Sunday, February 26, 2012

Kissing Bandit : Chapter 2

CHAPTER 2
(ATASHA ORELLANA POV)



“Ikaw naman kasing bata ka! Hindi ka nakikinig! Sabi ko sa room na kaharap ng room 404!”



“Rkksjsocppl… ng room 404.”  Eh ang narinig ko yun Rkksjsocppl!



“Sana po kasi sinabi niyo na lang ng direcho na room 408!” Uwaaahhh!!!



“Aysows! Ito naman kung maka-react akala mo na-rape.” Bakit yung mga na-rape lang ba ang pwedeng magmukmok? Paano naman yung mga nasilipan? Bahala ka na nga jan bata ka. Nanjan na ang kama mo. Gogora na ako.” At umalis na nga agad si Aling M~ sa kwarto ko.



Humagulgol pa ako sandali para may drama effect. Hayup na lalaki na yun, lalaki pala siya ang ganda-ganda niya! Ay mali, lalaki pala ang gwapo-gwapo niya! Ay mali pa rin! LALAKI PALA SIYA HINDI MAN LANG NIYA SINABI AGAD!



Nagbihis pa ako sa harap niya! “Nakita na niya ang halos hubad kong katawan! Uwaahhh!!!” Siguro iniisip nun pakawala akong babae, eh pero hindi ko naman kasi alam na lalaki siya noh! “At ang masaklap pa… kinuhaan niya ako ng…”



Teka…



“Ow syet! Yung pictures ko!!!”



Hindi pa ako nakakapag-ayos ng gamit at lumabas ulit ako ng kwarto ko. Tapos kinatok ko yung halimaw sa room 404! Nilakasan ko pa yung tipong masisira ko na yung pinto.



Ilang sandali pa, binuksan na niya yung pinto, pero nakasilip lang ang ulo niya. “Yow!”



Yow ka jan! “Yung pictures ko?”



“Ha?”



“Yung nude pictures ko na nasa camera mo! Idi-delete ko yun!”



“Wala ka namang nude pictures sa SLR ko eh.”



“Gusto mong pugutan kita ng ulo? Yung pictures na kinuha mo!!!”



“Ah yung naka-underwear ka lang? Hindi naman nude yun eh. Ganito, maghubad ka ulit sa harap ko, tapos pipicturan kita tas saka mo burahin!”



“Ang manyakis mong hayop ka!!!” Tinulak ko siya pero natawa lang siya.



Ang bangag niya lang kumilos! Mahinahon na ewan, parang pa-cool effect! Samantalang ako, nagwawala na dito at lahat-lahat! Agad naman din niyang inabot ang SLR niya so ini-scan ko agad yun.



“Nasaan na?”



“May nawawala ba?” Napaka-pilosopo! Argh!



“Ikaw ang mawawala sa mundo kapag hindi mo sinabi kung nasaan na yung pictures ko!”



“Ah… ito naka-print na siya.” - (¬¬)



“Ano???” - (_) Letchugas na lalaki ‘to!



“Joke lang, wala akong printer. Binura ko na, wag kang mag-alala.”



“Kapag ako niloloko mo, asahan mo mapapatay kita sa isang iglap!”



“Ay nakakatakot. I’m scared, I’m scared.” Alam niyo yung nang-aasar siya pero walang gana yung boses niya. Ang sarap niyang palaklakin ng gasolina! Tas sisindihan yung bibig niya!



Padabog na akong lumabas at ako na rin ang nagsarado ng pinto niya. Pero in-open ko ulit yun dahil may nakalimutan pala akong sabihin. “Hoy! Tandaan mo ‘to, kapag kumalat yung pictures na yun, ide-demanda kita!”



“Ah… ano yung mauuna? Papatayin mo ako o idedemanda muna ako?”



“PAGSASABAYIN KO!!!” At sinarado ko na lang ulit yung pinto niya.



Argh!!! Bakit ba may nabubuhay na taong tulad ng syokoy na yun! Nakakasakit siya sa bangs!!! Ay mahabaging langit, bigyan niyo po ako ng pasensya para hindi ako magkasalang makapatay ng tao!



