Friday, January 27, 2012

Walang Malay [POEM]

(Credit goes to the owner of this photo)

Sa pagtama ng ating mga mata
Walang malay akong nahulog sayo
Pinaiba mo ang tibok ng puso ko
Binago mo ang ikot ng mundo ko.

Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito?
Sa isang ngiti mo lamang ay punong-puno na ako
Pinapaapaw na ng pagmamahal mo
Ang hungkag kung puso

Ewan ko ba? ba't  madaling nagtiwala
Ang ulol kong puso sa balat kayo mong pag-ibig
Naging bingi't bulag ako
Sa pagmamahal mong di totoo

Pinaniwala mo ako na wala ng iba
At ako lamang ang tangi mong mahal
Pinaniwala mo akong habambuahy tayo
Ngunit ikaw pa ang unang nang iwan

Napakasakit ng ginawa mo
Kasing sakit sa hiwa ng kutsilyo
Ngunit isang leksyon na iyon sa akin
Na kailanman  hindi na ako iibig sa isang katulad mo

Pinapangako ko hindi na ulit maging tanga
Ang inosente kong puso
Hindi na muli magpapabihag
Sa pusong puno ng kasinungalingan.

Malayang tula by Phoebe Ann

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^