Tuesday, February 14, 2012

My First Love, True Love and Forever Love: Chapter 8

CHAPTER 8
(Sabrina “Rina” Bernardo)


Napaka-sutil pa rin nitong si Sabina hanggang ngayon, lagi pa ring iniinis si Yaya. Pero Saab wag kang mag-alala, malapit na ulit kayong magkita ng kaibigan mong si Ryuji.

Rina: St. Peter, gawan nyo na po kasi ng paraan para magkita ang kapatid ko saka yung kalaro nya nung bata pa sya.

St. Peter: isa ka pang makulit Rina, magkikita rin sila sa tamang panahon.

Rina: Eh kasi naman po, kawawa naman si Saab. Hindi na nga sya naaasikaso ni Mama at Papa, wala pa rin syang nakaka-inisan. Saka kokonti lang po yung kaibigan ni Sabina, St. Pete.

St. Peter: kasi pinili nya na konti lang ang maging kaibigan Rina. Pwede naman na magkaron sya ng madaming kaibigan kung gugustuhin nya, nanjan naman sila Ken, Jodie at Chloe.

Rina: eh St. Pete hindi naman nya kasundo yung tatlong sinasabi nyo eh! Lagi nga po nilang inaaway sina Saab eh. St. Pete, gawan nyo na po ng paraan para magkita na si Sabina at si Ryuji, tutal schoolmates naman sila.

St. Peter: isa ka pang bata ka eh, saksakan ka rin ng kulet! Magka-kambal nga kayo!!! Basta malapit na silang magkita.

Rina: salamat po St. Peter, kaya sa inyo ako eh!!!

St. Peter: oo na Sabrina Bernardo! Wag mo na akong utuin at hindi uso dito sa langit yan!!!

Rina: ok po, pero salamat po talaga St. Pete. Aylabyu po!!! Dun na lang po muna ako!!!

Yes naman oh, malapit ng magkita si ambal at ang lalake nya. Ano kaya mangyayare kapag nagkita na ulit sila? Sa anong klaseng sitwasyon kaya sila magkikita?

Rina: St. Pete, pwede po bang malaman kung kailan yung exact date? Para naman po makita ko yung magiging reactions nila. Joke lang po St. Pete, kayo naman oh, chillax! Wag po kayong masyadong seryoso, dadami uban nyo sige po, kayo rin!


(Ryuji Francisco)


Ryuji: Nandito na po ako!

Yukiko, Minori, Takade, Maki, Aki & Eugene: SURPRISE!!!

Maki: hello kuya Ryuji!!!

Aki: welcome home Kuya Yuji!!!

Ryuji: hindi mo naman sinabi Mommy na ngayon na pala sila darating, eh di sana maaga akong umuwe.

Minori: binilin ko talaga yon kay Yukiko, para naman ma-surprise ka talaga.

Takade: we have something for you.

Yun ba yung surprise nila? Ano kaya yon? Hindi kaya meron na naman silang anak?

Minori: labas ka na jan!

Takade: wag ka na mahiya.

Amerie: hello!!!

S-si Amerie? Ano ba namang kalokohan ang tumatakbo sa utak nitong mga bano na to? Bakit nila sinama si Amerie dito eh break na nga kami diba, eh para ngang hindi kami friends eh. Dito din sya titira at matutulog? Oh this can’t be!!!

Ryuji: A-amerie!!!
Amerie: surprise? Not happy to see me?

Ryuji: no, no. Nagulat lang talaga ako.

Eugene: mamaya na yang kwentuhan, kumain na muna tayo. Tara na sa dining area.

Ryuji: magbibihis lang po ako Dad.

Yukiko: bilisan mo anak. Hihintayin ka na namin.

Grabe naman, nakaka-ilang naman tong sitwasyon ko ngayon. Dito, as in dito sa bahay namin titira ang ex-girlfriend ko, kalokohan! Hindi naman sa ayaw kong makasama sya, kaya lang kasi ex ko sya, may past kami pero wala na talagang future.

Maki: Kuya Ryuji, hindi ka ba masaya na nandito si Ate Amerie?

Aki: maganda naman sya diba? Paglaki ko nga liligawan ko sya eh!