Wag… mababawasan ng gwapo sa mundo! Tumahimik ka jan second POV!!! Baka maisama kita sa hukay ng lalaking yun eh!








Para makaiwas na lang sa gulo, iniwasan ko rin si Ate Ganda… ay hindi pala siya ate! At hindi rin siya maganda… um gwapo? Oh bakit kahit galit ako sa kanya, hindi naman ako magsisinungaling! Mahirap mang aminin pero sige na! Gwapo nga siya. Pero at the same time, malaking ungas din siya!



Three days akong nagkulong lang dito sa kwarto ko. Pero hindi rin nagtagal ang boring days na yun. Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay ko! Pasukan na! Yahoooo!!!



Dahil freshman pa lang ako, naka-schedule ako ng maaga. Six A.M. ang first class ko. Block section daw kapag first year pa lang at napunta naman ako sa 1A.


4:00 pa lang ng madaling araw, gumising na ako. Tapos nagbreakfast, tapos nag-ayos at nag-ipon ng self-confidence para sa una kong araw sa TMU.



“Okay Atasha… una mong gagawin ay hanapin ang classroom mo. Tapos piliin mo yung pinakamagandang seat! Tapos makipagkaibigan ka sa makakatabi mo. At i-enjoy mo ang college life!” Tapos nag-smile ako habang kausap ang sarili ko sa salamin.



Parang timang lang pero wala namang ibang magsasabi nun para sa sarili ko kundi ako lang. Tinignan ko yun oras, 5:20 na so papasok na ako!



Nakasecure na ang lahat. Walang kahit na anong naka-on, sarado ang mga bintana at ngayon ay sinisigurado ko rin na sarado ang pinto. Mahirap na, baka malooban pa ako ng kwarto.



Tapos paglingon ko ulit, tamang-tama naman na lumabas din si kumag mula sa kwarto niya at naabutan ko pa siyang naghihikab. Matagal kaming nagkatitigan, at masama yung tingin ko sa kanya ha. Ang galing niyang pumorma, infairness lang!



“Wow, hot pink.”



“Ha?” Tinawanan niya lang ako tapos nauna na siyang mag-lakad. Grabe talaga sayad nun! Anong hot pink eh naka-blue ako! May color blindness ba siya?



Nasa likod lang ako pero medyo malayo naman ako sa kanya. Pagdating ko dun malapit sa hagdanan, nandun naman siya sa loob ng elevator. Parang naghihintay.



“Sasabay ka?”



“Ha… ah… oo. Syempre!” Tapos pumasok ako sa loob ng elevator. Magandang chance ‘to para matuto ako! Titignan ko kung paano ba gumagana ‘tong box na ‘to.



“Sa ground floor ka rin ba?”



Tumango na lang ako kesa sa sumagot. Naalibadbaran kasi ako sa kanya.



May pinindot siyang [G] dun sa may gilid tapos bigla nang umandar yung elevator. Para nga akong nahilo eh, ganito pala sa loob ng elevator! Taga-bundok lang, pasensya! Napahawak ako sa may handrail  pero siguro mga five seconds lang, bumukas na rin yung pinto ng elevator.
Pag hakbang ko palabas…



“Hoy second floor pa lang ‘to. Akala ko ba sa ground ka?” Napahiya naman ako dun! Tinawanan pa niya ako na parang nang-aasar! “First time mo ba?”



“Oo bakit may angal ka?”



Umiling na lang siya at may pinindot ulit siya [►|◄] tapos nagsarado ulit yung elevator.



Awkward silenece ulit para saakin. Pero itong si kumag, napapangisi na ewan. Ano kayang nakakatawa? Baliw lang talaga ‘to! Ang aga-aga, parang naka-high! Pailing-iling pa siya na ewan! Mukha lang siya tae! Taeng model type!



Nakarating na rin kami sa wakas sa ground floor kasi nakita ko na yung ‘reception-kuno’ at nandun din si Aling M~.



“Good morning Aling Mangkay!”



“Oy good morning din sayo Laris.” Ahh… Laris pala ang pangalan ni kumag! Ang unique ha! Gwapo pakinggan noh!



