Wednesday, February 8, 2012

Boyfriend in Disguise : Chapter 11

Chapter 11
(ISHY ARAVILLA POV)




Saan pa nga ba ako pupunta kundi dun sa secret room! "What was that all about Riley!" Nagsasalita ako habang umiiyak, kausap ang sarili ko. This is so much to take! Hindi ako makahinga sa sobrang sama ng loob ko.



Then my phone vibrated... Boo is calling. Sasagutin ko ba siya? Anong pag-uusapan namin? Si Casey?



Ayoko... ayoko muna siyang kausapin so I turned it off. "This isn’t the first time..." This isn’t the first time na may lumabas na ganitong issue with his past loveteams. “Pero bakit sobrang sakit ngayon?”



Then I heard a voice from my back. "Ishy..."



"Johann...?" A need a friend this time. Someone who could somehow understand my pain.




Photobucket




.



.



.



But it wasn't him... it was Riley. "Ishy." Lumapit siya saakin, and when he saw me crying, he ran towards me and hug me.



"Bitawan mo ako!" This is how painful I'm feeling right now, na hindi ko siya kayang tignan o kausapin.



"Let me explain."



"I don't need it!"



"I need to! Ayokong magalit ka saakin sa maling dahilan!"



"Maling dahilan!!!" Tinulak ko siya palayo saakin. "Then go ahead! Explain why did the two of you kissed? And how the hell did she end up being your girlfriend!"



Gusto niya akong hawakan, but I didn't let him touch me. "She knows Ishy. She knows about us."



"What?" So now binablackmail ni Casey si Riley? Ganun ba yun?



"And she's doing us a favor! She's doing YOU a favor!"



"Now she's helping me?" Grabe! Nakakatawa lang 'to! And they actually think I'll believe that crap?



"Alam niya kung gaano ka-delikado ang relasyon nating dalawa. It's not all about my career, but it's also about your identity and privacy! Paano kung may makaalam..."



"For heaven's sake! Ilang taon na ba nating tinatago ang relasyon natin ha!"



"Yeah! But now may nakaalam na! Okay it's my fault na nalaman ni Casey dahil nahuli niya tayong magkausap on phone kagabi. But believe me Ishy, yung pagpapanggap namin, it's purely business! Casey suggested it not to get me, but to get the mass' attention." No! I don't believe that! I will never believe na walang gusto si Casey sa kanya! "She's doing this para din pagtakpan tayo if ever."



"You want to do this with her? Fine! Gawin niyong dalawa! Magsama kayo!" At bago ako tuluyang umalis, may sinabi pa ako. "But one thing, I will never accept that reason na gusto niya lang itago ang relasyon natin because if she really does, sana ginawa niya na lang without asking you on a fake relationship!"



Saka ako umalis. "Ishy!" Tinawag pa niya ako pero hindi ako lumingon.



Ngayon hindi lang ako nasasaktan, nagagalit pa ako. I don't know what it is with Casey, but I'm never wrong with my instincts! Alam ko! Alam kong hindi lang yun para sa popularity ng loveteam nila.



Lumipas ang araw na hindi magkausap ni Riley. Halos magdadalawang linggo na siyang  hindi nagpaparamdam saakin. Ni-hindi niya rin ako tinatawagan. 



Nakuha niya akong tiisin dahil sa away namin na yun about kay Casey, and now this making me more miserable. But what's worse? Yung iba't ibang balita tungkol sa kanila!



"Ca-Ri Loveteam First On-screen Kiss", "Casey left a romatic note for her boyfriend", "Riley surprised girlfriend Casey on a TV guesting""Riley and Casey Spotted on a Date", and stuff like that! Nakakasuka! Nakakasama ng pakiramdam!



Nag-alarm ang orasan ko pero ayoko pang gumising. "I'm not going to school."




Photobucket




At tinakpan ko ang ulo ko ng unan. Kaso nag-alarm ulit ang alarm clock ko... "Ano ba!!! Bakit hindi ka makisama ha!"