Eto pang dalawa na to, ang dalawang makukulit na toh! Naman!!! Magulo na nga sa university, magulo pa rin dito sa bahay. Hindi na ba ako mabibigyan ng katahimikan?

Ryuji: oh, bakit kayo sumunod dito?

Maki: Kuya, sagutin mo na lang yung tanong ko. Ayaw mo ba sa kanya?

Ryuji: look kiddos, it’s not that I don’t like her. Hindi lang kasi talaga pwede.

Maki: bakit?

Aki: kasi siguro may iba ng gusto si Kuya Yuji.

Langyang mga bata to, pati lovelife ko pinopoblema. Kung alam nyo lang kung gano talaga kalaki ang problema ko sa love na yan!

Maki: may gusto ka ng iba kuya? Pano na nyan si Ate Amerie, may gusto sya sayo eh.

Aki: ok lang yon Maki, ako na lang ang magmamahal sa kanya. Gusto ko naman sya eh. Paglaki ko, sya ang gusto ko maging asawa.

Siguro nagtataka kayo kung bakit magaling mag-tagalog ang mga bata na to eh mga Japanese sila. Mas madalas kasi sila dito sa Pilipinas kesa sa Japan since nandito yung malaking branch ng business ni Tito Takade.

Ryuji: naku, saka nyo na problemahin yang kasal na yan. Tara na sa baba, baka gutom na sila.

Maki: na-miss ko na yung luto ni Tita Yukiko.

Aki: same here. Hindi kasi masarap magluto si Mama eh.

Ryuji: ang swerte ko talaga kay Mommy, magaling magluto. Hahaha. Kawawa naman kayo kay Tita Minori.

Minori: bakit parang narinig ko ang pangalan ko?

Maki: sabi ni Aki hin-

Aki: sabi ko po kay Kuya Yuji na mahal na mahal ko si Mama Minori ko.

Minori: ohhhh!!! Love na love ka rin ni Mama Aki.

Yukiko: tara, kumain na tayo.

Eugene: how’s school son? Oo nga pala, bakit hindi mo sinama si Clint ngayon?

Ryuji: eh Dad may exam pa po kasi kami hanggang bukas. Saka na lang daw po sya gagala dito kapag wala ng masyadong kailangang gawin sa school.

Takade: so kamusta naman Yuji ang pag-aaral mo, kamusta ang grades mo?

Ryuji: ok naman po Tito, nakakaraos naman po kahit mejo mahirap.

Yukiko: kapag wala ka ng exams anak at hindi ka busy, bakit hindi mo isama si Amerie sa school nyo para naman makilala sya ng mga kaibigan mo.

Minori: magandang idea yon Ryuji, ipakilala mo sya sa mga kaibigan mo, para naman malibang din sya.

Ryuji: don’t worry Mom, Tita, kapag hindi na ako busy isasama ko sya sa school. Ok lang ba sayo Amerie?

Amerie: yup, that’s fine with me.

Aki: eh kami kuya Yuji, pwede mo rin ba kaming ipakilala sa friends mo?

Maki: oo nga Kuya, isama mo na rin kami. Nami-miss ko ng makipag-laro kay Kuya Clint.




4 comments:

  1. what the pyok! nagulantang naman ako sa eksena sa heaven!!!

    buti hindi nagkita noon sina rina at yung tatlong josa! ahahaha!!! mygawd baka magkita sila ni eros sa langit! ahaha...

    ano ba yan sis, nagugulantang ako sa kwento! ahahahahaha!!! ang kulit!!!




    at ayan na si amerie, ano? buburahin ko na ba ang character niya sa kwento. epal! break na nga sisingit pa! hmfp!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahah, ntwa aq s commnt n 2! uu nga noh, bka ngkita cla s utopia nun.... hahhhahah

      Delete
  2. hla akla q ngmulto n tlaga si sabrina nung nbsa q ug name nia. hahaaah...
    si st.peter dn pla ang kausp nia s heaven....

    ReplyDelete
  3. hhhaahahah!!!! ang epic nung umpisa! tlgang may scene s heaven!!!!!!!
    kasi nmn nde dpat si st.peter ang pinakikiuspan, c ate queen dapat!!!!! hahahahhhaaahhh!!!

    sabihin sa author na magkita na ung dalawa!!!!! ate queen!!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^