SABIHIN HINDI NA TAYO SASAKAY SA CHOPPER.
RYE: SASAKAY PA RIN!
REGINE: KAYONG DALAWA NA LANG!
RYE: IKAW NA ANG BAHALANG MAG-BANTAY JAN SA DALAWA NA YAN. TATAWAGAN AT AAYUSIN KO NA ANG LAHAT! (Tapos lumisan na si Rye at may kinausap na sa phone.)
Kami naman ng Espren kong taga-bundok, kinukumbolsyon na sa takot!
REGINE: LET’S THINK SIS! SI RAYCE LANG NAMAN ANG NAGBABANTAY SAATIN OH. SUNTUKIN MO NA LANG PARA MAKATAKAS TAYO!
RICHELLE: SURE KA?
REGINE: UMMM… BASTA WAG MO SA MUKHA PATAMAAN.
RICHELLE: AHH SA ANO NIYA! (Tapos alam niyo na kung saan yung pinakamahinang part na tinutukoy ni Richelle.) MAS EFFECTIVE DUN!
REGINE: APAKA-BRUTAL! PAANO MAGIGING LAHI NAMIN KUNG DOON MO SIYA TATARGETIN! PAANO NGA KUNG WALA PANG MAGING LAHI, MABAOG PA SIYA! WAG DUN! SA SIKMURA! SA SIKMURA NA LANG!
RAYCE: ANG SASAMA NIYO HAH! AKALA NIYO HINDI KO KAYO NARIRINIG.
REGINE: KASI NAMAN RAYCE!!!
RICHELLE: TEKA… (Tapos binulungan niya ako.) DAANIN MO SA LANDI REGINA! PAKIUSAPAN MO SIYANG WAG NANG PUMAYAG DUN SA CHOPPER! (At tinulak niya ako)
REGINE: (Lintek na, ang galing mambugaw nitong si Richelle oh! Pero sige, ita-try ko!) RAYCE… SAAN TAYO PUPUNTA?
RAYCE: THAT’S A SURPRISE. (Hindi niya ako tinitignan, aba umiiwas!)
REGINE: RAYCE… (At hinarap ko siya) KAPAG SINAKAY MO AKO SA CHOPPER… MAGBI-BREAK TAYO.
RICHELLE: AY TEKA LANG ULIT! (Tapos hinila ulit ako ni Richelle) PUNYEMAS KA! SABI KO LANDI, HINDI BLACKMAIL!!! LALO LANG NILA TAYONG ISASAKAY SA CHOPPER EH.
REGINE: PAANO BA KASEEEEE!!!
RICHELLE: WATCH ME! (Alam mo yung aura nun ni Espren, yung aurang masarap sabunutan!) RAYCE… (Ang gaga, parang nita-try pa niyang i-seduce ang boyfriend ko sa mga tingin niya!) ALAM MO KASI… (Tapos binulungan niya si Rayce!!!!!!!!!!!! Tanggggeeeennnangggg Richelle!!!!!)
RAYCE: WOAH!!! WHAT ARE YOU DOING!!! (At natuwa naman ako sa reaction ni Prince Charming ko oh!!! Pumalag!)
RICHELLE: WHY? (Nagpapaamo pa siya oh!!! Hindi bagay! Kinurot ko nga siya!) ARAY!!!
REGINE: SO TAMANG GAWIN MO SA KANYA ANG PAGLALANDI?
RAYCE: KAYONG DALAWA HAH! YANG MGA GINAGAWA NIYO, ALAM NIYO BANG NAKAKAMATAY YAN! MGA PLANO NIYO, NAPAKADUDUMI! (Oh yan naghuhurumentado na siya!)
RICHELLE: OKAY! HINDI KA MADAAN SA SANTONG DASALAN? DAANIN NATIN SA PASPASAN! (At ginamitan ni Richelle si Rayce ng karate moves niya.) SAAN NIYO KAMI DADALHIN HA?
RAYCE: (Pero tinawanan lang niya si Espren ko. Ampupu!!!) ALAM NIYO BANG MAGALING DIN AKO SA TAEKWONDO? (At nagawa niyang kumawala sa grip ni Richelle!!!) NUNG UNA PUMAYAG AKONG SUNTUKIN MO AKO HA, PERO HINDI NA AKO PAPAYAG NA BUGBUGIN MO RICHELLE!