Photobucket



So tinaggal ko yung battery. Pati yung walang malay na orasan, dinadamay ko. Ang tagal ko nang walang matinong tulog eh, at hindi pa ako nakakakain ng maayos. "Paano mo ba kasi ako natitiis ha!" At sinuntuk-tuntok ko yung isang teddy bear na binigay niya saakin na kasama sa collection ko. "Hindi kaya break na talaga kami?"



*     *     *

(RILEY DAYNE POV)



"Tatawag na ba ako o hindi?" Tapos ni-check ko yung cellphone ko. "Text na lang siguro... tama text na lang!"





Photobucket




"Ay hindi... malamang galit pa rin yun ngayon." Punyemas na yan! Lalo pa ngayon na grabe yung balitang kumakalat sa TV, newspaper, radio at internet! Mantakin mo ba naman na lahat gawing big issue dahil daw power couple kami ni Casey!



Bukod pa dun, may bwiset na paparazzi ang madalas na sumusunod saamin. At ang favorite lang na kunin ay pictures naming dalawa ni Casey!



"Tss... my boo." Tapos tinignan ko ulit yung phone ko, tapos tumitig ako sa picture niya.





Photobucket




"Syet... mamamatay na yata ako kakaisip sa kanya!" Tatawag na ba ako? At nung nagkaroon na ako ng lakas ng loob para sa wakas ay tawagan na siya... "Argh!!! Bakit lowbatt ako!!!"



"Boss Riley?" Biglang lumapit ang P.A. ko. Nakow baka siya mapagdiskitahan ko eh! "Bakit po kayo nagwawala?"



"Nagi-internalize ako! May ganitong scene sa next taping diba? Yung nagagalit ako! Yung namimiss ko kunyari yung tao minamahal ko! Yung hindi ko siya matext o matawagan dahil nag-away kami! Yung naasar ako dahil tatawag na sana kaso na-lowbatt ako!!!" Rawwwrrr!



"Boss, okay ka lang ba talaga? Bukas pa yung taping niyo. At tsaka parang wala namang ganung scene." Eepal pa! Sisantehin ko 'to eh!



Tumayo na ako sa kinauupuan ko, "Aalis na ako." Hindi na ako makakatiis pa!



"Pero boss, may meeting kayo with your new clothing line endorsement."



"Then cancel it!" Hindi na ako nagpapigil. Nasa lobby na ako ang kaso umeksena na ang manager ko. Hinahabol niya ako!



"Riley, ano na namang problema 'to ha? Aalis ka? Malapit na yung meeting."



"M.J..." In short for Manager Jeff. "Kung talagang gusto nila akong kunin, papayag silang ipagpabukas na ang meeting na yun! I have personal things to do!"



"Personal things?" Tapos heto na yung pang-asar na ngiti at tingin ng manager ko. "Pupuntahan mo lang yata si Casey eh. Nagkita naman kayo kahapon ng girlfriend mo ha, namimiss mo agad."



"Hindi noh!"



Umakbay bigla saakin si M.J. "Alam mo pasalamat ka Riley at tinaggap ng publiko yang relasyon niyo ni Casey. Kahit na bumaba ng konti ang ratings ng fandom mo, tumaas naman ang ratings ng loveteam niyo ni Casey."



"Oh so?" Hindi ko lang ma-gets!



"So... kung si Casey lang ang pupuntahan mo, hala sige na nga! Papayag na ako."



Napangiti ako bigla. Sige na nga! Idadahilan ko na lang si Casey. "Thank you M.J.!!!"



Ayan na! Okay na ang lahat! Makakapunta na ako kay Ishy! Kaso...



"Ahem..." Taragis! Anong ginagawa ni Casey dito!!!



"Oh... nanjan na pala si Casey Anne! Tamang-tama! Alam mo bang pupuntahan ka dapat ni Riley ngayon! Pina-cancel pa niya ang meeting niya just to see you."



"Talaga!" At kinilig pa siya kunwari siya! "Is it true Riley? You cancelled you're meeting just to see me?"

Photobucket

"Ha... yeah..." Potek! Of course not! Dinahilan lang kita!



