Tuesday, February 14, 2012

Alaala sa Sekondarya [POEM]


Unang pasok sa eskwela,
Magkahalong emosyon aking nadarama,
Ako'y nakakabahan at natataranta.
Ngunit labis ang tuwa sa pagiging sekondarya.

Mga bagong landas naman aking tatahakin,
Mga bagong kaibigan naman aking makikilala,
Mga bagong guro ang magtuturo,
Sa bagong subject na aking matutunan,

Sa apat na taon na pagiging sekondarya,
Marami rin akong natutunang mabuti,
Kahit nga gumawa ng kalukuhan alam ko,
Mga bagay na iyon na nagpapatuwa sa akin,

Sa apat na taon na pagiging sekondarya,
Marami rin akong nakilalang kaibigan,
Nagkaroon ako ng tunay at pekeng kaibigan,
Ang isa sa nagiging inspirasyon ko sa buhay.

Ngunit hindi rin makakalimutan sa pagogong sekondarya,
Ang mga magaganang karanasan,
Gaya ng magkaroon ng hinahangaan,
Hindi rin kasi pwedeng pigilan na tumibok ang puso.

Lalo na di pwedeng kalimutan,
Ang j.s prom na nagbibigay pagkakataon,
Para makasayaw ang iniirog sa kaunting sandali,
At yayain ang crush na makipagsayawan sayo.

Pero ang higit sa lahat ang pagtatapos,
Na nagkaroon ng halo-halong emosyon,
Malungkot dahil magkahiwa-hiwalay na sa mga kaibigan,
Masaya dahil sa wakas nakapagtapos na rin.

Ang pagtatapos ang pinakamasya at malungkot na parte,
Kinakailangan na maghihiwalay at wala ng magagawa,
Sapagkat isa isa ng tatahakin ang sariling landas,
Ngunit ang alaala sa sekondarya ay walang kupas pa rin.






By: Phoebe Ann


1 comment:

  1. naalala ko din yung js prom ko nun. first time kong nakasayaw ang first love ko nun... haiizzz!
    memories of the past! >__<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^