REGINE: (Syempre, tulala ang beauty ng lola mo!) GRABE, MAGKAPAREHONG-MAGKAPAREHO NGA KAYO! (Pareho silang malandi at magaling sa karate chuva!) PERO RAYCE, SERYOSO, AYOKONG SUMAKAY NG CHOPPER! KUNG HINDI KA RIN MADADAAN NI RICHELLE SA SANTONG PASPASAN, DAANIN KITA SA SALITA. AYOKO!!!
RAYCE: BAKIT BA ANG TIGAS NG ULO NIYONG DALAWA HAH!!!
RICHELLE: YOU HEARD HER. HANGGA’T HINDI NIYO SINASABI KUNG SAAN NIYO KAMI DADALHIN, HINDI KAMI SASAMA.
RAYCE: RYE!!! PUMUNTA KA NGA DITO AT IKAW ANG KUMAUSAP SA GIRLFRIEND MONG MATON!
RYE: (At pinadilatan ni Rye si Rayce. Ikaw ba naman asarin ang girlfriend ng iba) MAHIRAP BANG BANTAYAN SILA.
RAYCE: MADALI LANG SANA KASO ANG EPAL NG GIRLFRIEND MO.
RYE: IF I KNOW PATI ANG GIRLFRIEND MO. (Tapos tinignan din ako ni Rye.)
REGINE: YOU CAN’T BLAME US! JUST ANSWER OUR QUESTIONS. SAAN NIYO KAMI DADALHIN?
RYE: IT’S A SECRET FOR HEAVEN SAKE!!! HINDI BA KAYO NAKAKAINTINDI NG SURPRISE?
RICHELLE: BAKIT KAILANGAN PA NG CHOPPER PABALIK SA MANILA?
REGINE: OO NGA… UNLESS DADALHIN NIYO KAMI SA IBANG BANSA KAYA KAILANGAN MAKABALIK TAYO AGAD DOON. (Syempre, imagination ko lang yan! Asa naman ako na dadalhin nga kami ng kambal sa ibang bansa!)
RYE: (Tapos nagkatinginan yung kambal.) TADO KA RAYCE!!! SINABI MO SA KANYA!!!
RAYCE: OF COURSE NOT!!! WALA AKONG SINASABI!!!
REGINE: WAIT… SO DADALHIN NIYO KAMI SA IBANG BANSA? (At hindi nakapag-react ang mga mokong! Nakanganga sila pareho!)
RICHELLE: TEKA… DON’T TELL ME SA HONGKONG YAN!
REGINE: OMG!!! SA DISNEYLAND!!! RAYCE DADALHIN MO NA TALAGA AKO SA TOTOONG PALASYO?
RICHELLE: OMG!!! BAKA PATI DUN SA UNIVERSAL STUDIO!!! YUNG PANGARAP KONG PUNTAHAN SA BIRTHDAY KO EH!
Syempre, naga-assume lang kami nina Richelle, pero sa reaction ng mga pagmumukha nina Rye at Rayce, mukha silang pinasakluban ng langit, lupa at ng lahat ng planets sa outer space.
RYE & RAYCE: PAANO NIYO NALAMAN…?
REGINE: OH MY GAWD SABI KO NA ESPREN MGA PSYCHIC TAYO EHH! (Tamang hula lang talaga!)
RICHELLE: APIR SHEEETTT!!! ANG GALING NATIN!!! HWAHAHAHA!!!
RYE: NAKNG!!! SAAN NA NAMIN KAYO DADALHIN NIYAN! (Problemadong-problemado! Ang fail kasi ang plano nila!!!)
RAYCE: OH ANO NAMAN KUNG ALAM NA NILA… ITULOY NA NATIN!
REGINE: TEKA TEKA TEKA!!! WALA NANG THRILL DAHIL ALAM NA NAMIN KUNG SAAN NIYO KAMI DADALHIN.
RAYCE: PAPALUSOT KA PA BARBIE, ALAM KO NAMANG INIIWASAN NIYO LANG ANG CHOPPER!
REGINE: AY PSYCHIC KA RIN PALA EH. YUN NGA YUN!
RICHELLE: OKAY NAMAN KASI YANG NAISIP NIYONG TRIP TO HONGKONG, KASO NAMAN… PARANG SOBRA NA YATA YUN!
REGINE: OO NGA! DAIG PA ANG HONEYMOON NUN, EH HINDI PA NAMAN TAYO MAG-ASAWA.
RICHELLE: AT TSAKA WALANG KASO KUNG DITO LANG TAYO SA TAGAYTAY MAG-CELEBRATE! WALA PANG HASSLE!