"Ow your so sweet!" Tapos ni-kiss pa niya ako sa pisngi. "Don't worry Manager Jeff, Riley doesn't have to go na. Nandito na ako eh."



"Good! So tuloy ang meeting niyo ha! Sige, iwan ko muna kayong lovebirds!" Tinapik pa ni M.J. ang likod ko. "You're the man, Riley!" Saka siya umalis.



Nang maiwan na kaming dalawa, "Anong balak mo ha? Makikipagkita ka kay Ishy girl noh?"



Pinunasan ko naman yung lipstick mark na nasa pisngi ko. "Why are you here anyway? We don't have to pretend dahil walang press dito!"



"Hush Riley dear." Sadyang pa-sweet lang ba talaga 'tong babaeng 'to? Bakit ba gustung-gusto niya 'tong pagpapanggap namin! "Nakatingin yung girls sa front desk!" At umarte siya bigla na girlfriend ko. "Have you seen how many people signed-up for the Ca-Ri Loveteam official website? It's a sensation!"



"Yeah... mas marami pang fans kesa sa official fansite mo."



"What did you said?"



"Wala..." Tumayo ako at hindi pa rin nagbabago ang plano ko. Aalis ako!



"Where are you going?"



Pero bago yun, gagawa muna ako ng acting scene! "Alright Casey! Ikaw nang bahala kay Manager Jeff ha. Fours ang byahe ko nun, pero ibibili pa rin kita ng favorite mong cake." Sinadya kong malakas ang boses ko.



"What?"



Syempre, hindi niya alam ang show ko! Show ko 'to eh! Tamang-tama, pinagtinginan na kami ng mga tao sa front desk. "Hi mga ate." Nginitian ko yung mga tao sa front desk, at natulala sila.





Photobucket




"Kapag hinanap ako ni M.J. sabihin nyo inutusan ako ng girlfriend ko ha? Bye!" At saka ako tumingin ulit kay Casey. "Bye Casey! I'll miss you! Ikaw nang bahala sa mga kameeting ko ha!" Pweh!



"Ha? Wait Riley!"



Pero syempre tumakbo na ako palabas papunta sa carpark. Yung sasakyan ulit ng P.A. ko ang kinuha ko, at nagpaalam na lang ako sa text.



*     *     *

(ISHY ARAVILLA POV)



Sa huli, wala akong choice kundi pumasok. Kesa naman kasi magmukmok ako sa bahay at isipin lang yung problema ko tungkol kay Riley at Casey, papasok na lang ako at magpapaka-busy sa pag-aaral!



Paalis na ako ng condo nang biglang may makita akong lalaking nakatayo malapit sa isang sasakyan.






Photobucket






Nang magkatinginan kami... "Ishy."



"Riley?" Napakunot ako. Mygawd, namiss ko siya! Gusto ko siyang yakapin ngayon! Kaso naalala ko yung about kay Casey kaya imbes na lapitan ko siya, I proceed on my way at iniwasan siya.



Pero sinundan niya ako at hinawakan ako sa braso. "Let's talk please!"



"Nagawa mo akong tiisin ng halos ilang linggo and now you want to talk!"



"Ikaw rin naman ha! I didn't hear anything from you."



"And you expect me to call you first?" Pinagtinginan kami ng tao, kaya na-conscious si Riley na itago ulit ang mukha niya. Kung hindi kami mag-iingat at mag-eeksena dito, makikilala siya ng mga tao!



"Wag ka nang pumasok." Tapos hinila niya ako pabalik sa condo at pumunta kami sa unit ko.



Pagpasok namin sa loob, tahimik lang kaming magkaharap sa isa't isa. Nagpapakiramdaman kami kung sinong unang magsasalita.



Pero gusto kong siya ang maunang magsalita. At isang salita lang gusto kong marinig... sorry! Yun lang! Kaso wala lang siya imik, kaya lalo lang ako naasar. "I'm going..."



