Friday, January 27, 2012

Pers Time [POEM]

(Credit goes to the owner of this photo)

Pers taym kitang nakilala
Puso ko'y may iba ng nadarama 
Hindi maipaliwanag kong ano iyon
Hindi mapalagay tuwing kausap ka

Pers taym mo akong niyaya
Niyayang makipagsayaw sa kaunting sandali
Sandaling kay tagal hinintay
Sandaling ayaw nang palipasin

Sa ngiti mo ako'y nadadala
Bakit? ako ba'y ginayuma 
O pers taym lang nginitian mo
Kaya ako'y madaling naakit mo

Subalit pers taym mo rin akong sinugatan
Sugat na kailanman ay mahirap hilumin
Nang ipagtapat sa iyo ang tunay na pag ibig
Pagkat kaibigan lang pala ang turing mo


Malayang tula ni Phoebe Ann

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^