REGINE: AND BESIDES, MAY PASOK SA MONDAY! AND I HAVE RESEARCH TO DO! AT LALONG AYOKONG UM-ABSENT!
RAYCE: DANG IT! NAPAKADAMI NIYONG DAHILAN!
RYE: AY NAKU KUNG AYAW NIYO EH DI WAG!
At nagwalk-out yung kambal! Syempre, kahit LQ kami ng mga boyfriend namin, masaya pa rin kami ni Espren!!!
REGINE & RICHELLE: SUCCESS!!! (Insert Evil Laugh Here!)
REGINE: OH SO PAANO NA?
RICHELLE: NAGALIT SILA EH, PERO BAYAAN NA NATIN. (Basta lang makaiwas sa chopper eh noh.)
REGINE: MAG-SWIMMING NA LANG TAYO!
RICHELLE: WEH? (Ay oo nga pala, sandamukal na tungaks nga pala siya pagdating sa swimming!) WALA AKONG SWIMSUIT! (Yun pala! Akala ko naduduwag lang sa paglangoy!) TIGNAN MO NGA OH, PINAHIRAM LANG AKO NI RYE NG DAMIT.
REGINE: MERON AKO! BINILHAN AKO NI RAYCE EH! NANDUN SA SASAKYAN NIYA!
RICHELLE: ANG DUGA AH. KWENTO MO SAAKIN YANG MGA NANGYARI SAINYO NI RAYCE HA.
REGINE: OPKORS MAH ESPREN! TARA NA DUN SA SASAKYAN AT MAKAPAG-SWIMSUIT KA NA!
Oh so dahil sa ginawa naming mag-espren, hindi na kami natuloy sa Hongkong at nagmumukmok pa ang kambal sa kani-kanilang mga kwarto! Ano na ngayon? Wala nang birthday celebration? Well, well, may way pa naman kami ni Richelle para mag-happy happy eh!
Sooner or later, lalabas din sina Rayce at Rye lalo pa kapag nakita nila kaming naka-swimsuit at naglalandian na sa dalampasigan!!! Naks dalampasigan talaga!!! Ahahaha!!!
REGINE: ANG AGANG OUTING NITO SIS!!! WAAHHH ANG LAMIG NG TUBIG!!! TARA DITO SIS!!!
RICHELLE: WOAAAAHHHHH!!! ANG LAMIG NGA! HAHAHA!!! (Alam na kung ginagawa namin sa tubig! Naglalandian at basaan kami!)
REGINE: ANG SEXY MO RICHELLE-TOT HUH!
RICHELLE: I KNOW! PERO HINDI KO AKALAING BINILHAN KA NI RAYCE NG GANITONG BIKINI HA. HALATANG APAKA-PERV NG LALAKI MO!
REGINE: PERO SIS ANG SARAP NG FEELING NA KAMI NA! AYIIIEHH!
RICHELLE: SO KAYA PALA NAHULI KITA KANINA NA HAHALIKAN SANA SI RAYCE HABANG NATUTULOG. (Uwaahhh!!! So nakita pala talaga niya yun!) BASTA INGAT KA LANG JAN SA RAYCE NA YAN! PAPALUNUKIN KO SIYA NG BUHANGIN KAPAG PINAIYAK KA NIYA.
REGINE: AWW! (Tapos niyakap ko siya.) NAPAKA-SWEET MO TALAGA!
RICHELLE: WOW ESPREN PARANG LUMALAKI YATA YUNG ANO MO HA.
REGINE: TALAGA! FEELING MO?
RICHELLE: RAMDAM KO! AHAHAHAHA!!!
RAYCE & RYE: ANG LANDI NIYONG DALAWA! (Yun oh! Tama na naman ang kalkulasyon ko! Lumabas na nga yung dalawa! At huling-huli pa nila ang ka-sweetan naming magkaibigan!)
REGINE: HINDI NA KAYO GALIT?
RAYCE: MAY MAGAGAWA PA BA? (Tapos naghubad ng shirt sa harapan namin si Rayce! Jusmio ang yummy!) SEXY MO HA!
REGINE: KA… SE… NA… MAN… (Ohmygawd to the nth time! Kinikilig ako!!!)
RICHELLE: OH IKAW JAN RYE, HINDI KA MAGSU-SWIMMING?