Pagtalikod ko sa kanya, saka niya ako niyakap. "Ishy please... let's talk." Gusto kong kumawala pero gusto ko rin ang pagyakap niya saakin ng ganito. "Do you know how much torture is this?”



“Sa lagay na ‘to, ako pa ang nanakit! Nakakapagod Riley… nakakapagod ang ganito.” Alam niyang may karapatan akong sabihin ito dahil hindi naman ito ang unang beses na nag-away kami sa ganitong dahilan.



“Bakit Ishy? Wala ka nang tiwala saaken? Susuko ka, ganun ba?”



“Alam mong hindi yan ang ibig kong sabihin.” Dahil kapag sumuko ako, katapusan na rin ng relasyon namin yun. “Ang gusto ko lang…” Namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak, at ngayon umiiyak na naman ako. “Ang gusto ko lang… ang masabi mong hindi dapat ako matakot sa nangyayari ngayon. Dahil natatakot ako Riley… natatakot ako sa mga nangyayari ngayon. Sayo… at saaten.”



Natatakot ako sa pwedeng gawin ng babaeng yun. Hindi ko pa siya kilala, at hindi ko rin maintindihan ng lubos ang intention niya… pero kung ano man yun, hindi panatag ang loob ko doon.



“Wag kang matakot Ishy.” Saka niya ako iniharap sa kanya. Now we’re looking directly at each other’s eyes, at malalaman ko kung gaano ka-sincere si Boo. “I won’t let her ruin our relationship… so please forgive me. I’m very sorry. And I miss you a lot Boo, I really do.”



Naupo kami sa sofa, at saka niya ikinuwento saakin ang lahat. “Nothing else? Sigurado ka bang yun lang ang gusto niya? For her own popularity boost?”



“Yeah. After niya kasing malaman yung tungkol satin, iniisip niya na kapag lumabas ang tungkol dun, baka amdamay din ang career niya. Accidents like this happen, may makakaalam din talaga just like what happened that night.”



“So what about the news… yung pictures na nagde-date kayo… na ang sweet niyo kunyari sa tapings.”



“That’s a complete crap. She created all of those lies! Kumbaga para promotion para sa team-up namin… at para walang maghinala na nagkukunwari lang kami para pagtakpan ang secret girlfriend ko.”



But I still don’t get the point! Ayoko ng pagpapapanggap nila na mag-on sila dahil lalo lang akong naasar kay Casey. “And she said that para na rin ma-protektahan ang identity.”



“Protect my identity from who? From her! Siya lang naman ang nakakaalam tungkol saatin.” Matagal siyang natahimik ‘coz I know he get my point. “Well unless may plano siyang gamitin ang bagay na ito sa ibang paraan. Like to blackmail you… ‘coz she likes you.”



Biglang natawa si Riley, as if nagjo-joke ako! “Impossible! Walang gusto saakin ang babaeng yun.” Eh ano namang impossible dun! Bukod sa gwapo at sikat siya, wala namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya! “But if that’s the case, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko. At alam niya rin yun.”



Hindi ako sumagot. “Trust me on this Ishy. Ayokong pati ang privacy mo, magulo nang dahil saakin.”



“Pero hindi naman pwedeng patuloy kayong magsinungaling sa publiko diba? Ano yun, ganito na lang? Magpi-pretend kayo na may relasyon kayo? Hanggang kailan Riley?” Malaking gulo at problema! At malaking sakit sa puso rin ito dahil pilit kong mang iwasan, nakakapang-selos talaga!!!



“Kaya nga naiisip pa ako ng plano eh. And we just have to endure this lie until I figure out something.”



Sabay kaming napabuntong-hininga. Tapos nagkatinginan. Mahaba-haba na rin itong usapan na ‘to! Kanina pa siya nage-explain na hindi nga ako dapat mag-alala kay Casey… at swear! Pilit ko talaga siyang inaabsorb.



Maya-maya, biglang naging awkward ang mga tingin namin sa isa’t isa kaya natawa na lang kami pareho. Para lang kaming mga baliw, away-away muna yung tipong parang break-up na, tapos konting usap lang, bati na agad! “Tawa-tawa ka pa jan!” Pero asar pa rin ako dun sa Casey na yun! Ewan ko ba!



