Friday, February 10, 2012

As a Man (FTV) - Chapter 3


CHAPTER 3
“Since you’re a man…”

 (Wonnie POV)


Niligawan na nga ako ni Joon pero dahil siguro noon ko pa naman na siya gusto, hindi rin nagtagal at sinagot ko na siya agad.

Photobucket

~During the first months of our relationship~


We always enjoy dating at the cherry blossoms park.



WONNIE: PANG-ILANG BABAE MO NA AKONG DINALA DITO?



JOON: I’M NOT ANSWERING THAT QUESTION.



WONNIE: WHY?



JOON: KASI SINISIRA MO ANG DISKARTE KO! (Magkaholding-hands kami at pinaikot-ikot niya ako hanggang sa mahilo ako.) OH YAN! PARUSA YAN! LET’S JUST ENJOY THIS DATE, OKAY?



We talked about things, at mas na-eenjoy ko siyang kasama ngayon dahil napaka-dami niyang kalokohan.

Photobucket

WONNIE: ALAM MO YUNG SA MGA NAPAPANOOD KO SA MGA DRAMA, YUNG HABANG NAGLALAKAD YUNG COUPLE, KASABAY NA BUMABAGSAK DIN NG NON-STOP YUNG MGA CHERRY BLOSSOMS PETALS… ANG MAGICAL! GUSTO KONG MARANASAN DIN YUN! KASO MUKHANG IMPOSIBLE NGAYON NOH.



Tapos napatingala kami pareho sa mga puno ng cherry blossoms.



JOON: AHH TEKA LANG HA… (Bigla siyang lumapit dun sa sanga tapos inalog-alog yun kaya nagsihulugan yung petals saakin.)



WONNIE: UWAAAHHH!!! (Nakakatuwa lang! Nakakakilig!!!)

Photobucket

JOON: AY TEKA, TAYO KA LANG JAN SA PWESTO NA YAN HA. (Sinunod ko naman siya at maya-maya pa, sinapa niya yung puno kaya mas maraming naglaglagang petals!)



WONNIE: LOKO-LOKO KA TALAGA!!!



JOON: TEKA ISA PA! (Tapos sinipa niya ulit yung puno at napagaya na din ako sa pagsipa.)



WONNIE: AHAHAHA!!! AY TEKA JOON, IPASAN MO DIN AKO PAPUNTA DUN!



JOON: AY ANG DAMING WISH! TARA DALI! SAKAY NA! (Aangal siya pero gagawin rin naman niya!)

Photobucket

There’s never a dull moment with him. He never fails to make me laugh and make me fall for him deeper than before. Basta we’re so much in love with each other!



Alam ko naman yun dahil nakikita ko sa mga mata at ngiti ni Joon kapag magkasama kami.



WONNIE: SAY AH!!!

Photobucket

JOON: AH!!! (At isusubo niya yung ice cream. Pero hindi pa niya yun nalulunok, susubuan ko siya ulit.)



WONNIE: SAY AH!!!



JOON: AH!!! (Wala rin siyang nagawa kundi kainin yung ice cream eh…)



WONNIE: SAY AH!!! (At nung pang-third time na subo na niya…)



JOON: AHH… A… AWAT NA… BRAIN FREEZE!

Photobucket

WONNIE: PFFT… AHAHAHA!!! ANG CUTE!!!



JOON: SADISTA KA… ANG LAMIG…



WONNIE: WAG MONG IDUDURA YAN HA!!! (Tapos pinunasan ko yung gilid ng bigbig niya)

Photobucket


JOON: WHAT THE! NAPAKA-SWEET MO NAMAN!







Matatapos lang ang lahat ng nagiging date namin ng puro tawanan at kulitan. Tapos kapag uuwi na kami tahimik na lang kaming magpapakiramdaman, pero sweet pa rin!



*     *     *


Pero hindi naman sa lahat ng panahon, magkasundo kami! Syempre, hindi rin maiaalis ang away at tampuhan! Tulad na lang ng dahil sa isang simpleng laruan.



WONNIE: AY LARUAN!



JOON: HINDI ‘TO BASTA LARUAN AH! TOY COLLECTION ‘TO! LIMITED EDITION NG GUNDAM ACTION FIGURE!



WONNIE: AH… EH MAGPAPASAMA SANA AKO SAYO MAG-MALL… MAMAYA MO NA LANG YAN GAWIN.



JOON: BAKIT? ANONG GAGAWIN MO SA MALL?



WONNIE: DATE!!! NOOD TAYO SINE!



JOON: KADI-DATE LANG NATIN LAST WEEK HA.



WONNIE: EH LAST WEEK PA YUN EH.



JOON: BUKAS NA LANG… GUSTO KONG MATAPOS I-ASSEMBLE ‘TO NGAYON!



WONNIE: PSH! SIGE NA NGA! TULUNGAN NA LANG KITA! (Kinuha ko yung isang part pero hinablot niya yun saakin)

Photobucket

JOON: WAG KA NANG MANGGULO! HINDI ‘TO PAMBABAE, OKAY? AT SAKA MAHIRAP ITONG I-ASSEMBLE, HINDI MO ALAM ‘TO!