“Good morning po.”



“Good morning iha. Pasukan niyo na nga pala noh. Uy Laris, mabuti pa sabay kayo nitong si Atasha. Galing probinsya kasi ‘tong babaeng ‘to, eh tamang-tama naman pareho kayong sa TMU papasok.” Ano!!! Pareho kami ng university na papasukan!!!



“Po?” Tapos napatingin siya saakin. Paano ko ba idi-describe, yung tingin na parang nagtataka at nanghihinala. Ano naman kayang iniisip ng manyak na ‘to?



“Okay lang po Aling M~. Alam ko na po kung paano pumunta dun!”



“Ito naman ‘tong batang ‘to!” Sabay palo sa balikat ko. “Wag ka nang mahiya jan kay Laris!” Sinong nahihiya ah! “Napaka-ignorante mo pa naman, mabuti nang may kasabay ka noh! At saka tignan mo, hindi pa nasikat ang araw! Madilim sa daan, mabuti nang may kasabay ka. Sige na pumasok na kayong dalawa!”



Napakunot na lang ako ng noo pero…



“Ay teka Atasha!!!” Bigla na lang niya akong hinablot at nakatalikod kami kay kumag! “Ano ka ba namang babae ka…” Bulong niya saakin. “Nakabukas pala yang blouse mo! Kita yung bra mo na kulay pink!”



Huwaaattt?



“Wow, hot pink.”



Anak ng kambing naman!!! Ang laking tae naman oh! Kaya pala niya sinabi yun! Bwiset yan! Napaka-manyak talaga ng lalaking yun! Argh!!! Bakit ba sunud-sunod ang pagkapahiya ko sa harap niya!!! Nakakahiya shemay!!!



Nakakainis!!! Raaaawwwwwrrr!!!








Nasa bus stop na kami pero syempre hindi kami nag-iimikan. Si syokoy na Laris naman nakapikit lang habang nakatayo at nakikinig sa earphone niya. Napapatingin ako sa kanya kasi nga ano… gwapo siya… gusto ko siyang batukan. Nakakabwiset lang  talaga pagmumukha niya!



May tumigil nang bus sa harap namin tapos naunang nang sumakay si Laris. Kitam mo naman, napaka-gentleman niya noh! Ang sarap panain ni cupido ng arrow na may lason!!!



Hindi ako sasakay sa bus na yan dahil parang kaming dalawa lang yata ang magiging pasahero dun sa loob. Bukod pa dun, ayokong makasabay sa pagpasok si manyak! “Hoy miss sakay na! Kailangan kong kumita, wag ka nang mag-abang ng ibang bus.” Epal naman ‘tong si manong driver!



"Oo na manong, ito na nga sasakay na." So dahil nagpapaawa effect si manong, sumakay na lang din ako ng bus.



Nakaupo si Laris sa medyo gitna sa bandang kaliwa kaya dun ako pumwesto sa bandang kanan sa medyo unahan na. Mukha na siyang walang pakelam sa mundo kasi hindi naman nakapikit lang siya ulit habang nakaupo naman.



Nakasilip na lang ako sa bintana habang umaandar itong bus. Ano kayang mangyayari sa first day ko sa school. Think positive Atasha!



Bigla na namang tumigil ang bus dahil may pumarang pasahero… at pumasok ang dalawang manong na mukhang mga bangag. Madaling araw, naglasing sila? Magkaakbay silang dalawa at nagkakatahan pa tapos namili pa sila ng uupuan nila eh samantalang ang daming upuan sa pinakaharap.



Kinabahan tuloy ako nung napatingin sila sa banda ko. Tapos nagtawanan yung dalawang manong. Mygawd naman!!! Papalapit sila saakin!!! Mukha pa naman silang mga manyak! Juskoday, wag sana silang tatabi saakin! Wag sana silang tatabi saakin! Wag sana silang tatabi saakin!!!



Napapikit na lang ako habang nagdadasal ako. Wag sana silang tatabi saakin!



“Hi miss! Ang ganda ganda mo naman!”



“Patabi sayo miss ha.”



