Thursday, February 9, 2012

Mine (FTV) - Chapter 1

Fear of Falling 
(Taylor POV)



It's foggy day. Naisipan kong tumungo sa restaurant. Nakakabagot sa bahay kapag rest day sa trabaho. Mag-isa lang kasi ako. Ang parents ko naman may kanya-kanya ng pamilya.Natuto akong maging independent nang iniwan nila ako kay Lola. Si Lola na ang nagpalaki at nagpaaral sa akin.


Nang mamatay siya, inaapi ako ng mga tita ko subalit laking pasasalamat ko nang makatapos ako sa kolehiyo. Madali akong nagkaroon ng trabaho. Dito nga ako tumilapon. Sa Cebu city. Human resource officer ako sa isang shipping company na naka-base sa Cebu. Nagrerenta lamang ako ng apartment para maka-survive sa bayang ito. 5 taon na ako sa bayang ito, at ang limang taong iyon ay nilukluk ko sa trabaho.



Overcrowded ang restaurant. Sabado kasi ngayon kaya maraming tao. Mabuti may bakanteng table, malapit iyon sa dingding. Marahan akong pumaroon at umupo.


Napuna ko bigla ang mag-couple across me. Nag-aaway sila. Kagyat na pumasok sa isipan ko ang sakit ng nakaraan. Ang nakaraan na matagal ko nang gustong kalimutan pero nanatili pa rin akong minumulto. Ito yung pagkawasak ng pamilya ko. 


I'm seven years old that time. Pag-uwi ko sa bahay, nadatnan kong nag-aaway ang parents ko. Mataas ang boses nila.Marahan akong tumungo sa kusina para silipin sila.


Brenda: Napaka-iresponsable mo! Wala na tayong pera! Naubos na lahat dahil sinusugal mo. Remy,maawa ka naman sa anak mo. Paano ang pagkain niya? Paano ang pag-aaral niya?


Remy: Ngayon ako ang sinisi mo? Ikaw palagi ang umuubos ng pera dahil mahilig kang magpaganda, magpasikat sa mga amiga mo at araw-araw naggo-grocery! wag mong sinisi sa akin iyon. May pera ako pang sugal. At iba iyon sa pera na ibinibigay ko sayo!


Brenda: Naggo-grocery ako dahil kailangan natin iyon! Wag mong idadamay ang mga amiga ko dito. Sariling pera  ko ang ginagamit ko doon.


Remy: Sariling pera!? Sa akin din galing yun huh! Kasalanan mo iyon. Ambisyosa ka kasi kaya ngayon lubog tayo sa utang!


Brenda: Demonyo ka! Sinusumbatan mo ako sa pera mo! Kung hindi ka sugarol hindi sana tayo lubog sa utang, kaya wag mong ibaling sa akin ang kasalanan mo!


Remy: Bwisit!! pagod na ako sayo!! Ang ingay-ingay ng bunganga mo!!


Brenda: Bwisit ka rin!! iresponsable!! Maghiwalay na tayo!! nagsisisi ako ngayong pinakasalan kita!


Animo'y hinihiwa ng butcher knife ang aking puso ng masaksihan iyon. Pareho silang iresponsableng magulang hindi nila ako iniisip. Padalos-dalos sila sa kanilang disesyon. Ito ba ang sinasabi nilang tunay na pag-ibig? Sa kaunting problema ay di na kayang lutasin.




Galit ako sa kanila!! Galit ako sa pag-ibig! Pinapangako kong hindi rin ako iibig. Ayokong may masaktan. Ayokong may madamay. Iyon ang simula na naniniwala akong hindi totoo na  everlasting ang pag-ibig. Kuupas din ito.


Napaluha ako at tumakbo papalabas para takasan sila.


☺♥☻♥☺♥☻♥☺♥☻♥☺♥☻♥☺


Back to Reality♥ ♥  ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥...




Para iwaksi iyon,marahan akong yumuko at umiling. Naka-move on na ako. Matagal ko na iyong na let go. Ayoko ko nang isipin pa ulit iyon. Maingay ang restaurant. Walang pakialam maabala man ang iba.




Lumipas ang ilang saglit may lumapit na waiter sa akin.Nalimutan ko palang tumawag ng waiter. Pero tila nawawalan ako ng ganang kumain. Pero nakakahiya naman. Tutugunan ko nalang ito.




Waiter(Brit): May I get your order maam? (very polite nitong tanong.)



Kay sarap ng boses niya parang saliw ng musika na nakakaakit pakinggan. Napapintig ang puso ko. Hesitate kong inangat ang ulo ko para makita ko siya. Parang namimigat ito sa sobrang kaba ng aking puso. Bakit ganoon? Ganito ko pa lamang na encounter ang bagay na ito.


Mahiwaga.


It means love na ang nararamdaman ko? Ayoko!! kontra ng isip ko. Wee..sige na! sigaw naman ng puso ko. Mistulang ma di-drain ako sa damdaming ito. Kahit anong pigil ko ay dinadaig pa rin ako ng damdamin ko. Galit na ako sa sarili ko!! Bakit pa ba sa estrangherong ito tumibok ang puso ko ng ganoon?




Sa pagangat ko ng tingin na salubong ko kaagad ang mala-anghel niyang hitsura. Napakagwapo niya. Parang si Leonardo di Caprio. Ayoko na, parang himamatayin ako. At yung boses niya walang duda sa kanya nga yun dahil nababagay talaga sa anyo niya. Very charming. Please cupid, wag mong panain ang puso namin. Ayokong mainlove.


Waiter: Ahem!


Napapitlag ako. Saka ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya.


Waiter: May i get your order maam? (Ulit nito.)


Taylor: A..Tubig na lang (parang exhausted na kasi ako sa kagwapuhan mo!)


Tumango siya at nilista...


Waiter: Okay maam, your order will arrive soon (Tila napapatawa sa reaksiyon ko sa kanya.


Napapintig lalo ang puso ko.
Ngumiti siya bago tumalikod.


Somehow, i felt hurt.  Why? I'm already lingering him. One second siyang nawala sa paningin ko, iyon na kaagad ang feelings ko. SOS! Help me! Mister dictionary paki-define nga kung anong feelings ko. Wag mo lang sabihin na in love ako. Magbu-burst talaga ako. Ang sama mo destiny. Ang kulit mo Cupid. Alam niyo namang pinangako ko sa sarili ko na hindi ako iibig!! Naiintindihan niyo ba ako? Aaaaaaaaaaargh!!


Taylor has no need to be in love!! Ayoko sa pag-ibig!!


End of Chapter 1

Thanks for reading....
sa palagay mo 
maiinlove 
ba siya sa 
waiter?





Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!

Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.



5 comments:

  1. ay sis, nakalimutan ko pala sabihin, kapag gumamit ka ng galing sa lyrics nung kanta, BOLD-ITALIC mo ha... :D

    ReplyDelete
  2. done editing it! at binabasa ko na nung inedit ko pa lang! ahahaha...

    ang bilis ng update! ayiiieh! inspired much din! XD

    ReplyDelete
  3. ay ito npnood q n mv n2 s myx! peo gus2 q p din bsahin! nxt po miz phoebe!



    -anew_beh

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^