“Eh namiss kita eh!” Sabay yakap kaming dalawa. “Aminin mo, namiss mo din ako.”

Photobucket

“Hindi… galit ako sayo nun noh.”



“Weh pero bati na tayo ha.” Pinipilit kong sumimangot pero ang kulit-kulit na niya! “Sige na! bati na tayo!” Tapos kinikiliti-kiliti pa niya ako! “Ishy! Bati na tayo ha! Ha! Ha!”


At dahil nakikiliti na talaga pero ayoko pa ring tumawa, binatukan ko na lang siya ng napakalas. Yung tipong tumalsik din yung utak niya. Napa-aray na lang siya. “Okay… I’ll take that as a yes… na bati na tayo!” At ni-kiss na lang niya ako bigla sa lips.



Actually hindi lang yun ang namiss ko… pati mga banat niya. “Bago kita patawarin, sampulan mo muna ako ng banat mo. Pag ako hindi kinilig, better luck next time.”



“Ha?” Bigla siyang nag-isip ng malalim. Siguraduhin niya lang talaga na kikiligin ako ha! “Ishy, alak ka ba? Ang lakas na ng tama ko sayo eh.” Ang KORNI syet!

Photobucket

Kinabahan siya bigla sa reaction ng mukha ko. “Eh ikaw? Alak ka rin ba? Nasusuka ako sayo eh.”



“Ehh… hindi mo gusto yun?” Basag siya nun!



“Hindi! Hindi ako masaya! Mag-isip ka ng mas maganda! Isang chance na lang ‘to! Pag ako hindi natuwa, lumayas ka na sa harapan ko.” Ahahaha! Ang sadista ko lang! Ako lang ang may karapatang makagawa ng ganyan kay Riley!



Natahahimik siya ulit, and this time, seryoso na daw talaga siya. “Sa sobrang dami ng mga cheesy lines ngayon, wala na talaga akong maisip!”  Ah ganun! Nakakaawa na siya! Sige na stop na nga ako! Nantitrip lang naman ako eh! “Wala na akong maisip… kundi ikaw.”



Pagkasabi niya nun, saka ko siya ulit binatukan. “Aray! Bakit na naman? Pwede mo namang sabihing hindi ka natuwa eh! Bakit kailangan manakit?”



“Ay sorry Boo!” Kinilig kasi ako eh… Wushu!!! “Sige na… pinapatawad na kita. Pero ayus-ayusin niyo lang ni Casey yang pagpapanggap niyo! I’ll be watching you two!” And that’s how we end a fight.



Pero yung laban namin sa Casey Anne na yun, hindi pa natatapos! Maghintay ka lang Casey, makikilala rin kita! Malalaman ko rin talaga ang tunay mong plano.





(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)

End of Chapter 11


6 comments:

  1. copy-paste q n lng ung commnt q dun s pf! hahaha, e2 oh!

    |
    V

    1st! nkkainspire nmn tlga clng dlwa! npkasweet!!!!! ang cute nung gif n tumtingin si riley s cellphone tas pix ni ishy! wahh! i like that! supah! tas ung ngwwla siya kunywi nagiinternlize daw. hahahahaha.....

    ayi! at s wkas bumbnat n ult si riley, kso ung una ang dmi kong twa! sagutin b nmn ni ishy na nakksuka daw! hahahahahahhahahahhhh!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga! 1st ka nga din dun sa pf... ahahaha... LOL >___<

      Delete
  2. nauna q n siyng nbasa s pf... :D

    “Sa sobrang dami ng mga cheesy lines ngayon, wala na talaga akong maisip kundi ikaw...”

    sbhin sken ng llki 'to, ssgutin q agd! hahahahahhhha!!! lalo p kung kamukha ni riley un! nkow!!!! aq p manliligaw!


    -anew_beh

    ReplyDelete
    Replies
    1. mauuna na rin akong mag-reply dito... tinatamad ako sa pf ehh... ahahahaha...

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^