OHMAYGAWD! Nakakatakot sila!!! Tama kapag minanyak nila ako, hindi ako magdadalawang-isip na…



Ha…? Napadilat ako ng mata ko habang nagre-ready na sa plano ko. Kaso wala naman sa harap ko o sa tabi ko yung dalawang lasenggo.



“Lumayas nga kayo sa harap ko.”



“Sige na miss wag ka nang magpakipot.”



Pfffttt!!! Si Ate Gandang Laris ang nagustuhan nung dalawang lasenggo! Hwahaha!!! Napagkamalan na naman siyang babae! Hwahahaha…

Ikaw naman kasing lalaki ka, papasok ka sa school na ganito ka kaganda.
Maganda ka pa saakin jan sa ayos mo eh.
Yan tuloy, natipuhan ka ng mga lasenggo.

Teka… bakit ako natatawa? Isa lang naman ibig sabihin nun, mas maganda talaga si Ate Ganda kesa saakin… Mukha pa siyang babae saakin? T^T… okay na din yun, basta hindi ako mamanyak!


Nagulat na lang ako bigla nang makaramdam ako na may tumabi bigla saakin. “Ikaw miss, pwede bang sayo na lang kami? Pagtyatyagaan ka na lang namin. Masungit si miss ganda dun sa likod eh.” Pooot~ So second choice ako? Ang masklap pa pagtyatyagaan lang daw ako! Anak ng hinayupak yan!



Pero hindi yan ang dapat problemahin ko! Bukod sa masangsang na amoy ng alak sa manong na ‘to, ang manyak times ten pa niya! Uwaahhh!!! Kaduray much!!! Anong gagawin ko! Syet lang!!!


“Hoy hot pink!!!” Napalingon ako sa boses ni Laris na nakatayo na ngayon dun malapit sa pwesto namin. “Tara baba na tayo!”



“Ha… ah…” Agad akong tumayo at bago pa man kami harangan nung isa pang lasenggo, hinila na ako agad ni Laris pababa ng bus.



Grabe, hindi naman kami nagmarathon pero hinihingal. Sa takot na rin siguro.



“Ma… malayo pa tayo sa TMU…”



“Malayo pa talaga kung hindi ka na magsisimulang maglakad jan.”



“Ha? Hindi ba pwedeng mag-abang na lang ulit ng bus?”



“Bawal na ang magsakay sa banda rito.” Tapos tinalikuran niya ako at halatang bad trip siya dahil sa mga bastos na lasenggo kanina.



Pero lalaki naman siya ha! Hindi ba niya kayang labanan na lang yung mga lasenggo? Ah… baka lampa si Ate Ganda! O kaya hindi lang siya talaga marunong makipag-away kasi alam mo na… duwag!



Nauna na siyang maglakad saakin tapos nakasunod lang ako sa likod niya.



Infairness lang ha, ‘talikodgenic’ siya! Ang ganda o ang sexy niya kapag nakatalikod. Kapag nakatalikod naman pala, masasabi mong lalaki siya. Ibawas lang natin yung medyo long hair niya.



‘Teka… ano ba ‘tong iniisip ko?’ Umiling-iling ako. Bakit ba ‘tong si syokoy ang iniisip ko ha? “Ay tipaklong! Aray naman!!!” Bigla na lang ako nauntog kasi hindi ko na nakita yung dinadaanan ko. Nabunggo pala ako kay Laris, at ngayon nakatingin na siya saakin.



“Ikaw, umamin ka nga. Isa ka sa kanila noh?”



“Isa ako sa mga gustong pumatay sayo. Ano bang sinasabi mo ha?”



Tinaasan niya lang ako ng kilay na parang hindi naniniwala. Ano na namang problema nitong hinayupak na ‘to? “Paano mo nalaman yung dorm na tinitirahan ko?”



“Magulang ko ang nagpasok saakin dun sa dorm na yun! At hoy naman! Bakit parang ang pinalalabas mo na sinusundan kita. Wag kang feeling! Pwede ba!”



“Eh bakit sa TMU ka rin papasok?”



“School mo ba yun? Dun ko gustong mag-aral eh.”



