Friday, January 27, 2012

Tunay o Nagkukunwari [POEM]

(Credit goes to the owner of this photo)

Masarap magkaroon ng kaibigan
Na palagi sa tabi mo at nagpapatawa
Ngunit hindi ka sigurado
Kung tunay ito o nagkukunwari

Ang tunay na kaibigan ay biyaya ng Diyos
Ibinigay Niya ito para magkaroon tayo ng kasama
Ngunit ang tunay ay mahirap hanapin
Kaya minsan nagtitiwala tayo sa di totoo.

Ang mabuting kaibigan ay totoong-totoo
Ang tunay ay makapagkatiwalaan
Ang tunay ay tumatanggol sayo
Ang tunay ay may malasakit at tanggap ka

Subalit ang balat-kayong kaibigan ay masama
Pinipilit kang gawin ang di tama
Nandiyan lang siya kapag kailangan ka
Ngunit sinisiraan ka kapag ika'y nakatalikod

Kaya bago magtiwala sa isang kaibigan 
Alamin muna kong masama ito o mabuti
Para mabuhay ka ng masigla sa mundo
Na puno ng pagmamahal mula sa Diyos.


Malayang tula ni Phoebe Ann

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^