Matagal ko lang siyang pinapanood at hindi niya ako pinapansin. Naiinip na ako pero parang wala talaga siyang balak na pagbigyan ako.



WONNIE: HINDI KA PA BA TAPOS?



JOON: HINDI… DUN KA NA NGA! OH KAYA MAG-MALL KA NA LANG KASAMA NG MGA KAIBIGAN MO HINDI YUN PALAGING AKO YUNG KASAMA MO.



Pagkasabi niya nun, naasar na ako… at higit sa lahat nasaktan! Mas mahalaga pala yang Gundam na yan ha!



WONNIE: NAKAKAASAR KA!!! (Tinapon ko sa harap niya yung laruan niya at saka ako umalis sa harap niya.)

Photobucket

Saka ako nagpunta sa banyo at dun ko nilabas yung sama ng loob ko! Syempre ayokong umiyak, dahil ayokong makita niya na madali ko lang iniiyakan ang mga ganitong bagay.



Pero syempre, kada-away naman, may pagbabati! Sa bandang huli kasi, marerealize namin yung mga fault namin. Mapag-uusapan namin yun at dapat talagang ayusin!



Hindi niya rin naman ako matitiis matapos ang away na yun eh. Ni-promise pa niya na bukod sa magmo-mall kami tuwing kelan ko na gusto, ibibigay pa niya saakin yung matatapos niyang isang Gundam Action Figure! Parang mga isip-bata lang noh, pero ganito kami magmahalan.



*     *     *

~Almost a year in a relationship~




Ang oras mabilis na pumapatak, ang araw mabilis na umaandar… at ang panahon, mabilis na lumilipas.



Kung bibilangin kasi, halos mag-iisang taon na ang relasyon naming dalawa ni Joon.



Nakasahod na ako ulit sa sweldo ko, at malaki din ang napalanunang cash prize ni Joon sa sinalihan niyang isang swimming competition nung nakaraang araw.



So to celebrate, pinag-shopping namin ang isa’t isa! Tulad ng usual naming ginagawa, naglilibot kami sa mall but this time, napadaan na kami sa isang jewelry shop…

Photobucket

WONNIE: JOON! AYOKO NA LANG NG STUFF TOY! SINGSING NA LANG ANG BILHIN NATIN!



Pero ni minsan, hindi man lang sumagi sa isip niya na bilhan ako ng singsing. Samantalang yung ibang couple na kakilala ko, ilang buwan pa lang, may singsing na agad yung girl!



WONNIE: JOON! JOON!!! AYUN! DISCOUNTED PA SIYA!!!



JOON: (Tahimik lang na tinignan ni Joon yung couple ring na tinuro ko.) GUSTO MO YAN?

Photobucket

WONNIE: OO! MUKHANG BAGAY SA MGA DALIRI NATIN YAN!



JOON: AYOKO… MAWAWALA KO LANG YAN EH.



WONNIE: EH DI INGATAN MONG WAG MAWALA! ITO NA LANG BILHIN NATIN!



JOON: AYUN WONNIE! DUN NA LANG TAYO SA SHOP NA YUN! BILI TAYO NG DAMIT! (Umalis na siya agad nang hindi man lang ako pinapansin!)



WONNIE: YAH!!!

Photobucket

Hindi na niya ako pinakinggan at umalis na siya agad… parang sinadya niyang iwasan ang bagay na 'to.


Minsan iniisip ko na kaya ba ayaw mag-settle down ni Joon dahil katulad pa rin ng dati ang paniniwala niya sa mga relationships?



Na kapag tumatagal na, hindi na yun love kundi obsession na lang. O pwede ring dahil kumupas na ang love, pinagcha-tiyagaan na lang ang isa't isa.



Gusto ko tuloy malaman kung anong iniisip ni Joon. Kung ano ang tingin niya saakin at sa relasyon na namin ngayon… kung tulad ko ba, iniisip niya rin na sana kami na talaga till eternity.



Malalaman ko rin yan Joon… malalaman ko rin yan…



*     *     *


Isang gabi sa isang unusual place kung saan naman kami pwedeng magpalipas ng oras, dito pa namin napili sa kids playground.



JOON: SIGURADO KANG AYAW MO PANG UMUWI?



WONNIE: AYAW! DITO MUNA TAYO!

Photobucket

Tahimik na naman si Joon ngayong araw na ‘to. Napapansin kong napapadalas na siyang ganun.



Nasa swing lang kami at nag-uusap lang ng kung anu-ano.



WONNIE: JOON, KUNG NAMBABABAE KA, SABIHIN MO KAAGAD SAAKIN AH.



JOON: BABAE KA JAN! (Bigla niya akong tinira nung bubble-gun. Kanina pa kasi kami naglalaro ng bula, para lang mga bata!) WALA AKONG BABAE HA.