“Tss…” Tinawanan niya ako a meron talagang sapak ang laris na ‘to. “Ganyan na ganyan ang palusot niyo mga babae. Ito lang sasabihin ko sayo ha. Hindi kita type. Wala kang mapapala saakin.”



“Ang hangin! Ramdam mo? Ang kapal ng mukha mo!!!” Gusto ko siyang kalmutin ng kabilaan! “Ano naman kung hindi mo ako type, hindi rin kita type noh!” Tapos binuggo ko siya para mauna na lang ako sa paglalakad. Hindi ako makakatagal na kausapin ang E.T. na ‘to!



“Sa oras na kumalat sa buong TMU kung saan ako nakatira, ipapakalat ko rin yung pictures mo!”



Ano daw?



Ako? Ipagkakalat ko sa buong university kung saan siya nakatira?



Sino ba siya ha?



Sikat ba siya para maging issue na malaman ng lahat kung saan siya nakatira?



At teka lang ha…



“Yung pictures ko?” Tumitirik na mata ko sa inis at naglakad ako pabalik sa kanya! “Sabi mo binura mo na yung pictures ko! Nyeta ka!!! Walang hiya!!!”



Naghamunan kami ng tingin. Kung nakakamatay lang ang pagtitig, pinaglalamayan na siguro ang lalaking ‘to. “Suntukan na lang oh.”



“Kababae mong tao ang maton mo.”



“Weh lang ha! Duwag ka pala sa suntukan eh.”



“Hindi ibig sabihin nun, hindi kita kayang gulpihin.”



Aba naman!!! Nakasarado na ang dalawang kamay ko, ready to punch this guy’s beautiful face. Pero bago pa man ako makaporma…



“Ito tatandaan mo Hot Pink, sa oras lang talaga na may makaalam kung saang dorm ako nakatira, makikita mo. Makikita mong pinagpi-pyestahan na ng lahat ang pictures mong naka-underwear lang.”



“Uwaahhh!!! Saan mo ni-save yung mga pictures ko?”



“Sa site na hindi mo alam.” Kaya nga saan ang tanong diba! Pero mukhang wala lang talaga siyang balaka sabihin.



Ngayon, ako naman ang binunggo niya para mauna siya ulit na maglakad. Nakakainis lang talaga!



Argh!!! Nakow naman po!!! Inuubos talaga ng syokoy na manyak na half-ET na yun ang pasensya ko! First day pa man din at hindi pa nga ako nakakapasok sa TMU, bad trip na ako.



Hoy Atasha, tignan mo anong oras na.



Speaking of TMU, anong oras na nga ba?



Pagtingin ko sa wrist watch ko…



“OHMYGALY! Ten minutes na lang magsi-six na!!! male-late ako nito!!!”



Kumaripas ako ng takbo at syempre, binalik ko ulit yung pagkakabunggo saakin kanina ni Ate Gandang Laris.



Binulyawan pa niya ako pero binelatan ko lang siya. Akala niya ha!



Anyway, takbo Atasha! Takbo!!! Bawal kang ma-late sa first day mo! Hahanap ka pa ng magandang pwesto sa room mo diba? Makikipagkaibigan ka pa sa magiging seatmate mo diba!



Bilisan mo Atasha!!!




(Disclaimer: I do not own the photo used in this post. Credit goes to the owner!!!)

End of Chapter 2


7 comments:

  1. grabe! ms nauna png mapnsin ang beauty ni laris kesa kay atasha. hahahahahhhhaa!

    laughtrip, ang kulit ni laris! nkkakilig n bsta!!!! nxt n agd ate!!!!

    ReplyDelete
  2. wahhhhahaaahhahahahahhahhaaa!!!!

    ang gnda mu nga d2 laris, nkakakinlab k tlga!!!!

    ReplyDelete
  3. wow hot pink! lol XD XD XD

    ang kulit nitong si laris! haha!

    ReplyDelete
  4. hahaha....hot pink>..<...next next

    ReplyDelete
  5. Gusto ko si Laris. Maginoo na medyo bastos. Trip ko un. HAHAH

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^