RYE: SABI MO EH. (Naghubad na din si Rye! Harujusko!Bakit may ganitong mga scene! At nung paglapit niya saamin, binuhat agad ni Rye si Richelle papunta dun sa malalim.) TARA DUN TAYO SA MALALIM!
RICHELLE: UWWAAAAAAHHHHHHH!!! HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY!!! LANGYA KA!!!
RYE: PATAY TAYO JAN RICHELLE, EH DI WAG KANG BIBITAW.
RICHELLE: REGINE SAKLOLO!
Syempre tinatawanan ko lang sila. Pakunyari pa ‘tong si Richelle, gustung-gusto naman! Kami naman ni Rayce, sa mababaw lang. Alam niyo na, ang prinsipe hindi rin marunong lumangoy!
RAYCE: TALAGANG AYAW NIYO SA DISNEYLAND?
REGINE: GUSTO!!! ANG AYAW NAMIN SA CHOPPER. (Tapos winisikan ko siya ng tubig) NEXT TIME NA LANG YUNG DISNEYLAND NA YUN.
RAYCE: (At hinawakan niya ang pisngi ko. Parang hindi pa rin siya makapaniwala… lalo na ako!) OH ANO BANG WISH MO SA BIRTHDAY MO?
REGINE: NATUPAD NA.
RAYCE: ANO?
REGINE: (Napakagat-labi ako.) IKAW! (Tapos tumakbo ako palayo papunta dun sa malalim)
SHET!!! Sa wakas nasabi ko din!!! Nasabi ko din na siya ang pangarap ko noon, at natupad na ngayon!!! Ang landi ko!!! Pero kinikilig ako!!!
TIME: 8:00pm
WHERE: Sa gazebo ng resthouse
RICHELLE: NASAAN NA BA SI REGINE? (Ang boses ni Richelle, rinig ko mula dito sa kusina)
RYE: NASA KUSINA DAW.
RICHELLE: SIYA PINAGLUTO NIYO!!! (Kulang na lang mura ang lumabas sa bibig niya!) BAKIT SIYA ANG NAGLUTO!!!
REGINE: KASI WALANG MAGLULUTO KUNG HINDI AKO NAG-ISIP NA DINNER TIME NA PALA! (Lumabas na ako na may bitbit na ulam, at nakasunod naman saakin si Rayce na may dala ding pagkain na niluto ko!)
RAYCE: OH KAINAN NA!
RYE: HAY SA WAKAS! MUKHANG MASARAP!
RICHELLE: YOU WISH! BASTA SI REGINE ANG NAGLUTO, MAGALING SA GARNISH… YUN LANG!
REGINE: SAKIT MONG MAGSALITA!
RICHELLE: KASI MAKAKASAKIT KA RIN NG TIYAN MAMAYA!
RAYCE: OH TAMANG MAG-AWAY NANG NAKAHARAP SA PAGKAIN! (Go my Prince! Save me!) AKO NA UNANG TITIKIM NG LUTO NG MAHAL KO!
RICHELLE: YUCK! HINDI PA NAKAKAKAIN, NAUUMAY NA AKO!
REGINE: PAPASAKAN NA KITA NG TABLE NAPKIN SA BIBIG MO EH!
At kumain na si Rayce ng niluto kong adobo. Syempre, sumunod si Rye… at nagpahuling tumikim si Richelle.
REGINE: PINAGBUHUSAN KO TALAGA NG PANAHON YAN! YAN ANG ISA KO PANG BIRTHDAY WISH, ANG MATIKMAN AT MAGUSTUHAN NIYO ANG NILUTO KO.
Ang tagal nilang nagsisagot pagkasabi ko na birthday wish ko yun.
REGINE: MASARAP?
RAYCE, RICHELLE & RYE: MAS…ARAP…HE-HE-HE.
REGINE: MASARAP! UY RAYCE MASARAP BA?
RAYCE: (Hindi ko ma-explain yung ngiti ni Rayce) ANG GALING NG GARNISH!
REGINE: RYE?
RYE: (Nagthumbs-up lang siya nang hindi nakatingin saakin) MASARAP…
REGINE: RICHELLE?
RICHELLE: KAILANGAN KO BANG SAGUTIN YAN? BIRTHDAY WISH MO DIBA.
REGINE: (At syempre napangiti na ako kahit parang may masama silang dinadamdam.) OH KAIN LANG NG KAIN HA! ANG DAMI KONG NILUTO, UUBUSIN NATIN LAHAT YUN!
End of Chapter 18
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^