WONNIE: HAHAHA! MABUTI NAMAN… (So bakit parang madalas nang may kulang sa puso ko kapag kasama ko siya?) JOON…

Photobucket

JOON: BAKIT?



WONNIE: PWEDE BANG SABIHIN MO SAAKIN ANG PLANO MO SA FUTURE MO?



JOON: BAKIT MO NAMAN NATANONG?



WONNIE: GUSTO KO LANG ITANONG KUNG MAKAKASAMA MO PA AKO NUN!



JOON: UM... (Tinignan niya lang ako at wala na siyang naging imik. Sabay umiwas ng tingin saakin.)



WONNIE: (Hindi ko gusto ang pananahimik niya kaya…) IKAW NAMAN! NAPAKA-SERYOSO MO LANG HA! HAHA!



Pagkasabi ko nun, saka lang siya ulit napangiti saakin. Pero pansin kong parang napilitan lang yun. Tinawanan ko na lang dahil ayoko namang ipahalata na  bumabagabag saakin ang mga kinikilos niya…



WONNIE: AY JOON! TIGNAN MO SILA OH! ANG CUTE NILA! (At itinuro ko yung dalawang batang magkapatid na naglalaro din dito sa playground.) MAHILIG KA BA SA MGA BATA?

Photobucket

JOON: MEDYO… DEPENDE… HINDI…



WONNIE: BAKIT NAMAN? PAANO NA LANG KUNG MAKAPAG-ASAWA KA AT MAGKA-ANAK KA NA?



JOON: HMMM… DEPENDE PA RIN…



WONNIE: DEPENDE? DEPENDE SA MAPAPANGASAWA MO? DEPENDE SA MAGIGING ANAK MO?  GANUN BA DAPAT YUN? HINDI BA AKO YUN?



Nag-iba na naman ang expression ng mukha ni Joon. Sa totoo lang, ilang beses ko nang ni-try na i-open ang ganitong usapan… pero sa tuwing gagawin ko yun, pinipili niya lang na manahimik. Nag-iisip ng malalim, at nauuwi na lang sa pananahimik.




Malungkot sa pakiramdam. Masikip sa dibdib, pero wala naman akong magawa.

Photobucket

WONNIE: TARA NA NGA! UMUWI NA TAYO!



Sumunod lang siya saakin with just a plain reaction. Parang ito lang naman ang hinhintay niya eh, ang makauwi na kami. Siguro pagod lang siya… o kaya paranoid lang ako!



WONNIE: OY! TANDAAN MO NGA PALA! I-SAVE MO ANG SATURDAY HA! DUN LANG TAYO SA BAHAY NUN!



Madalas ko yung binabanggit sa kanya ngayong araw na ‘to pero hindi ko sinasabi kung bakit at kung anong meron sa araw na yun. Dapat alam na niya kung anong meron sa araw na yun. That’s because this coming Saturday will be our first anniversary together! And I want it to be special!



ALL IMAGES IN THIS CHAPTER ARE SCREENSHOT AND EDITED BY AEGYODAYDREAMER
PLEASE DO NOT TAKE WITHOUT PERMISSION!!!

End of Chapter 3






Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!


Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.





10 comments:

  1. first po ako dito!

    ang gwapo ni joon sa pix! parang sakin lng xah nkatingin...

    pplapit n ung heartbreak scene! naalala q s mv un ehh.......

    nxt n agd ate!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. aNg swEet niLa nuNg 1st monThs peRo ano naNgyari nunG kinatAgaLan,, tsK tSk tSK,,, joOn nMan eH,,,

      Delete
  2. ay ate, pde bng humingi ng copy ng lhat ng stories mu? ung sister complex lhat! ung word! ate naisip q lng mag-collect... pls!!!! downloadable!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. basta wag kang mamimigay ng copy sa iba... alam mo na... ehehehe...

      Delete
    2. uu nmn! nde tlga aq mamimigay! ppbsa q lang din s mga frends q s school!

      Delete
  3. gnda nung scene s mga sakura tree! hahahhhaahhha! kinlig din aq s mga pix! gwapo tlga ni joon! kkainlab! kxo ung lst part, bkit ayw mu xang bilhan ng singsing joon! kinkbhan na aq s nxt update. 2 chaptrs n lng noh! ay!!!! gus2 q n mapanood ung mv!!!!!!!

    kxo ttpucn q muna 2 bsahin!


    -anew_beh

    ReplyDelete
  4. miz aegyo! may account na aq pra nde n anonymous! hehhhehehh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Char!! mabuti naman para makilala ka na namin..Hehehe..thanks for reading my story pala..♥

      Delete
    2. nice anew! sa wakas talaga! ahahaha!!!

      Delete
  5. Hahahaha. Ang sweet lang nung sa 1st month nila! Pero yun nga bakit habang tumatagal eh nagiging cold yung lalaki? Kinakabahan din tuloy ako... kasi naman ang hirap basahin ng utak ni Joon! At tulad ni Woonie, malalaman ko rin yan! XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^